Home / Romance / I'm inlove with a PRIEST / I'm inlove with a PRIEST

Share

I'm inlove with a PRIEST

Author: ken ken
last update Last Updated: 2022-09-13 11:55:41

I'M IN LOVE WITH A PRIEST

[General Fiction/Romance]

[CHAPTER 3]

A/N: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. Maraming salamat.

-----

“Anong ginagawa mo?” Bungad sa akin ni Nicole nang pumasok ito sa kuwarto namin ni mama. Kasalukuyan ko kasing inaayos ‘yong mga damit ko at ibinabalik ito sa loob ng travelling bag ko.

“Babalik na ako sa Manila, Nics.” Tugon ko nang lingunin ko siya.

“Ano? Bukas na ang kasal ko, Myks. Para kang t*nga.” Inis n’yang sabi nang tumayo siya sa harapan ko at nameywang.

“Sorry. Bigla ko kasing naalala na may kailangan nga pala akong i-submit na story sa publisher ko bago mag-Lunes. Nawala sa isip ko, eh.” Pagsisinungaling ko. Seryoso kasi talaga ‘yong galit ni mama no’ng nagdaang gabi. Hindi niya talaga ako kinakausap hanggang mag-umaga. Pinauuwi na niya talaga ako at ayaw ko namang lalo s’yang mangunsume kaya uuwi na lang ako para mapanatag na rin ang kalooban niya na hindi ko siya bibigyan ng kahihiyan.

“Huwag ako, Myks. Alam ko ang totoo.” Turan ni Nicole kaya tiningnan ko siya. “Narinig kong pinagagalitan ka ni tita Minda kagabi. Ano na naman bang ginawa mo?”

Inihinto ko ang pagliligpit ng mga gamit ko. Naupo ako sa gilid ng papag para i-focus ang buong atensiyon ko kay Nicole.

“Lumabas kasi ako kagabi, tatambay sana ako ro’n sa duyan kasi hindi pa naman ako inaantok, eh bigla ba namang um-epal ‘yong paring si Samuel. Ginulat ako, eh ‘di nainis ako.” Kuwento ko. “Tapos, I decided na bumalik na lang dito sa loob ng bahay kasi nga nainis ako. Ang lokong ‘yon, humarang sa pintuan, so sa inis ko, tinadyakan ko siya sa harapan.”

“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

“Actually, hindi ko naman sinasadya, eh. Na-guilty nga ako pagkatapos. Akmang hahawakan ko sana ‘yong kamay niya kaya lang ang likot niya, so iba ‘yong nahawakan ko at sa gano’ng sitwasyon kami naabutan ni mama.”

“Teka lang, ano ‘yong nahawakan mo ba at nagalit si tita Minda?”

“’Yong ‘ano’ ni father...” Nangingiti kong tugon. “’Yong alam mo na.”

“What?” Gulat n’yang tanong habang nagpipigil sa pagtawa. “Ang bastos mo, Myks.”

“Anong bastos do’n? Eh, hindi ko naman sinasadya. It was an accident.” Tumatawa kong sabi at mas lalo akong natawa nang damputin ni Nicole ang isang unan bago niya ito ibinato sa akin kaya tinamaan ako sa mukha. “Kung sinadya ko, ‘yon ang bastos, pero hindi ko naman talaga sinadya ‘yon. Nagulat nga ako, eh.”

“Aysus, huwag nga ako, Myks.” Tumatawa ring sabi niya. “Kaya naman pala nagalit si tita Minda, eh.”

“I’m not sure kung nakita ba ‘yon ni mama. Hindi naman yata. Ang ikinagalit niya lang yata eh, ‘yong nakita n’yang nakikipagtitigan ako kay father Samuel.”

“Sana nga hindi nakita ni tita Minda ‘yong kapilyahan mong tinatawag mong ‘aksidente lang’ para naman kapag nakiusap ako sa kanya na payagan ka n’yang manatili dito kahit hanggang bukas lang eh, mapagbigyan niya ako.”

“Okay. Good luck. Malakas ka naman kay mama, eh.” Nakangiting turan ko sa kanya.

Muli kong ipinagpatuloy ang paga-ayos ng gamit ko nang makalabas na si Nicole ng silid. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na rin ako. Nagtungo ako sa kusina kung saan naroroon sina tiya Mayet at tiya Maria.

“May maitutulong po ba ako sa inyo mga magaganda kong tiya?” Nakangiting bungad ko sa kanilang magkapatid kaya parehas silang natawa.

“Napaka-bolera mong bata ka.” Tumatawang turan ni tiya Maria, panganay na kapatid ni mama at ina ni Nicole, bago nito hinaplos ang aking buhok. “Huwag mo na kaming tulungan, kuwentuhan mo na lang kami.”

