Share

4

Tinawag ko kaagad siya nang mahina nang marinig ko ang boses niya.

George: Mama...

Unknown caller: Akala ko, makakapag-hintay ka sa pagbabalik ko, Papa... sinabi ni ate ang lahat may iba ka na...why?

Sorry, Mama...

Nasaktan ako sa sinabi niya at kaagad kong pinatay ang tawag nang nakarinig ako nang yabag. Nag-text kaagad ako sa unknown number na nag-register sa cellphone ko.

George: Maya na tayo, mag-usap, Mama.

Bago ko binura sa text message pagkatapos huminga na lang ako at tinago ang cellphone sa bulsa ko.

"Sino ang tumawag?" tanong niya mula sa gilid ko napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Ah, wala nagkamali pala siya nang tinawagan nakausap ko humingi pa nga nang sorry." bulalas ko at hinawakan ko ang mukha mukha niya.

Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos at nagsalita siya.

"Bakit parang na-shocked ka sa narinig mo? Kilala mo ba ang tumawag?" tanong niya sa akin.

"Hindi, hon ano, tara?" aya ko na lang sa kanya at hinawakan ko ang baywang niya.

"Okay, kunin ko lang ang wallet natin sa bag," sagot naman niya sa akin.

Tumayo ako sa bukana nang pintuan ng hotel at nag-text ako sa unknown number nakabisado ko kaagad ang cellphone number ng taong matagal ko nang hinihintay at dinelete ko kaagad ang message ko.

George: I miss you, Mama, sorry pero mahal pa rin kita hindi ako nagsisinungaling.

"Halika, hon, saan mo gusto kumain?" tanong naman niya sa akin nang tabihan niya ako.

"Uhm, sa iba tayo kumain at pumasyal tayo saglit sulitin natin ang break daanan natin si direk sa room niya." sagot ko at magka-hawak kamay kaming lumabas ng hotel room magkakatabi lang kami ng room kaya hindi kami maglalakad nang malayo.

"Direk!" tawag niya sa labas nang kwarto ng director namin.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa aming dalawa ang director.

"Bakit?" pagtatanong ng director sa aming dalawa at tumingin pa sa itsura namin.

"Mamasyal kami ni Vhan, direk, pwede ba?" pagtatanong niya nang tumingin sa amin ang director sinarado niya ang pintuan.

"Oo ba, basta bukas nang alas-diyes gising na kayong lahat kakausapin ko rin ang mga ibang cast." sagot ng director sa amin nagka-tinginan naman kaming dalawa.

"Okay, direk!" sabi naming dalawa at nagpaalam na ako.

Lumakad na kaming dalawa papunta sa elevator may nakasabay pa kaming tao. Kung artista ka sa Pilipinas malaya kang nakaka-pasyal sa ibang bansa dahil hindi kami pinag-kakaguluhan nang mga tao.

"Sana ganito ang pinas, ano?" banggit na lang niya sa akin nang makapasok kami sa loob ng elevator.

"Iba sila at iba ang mga naninirahan dito," sagot ko na lang at naghintay lang kami bumaba ang elevator.

Nang huminto na ang elevator lahat nang kasabay namin lumabas na sumunod na lang kaming dalawa hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa mall na malapit sa hotel. Napangiti ako nang matanaw ko ang buong building na nagliliwanag sa dilim.

Nang makapasok kami sa mall dahil malawak ang lugar nito hindi mo maiisip na isang mall ang pinasukan namin.

"Sayang, ano, hon two weeks lang tayo kailangan nating bumalik sa Pilipinas," bulalas niya sa akin naglalakad kami sa gilid nang mall.

"Trabaho ang pinunta natin dito, hon." nasabi ko na lang sa kanya at nag-ikot muna kami at namili nang pasalubong.

Dalawang parehas na magkaibang kulay nang damit ang binili ko para sa mga anak ko hindi sila choosy sa gamit.

Ang hindi nila gusto ang same brand ng damit at ang same nang brand ng gadgets 'yon ang kaibahan nila.

"May pasalubong na mga anak mo sa kanilang ina, hon bibilhan mo pa?" puna niya nang may kinukuha akong damit pantaas at ibaba.

"Oo, bakit hindi? Anak ko sila, hon gusto ko sila pasalubungan." sagot ko na lang at nilagay ko na sa cart na hila namin.

"Bilhan mo ako nun, hon," sabi niya at may tinurong dress.

Nilapitan ko ang tinuro nitong damit at nagtanong ako sa saleslady.

"Good day, miss you have size 30?" I asked and pointed to the dress she pointed out to me.

