Share

12

Author: Xyrielle
last update Last Updated: 2023-09-16 13:12:02

Inayusan na kami nang mga make-up artist na kasama namin sa locking-in nang matapos ako kaagad akong pumunta sa tent ng mga boys.

"Hi, Karen!" pagbati ng mga kasamahan naming celebrity.

"Hi!" sagot ko na lang kahit napipilitan hindi ako malapit sa hindi ko close na celebrity wala nga akong kaibigan sa kanila.

"Gwapo na talaga ng jowa mo, Karen." banggit ng bakla sa akin nang tumabi ako sa gilid ni Vhan.

"40+ ka na ba talaga, Vhan?" tanong ng isa sa baklang kasama namin nang tabihan siya.

Gwapo talaga siya lalo na nang maging kami.

"Oo," sabi na lang niya sa kanila nilapitan ko na lang siya habang inaayusan siya ng bakla.

"Inaalagaan ko kaya mas gumu-gwapo ang mahal ko," sabat ko kaya natahimik sila sa sinabi ko.

"Kamusta na pala ang mga anak-anakan mo, Vhan?" tukoy ng nagsalita kanina isa itong kakilala ng pamilya niya hindi ako malapit sa kanya ang boyfriend ko lang.

"Nasa bahay ng tita nila ang balita
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • I am his... Stranged Wife   13

    Huminga na lang ako nang malalim at tumanaw sa labas ng eroplano.Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon alam kong nagbabalik na siya?Gusto ko mabuo ang pamilya sa nakalipas nang taon pero, gusto ko naman makasama rin si Karen.Mahal ko silang dalawa pero, alam ko sa sarili ko kung sino pa rin ang mas matimbang. Ang hirap mamili kung silang dalawa ang mahalaga sa'yo."Hon, hmm.." mahinang tawag niya sa akin nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.Lahat kami nasa business class sa loob ng eroplano pinili namin ito kahit mahal ang price."Malayo pa tayo," sabi ko na lang sa kanya at hinawakan ang kamay niya.Sumandal ako nang maayos at inayos ang face mask sa mukha ko bago pumikit ang mga mata ko. Nagising ako sa kalabit kaya napadilat ako bumungad sa akin ang magandang mukha ng partner ko."Gumising ka na, hon malapit na bumaba sa NAIA terminal ang eroplano nag-announce na sila," banggit naman niya sa akin at hi

    Last Updated : 2023-09-17
  • I am his... Stranged Wife   14

    Naghanda ako ng mga damit na dadalhin ko pauwi sa Batangas wala na akong damit na iniiwan sa bahay namin dahil madalas nawawala kaya napag-desisyunan kong hindi na mag-iwan hindi ko sila masisisi kung kunin ang gamit ko."Anong oras tayo aalis, hon?" pag-bungad niya sa tabi ko at napalingon ako sa kanya."Tanghali, hon pagkatapos natin kumain sasama ang manager ko sa akin maghahanap siya nang bagong talent sa Batangas," sagot ko sa kanya at pinabasa ang text maliban dun gusto niya makita ang asawa ko."Sasabay siya sa atin?" pagtatanong naman niya sa akin nang ibalik ang cellphone ko."Hindi may sariling sasakyan naman ang manager ko magkikita lang kami sa bukana nang Tagaytay at mag-convoy tayo," sabi ko sa kanya."Magpapasundo ako sa driver ko, hon hindi ako magtatagal dun." banggit na lang niya sa akin hindi na lang ako sumagot sa kanya.Siya ang nagluto nang tanghalian namin ako naman dumeretso sa banyo para maligo pagkatapos ko ayusin ang mga pasalubong ko para sa kanila. Nakabihi

    Last Updated : 2023-09-18
  • I am his... Stranged Wife   15

    Masakit ang ulo ko na bumangon sa kama hinilot ko ang sintido ko, at sinabunutan ang buhok. Naalala ko na naman ang asawa ko at ang nangyari kagabi.Tumayo na ako sa kama para lumabas nang kwarto ko. Kahit pwede ako matulog sa bahay nang hipag ko hindi ko muna ginawa dahil nahihiya ako sa asawa ko."Oh, nandito ka?" baling na pag-bungad ni Papa sa akin dahilan para mapalingon ako."Nung isang araw pa," sagot ko na lang sa Papa ko."Kasama mo si Karen, hindi ka sumama sa kanya?" pagtatanong ni Papa sa akin para akong narindi sa sinabi niya nang hindi ko maintindihan."Ganito naman ako kapag umuuwi mula sa shooting at kapag nandito ang mga anak ko, hindi na bago sa inyo." sagot ko na lang at pumasok sa banyo namin para magbawas.Nang lumabas ako nakatayo pa rin si Papa sa harap nang banyo hindi na ako nagtaka."Dahil nandyan ang magaling mong asawa kaya nandito ka? Hindi ba, sa kapatid ka niya nakiki-tulog?" nasabi na lang