“Oo nga, pamangkin, balita namin eh, isa ka raw magaling na manunulat ng romantikong nobela.” Nakangiting sabi ni tiya Mayet habang sinasalinan nito ng ulam ang isang bowl. “Baka nama’y p’wede mong i-kuwento sa amin ang isa sa mga nagawa mo na para naman kiligin pa rin kami kahit matatanda na kami.”

“Uhm... Fictional lamang ho ang mga isinusulat ko. Hindi ho iyon totoo. Base lamang po sa imahinasyon ko kaya sa tingin ko ho’y hindi ko naman ho dapat i-kuwento sa inyo.” Alanganing tugon ko. Hindi kasi ako ‘yong tipo ng tao na magaling mag-kuwento verbally, mas bet ko talagang nagsusulat habang may mga ideyang tumatakbo sa isipan ko.

“Ah, gano’n ba?” Turan ni tiya Maria. “Eh, ‘di kuwentuhan mo na lamang kami ng tungkol sa love life mo.”

“Uhm... Naku po, mas lalo pong hindi n’yo magugustuhan kasi bokya po ako pagdating sa usaping pag-ibig.” Natatawang tugon ko na ikinatawa rin ng mga ito.

Napansin kong inilapag ni tiya Mayet ‘yong bowl na may lamang ulam sa mesa bago niya ito maingat na tinakpan.

“Para kanino po ‘yan, tiya?” Curious kong tanong.

“Kay father Samuel, hija.” Tugon nito. “Nakasanayan na namin kasi na palagi s’yang isahog sa pagkain simula ng ma-assign siya rito sa ating lugar. Nakiusap kasi sa amin si father Rick na asikasuhin namin si father Samuel.”

“Ah, okay po. So, dadalhin n’yo pa po ‘yan sa simbahan?”

“Ay, hindi. Ipahahatid ko lang ‘to sa bahay niya kapag dumating na si Mon.”

“Saan ho ba siya nakatira? Malapit lang ho ba rito?”

“Oo. Diyan lang mismo sa katabing bahay nitong bahay natin kaya nga tuwing gabi’y madalas s’yang makitambay sa duyan sa likod-bahay.”

So, kaya pala, siguro’y tatambay rin sana siya kagabi ro’n sa duyan. Turan ko sa isip habang tatangu-tango ako.

“Sino hong kasama niya riyan?”

“Si Boyet. ‘Yong matandang sakristan. Siya ang may-ari nang bahay na iyan, nagmagandang-loob siya na patuluyin si father Samuel since wala naman s’yang kasama sa buhay. Matandang binata, eh.”

“Ako na lang ho siguro ang maghatid nitong ulam kay father Samuel.” Biglang saad ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa kokote ko at nag-prisinta ako kahit alam kong off-limits ako kay father Samuel dahil tiyak na magagalit na naman si mama.

“O sige, mas mainam din para magkapalagayan kayo ng loob.” Nakangiting sabi ni tiya Mayet. “Mabait ‘yon at masarap kakuwentuhan.”

“Sige po.” Nakangiti ring turan ko bago ko dinampot ‘yong bowl.

Bahagya akong kumatok sa pintuan ng tinutuluyang bahay ni father Samuel, pero walang nagbubukas ng pinto kahit tumawag na ako hanggang sa naisipan kong subukang pihitin ‘yong doorknob at napangiti ako nang mapagtantong bukas lamang pala ito.

“Father Samuel?” Mahinang tawag ko nang makapasok na ako sa loob ng kabahayan. “Mang Boyet?”

“Mang Boyet, nandiyan ka ba?” Narinig kong turan ni father Samuel. Sa tingin ko’y nagmumula sa loob ng banyo ang tinig niya. “P’wede ho bang pakiabot ‘yong towel ko? Nandiyan lang ho sa sala.”

Luminga ako sa paligid upang hagilapin ang tinutukoy na tuwalya ni father Samuel. Nakita ko itong nakapatong sa ibabaw ng silya kaya dinampot ko ito at humakbang ako palapit sa pintuan ng banyo. Bahagya ko itong kinatok.

“Bukas ho ‘yan, Mang Boyet. Pasensiya na po, may sabon kasi ‘yong mga mata ko kaya hindi ako makadilat. Bigla hong nawalan ng tulo ‘yong gripo.”

Napalunok ako bago ko bahagyang itinulak ‘yong pinto. Nanatili akong nakatayo sa labas, kamay ko lamang ‘yong ipinasok ko sa loob para iabot sa kanya ‘yong naturang tuwalya, pero hanggang sa nangawit na ‘yong kamay ko’y hindi niya pa rin ito kinukuha.

Ano ba ‘yon? Hindi niya ba makita? Kunsabagay, nakapikit nga pala siya sabi niya. Turan ko sa isip. Pasukin ko na lang kaya?

G*ga! Baka kung ano pang makita mo sa loob. Magagalit na naman sa’yo ang mama mo. Kontra ng killjoy na bahagi ng utak ko.

