Sorry for the long update. I will try to give update daily or the other day. Please, continue to read the novel. Thank you.
Nainip si Farrah sa pagbalik ni Damon kaya minabuti na lang niya puntahan ito sa labas bahay. Nakita niya si Damon sa garahe at may kausap pa rin sa cellphone na halata seryoso ang mukha nito. Nilapitan niya si Damon na ngumiti naman sa kaniya at pinatay ang tawag sa cellphone.“Nakaistorbo ba ako?” tanong ni Farrah.“No, sakto lang na patapos na usapan namin ng secretary ko,” sagot ni Damon.“May magandang balita ako sa ‘yo,” dagdag pa nito na ngumiti pa ng pagkatamis. Nakarandam naman ng pagkailang si Farrah sa ginawa ni Damon.“A-ano ba ang m-magandang b-balita?” nauutal na tanong ni Farrah.“Nalaman ng secretary ko na extended ang vacation ni Mayor Morena sa bansa kaya naisipan ko puntahan natin siya this weekend,” pagbabalita ni Damon.“Oh no!” sambit ni Farrah na natakpan ang bibig sa sariling palad. Kumunot naman ang kilay ni Damon sa naging reaksyon ni Farrah na inakala niyang masisiyahan ito na dati ay siya pa ang nagmamadali makita si Mayor Morena.Narandaman ni Farrah na pa
Hindi namalayan ni Farrah na nakatulog siya sa sofa at mabilis siya bumangon kahit nararandaman pa rin ang pananakit ng tuhod. Hinanap niya si Damon at natagpuan sa may lanai.“Nand’yan ka lang pala,” wika ni Farrah.Nagulat naman si Damon dahil ‘di inakala gising na si Farrah habang abala siyang pinagmamasdan ang kalangitan.“Bakit bumangon ka na?” tanong ni Damon at inalalayan si Farrah sa paglalakad papunta sa silya upang maupo.“Takipsilim na, napahaba ang tulog ko at ‘di mo man lang ako ginising,” tugon ni Farrah na may halong pagtatampo.“You had need to rest, kaya naman ‘di na kita inistorbo pa. I should take you home now, maaga pa kitang susunduin bukas,” sambit ni Damon at inalalayan muli si Farrah na makatayo.Pagdating ni Farrah sa kanilang bahay ay sinalubong kaagad siya ni Sandra na kakauwi lamang din. Nag-aalala ito sa kalagayan niya at dahil naiwan ni Farrah ang kaniyang mga gamit at hindi na natawagan pa ito. Wala rin siya contact kay Damon kaya naman umuwi na lang ng
Sa silid ni Lerma muli pinatulog sina Damon at Farrah. Pagkailang ang nararandaman muli ni Farrah habang katabi si Damon sa papag kahit na ilang beses na silang nagkatabi matulog. Naaalala ni Farrah na ilang beses na rin kamuntikan may mangyari sa kanila ni Damon kapag nagkakadikit ang kanilang mga balat.Hindi maiwasan ni Farrah na kabahan sa pag-alala sa nakaraan kaya napakapit ng mahigpit sa kumot. Pakirandam niya ay nagiging marupok na siya pagdating kay Damon at iniisip niya baka nagkakagusto na talaga siya rito.Iniisip ni Farrah kung ganoon din ba si Damon o baka naman mali siya ng pakirandam. Mapaglaro si Damon sa mga babae noong nag-aaral pa sila at baka mapaglaruan din nito ang kaniyang damdamin. Ngunit bigla naalala ni Farrah ang nobyo si Jeff kaya napatingin sa kawalan.“Gising ka pa pala,” wika ni Damon na nakatitig sa mukha ni Farrah.Nagulat si Farrah kaya napabalikwas ng upo mula sa pagkakahiga. Napaupo na rin si Damon at nagkatitigan silang dalawa ni Farrah.“Ano ba n
"May sumusunod sa 'tin," wika ng lalaking nasa driver seat.Hindi pa nakakalayo ng San Pablo ang sasakyan. Sinulyapan naman ng isa ang side mirror kung mayroon nga nakasunod sa kanila. Napansin nito ang isang owner type jeep na nakasunod sa kanila. "Pare, bilisan mo ang pagmamaneho at may nakasunod nga," wika nito.Habang si Farrah ay nakailang ulit na ng dasal mula pa nang palabas sila sa San Pablo. Narandaman niyang hinawakan siya sa kamay ni Damon ng mahigpit. Ipinapahiwatig nito na wala siyang dapat na alalahanin sa mga nangyayari.Sobrang bilis nang takbo ng sasakyan kahit baku-bako na ang dinadaanan. Hindi pamilyar kay Farrah ang kanilang tinatahak na lugar kaya palinga-linga ito."Lakasan mo ang pagdarasal," biglang sambit ni Damon na ikinagulat ni Farrah dahil ngayon lang may lumabas na salita mula sa bibig nito.Sumunod si Farrah sa sinabi ni Damon. Gustong matawa ng mga lalaking kumuha sa kanila dahil ang huli ay sumas