"Yes, we have, sir awhile, what color?" the saleslady asked, I called her and then came over.

"What color dress, is it the same?" I asked her.

"Yeah, it's also the color I want," she said and the saleslady looked up.

"Okay, just wait for me and I'll get new stock." the saleslady answered.

Hon, fit the dress she's going to take." I just said.

"I'll do it," she told me.

"We're going to sleep early. We've got a job tomorrow, hon, you've been flirting earlier." I'm just reminding her.

Nang bumalik ang saleslady inabot nito kaagad kay Karen ang dress pumunta naman siya sa fitting room.

Naiwan ako para umupo at nagtingin-tingin nang may mahagip ang mata ko kaagad na sumagi sa akin ang asawa ko.

Nag-text ako sa kanya at nagtanong kung anong size niya sa damit.

Text message

George: Mama, tanong ko lang anong size mo ngayon sa damit?

Unknown number: Huwag mo na ako tanungin 'yang babae mo ang tanungin mo, nasaan ka ba ngayon?

George: LA ako ngayon, Mama may shooting kami ngayon dito pero dahil break namasyal kaming dalawa may nakita akong damit na bagay sa'yo dito alam mo naman ako kapag nakakita ng damit na babagay sa'yo bibilhin ko kahit mahal saka, ngayon lang ulit.

Unknown number: 29 ang size ko pero huwag mo na ako pagka-abalahan pa may iba ka na kaya kalimutan mo na ako.

George: Mag-usap na lang tayo kapag nakabalik ako.

Sinabi ko sa saleslady ang size na nakita kong damit nagtaka pa ang itsura nito.

"For my daughter," sabi ko na lang at kaagad niyang nilagay sa paper bag ang damit.

"Ano 'yan?" tanong niya nang lumapit sa akin nakita niya ang paper bag.

"Para sa anak ko, hon dinalawa ko na." sabi ko na lang sa kanya.

"Ah," sabi na lang niya sa akin at binigay na niya ang damit.

Tumayo ako at hinawakan ang mga paper bag lumapit ako sa cashier at nagbayad ulit nang damit para sa kanya.

"Thank you, sir." sabi ng saleslady sa akin.

Siya na ang humawak nang paper bag na binili kong damit niya. Kumain muna kaming dalawa sa may kilalang resto sa LA tinabi ko lang ang paper bag.

"Dapat sinabay mo na 'yon kanina," banggit niya nang matandaan ang paper bag na pinag-lalagyan nang damit ni Nikka.

"Nakita ko lang, hon hindi ko 'yon napansin kanina," pagkaila ko sa kanya.

"Patingin," sabi niya.

"Huwag na, hon umorder na lang tayo." sabi ko.

May lumapit sa amin na waiter nang umupo kaming dalawa sa bakanteng mesa.

"This is your menu, sir and ma'm, good day!" the man greeted us.

Hindi na lang kami nag-usap at kinuha na lang namin ang menu. Nakatayo sa gilid namin ang lalaki na naghihintay nang order namin.

"This is my order, and a dessert with tea," she mentioned to the waiter and the waiter wrote it in the small notebook he was holding.

Tumingin pa ako nang ibang pwedeng kainin na hindi ko pa talaga nakakain.

"Uhm, I'll just order this and include this dessert as well, I'll drink water," I said as well.

"Okay, sir and ma'am." sagot na lang sa amin nang waiter bago tumalikod sa amin.

Hindi rin nagtagal dumating na rin ang inorder namin nilapag nang mga waiter ang mga pagkain sa mesa. Kumain na kaming dalawa at nang matapos tinawag niya ang waiter para magbayad ng bills.

Kinuha ko ang paper bag sa tabi ko at inayos dahil may isang paper bag ang napunit na. Tumayo na kami pagkatapos palitan ng sukli.

Namasyal pa kaming dalawa kahit may bitbit kaming paper bag nang mapagod nag-desisyon na kaming bumalik sa hotel kadahilanan, may trabaho pa kami kinabukasan.

Nagising ako nang alas-otso at bumangon na ako lumingon pa ako sa tabi ko na natutulog pa rin kaagad akong dumeretso sa banyo at naligo na ako nang matapos ako lumabas na ako sa banyo nagbihis na ako bago ko siya gisingin.

"Hon, wake up, may trabaho pa tayo," sabi ko at kinalabit ko na lang siya.

"Hmm.." ungot niya at ilang ulit ko siyang kinalabit.

"Hon..order lang ako ng almusal natin." sabi ko at nakatanggap ako nang text mula sa director namin.

Magkikita na lang ang lahat sa lobby at sabay na aalis para pumunta sa location nang shooting.