Pero, hindi niya nga makita. Baka kailangang ilapit ko mismo sa kanya. Muling turan ko sa isip.

Ah, bahala ka. Malaki ka na. Ihanda mo na ang sarili mo sa posible mong makita na hindi mo naman dapat makita. Muling turan ni killjoy.

“Mang Boyet?”

Tila nanumbalik sa katinuan ‘yong pagi-isip ko nang biglang nagsalita si father Samuel. Napailing na lang ako. Naloloka na yata ako dahil kinakausap ko na ‘yong sarili ko.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo at halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang tumambad sa aking paningin ang naked body ni father Samuel. Sh*t! He oozes sexiness. Mula sa kanyang muscles, patungo sa kanyang six-pack abs na medyo nababalot ng mga bula ng sabon, pababa sa kanyang pagkalalaki na sadya namang ikinatulala ko. Bahagya pa akong napalunok habang pakiramdam ko’y nagi-init ang magkabila kong pisngi. Parang gusto kong magsalita at tanungin siya ng mga sandaling iyon kung normal pa ba siya kasi parang masyadong malaki at mahaba yata...

“Mang Boyet, ‘yong tuwalya ho, akin na.” Turan niya habang nanatili s’yang nakapikit. Sa tingin ko’y naramdaman na niya ang presensiya ko sa kanyang harapan. Hindi ako umimik, pero inilapit ko sa kamay niya ‘yong tuwalyang hawak ko. “Salamat po.”

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang ipinupunas niya sa kanyang mukha ‘yong naturang tuwalya.

“K-Kandice!” Gulat n’yang sabi habang natataranta n’yang itinapis sa kanyang balakang ang hawak na tuwalya. Finally, nakadilat na siya. “What are you doing in here?”

“Uhm...” Bahagya pa akong tumikhim bago ko siya tinalikuran at lumabas na ng banyo, nagpapanggap na balewala ‘yong nakita ko kahit ang totoo’y tila nanghihina ako. “Iniabot ko ‘yang tuwalya mo. Tawag ka kasi ng tawag kay Mang Boyet, eh wala naman siya.”

“Pero hindi ka dapat pumasok sa banyo.” Turan n’yang nakasunod sa akin. Huminto ako sa sala at nilingon siya.

“Eh, kung hindi ako pumasok, hindi mo maaabot ‘yong towel kasi nga malayo ka sa pintuan tapos nakapikit ka pa. Ako na nga ‘tong concern diyan sa mga mata mo kasi baka mabulag ka gawa ng sabon tapos parang galit ka pa.” Pagkuwa’y turan ko.

“Concern ka talaga?” Tila hindi naniniwalang turan niya. “Alam mo, ikaw ang mabubulag kasi kung saan-saan dumadako ‘yang tingin mo.”

“Hoy, feeling mo naman eh, pinagi-interesan kong tingnan ‘yang ‘ano’ mo? Eh, wala nga akong makita, eh.” Pagsisinungaling ko kahit ang totoo’y pakiramdam ko’y namumula na ang magkabilang pisngi ko ng mga sandaling iyon.

“Walang makita?” Tila nakakalokong turan niya habang nagsusuot siya ng T-shirt. “Kaya pala halos matulala ka.”

“Wow! Ang kapal ha. Masyado kang feeling-ero.”

“Isusumbong kita sa mama mo.”

“Eh, ‘di magsumbong ka.” Naghahamon na turan ko sa kanya. “Ngayon lang yata ako nakakita ng paring sumbungero.”

“At ngayon lang din yata ako nakakilala ng babaeng pervert.”

“Tse!” Mataray kong turan sa kanya bago ko siya tinalikuran at dali-dali akong lumabas ng bahay na tinutuluyan niya.

-----

“Saan ka nanggaling, Myks?” Agad na bungad sa akin ni Nicole pagkapasok ko ng bahay.

“Sa tinutuluyan ni father Samuel.” Nangingiti kong tugon nang maupo ako sa tabi niya.

“Ano na namang ginawa mo ro’n? Ang tigas talaga ng ulo mo. Mapapagalitan ka naman ni tita Minda n’yan, eh.” Sita niya sa akin. “Pumayag pa naman na siya na okay lang kahit bukas ka na umuwi, after ng kasal ko.”

“Naghatid lang ako ng ulam niya.” Tugon ko. “Mabuti naman at napapayag mo si mama. Sabi ko na nga ba malakas ka sa kanya, eh.”

“O, tapos, anong nangyari ‘yong hinatid mo ‘yong ulam?”

“Ayon, may nakita ako.” Pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ko kaya bahagyang tumaas ang kilay ni Nicole. “Malaki na mahaba--- Aray!” Maarteng reklamo ko nang bahagya niya akong sampalin.

