PINARADA ko ang aking kotse sa parking ng condo building ko. Saka nanghihinang sumandal sa kinauupuan at bumuntong hininga. Simula ng bumalik ako sa opisina naging abala na ako sa mga meetings, paper works. Isama pa ang pag hahandle sa Cafe. Mas lalo akong nawalan ng oras para puntahan ang anak ko. Late na rin talaga akong nakaka-uwi. Ang dami kong hinahabol na meetings, deal with the clients. Ang hirap kapag sabay-sabay. Sumilip ako sa labas ng bintana at pasimpleng nilibot ng tingin ang paligid. Hinahanap ang isang sasakyan na pamilyar sa akin. Ilang araw na ang lumipas ng huli siyang pumunta dito. Sabi niya babalik siya pero bakit hindi niya naman ginawa? Tsk! Napailing ako, bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit nga ba ako lagi umaasa na babalik siya dito at makikita sa unit ko? Bakit hinihintay ko siya? Ano ba ang nangyayari sa akin? Dapat galit pa rin ako di ba? Napabuntong hininga ako saka mariing pumikit. Argh! Nakakainis. Hindi na mawala wala sa isi
ANG seryosong mukha ni Giovanni ay unti-unting napalitan ng pag-aalala, Mabilis nitong inilang hakbang ang agwat namin at sinapo ang aking mukha. “Your eyes are swollen, did you cry? Why? Did something happen? Tell me.” Nag-aalala niyang tanong. Titig na titig siya sa aking mukha, habang ako naman ay hindi alam ang sasabihin nakatitig lang din ako sa kanya hanggang sa nangilid ang mga luha ko at tumulo. Mas lalo naman itong nataranta. “Shit! Why are you crying, wife? Please, tell me. May masakit ba sa ‘yo? May nangyari ba?” Hindi ko sinagot ang kanyang mga tanong at basta na lang siyang dinamba ng yakap. Nagulat naman ito sa aking ginawa, hindi nito iyon inaasahan. Ilang minuto itong hindi nakagalaw dahil sa gulat pero kalaunan ay ginantihan na rin ako ng yakap habang hinahagod ang aking likod. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanyang bisig, Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya at papaano ako hihingi ng tawad
KINABUKASAN NAGISING ako na may ngiti sa labi, saka dahan-dahan bumangon ng maramdaman na wala na pala akong katabi. May naamoy akong mabango ibig sabihin nasa kusina siya. Sa anim na taon ngayon ko lang ulit naranasan na makatulog ng maayos at masarap. Ewan sobrang himbing ng tulog ko habang nakayakap kay Giovanni. Iba talaga kapag nakadikit ako sa kanya. Pumapayapa ang katawang lupa ko. Bumangon na ako saka dumeretso sa banyo para maghilamos at toothbrush bago puntahan ang asawa ko sa kusina. Napangisi ako, ang sarap sa pakiramdam na matawag ko ulit na asawa ang lalaking mahal ko at sobrang mahal na mahal ako. Napaka-gaan sa pakiramdam kapag wala ka ng kinikimkim na galit sa puso mo. Matapos makapag-ayos ng sarili kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table katabi ng phone ni Giovanni bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Wala akong balak pumasok ngayon sa opisina, May kailangan akong gawin ngayong araw. Naabutan ko si Giovanni na nakah
“What are you doing here?” Tanong ko ng mahimasmasan sa pagka gulat. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Pinasadahan ko ito ng tingin at napansin na may mantsa ng dugo ang kanyang ibabang damit at may bangas ang mukha. “Sandali, what happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?” Naguguluhan at nag-aalala kong tanong. “Sorry Mam Natasha, But It's a emergency, Nandyan ba si King? I need to talk to him.” Natatarantang turan ni Sean. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kataranta at namumutla. Ano ba ang nangyayari? Yes, si Sean ang lalaking nasa harap ko. Nagulat ako dahil hindi ko siya inaasahan na pupunta dito sa unit ko ng ganito ang itsura at biglaan. May number naman niya ako incase may tanong siya sa akin or what. Isa pa, tatawagan pa lang siya ni Giovanni tapos nandito na siya agad. “His inside, actually tatawagan ka nga niya ngayon e, Ba—” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ng magsalita sa aking likuran si Giovanni. “Wife, sino ‘ya
