ANG seryosong mukha ni Giovanni ay unti-unting napalitan ng pag-aalala, Mabilis nitong inilang hakbang ang agwat namin at sinapo ang aking mukha. “Your eyes are swollen, did you cry? Why? Did something happen? Tell me.” Nag-aalala niyang tanong. Titig na titig siya sa aking mukha, habang ako naman ay hindi alam ang sasabihin nakatitig lang din ako sa kanya hanggang sa nangilid ang mga luha ko at tumulo. Mas lalo naman itong nataranta. “Shit! Why are you crying, wife? Please, tell me. May masakit ba sa ‘yo? May nangyari ba?” Hindi ko sinagot ang kanyang mga tanong at basta na lang siyang dinamba ng yakap. Nagulat naman ito sa aking ginawa, hindi nito iyon inaasahan. Ilang minuto itong hindi nakagalaw dahil sa gulat pero kalaunan ay ginantihan na rin ako ng yakap habang hinahagod ang aking likod. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanyang bisig, Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya at papaano ako hihingi ng tawad
KINABUKASAN NAGISING ako na may ngiti sa labi, saka dahan-dahan bumangon ng maramdaman na wala na pala akong katabi. May naamoy akong mabango ibig sabihin nasa kusina siya. Sa anim na taon ngayon ko lang ulit naranasan na makatulog ng maayos at masarap. Ewan sobrang himbing ng tulog ko habang nakayakap kay Giovanni. Iba talaga kapag nakadikit ako sa kanya. Pumapayapa ang katawang lupa ko. Bumangon na ako saka dumeretso sa banyo para maghilamos at toothbrush bago puntahan ang asawa ko sa kusina. Napangisi ako, ang sarap sa pakiramdam na matawag ko ulit na asawa ang lalaking mahal ko at sobrang mahal na mahal ako. Napaka-gaan sa pakiramdam kapag wala ka ng kinikimkim na galit sa puso mo. Matapos makapag-ayos ng sarili kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table katabi ng phone ni Giovanni bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Wala akong balak pumasok ngayon sa opisina, May kailangan akong gawin ngayong araw. Naabutan ko si Giovanni na nakah
“What are you doing here?” Tanong ko ng mahimasmasan sa pagka gulat. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Pinasadahan ko ito ng tingin at napansin na may mantsa ng dugo ang kanyang ibabang damit at may bangas ang mukha. “Sandali, what happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?” Naguguluhan at nag-aalala kong tanong. “Sorry Mam Natasha, But It's a emergency, Nandyan ba si King? I need to talk to him.” Natatarantang turan ni Sean. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kataranta at namumutla. Ano ba ang nangyayari? Yes, si Sean ang lalaking nasa harap ko. Nagulat ako dahil hindi ko siya inaasahan na pupunta dito sa unit ko ng ganito ang itsura at biglaan. May number naman niya ako incase may tanong siya sa akin or what. Isa pa, tatawagan pa lang siya ni Giovanni tapos nandito na siya agad. “His inside, actually tatawagan ka nga niya ngayon e, Ba—” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ng magsalita sa aking likuran si Giovanni. “Wife, sino ‘ya
HABANG hinihintay si Sean na mahanap sila Kiel. Kinausap ko naman si Nicole at pinaliwanag ang lahat. Pinaintindi ko ang sitwasyon namin ngayon. Ako rin ang may kasalanan kung bakit siya nagalit kay Giovanni at iniwanan si Sean. Sa akin siya dapat magalit at hindi sa dalawang lalaki. Wala naman itong imik ng ma-kwento ko ang lahat. “I'm sorry bunso, ako ang may kasalanan ng lahat. Sana ‘wag kanang magalit kay Giovanni at Sean.” Sincere na hingi ko ng paumanhin sa kanya. Pinatong ko ang aking kamay sa kamay niyang nasa lamesa at tipid na ngumiti. Malamlam ang mga mata at halatang naiiyak na ng tumingin naman siya sa akin. “I'm sorry din ate sa inasal ko kanina. Ngayon naiintindihan kona ang lahat. Napaikot tayo ng Logan na iyon. Hindi ko akalain na gano'n siya kasama.” Tumango-tango naman ako. “Yeah, kahit ako hindi ako makapaniwala ng malaman ko ang lahat. Anim na taon natin nakasama ang taong dahilan bakit nawala si Mama. Kaya ngayon hindi