“G*ga ka talaga.” Natatawa n’yang sabi na ikinatawa ko rin.

Biglang bumukas ‘yong pintuan at iniluwa nito ang pamangkin ni Nicole na batang babae kaya pagkuwa’y iniba namin ni Nicole ang usapan.

“Nga pala, Nics, baka nausog ng nausog ‘yong schedule ng kasal mo? ‘Diba dapat no’ng nakaraang buwan pa ‘yan?”

“Oo nga eh, pero ewan ko ba kung minamalas kami ni Alfie o sadyang nagkataon lang, kasi ‘yong una at ikalawang pari na naka-assign na magkasal sana sa amin ay parehas namatay.”

“Huh? Bakit?”

“Hindi nga namin alam, Myks eh, hanggang ngayo’y misteryoso pa rin ang pagkamatay nila. Unang namatay ay si father Valentino, natagpuan sa ilog ‘yong bangkay niya at pagkalipas ng ilang araw ay si father Noah naman. Sa mismong kuwarto niya siya pinatay.”

“Grabe naman ‘yon. So you mean, until now ay hindi pa nabibigyan ng hustisya? Ang liit-liit lang nitong barrio, ah.”

“Magaling ‘yong gumawa, Myks. Ang iniisip nila’y posible raw na mga sindikato or kaaway sa gobyerno. ‘Yong mga taong natatamaan sa misa. Baka raw nagalit, gano’n.”

“So, kailangan pa lang mag-ingat ng mga natitira pang pari?” Seryosong turan ko. Bigla tuloy akong nag-alala para sa buhay ni father Samuel.

“Exactly. Kaya nga pinag-iingat namin sina tiyo Rick, father Vicencio at father Samuel. Baka kasi isang araw eh, sila naman ‘yong mapag-initan ng kung sinuman.”

“Matagal na ba rito si father Samuel?”

“Two weeks, I think. Siya ‘yong ipinalit kay father Noah.”

“Sayang naman ‘yong ka-guwapuhan niya kung mamatay lang siya.” Wala sa loob na turan ko na ikinahagalpak ng tawa ni Nicole.

Pasado alas-tres nang hapon ng maisipan kong magtungo sa simbahan. Nang magising kasi ako mula sa pagkakaidlip ay agad kong hinanap si mama at ang sabi ni tiya Mayet ay nasa simbahan daw ito, kasama ni tiya Maria sa pag-aasikaso ng mga gagamitin para sa kasal ni Nicole.

Bihira akong magpantalon, mas hilig ko kasi ang skirt at shorts kaya hindi na nakapagtataka kung mangilan-ngilan lamang ang dinala kong pantalon tapos isang-damakmak ‘yong skirt and shorts. Kinuha ko mula sa bag ko ang isa sa mga pencil skirt ko at ito ang isinuot ko. Sanay rin ako ng naka-heels kaya bitbit ko rin ang isang pares ng high-heeled shoes ko.

“Ang sexy mo naman, Kandice.” Nakangiting puri sa akin ni tiya Mayet nang lumabas ako ng kuwarto.

“Salamat po.” Natatawang tugon ko sa kanya bago ako nagsimula nang lumakad patungo sa simbahan. Actually, malapit lang naman ‘yong simbahan. Mga ilang kilometro lang siguro ang layo mula sa bahay.

Sobrang tahimik nang simbahan ng pumasok ako. Walang katao-tao sa loob. Napansin kong may pintuan sa kaliwang bahagi, malapit sa altar kaya naglakad ako patungo roon. Bahagya kong itinulak ‘yong pintuan at akmang lalabas ako rito, subalit natigilan ako kasi ‘yong nasaksihan ko ay sadya namang gumimbal sa pagkatao ko.

Nakita kong binaril ng isang lalaking naka-maskara ang isang pari sa mismong ulo nito, sa tingin ko’y ito sa father Vicencio.

“Oh, my God!” Bigla kong naisambulat bago ko natutop ang aking bibig nang makita kong humandusay sa lapag ang wala ng buhay na katawan nang naturang pari. Dumako ang tingin sa akin ng lalaking naka-maskara at bago pa man siya makalapit sa akin ay agad ko nang isinirado ang pinto. Mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan habang halos kalabugin na nang lalaki ang naturang pintuan. Nang makalabas ako’y hindi ko alam kung saan ako tutungo lalo pa nang makita kong may isa pang lalaking naka-maskara ang papalapit sa akin. Nanggaling ito sa gate.

Tumakbo ako patungo sa likod ng simbahan kung saan matatagpuan ang tinutuluyan ng mga pari. Halos manginig na ang buo kong katawan sa takot at halos mapasigaw ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako nito patungo sa isang sulok.

-----

To be continued.

