Nagtataka naman itong nag-angat ng tingin sa akin. “Huh? Ano ‘yan King? Bakit mo nilalahad ang kamay mo? Anong hinihingi mo?" Nagtataka niyang tanong. Tsk. “Give me the key of your big bike." Utos ko. Namilog naman ang mga mata nito sa aking sinambit. Alam kong big bike ang gamit niya papunta dito sa warehouse dahil napansin ko iyon kanina sa entrance naka-parada. Ito lang naman ang mahilig mag-dala ng big bike kapag napunta sa warehouse o underground. “What?! King naman, ‘wag yung bago kong baby. Kakabili ko lang no'n kanina ‘e." Sinamaan ko siya ng tingin. “Ibibigay mo ang susi o pasasabugin ko ang big bike mo?" Namutla naman siya. Tsk, minsan talaga hindi ko alam kung paano napasama sa grupo ko ang lalaking ‘to. Nag-seseryoso lang kapag may labanan o hindi kaya utos ko. pero kalimitan happy go lucky at babaero. “Sabi ko nga boss, ipapahiram ko ‘e." Sabay kuha nito ng susi sa kanyang bulsa at inabot sa akin. “King ingatan mo ang baby suzy ko ah?" “Ts
GIOVANNI's pov I threw Vasquez motor key back to him ng makapasok ako sa loob ng opisina. I just came back from BGC. Before I left there, I texted Zamora and Vasquez for a meeting about our next transactions and shipments. Aayusin ko muna ang problema pang natitira bago bumalik sa mansyon. Gagawin ko na lahat ngayon dahil siguradong makakarating kay grandpa ang mga nang-yari ngayon. Lalo na ang kaguluhan na ginawa ko sa BGC. Siguradong matatagalan na naman akong makaka-puslit. “Whoa! wala bang thank you d'yan? Ay wait! Hindi mo naman nagasgasan si sussy ko, King?" Binigyan ko ng masamang tingin si Vasquez para tumigil muna ito. I'm so fucking tired! Masyado niyang mahal na mahal ang bago niyang bili na motor, kung tutuusin kayang-kaya niya bumili ng lima o sampong gano'n! “So, kamusta ang lakad mo, King? What did you do with the three reamining spies?" Seryosong tanong ni Sean ng makaupo ako. Pagod na sinandal ko ang sarili sa swivel chair bago sinagot ang tan
Natasha's pov Nauna akong nakalapit kay Lolo J. “Lolo J, Lolo J! Naririnig niyo po ako?" Natataranta kong tanong. “Damn it! Grandpa!" Lumuhod na rin si Giovanni at walang ano-anong binuhat ang kanyang lolo. “Shit! Let's go, Natasha! Kailangan madala agad si grandpa sa hospital!" Tumango naman ako at mabilis na tumayo. Inalalayan ko siya sa pagbubuhat. Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng mansyon nang makalabas sila Giovanni patakbo naman akong lumapit sa kotse at binuksan ang backseat ang kaso ay nakasarado ito. Humarap agad ako sa boss ko. “Giovanni ang susi ng kotse mo?" “It's here on my right hand.” Mabilis naman akong lumapit para kunin ang susi sa kanyang kamay. “Press the unlocked button.” Sinunod ko ang kanyang sinabi. Nang tumunog ay agad agad kong binuksan ang pinto ng backseat at pumasok doon. Tinulungan ko si Giovanni ng ihiga niya si lolo J. Pinatong ko ang ulo nito sa aking hita. Dali-dali namang umikot ang boss ko sa passenger seat
NATASHA's pov Hindi na nga muling nag-salita pa si Giovanni. Hinayaan ko na lang at nanahimik na lang din. Basta sinabihan ko na siya tungkol kay Lolo J. Sana lang pahabain niya ang pasensya niya. Sundin kung anong gusto ng lolo niya, Wag ng makipag talo para hindi na ito ma-stress. Para pa namang aso't pusa ang dalawa. Madaling araw na nakakaramdam na talaga ako ng antok, Gustong-gusto ng pumikit ng mga mata ko. Pero pinipigilan ko dahil gusto ko kapag nagising si Lolo J, gising rin ako. Gusto ko siya agad kamustahin. Pinangako ko kanina sa aking sarili na kapag nakalabas na ng hospital si Lolo J, Ako na ang magbo boluntaryo na mag asikaso ng pagkain niya at gagawa para masigurado na healthy ang mga kakainin niyang pagkain. Baka kasi mag-pasaway pa ito. Mas maganda ng sundin ang bilin ng doctor. Nag-pasya na lang akong sumandal sa aking kinauupuan at pumikit. Siguro iidlip muna ako. Maririnig ko naman kung magigising si Lolo J. Bumibigay na talaga ang mga mata ko k
