Share

2

Miss na miss ko na kayo mga anak...

Niyakap ko na lang ang mga anak ko at kumain na kami sa dining area.

"Kamusta na kayo?" tanong ko sa mga anak ko nakatingin ako sa kanila.

"Mabuti naman kami, Mama, kayo?" tanong ng bunso ko.

"Hindi ako okay, dahil sobra ko kayo iniisip ko kung okay lang ba kayo dito." sabi ko.

"Sensiya mga pamangkin kung hindi ko binigay ang cellphone number ng Mama nyo kapag nalaman nilang may kontak kayo sa Mama nyo hindi na kayo makakapunta dito," sabat ng ate ko sa mga anak ko.

"Saan ba kayo nakatira?" tanong ko sa mga anak ko nang balingan ko sila ng tingin.

"Kay Papa, Ma nagsasama na sila tita Karen sa isang subdivision kaya kami nandito dahil nasa ibang bansa sila ngayon." sabi ng anak ko.

"Pwede ba na dumito kayo ng tatlong linggo?" tanong ko sa mga anak ko nagka-tinginan naman sila.

"Magpapaalam pa kami sa kanila, Mama kasi gusto nila na isang linggo lang kami manatili kay tita." sabi ng anak ko sa akin.

"Kalat na siguro sa labas nakabalik ka na, Nikka at malalaman nila panigurado 'yan." sabat ng bayaw ko dahilan para magka-tinginan kaming lahat.

"Parang virus ang balita kahit saan dumadapo," sabat ng ate ko huminga na lang ako.

"Paano 'yan, ate, ano ang sasabihin natin?" tanong ng bunso ko.

"M—" putol ng anak ko nang magsalita ako.

"Sasama ako sa inyo, at ako mismo ang magpapaalam sa kanila." sabi ko sa kanila tumingin ang dalawa kong anak sa akin.

"Magdadala ako ng abogado," sabi ko na lang sa kanila.

Tahimik naman nakikinig ang lahat sa sinasabi ko.

"Baka umapela sila nyan, Nikka!" diing sabi ng ate ko sa amin.

"Wala naman silang pakialam sa mga anak ko, ate sasabihin natin sa abogado ang nangyayari sa inyo." tukoy ko naman sa mga anak ko nang tumingin ako.

"Paano si Papa?" tanong ng anak ko sa akin.

"Wala naman siyang paki sa inyong magkapatid," sagot ko sa mga anak ko tumingin ako sa kanila.

"'Yon ang hindi mo alam, Ma." sabi ng anak ko sa akin.

Napabaling ang tingin ko sa anak ko dahil sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa anak ko.

"Kahit hindi niya kami pinakilalang anak kay tita Karen alam naming inaalagaan kami ni Papa hindi nagbago ang turing niya sa amin kahit nasa harap namin si tita Karen, Mama." kwento ng anak ko sa amin.

"Totoo, si tita Karen katulad lang siya ng mga babae hindi niya tanggap na kasama pa rin kami kay Papa ang gusto ni tita kina lola kami tumira kaso, hindi pumayag si Papa." sabi ng anak ko sa amin.

"'Yan ang asawa mo kahit naging babaero maalaga pa rin siya sa mga anak nyo hindi niya pinabayaan ang mga anak nyo." sabat ng ate ko sa akin.

Natahimik naman kaming lahat at nang matapos kumain nagpunta kami sa kwarto.

"May naging jowa kayo sa ibang bansa, Mama?" tanong ng anak ko sa akin nakaupo sa sahig ang bunso ko.

"Wala, anak kasi mas tinuon ko ang atensyon ko sa pag-momodel," sabi ko sa kanila at binuka ang maleta ko na puro damit at gamit sa agency.

"Modelo pa rin ba kayo?" tanong ng panganay kong anak sa akin.

"Oo na hindi, anak dahil isa na akong instructor ng mga bagong modelo hindi na ako aalis sa Pilipinas makakasama nyo na ako nang matagal." sabi ko sa kanila at ngumiti na lang napaluha dahil ibig sabihin maalagaan ko na sila.

"Pwede ba na maging katulad mo ako, Mama?" tanong ng anak ko at tumango ako sa kanila.

"Oo, ako pa ang magtuturo sa inyo ng tamang paglalakad o pag-rampa," sabi ko sa anak ko.

"Gusto ko maging artista, Mama pero tutuparin ko ang pangarap sa amin ni Papa." sabi ng bunso ko, at sabay kaming tumingin sa kanya ng kapatid niya.

"Gusto ni Papa na magtapos kami sa señior high," sabi ng dalawa kong anak sa akin.

"Maganda nga 'yon, anong kukunin nyong kurso?" tanong ko sa kanila.

"Flight Attendant ang gusto kong kurso kaso mahal daw ang tuition fee.." sabi ng bunso ko sa amin.

"Ikaw?" tanong ko sa anak ko.

"Architect, Mama may part-time job na ako sa isang fast food kaya nakaka-ipon ako ng sarili kong pang-tuition fee." sagot ng anak ko.

"Dadagdagan ko 'yon, anak at ako na bahala sa tuition fee mo, anak." sagot ko.

"Kapag nakapagtapos na kami sa pag-aaral gusto kong sumunod sa yapak ko, Mama." sabi ng bunso ko sumang-ayon na lang ako sa kanya.

Tumingin pa ako sa panganay ko na tahimik lang.

Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanila at marami akong nalaman sa kanila na dapat matagal ko nang alam.

Lumabas na kami sa kwarto at nakita kong nakatayo ang kapatid ko sa labas.

"Matulog na kayo," banggit ng ate ko sa dalawang anak ko.

"Opo," sabay sagot nang mga anak ko at sumenyas ang ate ko sa akin.

Sinundan ko ang kapatid ko sa sala nila at umupo kaming dalawa.

"Bakit, ate?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Nang bumili ako ng ulam natin kalat na sa palengke ang pagbabalik mo," sabi niya sa akin.

"And then?" pagtatanong ko sa ate ko.

"Alam mo naman ang chismis ang maritess na ang tawag iba-iba na ang kwentong kumakalat," pahayag niya sa akin.

"Anong kwento?" tanong ko.

"Common pero hindi mawawala sa kanila ang ang salitang DOM kaya daw hindi nagbago ang itsura mo nagpa-retoke ka daw," sagot niya sa akin.

"At pumatol ako sa DOM para magka-pera?" sabi ko.

"Tumpak!" sagot niya sa akin sinabi pa niya ang ginawa niya sa palengke.

Natatawa ako sa ginagawa ni ate habang dinedescribe niya ang 'sagutan' nito sa mga maritess.

"Wala naman silang pakialam sa buhay ko at hindi ko sila kilala," sagot ko na lang sa kanya.

"Hindi daw sila naniniwala na walang katotohanan 'yon, pero may ilang naniniwala dahil may kababata ka dito," sagot niya sa akin.

"Ang kinaka-bahala ko lang ang sugurin tayo ng mga biyenan kong hilaw at hipag dito," sabi ko sa kanya.

"Ang kapal naman nila para sumugod, Nikka ipapa-barangay ko sila kapag ginawa nila 'yon." diing sagot niya huminga na lang ako.

"Ate, tingin mo, ipa-anulled ko ba ang kasal ko?" tanong ko.

"Wag mong gagawin," sabi niya sa akin.

"Bakit? May iba na siyang mahal." nasabi ko na lang.

"Kung hindi ka niya mahal, Nikka matagal na siyang nag-desisyon na makipag-anulled sa'yo pero hindi niya 'yon ginawa nakipag-relasyon lang siya para mawala ang pagka-miss niya sa'yo," sabi niya sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kung mahal niya ako hindi siya makikipag-relasyon sa iba," sagot ko.

"Tigang na ang asawa mo, Nikka bago niya nakilala si Karen lahat sinasabi niya sa akin sa tuwing nagkikita kami hindi nga lang siya makawala sa babaeng 'yon dahil baliw sa asawa mo," kwento niya sa akin at may inabot na kahon.

"Ano 'to?!" pagtatakang tanong ko naman sa ate ko pinatong ko ang kamay sa ibabaw ng kahon.

"Puro sulat na nanggaling sa asawa mo, Nikka makaluma siya pero sweet," sabi niya sa akin.

"Sulat?" tanong ko.

"Oo, huminto lang siya nang maging hectic na ang schedule niya as celebrity nawalan na daw siya ng oras," sabi niya sa akin.

Hinimas ko ang kahon feeling ang lalim nang mga nakasulat sa loob.

"Mabuti hindi nagdududa sa kanya 'yong Karen kapag nandito siya," sabi ko naman sa kanya.

"Ang alam ni Karen magkakaibigan kami," sabi niya sa akin.

"Bakit hindi niya pinakilala ang mga anak namin sa kalaguyo niya?" tanong ko napapa-isip ako sa sinabi ng mga anak ko.

"Katulad ng sa'yo, dahil sa kontrata kaya hindi niya pwedeng isapubliko ang mga anak nyo," pahayag niya sa akin hindi naman ako nakasagot sa kanya.

Kaya kailangan niyang ilihim sa lahat kung sino ang mga anak ko sa buhay niya.

"Ikaw, kaya mo na bang ipakilala sa mundo ang mga anak mo?" tanong niya sa akin dahilan para humarap ako.

"Kapag naging settle na ang pag-uusap namin, ate nang asawa ko alam ba nung Karen kung sino ang ina nang mga anak ko." tanong ko.

"Hindi, magugulat 'yon kapag nalaman niya ang totoo at alam mong magagalit ito sa asawa mo masira pa ang magandang career ng asawa mo kapag pinag-kalat nito," sabi niya dahilan para maisip ko 'yon.

Kailangan ko muna nga siyang makausap tungkol sa mga anak namin.

"Pwede ko ba hingin ang private number niya?" tanong ko.

"Oo, asawa ka naman niya mag-ingat ka lang parang hawak minsan ni Karen ang cellphone ng asawa mo kasi kapag gusto ko 'yon kausapin ang nakakausap ko sa kabilang linya si Karen bago ang asawa mo," sabi niya at naglabas kami nang cellphone at nagsalitan ng numero.

"Ikaw muna ang makipag-usap sa kanya at sabihin mong gusto ko siya kausapin ng personal," sabi ko na lang sa kanya.

"Sige, kapag lumabas ka ng bahay huwag mong pansinin ang mga maririnig mo labas sa kabilang tenga." biro niya sa akin.

Sumaludo ako sa ate ko at nagka-tawanan kami pagkatapos nakaka-miss pala 'to.

"Bukas ba aalis ka?" tanong niya sa akin.

"Hindi, bakit, ate?" tanong ko.

"Bonding time! Mag-swimming tayo kasama ng mga anak mo." aya niya sa akin.

"Sige, wala ba silang klase?" pag-tukoy ko sa mga anak ko.

"Meron, pero hindi naman bukas sabi naman nila na isang linggo nasa akin sila," sabi niya sa akin.

"Okay," sagot ko.

"Natatakot ka bang makaharap ang pamilya ng asawa mo?" tanong niya.

"Medyo, pero iniisip ko ang lahat ng pinagdaanan ko nang dahil sa kanila." sagot ko na lang sa kanya.

"Ipakita mong hindi ka na nila kayang maliitin ngayon hindi ka na si Nikka na una nilang nakilala ang makikita nila ang bagong Nikka," sagot niya at hindi naman ako nag-react.

"Salamat, ate." sagot ko.

"Anong balak mo bukas?" tanong niya at tumingin pa sa akin.

"Wala," sabi ko kaagad sa ate ko.

"Magpahinga ka muna matulog nang matulog," sabi niya.

"Bangungutin naman ako nyan," sabi ko.

"Tumulong ka sa akin dito sa bahay para hindi ka mainip, Nikka ganyan din ang mga anak mo kapag nandito sila," sagot niya.

"Sige," sabi ko at tumayo na lang kaagad sa sofa.

"Kilalanin mo pa ang mga anak mo," tukoy nito sa mga anak ko.

"Gagawin ko talaga 'yon, ate gusto ko sila makilala." sagot ko na lang nagpaalaam na ako para magpahinga.

Sinilip ko pa ang sa kanilang kwarto ang dalawang anak ko.

Isang araw ko pa lang kayo nakikita pinasaya nyo na ang nangungulila kong puso.

Kakausapin ko ang abogado ko na sumamang umuwi sa amin mula sa Korea marunong siya magsalita ng english kaya hindi kami mahihirapan makipag-communicate. Kailangan kong kausapin ang asawa ko nang kami lang.

Bumalik na ako sa kwarto para makapag-pahinga may jetlag pa ako mula sa byahe.

Kinabukasan, nagising ako nang maaga kaya bumangon na ako medyo namamahay pa ako sa bagong lugar hindi na sanay sa klima nang Pilipinas.

Lumabas na ako sa kwarto wala pang tao sa buong bahay kaya nagpunta ako sa kusina at humanap nang iluluto.

"Nikka!" tawag ng boses dahilan para mapalingon ako.

"Kuya," sabi ko at binati ko na lang.

"Ang aga mo naman magising namahay ka?" tanong nito.

Tumango na lang ako sa kanya at nag-timpla na nang kape.

"Mula nang umalis ka maraming nagbago dito," tukoy nito sa akin.

Napabaling ang tingin ko sa bayaw ko bago binalik ang tingin sa niluluto ko.

"Marami nga, kuya sabi ni ate." sagot ko.

"Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin kung saan mo gusto magpunta sasamahan ka pa namin ng ate mo," sabi ng bayaw ko sa akin.

"Salamat," sagot ko at iniwan na niya ako sa kusina nang matapos ako magluto saktong may yumakap sa likod ko.

"Akala ko panaginip na nandito ka kagabi, Mama hindi pala panaginip totoong nandito ka." sabi ng anak kong panganay hinawakan ko ang ulo nito.

"Hindi ko na kayo iiwanan," sabi ko at sumenyas na akong magpunta na ito sa banyo.

"Mama!" dinig kong tawag nang bunso ko at napalingon ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status