HUMIHINGAL na napasandal kami sa pader ng makarating sa gilid ng resort. Merong gate na maliit dito na nangangalawang na at maraming dahon dahon. Napapagitnaan namin iyon dahil nasa kabilang side si Hubby at kami naman ni Sean ay nasa kabila. Nakaharap ako kay hubby ganon din naman ito sa akin habang pasilip silip sa gate. Habang si Sean ay nakatalikod sa akin para antabayanan baka may biglang sumulpot na kalaban. My eyes widened ng makita kong may lalaki na nasa likod ni Giovanni hindi kalayuan sa pwesto nito. Humigpit ang hawak ko sa baril. Shit! Nang makita kong humugot ito ng baril ay walang pag aalinlangan kong tinaas ang kamay saka tinutok ang baril sa lalaki saka ito pinaputukan. Tinamaan ito sa noo at bumulagta. Bullseye! “Shit! What the fvck wife?!” Gulat na turan ni Hubby ng dumaan sa gilid niya ang bala ng baril. Mabilis itong lumingon sa kanyang likod. at doon nakita ang nakabulagtang lalaki. “Sorry hubby, babarilin kana niya e.” Turan k
Shit! Napamura ako sa aking isip ng harangin kami ng mahigit walo o sampu na tao. Mapapalaban pa kami! Kain sa oras ‘to. Gulat naman akong napatingin kay Sean ng umabante ito at tumigil sa gitna. “Ako ng bahala dito, King. Umalis na kayo ni Mam Natasha.” What? kaya niya ba ang mga ito? Iisa lang siya! “No, tutulungan ka namin Sean. Ang dami ng mga ‘yan!” Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. “Don't worry Mam Natasha, Kayang kaya ko ang mga ito. Sige na, iligtas niyo na sila Kiel. Susunod ako sa inyo.” Nag-aalangan pa akong iwan siya kaso naramdaman ko ang hawak ni Hubby sa aking braso. Binalingan ko naman siya. “Don't worry about him, He can handle those bastard. Let's go.” Wala akong nagawa ng hilahin na ako ni Hubby at tumakbo kami patungo sa basement. Nilingon ko pa si Sean na sumulyap din sa amin saka ako sinaluduhan at tinanguan. Tumango rin ako sa kanya saka tumingin na sa unahan. Please, mag-ingat ka Sean. My sister is waiting for you.
They both fit to be partners in this kind of battle. Their team work is great! The way they help each other is so damn cool! Kahit malayo kami at may smoke bomb kita pa rin namin ang nangyayari. We are assassins. Sanay na sanay kami sa ganito. Kahit abala si Sissy sa pakikipag laban hindi niya nakakalimutan lingunin si King para icheck kung ayos lang ba ito. At talagang tinutulungan niya kahit malayo pa ang agwat nila. Nawalan ng bala ang gamit na baril ni King kaya to the rescue naman si Sissy at napaka astig na hinagis sa ere ang baril na agad naman nasalo ng asawa. The way she fight is terrible. I never thought sissy would be this good. Kinuha niya ang kunai sa sahig saka mabilis tumayo lahat ng madadaanan niya ay walang kahirap hirap nitong sinasaksak sa leeg at dibdib. Whoa! Pwede na siyang maging assassin! Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin na may sasaksak kay King hindi nito napansin na may tao na sa likod niya dahil abala siya sa pakikipag suntu
Natasha's pov It's been two days ng iligtas namin sila Kiel. Ok na ngayon ang lalaki at nagpapahinga na lang. Habang ako ay nagbalik na sa trabaho. Hindi rin muna kami nagkikita ni Giovanni. Kailangan muna namin mag-palamig. Kailangan hindi ako mahalata ni Acosta na may nagbago sa akin sa nakalipas na linggo. Dapat kung paano ko siya pakisamahan ay gano'n pa rin. Si Ares naman at Nicole ay nandoon pa rin sa mansyon nila Lolo J. Hindi pumayag ang matanda na bumalik ang mga ito sa mansyon ni Logan. Wala tuloy akong magawa kung hindi pumayag. Sasabihin ko na lang kay Logan na nagbakasyon ang dalawa kung sakaling magtanong. Sana lang hindi makahalata ang depungal na lalaking ‘yon. And speaking of that devil. Ngayong araw ang balik niya dito sa pinas. Sabi ko susunduin ko siya sa airport kaso sabi niya ay ‘wag na lang daw kasi anong oras na iyon at alam niyang pagod ako sa trabaho. May dadaanan rin daw muna siya. Hindi na ako nagpumilit dahil ayaw ko naman