    Last Updated : 2023-09-19
  • I am his... Stranged Wife   16

    Nagpunta kami sa tourist ng Batangas gustuhin ko man na makasama ang asawa ko hindi pwede."Papa!" tawag ng anak ko sa akin napangiti na lang nag-wacky pose kaming tatlo.Ganito naman kami noon kahit hindi namin kasama ang asawa ko pero, nang nandyan naman siya hindi pa rin namin siya makasama."Upo muna tayo," sabi ko na lang sa dalawang anak ko tumango sila sa akin may nadaanan pa kaming mga tao na nakilala ako."Vhan!!!" tawag nang magkaka-grupo at kaagad na lumapit sa amin."Pa-picture kami!" nakangiti nilang sabi sa akin nang makalapit sila sa tabi ng mga anak namin."Sige ba," sagot ko sa kanila at umayos nang upo nang aalis ang mga anak ko."Sama kayo, hindi ba mga anak kayo ni kuya Vhan? May tripad kaming dalawa para hindi tayo mahirapan," bulalas nila napabaling ang tingin ng mga anak ko sa akin."Baka ayaw nila, fren." sabat ng kasama nila napansin yata ang pagkilos ng mga anak ko."Hindi, kuy

    Last Updated : 2023-09-20
  • I am his... Stranged Wife   17

    Sinamahan ko sa SM ang ate ko mamimili daw kami na pang-groceries naubos na kasi ang pinamili namin nang anak ko."Sikat ka," banggit ni ate sa akin nang may magpa-picture sa akin."Kahit saan kilala ako, ate ngayon lang na may nagpa-picture makalipas ng ilang buwan." nasabi ko na lang nang may magpa-picture sa akin.Kilala ako bilang model pero kakaunti lang ang nakakakilala sa akin na mga tao kasi mas tawag pansin ang mga celebrity kaysa sa amin.Bilang model okay lang sa akin 'yon noon kaso, bakit ko tatanggihan ang isang alok ng management ng isang sikat na network kung ikaka-ganda ito ng career ko, hindi ba?Lumakad na kami papasok sa loob ng supermarket at kumuha ako ng malaking cart at isang basket. Nang kumukuha ako nang biscuit at snacks may lumapit sa akin iniwan ako ng ate ko nasa kabilang side siya pumunta."Nikka." diing tawag ng isang boses kaya napalingon ako kumunot ang noo ko sa babaeng nakatayo sa tabi ko.

    Last Updated : 2023-09-21
  • I am his... Stranged Wife   18

    Tumingin ako sa anak ko at tumingin siya sa akin."Istrikto si lolo sa amin, Mama as in parang militar ang bawat inuutos sa amin." sabi na lang nang anak ko sa akin."Bakit daw siya ganun sa inyo? Ganyan din ba siya sa mga pinsan mo?" pagtatanong ko na lang sa kanya."Ibang-iba si lolo sa amin, Ma, at ang trato niya sa pinsan ko kaya nagtaka kami ni Riko kung bakit naging ganun siya kagabi nagtalo pa nga sila ni lola." sabi ng anak ko sa akin."Nagtalo? Kasi iba na ang trato ng lolo nyo sa inyo, ganun ba 'yon?" pagtatanong ko na lang sa kanya."Oo, alam ko naman na kagabi lang 'yon mangyayari may himala na kung magtuloy-tuloy siya nang ganun attitude sa amin." sabi ng anak ko dahilan para mapatingin ako sa mukha niya.May gusto akong itanong sa anak ko pero, hindi ko maitanong. Huminga na lang ako nang malalim at nagluto na kami ng uulamin para sa tanghalian. Dumating na rin ang isa kong anak na inutusan pala nang biyenan ko.

    Last Updated : 2023-09-22
  • I am his... Stranged Wife   19

    Hindi na ako nakatulog nang maayos mula nang mag-impake kami nang gamit ng mga anak ko. Pina-tulog ko sila sa loob nang kwarto ko para gigisingin ko na lang sila kaagad.Minasdan ko ang mga anak ko habang natutulog sana kung hindi ako umalis noon nakita ko kayo nag-dalaga at nag-binata man lang.Hindi ko sinisisi ang nangyari sa ating pamilya kung bakit naging ganito tayo ngayon. Bumangon ako at may tinawagan buwisit ka!Calling...George: Hello? Akala ko ang sasagot ang kabit niyang maldita!Nikka: Ano ang scandal na ginawa mo kanina? Nagulat kami nang mga anak mo!George: Gusto ko lang ipagmalaki ang mga anak ko, anong masama sa ginawa ko?"Hon, sino 'yan?" narinig kong tawag ng boses babae niya sa kabilang linya."Kapatid ko." narinig kong sagot niya napaka!—Nikka: Nakaka-istorbo ako sa inyong paglalandian.George: Hindi, saglit..."Kausapin ko ang kapatid mo, hon! Isusum