HABANG hinihintay si Sean na mahanap sila Kiel. Kinausap ko naman si Nicole at pinaliwanag ang lahat. Pinaintindi ko ang sitwasyon namin ngayon. Ako rin ang may kasalanan kung bakit siya nagalit kay Giovanni at iniwanan si Sean. Sa akin siya dapat magalit at hindi sa dalawang lalaki. Wala naman itong imik ng ma-kwento ko ang lahat. “I'm sorry bunso, ako ang may kasalanan ng lahat. Sana ‘wag kanang magalit kay Giovanni at Sean.” Sincere na hingi ko ng paumanhin sa kanya. Pinatong ko ang aking kamay sa kamay niyang nasa lamesa at tipid na ngumiti. Malamlam ang mga mata at halatang naiiyak na ng tumingin naman siya sa akin. “I'm sorry din ate sa inasal ko kanina. Ngayon naiintindihan kona ang lahat. Napaikot tayo ng Logan na iyon. Hindi ko akalain na gano'n siya kasama.” Tumango-tango naman ako. “Yeah, kahit ako hindi ako makapaniwala ng malaman ko ang lahat. Anim na taon natin nakasama ang taong dahilan bakit nawala si Mama. Kaya ngayon hindi
HUMIHINGAL na napasandal kami sa pader ng makarating sa gilid ng resort. Merong gate na maliit dito na nangangalawang na at maraming dahon dahon. Napapagitnaan namin iyon dahil nasa kabilang side si Hubby at kami naman ni Sean ay nasa kabila. Nakaharap ako kay hubby ganon din naman ito sa akin habang pasilip silip sa gate. Habang si Sean ay nakatalikod sa akin para antabayanan baka may biglang sumulpot na kalaban. My eyes widened ng makita kong may lalaki na nasa likod ni Giovanni hindi kalayuan sa pwesto nito. Humigpit ang hawak ko sa baril. Shit! Nang makita kong humugot ito ng baril ay walang pag aalinlangan kong tinaas ang kamay saka tinutok ang baril sa lalaki saka ito pinaputukan. Tinamaan ito sa noo at bumulagta. Bullseye! “Shit! What the fvck wife?!” Gulat na turan ni Hubby ng dumaan sa gilid niya ang bala ng baril. Mabilis itong lumingon sa kanyang likod. at doon nakita ang nakabulagtang lalaki. “Sorry hubby, babarilin kana niya e.” Turan k
Shit! Napamura ako sa aking isip ng harangin kami ng mahigit walo o sampu na tao. Mapapalaban pa kami! Kain sa oras ‘to. Gulat naman akong napatingin kay Sean ng umabante ito at tumigil sa gitna. “Ako ng bahala dito, King. Umalis na kayo ni Mam Natasha.” What? kaya niya ba ang mga ito? Iisa lang siya! “No, tutulungan ka namin Sean. Ang dami ng mga ‘yan!” Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. “Don't worry Mam Natasha, Kayang kaya ko ang mga ito. Sige na, iligtas niyo na sila Kiel. Susunod ako sa inyo.” Nag-aalangan pa akong iwan siya kaso naramdaman ko ang hawak ni Hubby sa aking braso. Binalingan ko naman siya. “Don't worry about him, He can handle those bastard. Let's go.” Wala akong nagawa ng hilahin na ako ni Hubby at tumakbo kami patungo sa basement. Nilingon ko pa si Sean na sumulyap din sa amin saka ako sinaluduhan at tinanguan. Tumango rin ako sa kanya saka tumingin na sa unahan. Please, mag-ingat ka Sean. My sister is waiting for you.
They both fit to be partners in this kind of battle. Their team work is great! The way they help each other is so damn cool! Kahit malayo kami at may smoke bomb kita pa rin namin ang nangyayari. We are assassins. Sanay na sanay kami sa ganito. Kahit abala si Sissy sa pakikipag laban hindi niya nakakalimutan lingunin si King para icheck kung ayos lang ba ito. At talagang tinutulungan niya kahit malayo pa ang agwat nila. Nawalan ng bala ang gamit na baril ni King kaya to the rescue naman si Sissy at napaka astig na hinagis sa ere ang baril na agad naman nasalo ng asawa. The way she fight is terrible. I never thought sissy would be this good. Kinuha niya ang kunai sa sahig saka mabilis tumayo lahat ng madadaanan niya ay walang kahirap hirap nitong sinasaksak sa leeg at dibdib. Whoa! Pwede na siyang maging assassin! Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin na may sasaksak kay King hindi nito napansin na may tao na sa likod niya dahil abala siya sa pakikipag suntu
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas