Share

6

"Mama!" tawag ng anak ko sa akin.

"Hindi ako nawawala," biro ko sa dalawa kong anak natawa naman sa kanila ang ate ko na katabi ko.

"Oo nga," sabat ni ate sa kanila.

"Eh..tita naman eh..." pag-angal ng anak ko sa tita nila.

Tumawa na lang si ate sa kanila at nagluto na kami umalis ulit ang mga anak ko sa tabi namin.

"Parang mga bata kahit gurang na! Haha!" natatawang sagot ni ate sa akin nang sundan niya ng tingin ang dalawa kong anak.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni ate sa akin.

"Sis, babalik ka ba sa Manila?" tanong niya sa akin.

"Syempre, ate nasa showbiz na ang buhay ko ngayon hindi na lang ako bilang modelo sa Korea natupad ko na ang pangarap ko." sabi ko sa kanya.

"Katulad ka ba ni George?" tanong nito sa akin nang balingan niya ako nang tingin.

"Papunta pa lang, ate." sagot ko na lang sa kanya.

Nang matapos kami magluto hinain namin ito sa mesa.

"Mama, gala tayo." pag-aaya ng anak kong panganay sa akin.

"Saan nyo gusto magpunta?" tanong ko sa anak ko.

"Kahit saan," sagot nito sa akin tumingin naman ako sa bunso ko.

"Ikaw?" tanong ko sa anak ko.

"Hindo ako sasama, Mama maglalaro ako ng ML." sagot na lang nito sa amin.

"ML?" pagtatanong ko sa mga kasama ko sa mesa hindi ako pamilyar sa larong 'yon.

"Mobile legend, Nikka uso sa mga kabataan 'yon ngayon isang apps sa cellphone mahilig din ang anak ko sa ganyan." sabi ng ate ko sa akin tumango na lang ako sa kanya.

"Wala na alam sa ganyan," pag-amin ko na lang sa kanila.

"Kaya kailangan mo nang isang taong pahinga bago ka bumalik sa trabaho mo." sagot ni ate sa akin napabaling ang tingin ko sa kanya.

Kakausapin ko muna ang manager ko tungkol dito para hindi ako mawalan ng trabaho sana lang payagan ako.

"Kakausapin ko muna ang ama nila at ang manager ko para tumagal ang pagsasama namin ng mga anak ko." sagot ko na lang sa ate ko.

"Mabuti nga 'yon, hipag paniguradong kalat na ang pagbabalik mo sa pamilya ni bayaw." sabat ng asawa nang ate ko sa akin.

"Panigurado," sagot ng ate ko sa akin.

Huminga na lang ako sa narinig malamang kalat na nga 'yon. Napag-pasyahan ko na umalis kasama ang panganay ko sa nakalipas na taon ngayon ko lang ulit nakasama ang anak ko.

Hindi ko na alam ang hilig nito at gusto kong malaman ang lahat nang tungkol sa mga anak ko.

"Mama, kunin nyo na lang kami ni Riko kay Papa wala naman kaming kasama palagi sa kanilang bahay eh." sabi ng anak ko sa akin nang bumungad ito sa pintuan.

"Pag-uusapan namin ng Papa mo ang bagay na 'yan, Genikka sa ngayon sa akin muna kayo, saan ba kayo nag-aaral?" pagtatanong ko sa kanya.

"Sa Manila kami nag-aaral ni Riko, Mama, sa isang private school," sagot naman niya sa akin.

"Ah, nag-babakasyon lang kayo dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, Mama online class kami ngayon ni Riko wala pa kaming face-to-face class wala pang ina-aanounce," sabi niya sa akin.

"Ibig sabihin, may klase kayo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Oo, Ma maliban sa paglalaro ni Riko may klase siya," sagot niya sa akin.

"Eh, ikaw?" tanong ko na lang sa kanya.

"Absent muna, Ma ngayong araw lang naman gusto kita makasama," sabi niya sa akin.

"Sige, ngayong araw lang ah?" nasabi ko sa kanya.

Umalis na kami nang anak ko hindi pang-porma ang suot ko pero ramdam ko ang tingin nang mga tao habang naglalakad kami.

"'Yan ba ang ina ni Genikka? Mukhang ka-edad niya lang." dinig naming dalawa hindi na lang namin pinansin.

"Sabi ng kapitbahay nila," sagot ng kausap nito.

"Baka nagpa-retoke?" sagot nito sa kausap.

Sumakay na kami sa jeep at nagbayad ang anak ko sa driver hindi na ako pamilyar sa peso at kung magkano ang binabayad sa Jeep.

"Ang dami nang nagbago sa Pilipinas," sabi ko sa anak ko.

"Hindi ka ba umuuwi ng Pilipinas, Ma?" bulong natanong nito sa akin.

"Isang beses lang at hindi na naulit," sagot ko sa kanya.

"Habang nandito ka, Ma at wala ka pang trabaho ipapakilala ko ang hindi mo nakilalang lugar dito sa atin." banggit ng anak ko sa akin.

Ngumiti lang ako sa anak ko at nang makarating kami sa mall sinabi niya sa akin ang lahat kung anong naka-paskil sa jeep papunta doon at kung magkano ang binabayad.

Tinuro niya rin sa akin ang mga favorite damit na gusto niyang suotin at ang mga ayaw niya. Tinuro niya rin ang mga sapatos o sandals na gusto niyang suotin.

"Same tayo sa sandals, anak ano ang size mo?" tanong ko.

"8 to 9," sagot niya sa akin at pumasok kami sa loob ng store.

"Tingin muna tayo, anak magpapalit lang tayo ng dollar para maging peso," bulong ko sa anak ko nakamasid sa amin ang saleslady.

"Okay," sagot niya.

"Tara, mamili muna tayo ng groceries sa supermarket bago bumalik." aya ko na lang sa anak ko.

Tumalikod na kami nang anak ko at nagpunta sa supermarket nagpalit muna ako pera. Huminga ako at nagpunta sa anak ko na naghihintay sa akin lumakad na kami papunta sa loob ng supermarket.

"Marami na 'to, Mama," sagot naman niya sa akin.

"Bayaran na natin," sabi ko at nagpunta na kami sa counter.

Nagbayad ako sa cashier nang sabihin nito ang presyo nang binili namin. Nang matapos ilagay sa paper bag binuhat namin at umalis mamili kami ng damit sa akin, sa kanya at sa kapatid niya.

Binalikan namin ang store at bumili kami ng dalawang pares nang sandals.

"Salamat po," wika ng saleslady sa amin.

Nang makapag-bayad na kami sa cashier tumango lang ang anak ko. Nag-aya ang anak ko na kumain muna kami bago umuwi sa bahay ng kapatid ko.

Naalala ko na binigay ni ate sa akin ang cellphone number ng asawa ko.

"Gusto mo tawagan natin ang Papa mo?" tanong ko sa anak ko nang balingan ko ito ng tingin.

"Baka busy si Papa, Ma may number kayo?" tanong nito sa akin.

"Ibinigay ng tita mo," sagot ko at pina-ring ko ang number ng asawa ko.

Calling..

Unknown caller: Hello?

"Si tita Karen, Ma huwag nyo na sagutin ayaw ni Papa na hinahawakan ng iba ang cellphone niya kahit allowed kami ni Riko na kahit hindi nagpapaalam, nagpapaalam pa rin kami," bulong niya nang ma-bosesan ng anak ko pero nag-hello pa rin ako at kaagad na binaba.

"Talaga?" pagtatanong ko sa kanya.

"Oo, Ma," sabi niya sa akin na-curious ako kung bakit naging ganun na ang nangyayari.

Ibig sabihin naghihintay pa rin siya nang tawag mula sa akin?

"Subukan ko na lang mamaya tawagan ang Papa mo kapag natapos na tayo kumain," sagot ko.

Nang dumating ang inorder namin kumain muna kami at ako na rin nagbayad sa bill.

"Tambay muna tayo, anak dito." aya ko sa anak ko.

Naupo kami sa upuang bato na nasa hallway at tinawagan ko ulit ang asawa ko ang anak ko na ang nag-dial sinuksok niya ang headset sa magkabilaang tenga namin para marinig ang magsasalita.

Nang marinig namin ang boses ng asawa ko nagsalita na ako.

Calling...

Nikka: George...Papa..ako 'to..

Ang boses na ito!

George: Mama...

Nikka: Akala ko, makakapag-hintay ka sa pagbabalik ko, Papa... sinabi ni ate ang lahat may iba ka na...why?

George: Maya na tayo, mag-usap, Mama.

Nagka-tinginan kaming dalawa nang anak ko at sabay umiling.

"Dumating si tita," sabi niya sa akin.

Inalis ko ang headset sa tenga ko at ganun din ang ginawa ng anak nang itatabi ko na nakatanggap ako ng text mula sa asawa ko.

George: I miss you, Mama, sorry pero mahal pa rin kita hindi ako nagsisinungaling.