Related chapters

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 4]“Oh, my God, please?” Pakiusap ko sa taong humila sa akin. Bahagya pa akong nagpupumiglas habang bahagyang nakapikit ang aking mga mata dahil sa takot.“Kandice, it’s me.” Baritonong tinig ng isang lalaki kaya agad akong napadilat. Pakiramdam ko’y nabawasan ang takot ko nang mapagtanto kong si father Samuel pala ang humila sa akin. “What’s wrong?” Mababakas ang pag-aalala sa naggagandahan n’yang mga mata.“Someone is chasing me, father.” Turan ko bago ako parang t*ngang luminga-linga sa paligid. Napansin kong nasa loob na pala kami ng isang maliit na silid. “Oh, God, nakita ko ‘yong isang kasamahan n’yong pari. Pinatay siya no’ng lalaking naka-maskara. He was shot in the head.”“Oh, God! Si father Vicencio?”“Oo, siya yata ‘yon. Hindi ko naman siya kilala, eh, pero hindi naman ‘yon si father Rick kaya baka siya nga ‘yon.”“Namukhaan mo ba ‘yong pumatay?” Tanong niya nang lumakad siya patungo sa bintana at bahagyang sumili

    Last Updated : 2022-09-13
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 5]Hindi ako makatulog. Panay ang baling ko mula sa pagkakahiga kaya naisipan kong bumangon na lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog nang gabing iyon, kung dahil ba sa pag-aalala na baka mapatay ako no’ng mga lalaking naka-maskara o dahil binabagabag ang isip ko ng halik ni father Samuel.Lumabas ako ng silid. Luminga ako sa sala at nakita kong walang tao kaya naisipan kong humakbang patungo sa maindoor. Binuksan ko ito at sumilip ako sa labas. Sobrang tahimik at ang lamlam ng liwanag na nagmumula sa isang poste, hindi kalayuan sa bahay na kinaroroonan namin.“Tatakas ka na naman?” Narinig kong turan ni Samuel buhat sa likuran ko kaya gulat ko s’yang nilingon. Sa tingin ko’y galing siya sa loob ng banyo kaya hindi ko siya napansin ng lumabas ako buhat sa silid.“Ang hilig mong manggulat.” Sita ko sa kanya. “At saka, hindi ako tatakas, ‘no? Sumilip lang sa labas, tatakas agad? Hindi ba p’wedeng may tinitingnan la

    Last Updated : 2022-09-13
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 6]-----“Subukan mong tawagin ang kasama mo. Sasabog ang ulo mo.”“Samuel!” Sigaw ko pa rin sa kabila ng banta sa akin ng lalaki. Pasaway yata ako. Hindi ako marunong makinig o sumunod sa instructions.Kinagat ko ang braso ng lalaki. Kasabay nito ay ang paglingon ni Samuel sa kinaroroonan ko. Bahagya akong nabitiwan ng lalaki at napokus ang atensiyon nito sa papalapit na si Samuel.Pinaputukan nito si Samuel, mabuti na lamang at nakailag ang huli. Dumampot ako ng bato at binato ko ito kaya muling napunta sa akin ang atensiyon nito. Akmang babarilin ako nito, subalit sinuntok ito ni Samuel. Nabitiwan nito ang hawak na baril.Nagpambuno ang dalawang lalaki habang ako nama’y nanatiling nakatayo, hindi kalayuan sa kanila habang gulong-gulo ‘yong utak ko. Takot na takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sa paanong paraan ko matutulungan si Samuel.Ilang sandali pa’y nakita kong halos duguan na ang mga kamao ni Samuel na

    Last Updated : 2022-09-13
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    .I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 7]A/N: Ang k'wentong ito ay naglalaman ng mga salita at pangyayaring hindi angkop sa mga batang mambabasa.-----“Kandice...”“Hmm?” Bahagyang ungol ko nang marinig ko ang tinig ni Samuel habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata.“Gising na. Tanghali na, eh.”Hindi ko siya pinansin bagkus pumihit ako pakabilang side at halos mapasigaw ako sa gulat nang mahulog ako sa sahig mula sa papag.“Anak nang---”“Oh, bawal magmura. Masyado pang maaga.” Nakangising turan ni Samuel habang nakatayo siya malapit sa paanan ng papag at prenteng nakasandal habang nakahalukipkip siya.Gosh! Ang guwapo niya talaga. Kung siya ang una kong makikita tuwing umaga’y tiyak na buong-buo na ang araw ko, huwag niya lang akong iinisin.“Oh, I forgot. Sorry, father.” Sarkastikong turan ko sa kanya bago ko siya sinimangutan. Tumayo ako at pagkuwa’y inabala ko ang sarili ko sa pagliligpit ng hinigaan ko.Paano akong nalipat sa papag, eh ang natata

    Last Updated : 2022-09-13
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 8]A/N: Paulit-ulit ako ha. Hindi naaayon ang k'wentong ito sa mga bata. May mga salita at pangyayaring hindi naaayon sa murang edad. Baka pati ako'y mapagalitan ng mga nanay n'yo.-----“Nagpapanggap lang ako.”“Ano?” Gulat kong tanong bago ko bahagyang itinulak si Samuel para lubayan niya ako kasi ayaw n’yang tantanan ‘yong mga labi ko.“Sabi ko, nagpapanggap lang akong pari.” Ulit n’yang tila naiinis. “Ang bingi mo, Kandice. Naglilinis ka ba ng tenga?”“Hoy, ang kapal ng mukha mo ha.” Sita ko sa kanya. “Araw-araw akong naglilinis ng tenga at kahit silipin mo pa itong kaloob-looban ng mga tenga ko’y malilinis ito. Echoserong ‘to.”“Ah, kaya ka pala bingi. Mali kasi ‘yong araw-araw. Dapat, every other day lang.” Natatawa n’yang sabi.“FYI, hindi ako bingi, Samuel. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya napa-ano ako.”“Napaano ka?”“Hay, jusko!” Natampal ko pa ‘yong sarili kong noo sa labis na asar kay Samuel. “Ano bang hinithit

    Last Updated : 2022-09-19
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 10]Bahagya akong umungol nang magising ako. Kumapa ako sa tabi ko, pero wala na si Samuel kaya nagdilat na ako nang aking mga mata. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napangiti ako nang makita ko ang tatlong pirasong rosas sa ibabaw ng mesa, sa gitna ng mga pagkaing natatakpan.Nag-toothbrush muna ako bago ako lumabas ng kubo para hanapin si Samuel. Nakita ko s’yang nasa gilid ng bahay nina Mang Damian habang nagsisibak ng kahoy. Ginagawa niya iyon t’wing umaga, ipinagsisibak ng kahoy na pangluto si Aling Adelaida.Napangiti ako kasi kahit tagaktak na ‘yong pawis niya ay ang guwapo niya pa ring tingnan. Idagdag pa ‘yong abs n’yang kitang-kita dahil wala s’yang suot na T-shirt.“Ang sipag naman.” Natatawang biro ko nang humakbang ako palapit sa kanya.“Hi, love.” Nakangiting bati niya sa akin. Mas lumapit pa ako sa kanya at dinampian ko siya ng halik sa labi, smack lang sana, pero naging french kiss kasi bigla niya akong si

    Last Updated : 2022-09-19
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 11 - PART 1 of 2]-----Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon, inaalala ko kasi ang gagawing paglusob nina Samuel sa grupo ng mga taong pumapatay ng mga kaparian. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala para sa kaligtasan niya.Hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong inaninag sa dilim ang oras base sa kanyang relo. Pasado alas tres na ng madaling araw. Isang oras na lang ay gigising na siya para maghanda sa pag-alis.Napabuntong-hininga ako nang bahagya akong nag-angat nang tingin upang aninagin sa dilim ang kanyang guwapong mukha na sobrang payapa habang natutulog siya.Nangingiti pa ako nang i-trace ko ang kanyang matangos na ilong gamit ang aking hintuturo at nang bumaba ang daliri ko sa kanyang labi ay nagulat ako nang bigla niya itong kagatin.“Sammy!” Sita ko bago ko siya bahagyang pinalo sa braso. Mahina s’yang tumawa.“Bakit gising pa ang kuting ko?” Malambing n’yang tanong nang ikulong niya ako sa kanyang m

    Last Updated : 2022-09-20
  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 11 - PART 2 of 2]Nagulat pa ako kay Grayson nang abutan ako nito ng isang styro cup na may lamang kape. Tila wala kasi ako sa sarili kahit dilat naman ang aking mga mata. Hindi talaga ako makapaniwalang wala na si Samuel.Kasalukuyan akong nakaupo sa hanay ng mga silya sa labas ng morgue. Hinihintay naming ma-release ang mga papers para mailabas na namin ang bangkay ni Samuel sa hospital na iyon.“Iuuwi po namin si Sir Samuel sa probinsiya nila, Ma’am Kandice. Sasama ho ba kayo?” Tanong ni Grayson nang maupo ito sa tabi ko.“Oo.” Tipid kong tugon na may kasamang tango. “Ano bang nangyari? Paano s’yang namatay?”“Paalis na ho sana kami noon, Ma’am Kandice. Nahuli na po kasi namin ‘yong leader ng grupo kaya lang bumalik ho si Sir Samuel sa pinagkutaan ng mga antichrist nang malaman niya ho na nabihag pala si father Rick at nakakulong ito.” Kuwento ni Grayson. Saglit itong tumigil nang lumapit sa amin si Felix. Naupo sa kabila

