Patay na si Hayashi, siguradong sigurado siya do'n. “Bago ko iwan si Hayashi sigurado akong wala na itong buhay! Kaya papaanong siya ang sinasabi mong nag-utos na pumatay kay Mama?! Saka walang nagpakalat ng pagkatao ko sa underground dahil ako na mismo ang nag-pakilala sa kanila makalipas ang ilang buwan buhat ng umalis ka! Inayos ko ang pamamalakad sa underground, Alam mo kung bakit? Dahil gusto kong sa pagbabalik mo maayos na ang lahat! Isinantabi ko ang lahat, kinalimutan ang pag-hihiganti dahil ayokong magalit ka ng husto sa akin! Inayos ko ang buhay ko habang wala ka! Tapos ito pala ang dahilan? Galit ka sa akin dahil sa maling impormasyon?!” Hindi na niya napigilan ang sarili, sobra ang galit na nararamdaman niya dahil alam niyang si Logan ang may pakana nito. “P-pero iyon ang sinabi sa akin ni Logan! Si Hayashi ang nagpapatay kay mama dahil gusto niyang mag higanti sa ‘yo! Saka sinabi rin sa akin ni Logan na hindi mo naman ako hinanap, masaya kapa nga sa nak
NATASHA It's been three days since pumunta dito sa condo unit ko si Giovanni. Simula rin ng araw na iyon ay naging magulo na ang isip ko, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya. At ang puso ko hindi kona maintindihan tila hinahanap ang presensya nito. Para na akong mababaliw dahil sobrang gumulo na lahat. Hindi ito ang inaasahan ko. Sa nakalipas na araw nag-simula na rin akong kumilos ng palihim. May isang tao akong pinag-kakatiwalaan at siya ang kinontak ko. Alam kong matagal na panahon kaming hindi nagkita pero alam kong hindi niya ako tatanggihan. Noong una ay nag-aalangan pa ako pero alam kong matutulungan niya ako. Siguradong mabibigyan niya ako ng maraming impormasyon. Sa tatlong araw rin na lumipas ay hindi muna ako naglalabas ng bahay dahil wala akong gana. Tumatawag din sa akin si Logan kinakausap ko naman ito at sinisiguradong walang mahahalata ang lalaki. Kailangan kong mag-ingat. Sa ngayon ang sarili ko lang ang kakampi
PINARADA ko ang aking kotse sa parking ng condo building ko. Saka nanghihinang sumandal sa kinauupuan at bumuntong hininga. Simula ng bumalik ako sa opisina naging abala na ako sa mga meetings, paper works. Isama pa ang pag hahandle sa Cafe. Mas lalo akong nawalan ng oras para puntahan ang anak ko. Late na rin talaga akong nakaka-uwi. Ang dami kong hinahabol na meetings, deal with the clients. Ang hirap kapag sabay-sabay. Sumilip ako sa labas ng bintana at pasimpleng nilibot ng tingin ang paligid. Hinahanap ang isang sasakyan na pamilyar sa akin. Ilang araw na ang lumipas ng huli siyang pumunta dito. Sabi niya babalik siya pero bakit hindi niya naman ginawa? Tsk! Napailing ako, bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit nga ba ako lagi umaasa na babalik siya dito at makikita sa unit ko? Bakit hinihintay ko siya? Ano ba ang nangyayari sa akin? Dapat galit pa rin ako di ba? Napabuntong hininga ako saka mariing pumikit. Argh! Nakakainis. Hindi na mawala wala sa isi
ANG seryosong mukha ni Giovanni ay unti-unting napalitan ng pag-aalala, Mabilis nitong inilang hakbang ang agwat namin at sinapo ang aking mukha. “Your eyes are swollen, did you cry? Why? Did something happen? Tell me.” Nag-aalala niyang tanong. Titig na titig siya sa aking mukha, habang ako naman ay hindi alam ang sasabihin nakatitig lang din ako sa kanya hanggang sa nangilid ang mga luha ko at tumulo. Mas lalo naman itong nataranta. “Shit! Why are you crying, wife? Please, tell me. May masakit ba sa ‘yo? May nangyari ba?” Hindi ko sinagot ang kanyang mga tanong at basta na lang siyang dinamba ng yakap. Nagulat naman ito sa aking ginawa, hindi nito iyon inaasahan. Ilang minuto itong hindi nakagalaw dahil sa gulat pero kalaunan ay ginantihan na rin ako ng yakap habang hinahagod ang aking likod. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanyang bisig, Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya at papaano ako hihingi ng tawad