Umuwi na kaming dalawa nang anak ko sa bahay ng kapatid ko.

"Ito ang jeep na sasakyan natin, Ma pero may isa pa." sabi ng anak ko at may tinuro siyang jeep na lumampas.

Sumakay na kami sa jeep at ako na ang nagbayad sa driver at sinabi ang bababaan namin.

"Para!" sabi namin nang anak ko.

Bumaba kami sa kanto at sumakay ulit saka sinabi ng anak ko kung saan ang bahay.

"Ate!" tawag ko sa kapatid ko.

Binuksan ko ang gate nang makababa na kaming dalawa ng anak ko. Pumasok na kami sa loob bitbit ang pinamili namin bumungad sa amin ang anak ko na may ginagawa sa laptop ko na hiniram niya kanina.

"Mama!" tawag nito sa akin nang tumingin sa amin ng kapatid niya.

Sumenyas ito na huwag nang magsalita dahil may klase pa daw ito. Nagmano sa akin ang pamangkin ko iba ang ginagawa niya module daw ang tawag sabi nang anak ko.

"Nasa palengke si Rica nagtitinda." pag-bungad ng bayaw ko sa aming dalawa ng anak ko.

"Hindi siya samahan?" tukoy ko sa bayaw ko tinuro na lang niya ang anak ko at ang mga anak niya.

"Tuwing umaga ako ang nandun at siya ang nandito sa bahay kapag pahapon na siya ang nandun at ako ang nandito." sagot ng bayaw ko sa akin.

Dinala niya ang pinamili namin nang anak ko sa kusina.

"Ang dami mo naman binili nakakahiya naman sa'yo, Nikka." bulalas ng bayaw ko nang makita ang pinamili namin.

Napapailing na lang ako sinabi niya at nagpunta na ako sa kwarto para magbihis nagpalit na rin nang damit ang anak ko. Makalipas ng ilang oras, dumating na rin ang ate ko na mukhang pagod na pagod sa pag-titinda.

"Okay ka lang?" tanong ko sa ate ko.

"Oo, napagod lang ako," sabi niya sa akin pagkatapos magpaalam sumunod ako sa kanya.

"Samahan kita, ate sa pag-titinda." bungad ko sa may pintuan nang hindi pa niya sinasarado ang pintuan.

"Hindi ka na bagay dun," tukoy niya sa akin sa palengke.

"Ayoko naman manatili dito, ate nakakahiya naman sa inyo," sabi ko.

"Walang nakakahiya," sabi niya.

"Wala nga, ate kaso ayoko naman maging pabigat at palamunin sa inyo," sabi ko.

"Hindi ka na kasi sanay sa palengke ang kamay mo na kasing-ganda ng rosas," sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ano ka ba, ate! Sasama ako sa'yo huwag ka nang umangal." sabi ko sa ate ko at napasimangot na lang ako.

"Ikaw talaga, sige na nga!" sabi na lang niya sa akin at sinarado ang pintuan ng kanilang kwarto.

Napangiti na lang ako nang pupunta na ako sa kusina para magluto nakatanggap ako ng text mula sa asawa ko.

Nakita ko na may ginagawa na ang dalawa kong anak sa laptop.

Kailangan ko silang bilhan ng sariling laptop para hindi nanghihiram sa akin.

Text message

George: Mama, tanong ko lang anong size mo ngayon sa damit?

Ano na naman ito?

Unknown number: Huwag mo na ako tanungin 'yang babae mo ang tanungin mo, nasaan ka ba ngayon?

George: LA ako ngayon, Mama may shooting kami ngayon dito pero dahil break namasyal kaming dalawa may nakita akong damit na bagay sa'yo dito alam mo naman ako kapag nakakita ng damit na babagay sa'yo bibilhin ko kahit mahal saka, ngayon lang ulit.

Hindi pa rin nagbabago kahit may iba na siya ayoko naman makipag-plastikan sa asawa ko.

Unknown number: 29 ang size ko pero huwag mo na ako pagka-abalahan pa may iba ka na kaya kalimutan mo na ako.

George: Mag-usap na lang tayo kapag nakabalik ako.

Mag-uusap talaga tayong dalawa!

Napasimangot na lang ako at nagluto na lang ako nang hapunan namin.

"Anong nangyari sa pamamasyal nyo?" tanong ni ate sa akin nang naghahain na ako ng pagkain sa mesa.

"Okay lang," sabi ko sa kanya.

"May picture kayo sa cellphone? Patingin!" sabi niya sa akin.

"Meron pero kakaunti lang," nasagot ko sa kanya.