    Last Updated : 2022-09-20

Latest chapter

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 2 (Finale)]-----“Papa!”Agad akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ni Samuel sa damuhan. Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin.“Oh, my God, Samuel!” Sigaw ko habang halos pumalatak na ako sa pag-iyak. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako upang lapitan siya, pero hindi ko siya mahawakan dahil nanatiling nakagapos ang aking mga kamay.“Papa!” Muling sigaw ni Sebastian nang bitiwan na ito ni Hermes. Mabilis nitong nilapitan ang ama at niyakap.Humakbang palapit sa kinaroroonan namin si Hermes, halos lumuhod na ako sa harapan nito upang magmakaawa dahil akmang babarilin pang muli nito si Samuel, subalit may nauna nang nagpaputok ng baril buhat sa likuran nito.Napaigtad pa ako sa gulat nang bigla na lang humandusay sa damuhan ang katawan ni Hermes habang dumadaloy sa ulo nito ang masaganang dugo.Agad kong nilingon ang bumaril kay Hermes at namilog ang aking mga mata nang ma

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 1 of 2]“Fine!” Nagngangalit kong tugon nang pahidin ko ang aking mga luha bago ko ipinagtulakang palabas ng kuwarto si Sebastian.Alang-alang sa anak ko, handa kong gawin ang lahat basta sa kaligtasan nito.“Mama!” Sigaw ni Sebastian sa pagitan ng pag-iyak, halos ayaw nitong bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ko.“Stay there, Sebi.” Naiiyak kong turan sa anak ko bago ko mabilis na isinirado ang pintuan.Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang.Ngingisi-ngisi si Hermes nang muli akong pumihit paharap sa kanya.“Kapag susuwertehin ka nga naman.” Turan niya habang dahan-dahan s’yang humahakbang palapit sa akin. “Hindi ko inaasahang matitikman ko pala ang asawa ni Police Inspector Adams. Mabuti na lamang at naisipan kong traydorin si Sam.”“G*go ka talaga, ano?” Galit kong turan sa kanya.“Mas g*go ang asawa mo. Hindi mo ba alam na muntik na niya akong mapatay noon? Mabuti na lamang at binaril siya

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 2 of 2]“Kumusta si Linlin, ‘Ma?” Tanong ko kay mama habang kausap ko ito sa phone. Pasado alas-kuwatro ng hapon. Lulan ako ng taxi pauwi dahil tinawagan ako ni mama at sinabing hindi raw tumitigil sa pag-iyak ang anak kong bunso. “Umiiyak pa rin po ba?”“Medyo okay na siya, anak. Ito at nakatulog na.”“Mabuti naman kung gano’n, ‘Ma. Mag-iingat kayo riyan, mama. Ikaw na muna ang bahala kay Linlin. May aasikasuhin lang ako.”“Akala ko ba’y pauwi ka na? Saan ka pupunta, Kandice?” Mababakas ang labis na pag-aalala sa tinig ni mama.Tanda ko pa kung saan ang bahay ni Samuel II at buo na ang desisyon kong magtungo roon para magbakasakali na baka nando’n si Sebastian. Hindi talaga ako mapapanatag kung hindi ko malalaman ang kalagayan ng anak ko.“May uhm... kakausapin lang ako, ‘Ma.” Pagkuwa’y tugon ko dahil tiyak na tu-tutol ito sa plano ko kapag nalaman nito.“Kandice, anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam k

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 1 of 2]“M-Mauna na kami.” Natatarantang paalam ko kay Samuel II bago ko mabilis na hinila si Sebastian palayo rito.Lulan na kaming mag-ina ng taxi pauwi, subalit ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik nang masagasaan si Sebastian o dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin ni Samuel II.“Mama?” Turan ni Sebastian nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Maang kong sinalubong ang inosente n’yang mga mata. “Natatakot ka po ba?”“H-Hindi, anak.” Pagkuwa’y nakangiti kong tugon. “Bakit mo naman naisip na natatakot si mama?”“Kasi po ang bilis po ng heartbeat mo. Ganyan din po ako kapag natatakot.” Halos mabulol niya pang tugon.“Ikaw kasi eh, tinakot mo si mama no’ng bigla kang tumawid.” Pagkuwa’y nakangiti pa ring turan ko bago ko pinisil ang matangos n’yang ilong. “Huwag mo nang gagawin ulit ‘yon ha.”“Sorry po, mama

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 23]Nagdilat ako nang aking paningin. Nakahiga ako sa hospital bed at nakaupo sa isang silya sa tabi ko si Samuel habang nakapikit ang mga mata nito. Tila ba isa itong guwardiya kaya parang gusto kong matawa.“Sammy...” Mahinang tawag ko sa kanya bago ko siya tinapik sa braso.“Oh, God!” Bulalas niya at halatang nagulat pa siya. “Thanks, God at nagising ka na, love. May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?”“Wala namang masakit sa akin.” Tugon ko. “Teka lang, si baby, kumusta?”“Okay naman ang baby natin, love. Malakas daw ang kapit niya sabi ng duktor. Na-stress ka lang daw siguro kaya dinugo ka.”“Oo, in-stress ako ng tatay niya.” Natatawang biro ko na ikinatawa rin niya.“Sorry, love ha, hindi ko alam na buntis ka pala. Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin agad?” Tila nagtatampong turan niya.“Kasi nga gusto kitang i-surprise.” Pagkuwa’y turan ko.“I-surprise raw. Ang sabihin mo, itinatago mo talaga kasi galit ka sa akin.”“H