BUSANGOT ang aking mukha habang nasa biyahe kami pauwi ng mansyon. Hindi ko pinapansin ang lalaking kasama dahil na-bwi-bwiset pa rin ako sa kanya mula kanina! Lahat ng sabihin ko hinahadlangan niya. Gusto ko lang naman alagaan ang lolo niya. Anong masama doon? Hindi niya naman ako kailangan sa kompanya dahil may secretary siya. Isa pa wala naman talaga akong alam sa pagiging secretary. Sasakit lang ulo ko doon. Hanggang makarating kami sa mansyon hindi ko siya pinansin. Dere-deretso akong bumaba. Sinalubong ako nila Gia. Kinamusta niya ang kalagayan ni Lolo J. Kinuwento ko muna sa kanila saglit ni Nicole ang kalagayan ng Don bago ako umuwi sa bahay para mag-asikaso na. Mabilis lang akong nag-asikaso bago bumalik sa mansyon, saktong wala pa naman ang boss kong bida-bida kaya nakipag kwentuhan ulit ako kay Gia at Nicole. Makalipas ang ilang minuto bumaba na ang lalaki kaya nag-paalam na ako kela Gia. “Mamaya na lang ulit, kapag uwi ko. Behave lang kayo ha? Kumain din
NATASHA'S POV “Nasaan tayo, Giovanni? Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malaking warehouse sa harap namin. Nasa loob pa rin kami ng kotse niya. Saan ba niya ako dinala? Sabi niya may pupuntahan kami pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong lugar pa. Parang abandonado na ang lugar na ito. Ay, hindi parang abandonado na nga talaga. Sino ba ang kikitain niya sa ganitong klaseng lugar? Kliente? Bumaling ako kay Giovanni dahil hindi niya sinagot ang tanong ko pero sobrang seryoso lang nito habang nakatingin sa harap. Hindi ko alam pero bakit nakakatakot ang awra niya? “Hey, Giovanni?" Bahagya ko pang tinapik ang kanyang balikat. Para naman siyang bumalik sa wisyo at sinulyapan ako. “Let's go. ‘wag na wag kang lalayo sa akin kapag nakapasok na tayo sa loob." Sambit niya bago lumabas ng kotse. Saan kami papasok? sa loob ng warehouse? May tao ba sa loob niyan? Bigla tuloy akong kinabahan. Naalala ko bigla ‘yung mga
Hindi ko lang alam kay Giovanni kung anong kailangan niya kay Mr. Hayashi at kung paano niya nakilala ang lalaki. Base sa itsura nito feeling ko ito ang may ari ng warehouse. Minsan iba talaga ang takbo ng utak ng isang negosyante lahat papatusin basta sa pera. Saka business is business ika nga. Sumulyap akong muli kung nasaan si Giovanni seryoso siyang nakikipag usap kay Mr. Hayashi sumulyap siya saglit sa akin bago binalik ang atensyon sa kausap. Pasulyap-sulyap siya. Sinisiguradong hindi ako mawawala sa pinag-iwanan niya sa akin. Tsk, sa tingin niya aalis ako dito sa pwesto ko? Hindi! Lalo't pa nakikita kong mga bigating negosyante talaga ang nandito. “Hi, gorgeous." “Ay tae ng kalabaw!" Gulat kong sambit sabay sapo sa aking dibdib. Putek! aatakihin ako sa puso dito! Napalingon ako sa lalaking nasa aking gilid. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito. Tinatawanan pa talaga niya ako huh? “You're still gorgeous kahit na nagulat ka. Anyway nag-iisa ka ata? Wala k
GIOVANNI'S POV HABANG nasa biyahe kami pabalik sa hospital tahimik lang sa back seat si Natasha. Kalahating oras na kami sa biyahe dahil Traffic pero mula kanina na umalis kami sa warehouse hindi pa rin siya nakibo.. Damn! This is my fault! If I hadn't taken her there she wouldn't have been traumatized like this. Fvck! Hindi ko rin alam na may mang-yayari na gulo sa Casino ni Hayashi! Muli kong sinulyapan si Natasha, Ang tahimik niya at tulala lang na nakatingin sa labas ng bintana. Takot na takot siya kanina, grabe rin ang panginginig ng kanyang katawan. Shit! “Natasha…Are you ok?" Mahinahon kong tanong. Sabay tingin sa rear mirror. Hindi siya kumibo at sa labas pa rin nakatingin. Bumuntong hininga na lang ako at binalik ang atensyon sa pag-mamaneho. Maling-mali talaga na sinama ko siya sa warehouse at iniwan ko pa siyang mag-isa. Hindi na kami dederetso sa kompanya. Sa hospital na lang dahil mag-tataka na rin si Lolo bakit ang tagal namin. Hindi ko rin siya p