Marami nang bawal sa makalipas na taon kapag lock-in shooting ang trabaho dapat dun lang kami at walang aalis pero dahil kailangan sa ibang bansa ang shooting kailangan namin ma-destino sa ibang bansa.

Para na rin akong OFW kahit ilang linggo lang kami dito. Nakatanggap ako nang video call mula sa mga anak ko nang matapos ako makapag-order.

"Papa!" tawag ng mga anak ko sa akin napangiti na lang ako nang bumungad sila sa camera.

"Kamusta?" tanong ko na lang sa kanila.

"Sobrang saya, Papa kasama namin si Mama ngayon nagluluto siya." sabi ng anak ko, at parang gumalaw ang hawak nito.

Nakita kong may babaeng nakatalikod sa kanila bumilis bigla ang tibok nang puso ko.

Mama...

"Ah okay, behave kayo sa Mama nyo ah?" paalala ko na lang sa mga anak ko.

"Mama si Papa kausap ko." tawag ng anak namin kaya lumingon siya kumaway lang siya bago tumalikod.

"Ingat kamo," dinig kong sabi nito sa akin kahit nakatalikod siya.

"Ingat daw, Papa pinapasabi ni Mama." sagot ng anak namin.

"Nasaan kayo?" tanong ko na lang sa anak ko.

"Sa bahay ni tita," sagot ng anak ko.

"Mga anak mo?" bungad niya at nakita kong gumalaw ang camerang hawak ng anak ko.

"Oo, Je, tita Karen mo." sabi ko na lang sa anak ko.

"Hi, tita!" bati ng anak ko sa kanya.

"Hi!" bati niya sa anak ko.

"Huwag kayo mag-puyat," utos ko sa mga anak ko.

Nag-okay sign na lang ang anak ko narinig namin na tinawag na sila ng asawa ko.

"Bye na, Papa pasalubong namin ni bunso." sabi ng anak ko natawa na lang ako nang sawayin ito ng asawa.

"Mama naman eh!" sabi ng anak ko sa asawa ko.

"Kasama nila ang kanilang ina, hon nakausap mo ba?" tanong niya nang patayin ko ang video call.

"Hindi, hon busy eh saka ang anak ko lang ang nakausap ko." sabi ko na lang sa kanya.

"Parang pamilyar na hindi ang boses ng kanilang ina," puna na lang niya at inutusan ko na siyang maligo.

Nang tumunog ang doorbell sumilip muna ako sa maliit na bilog bago ko binuksan nagpasalamat na lang ako at nagbayad kaagad sa delivery boy kinuha ko na lang.

"Kumain na lang tayo ng almusal," sabi ko sa kanya.

"Sige," sabi na lang niya.

Hinanda ko na lang ang pagkain sa mesa at kumuha ng pinggan at dalawang kutsara't-tinidor kasama na rin ang dalawang baso inabot niya sa akin ang wallet at ang maliit kong bag kung saan nakalagay ang cellphone ko.

"Ano ang name ng Mama nang mga anak mo?" tanong niya bigla sa akin napatingala ako sa kanya.

"Nikka, bakit?" tanong ko naman sa kanya.

"Nikka? Ano ang apelyido?" tanong niya.

"Hindi mo kailangan malaman kung sino siya, hon wala ka pa rin bang tiwala? Sa tagal nang pagsasama natin walang gumulo sa relasyon natin at kung tatanungin mo ang pamilya ko hindi ka rin nila sasagutin." mahaba kong bulalas sa kanya alam kong curious pa rin siya sa pagkatao ng asawa ko.

"Okay, hon." sagot na lang niya kahit iba ang itsura nang mukha niya.

Nang matapos na kami kumain siya na ang nahugas nang pinag-kainan namin at hinanda ko ang dadalhin naming gamit.

"Hon, tara na!" tawag niya sa akin at binitbit ko ang gamit wala kaming kasamang PA ngayon dahil nagkasakit ito.

Lumabas na kaming dalawa at nakasabay pa namin ang ibang cast hinayaan ko siyang makipag-kwentuhan sa mga kasamahan namin sa trabaho.

Hindi lang kami ang main lead ng ginagawa naming pelikula maraming bida ang nasa poster na. Nang makarating kaming lahat sa ground floor hinayaan naming mga actor maunang lumabas ang mga actress bago kami sumunod sa kanila.

"Aalis na tayo." panimula nang director sa aming lahat at sabay-sabay kaming lumabas ng hotel tinabihan niya ako at magka-hawak kami nang kamay inasar pa kami ng mga kasama natawa na lang siya at napapailing na lang ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status