    Last Updated : 2023-09-23
  • I am his... Stranged Wife   20

    Bahagya akong tumingala nang masdan ko siya."Hon, hmm.." mahinang tawag ko sa kanya may kakaiba akong napapansin at nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.Lahat kami nasa business class sa loob ng eroplano pinili namin ito kahit mahal ang price kasalanan ito ng director namin choosy ang director namin maski naman ako gagawin ko ito para hindi ako pagka-guluhan ng fans.Sumandal ako nang maayos at inayos ang face mask sa mukha ko bago pumikit ang mga mata ko. Nagising ako sa boses ng nag-aanounce sa loob ng eroplano.Gisingin ko na kaya siya?"Gumising ka na, hon malapit na bumaba sa NAIA terminal ang eroplano nag-announce na sila," tawag ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi niya wala naman akong pakialam kung may tumingin sa amin.Tumugon na lang siya sa ginawa kong paghalik sa kanya at humiwalay pagkatapos umayos na kami nang pagkakaupo nakakailang naman sa iba naming kasabay na nakatingin sa amin."Pahiram nang su

    Last Updated : 2023-09-24

Latest chapter

  • I am his... Stranged Wife   Final Chapter

    Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap

  • I am his... Stranged Wife   108

    Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang

  • I am his... Stranged Wife   107

    Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar

  • I am his... Stranged Wife   106

    After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil

  • I am his... Stranged Wife   105

    Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m

  • I am his... Stranged Wife   104

    Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill

  • I am his... Stranged Wife   103

    Nasa dressing room ako na nagpapahinga nang magsalita ang kasama ko sa loob nabaling ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Karen. "Vhan, bumalik na siya..." bulalas nito hindi pa ako lumilingon sa kanya. "Sinong bumalik?" tanong ng manager ko sa kanya hindi ko siya pinapansin. Nag-uusap naman sila nang mahina bago lakasan. "Si Karen, bumalik na siya ang alam natin umalis siya ng bansa at umalis sa network kinontak ako ng mga dati niyang ka-team para humingi ng favor." sagot kaagad nito sa amin at pinakita sa amin ang text message at tawag. Humarap na ako sa kanya dahil sa favor na binanggit nito sa amin. "Gusto niya na mag-usap kayong dalawa sa akin siya dumaan para sabihin ko ito sa'yo hindi nila sinabi ang reason pero, binanggit nila na hindi ito magmamakaawa na mag-balikan kayo." tugon naman nito sa amin kailangan talaga namin mag-usap alam kong nabalitaan niya na ang tungkol sa pag-amin namin ni Nikka. "Sabihin mo sa kanila na pumapayag ako makipagkita sa

  • I am his... Stranged Wife   102

    Mahigit ilang buwan ako nag-stay sa ibang bansa para magpahinga muna nagkaroon ako ng anxiety at depression ng magpa-check up ako sa doctor pinayuhan ako na magpahinga at umalis sa bansa para hindi ako ma-stress kinausap ko na rin ang management ng network ko at umalis na ako sa station bilang artist nila mula ng mag-eskandalo ang baguhan na celebrity. Kahit malayo ako nababalitaan ko pa rin ang nangyayari sa Pilipinas ng dahil sa worldwide news. Umamin sina Nikka at George sa tunay nilang relasyon may nagulat at hindi naniwala sa kanila pero, nakikita ko sa kanila ang katotohanan sa kanilang mukha.Akala ng ibang fans at tao hindi totoo ang kanilang inamin sa public dahil sa surgery na ginawa kay Nikka pagkatapos ng aksidente nito. Naniwala lang sila nang ipakita nila ang patunay na kasal sila ang singsing na palaging suot ni George na ginawa pala niyang kwintas.Suot naman ni Nikka ang singsing sa palasingsingan na palagi kong natatanaw sa kanya sa tuwing nagkikita kaming dalawa."

  • I am his... Stranged Wife   101

    Nagluluto na ako ng hapunan nang dumating ang mga anak ko mula sa mga kaibigan nila nagsabi naman sila na gagabihin sila ng uwi pagkatapos na nangyari sa amin ng asawa ko nang ilang beses naglinis na kami ng bahay."Kamusta ang therapy, anak?" tanong niya sa anak namin nang bumaba ito mula sa kwarto."Umo-okay na ako, Pa hindi naman mawawala kaagad ang nangyari sa akin hindi ba kahit wala si Mama nagpapa-therapy na ako gagaling din ako." sagot ng anak ko nang marinig ko 'yon tinuloy ko ang ginagawa ko.Napatingin naman ako sa bunso ko nang tumabi sa akin dahil nagsalita ito."Ma, may dinagdag na gamot kay ate para sure na gumaling siya." bungad ng anak ko sa akin tinanong ko naman kung posible bang magwala ito kung sakaling makaranas ng pang-aabuso sa mga tao."Magwawala pa rin si ate pero dapat i-maintain ang gamot na iinumin niya masyadong masalimuot ang nangyari sa kanya ng dahil kay tito," bulalas ng anak ko huminga na lang ako sa harapan nito hindi sila tumanggi sa pagsama sa aki

DMCA.com Protection Status