KINABUKASAN NAGISING ako na may ngiti sa labi, saka dahan-dahan bumangon ng maramdaman na wala na pala akong katabi. May naamoy akong mabango ibig sabihin nasa kusina siya. Sa anim na taon ngayon ko lang ulit naranasan na makatulog ng maayos at masarap. Ewan sobrang himbing ng tulog ko habang nakayakap kay Giovanni. Iba talaga kapag nakadikit ako sa kanya. Pumapayapa ang katawang lupa ko. Bumangon na ako saka dumeretso sa banyo para maghilamos at toothbrush bago puntahan ang asawa ko sa kusina. Napangisi ako, ang sarap sa pakiramdam na matawag ko ulit na asawa ang lalaking mahal ko at sobrang mahal na mahal ako. Napaka-gaan sa pakiramdam kapag wala ka ng kinikimkim na galit sa puso mo. Matapos makapag-ayos ng sarili kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table katabi ng phone ni Giovanni bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Wala akong balak pumasok ngayon sa opisina, May kailangan akong gawin ngayong araw. Naabutan ko si Giovanni na nakah
“What are you doing here?” Tanong ko ng mahimasmasan sa pagka gulat. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Pinasadahan ko ito ng tingin at napansin na may mantsa ng dugo ang kanyang ibabang damit at may bangas ang mukha. “Sandali, what happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?” Naguguluhan at nag-aalala kong tanong. “Sorry Mam Natasha, But It's a emergency, Nandyan ba si King? I need to talk to him.” Natatarantang turan ni Sean. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kataranta at namumutla. Ano ba ang nangyayari? Yes, si Sean ang lalaking nasa harap ko. Nagulat ako dahil hindi ko siya inaasahan na pupunta dito sa unit ko ng ganito ang itsura at biglaan. May number naman niya ako incase may tanong siya sa akin or what. Isa pa, tatawagan pa lang siya ni Giovanni tapos nandito na siya agad. “His inside, actually tatawagan ka nga niya ngayon e, Ba—” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ng magsalita sa aking likuran si Giovanni. “Wife, sino ‘ya
HABANG hinihintay si Sean na mahanap sila Kiel. Kinausap ko naman si Nicole at pinaliwanag ang lahat. Pinaintindi ko ang sitwasyon namin ngayon. Ako rin ang may kasalanan kung bakit siya nagalit kay Giovanni at iniwanan si Sean. Sa akin siya dapat magalit at hindi sa dalawang lalaki. Wala naman itong imik ng ma-kwento ko ang lahat. “I'm sorry bunso, ako ang may kasalanan ng lahat. Sana ‘wag kanang magalit kay Giovanni at Sean.” Sincere na hingi ko ng paumanhin sa kanya. Pinatong ko ang aking kamay sa kamay niyang nasa lamesa at tipid na ngumiti. Malamlam ang mga mata at halatang naiiyak na ng tumingin naman siya sa akin. “I'm sorry din ate sa inasal ko kanina. Ngayon naiintindihan kona ang lahat. Napaikot tayo ng Logan na iyon. Hindi ko akalain na gano'n siya kasama.” Tumango-tango naman ako. “Yeah, kahit ako hindi ako makapaniwala ng malaman ko ang lahat. Anim na taon natin nakasama ang taong dahilan bakit nawala si Mama. Kaya ngayon hindi
HUMIHINGAL na napasandal kami sa pader ng makarating sa gilid ng resort. Merong gate na maliit dito na nangangalawang na at maraming dahon dahon. Napapagitnaan namin iyon dahil nasa kabilang side si Hubby at kami naman ni Sean ay nasa kabila. Nakaharap ako kay hubby ganon din naman ito sa akin habang pasilip silip sa gate. Habang si Sean ay nakatalikod sa akin para antabayanan baka may biglang sumulpot na kalaban. My eyes widened ng makita kong may lalaki na nasa likod ni Giovanni hindi kalayuan sa pwesto nito. Humigpit ang hawak ko sa baril. Shit! Nang makita kong humugot ito ng baril ay walang pag aalinlangan kong tinaas ang kamay saka tinutok ang baril sa lalaki saka ito pinaputukan. Tinamaan ito sa noo at bumulagta. Bullseye! “Shit! What the fvck wife?!” Gulat na turan ni Hubby ng dumaan sa gilid niya ang bala ng baril. Mabilis itong lumingon sa kanyang likod. at doon nakita ang nakabulagtang lalaki. “Sorry hubby, babarilin kana niya e.” Turan k