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 2 of 2]Pilit kong iniwasan si Samuel. Hindi ako umuwi sa bahay. Mabuti na lamang at pinag-stay ako ni Athena sa sarili nitong bahay. Lahat ng tawag at text messages ni Samuel ay binalewala ko.Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kaming dalawa ng tadhana kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit kailangang si Mrs. Rodriguez pa ang kanyang maging ina.Aware akong may mga anak si Mrs. Rodriguez sa una nitong naging karelasyon, minsan kasing nabanggit sa akin ni papa ang tungkol do’n, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na sina Samuel at Samuel, II pala ang mga iyon.Araw nang Linggo. May usapan kaming magkikita ni mama kasi dadalawin namin ang puntod ni papa. Speaking of my father, hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong masilayan man lang ang bangkay nito, ultimo nga libing nito’y hindi rin ako nakapunta dahil pinagbawalan pa rin ako ng pamilya Rodriguez.“Kandice?” Narinig kong tawag sa akin ni mama haba

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 1 of 2]Dali-dali akong nagtungo sa hospital kung saan naroroon si papa. Ayon kay Ninong Roger, inatake raw si papa at pagdating daw nito sa pagamutan ay agad din itong binawian ng buhay.“Nasa morgue na ang papa mo, hija.” Malungkot na turan sa akin ni ninong Roger nang lumapit ako rito para magbigay galang.“Pupunta po ako ro’n.” Akmang tatalikuran ko na ito nang muli itong nagsalita.“Mas mainam siguro kung huwag na lang, hija. Nandiyan ang asawa at mga anak niya. Baka magkagulo pa.”“Wala akong pakialam, ninong kahit awayin pa nila ako at saktan. Ang importante ay ang makita ko si papa.” Turan ko sa pagitan ng pag-iyak bago ko tuluyang tinalikuran si Ninong Roger.Humugot pa ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako humakbang patungo sa pintuan ng morgue. Tama nga si ninong Roger, kumpleto nga ang pamilya ni papa. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan habang nagu-usap-usap.“Ang kapal talaga ng mukha mo ano?

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 21]“Love, napaka-emotional mo ngayon.” Turan ni Samuel bago niya ako masuyong hinagkan sa ulo at niyakap. Napahikbi pa ako nang sumubsob ako sa dibdib niya. Bahagya n’yang hinagod ang likod ko bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.“Ehem!” Si Keera.“Excuse us!” Si Aria.“Parang nandito yata kami.” Si Athena.Siyempre, biglang umeksena ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang, sila kasi talaga ‘yong totoong panira ng moment.Nagkatawanan pa tuloy kami ni Samuel nang maghiwalay ang aming mga labi bago ako nangingiting lumingon sa direksiyon kung saan nakatayo ang mga kaibigan ko na halatang mga kinikilig.“Guys, uhm... uh, si S-Samuel. Husband ko.” Hindi magkandatutong sabi ko kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Never pa kasi nila akong nakita na nagseryoso sa isang relasyon kaya tila naiilang akong ipakilala sa kanila si Samuel, hindi lang bilang isang nobyo kundi bilan

  • I'm inlove with a PRIEST   I'm inlove with a PRIEST

    I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 2 of 2]Nagbuga ako nang hangin habang nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ilang araw nang masama ‘yong pakiramdam ko. May mga pagkain akong hinahanap na hindi ko naman kinakain noon at may mga umaga rin na tila ba nahihilo at nasusuka ako.Buntis na ba ako?Sa totoo lang ay kinakabahan ako at natatakot na malaman ang totoong kalagayan ko. Hindi pa ako handang maging isang ina o mas mainam na sabihing takot akong maging isang ina. Feeling ko kasi’y hindi ako magiging isang mabuting magulang, baka puro kalandian at kalokohan lamang ang matutunan nang aking magiging anak mula sa akin. Kawawa naman ‘yong bata kapag nagkagano’n.“Love, matagal ka pa ba? Mag-iisang oras ka na riyan, eh.” Narinig kong turan ni Samuel mula sa labas ng banyo.Umaga. Araw ng Sabado. Wala pa sana akong planong bumangon kasi nga masama na naman ‘yong pakiramdam ko, pero kailangan kasi may a-attend-an kaming kasal ng mga kaibigan ko. S

DMCA.com Protection Status