Nang matapos ang paghahain namin tinawag na lang namin ang pamilya namin at kumain na kaming lahat. Nang matapos nanood muna kami nang TV tinuro nila sa akin ang bagong George Nieva o Vhan Nieva sa mga tao.

Nang matapos ang panonood namin natulog na kami sa kani-kanilang kwarto.

Kinabukasan, nagluluto ako nang tanghalian namin nakita ko na busy na ang mga anak ko sa kanilang online class.

Pumunta sa palengke ang bayaw ko para mag-tinda sa palengke maglalaba naman ang ate ko dahil mamaya pa kami pupunta sa palengke kapalitan ng asawa nito.

Nang matapos kami kumain umalis na kami nang bahay nang dumating ang asawa nito. Maraming tao pa rin kahit pahapon na dahil maraming bumibili pa rin.

Inaayos na namin ang paninda ng ate ko nang may magsalita.

"Nikka.." tawag nito dahilan para mapatingin ako.

"Mama.." mahinang tawag ko sa magulang ng asawa ko.

"Ano ang ginagawa mo dito? Iistorbohin ang magandang araw namin?" sabat ng ate ko sa amin.

"Hindi, pinapasabi ni George na sa inyo muna ang mga anak niya—sa asawa niya dahil kapag nandito na sila ni Karen tingin ko kukunin niya ulit ito hindi ka pa rin nagbago, Nikka hindi ka talaga nagpa-retoke sabi ng iba nang iba nagpa-retoke ka pero nang makita in person wala kaso huli ka nang pagbabalik sana kung papasahan ka ng annulment ng anak ko pirmahan mo na hindi pa rin kita gusto para sa anak ko kahit may apo ako sa'yo." matalas nitong sabi sa akin nang susugurin na ito nang ate ko hinawakan ko ito.

Hindi ka pa rin nagbabago, Mama!

"Uulitin ko, kahit mag-hiwalay kami nang anak mo, Ma hindi siya mapupunta sa iba," sagot ko sa kanya.

Mangbabae siya pero, akin pa rin mapupunta ang lahat dahil ako ang asawa niya. Tumalikod na ito sa amin at sigaw nang sigaw ang ate ko sa mga maritess na nanonood sa amin.

Walang nakakaalam na kasal siya sa akin o ako sa kanya kakaunti lang nakakaalam. Mabuti na lang tahimik ang mga bibig ng kamag-anak nang asawa ko at hindi maingay.

Nang matapos kami mag-ligpit nang paninda umuwi na kaming dalawa nang ate ko sa bahay. Naligo lang muna ako dahil dugyot na dugyot ang itsura ko. Nang matapos ako maligo at magbihis dumeretso ako sa kusina tinulungan ko si ate na magluto ng hapunan namin.

Nang tatawagin ko na ang mga anak ko nakarinig ako na may ka-video call sila.

"Papa!" tawag ng mga anak ko sa asawa ko.

"Sobrang saya, Papa kasama namin si Mama ngayon nagluluto siya." sabi ng anak ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at tinuloy ko ang pagluluto ko.

"Ganyan sila palagi kapag malayo ang asawa mo," bulong ni ate sa akin.

"Mama si Papa kausap ko." tawag ng anak namin kaya lumingon ako kumaway lang ako bago tumalikod.

"Ingat kamo," sabi ko na lang kahit nakatalikod pa rin ako.

"Ingat daw, Papa pinapasabi ni Mama." sagot ng anak namin.

"Nasaan kayo?" tanong nito nang marinig ko sa kanya.

"Sa bahay ni tita," sagot ng anak ko.

"Mga anak mo?" dinig kong sabi nang isang boses at nakita kong gumalaw ang camerang hawak ng anak ko.

"Ang kontrabida sa buhay nyo," sabi ng ate ko sa akin.

"Oo, Je, tita Karen mo." sabi na lang niya sa anak namin.

"Hi, tita!" bati ng anak ko sa kanya.

"Hi!" dinig kong sabi nang babae.

"Akala nga niya ako ang ina nang mga pamangkin ko, haha!" sabi ng ate ko at tinuloy ko na ang pagluluto.

"Bye na, Papa pasalubong namin ni bunso." sabi ng anak ko natawa na lang siya nang sawayin ko sila.

"Uy!" saway ko sa kanilang dalawa nang mag-tawanan.

"Mama naman eh!" sabi ng anak ko akin.

Inaya ko sila na maghain nang kagamitan bago namin hinain nang ate ko sa mesa ang pagkain at kumain na kaming lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status