Kahit anong gawin pag-alala ni Mayor Morena ay walang matandaan sa gabing nangyari ang sinasabing kasalan sa isang club. Marahil nalaseng na rin siya tulad ng kaniyang assistant nang gabing 'yun."Kahit anong gawin ko pag-alala ay wala ako matandaan na kasal," wika ni Mayor Morena. "Please, subukan niyo pa po alalahanin dahil kayo lamang ang pag-asa namin upang mapawalang bisa ang nasabing kasal," pakiusap ni Farrah na nakaupo katabi si Damon.Habang si Damon naman ay walang kibo at nakikirandam lamang. Wala siyang maisip na sabihin o suhestiyon."Mawalang galang po. Ang ninanais niyo ay maaaring makasama sa magandang katayuan ni mayor. Mapapasama ang tingin ng mga kababayan natin kung sakali," singit na wika ng katiwala ng dating mayor.Akala nila ay umalis na ang katiwala kaninang maghatid ito ng meryenda sa kanila. 'Di nila inasahang nakikinig pala siya sa usapan at marahil tama ang kaniyang sinabi."Wala po ba tayong ibang m
Napilitan si Damon na samahan si Farrah sa flower farm nito. Nais talaga ni Damon na manatili sila sa bahay ni Norma hangga sa maayos na ni Mayor Morena ang kailangan dokumento."Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Damon."Grabe siya, wala pa tayong 30 minutes na nandito," tugon ni Farrah. Halata nito na naiinip at balisa si Damon. "May problema ba?""Wala naman.""Bakit balisa ka? Hindi ka ba nagagandahan sa mga bulaklak?"Tumingin si Damon kay Farrah at ngumiti."Magaganda ang mga bulaklak kaya 'di nakakapagtaka marami kayong kliyente. Pero, pinakamaganda ang bulaklak na nasa harapan ko."Pumalakhak ng tawa si Farrah. Kung dati ay naiinis si Damon sa mga babae na maingay tumawa. Ngayon ay parang musika sa kaniyang tainga ang pagtawa ng malakas ni Farrah."Naging bolero ka na naman, kaya siguro ang dami mo nabiktima nang college tayo.""Hindi naman, sadyang pogi lang ako."La
“Ano ba, ang harot mo!” Sinubukan ni Farrah tumayo at kumawala sa bisig ni Damon ngunit hindi siya hinayaan nito. “Baka may makakita sa ‘tin, nakakahiya.”“Hayaan mo sila, alam naman nila na mag-asawa tayo.”“Alam din nila na maghihiwalay na tayo.”“Gusto mo ba ang maghiwalay talaga tayo?”“Iyon naman ang tama di ba?”Napabuntonghininga si Damon at inilayo ng bahagya ang katawan ni Farrah. Tumayo na rin ito at tumitig sa kawalan upang maiwasan ang tingin ni Farrah.“Mali ba ang pasya ko?” tanong ni Farrah.“Hindi, tinatama mo lang ang sitwasyon,” tugon ni Damon at tumalikod na ito. “Tara na sa loob at lumalalim na ang gabi.”“Damon.” Pigil ni Farrah sa braso ni Damon. “Pag-isipan mo mabuti ang tungkol sa ama mo. Kung makikipag-ayos ka pa o hindi na, at saka natin muli pag-usapan ang tungkol sa ‘tin."Hindi kumibo si Damon at tuluyan nang naglakad papasok sa bahay na ‘di man lumingon kay Farrah.
Pinagmamasdan ni Farrah ang mga biniling damit at sapatos na dinagdagan pa ni Norma ng dalawang designer bags. Ayaw niyang tanggapin sana ang mga ito ngunit mapilit din si Damon.“Ganito ba talaga ang maging asawa ni Punongbakal?” bulong niya sa sarili. “Masyadong maluho,” dagdag pa nito.Ngayon ay ‘di siya makapagpasya alin ang nababagay na suotin mamaya. Isang dinner date na kasama ang pamilyang Buenavista. Sa kakaisip pa lang sa pamilyang ito ay ‘di na mapakali si Farrah.“Choose the black dress,” biglang sambit ni Damon na nakasandal sa may pintuan.“Kanina ka pa d’yan?”“No, kadarating ko lang at mukha malalim ang iniisip mo. Can’t decide which dress to wear?”“Ah, oo. Ang mahal kasi, ngayon pa lang ako nagkaroon ng ganitong kamahal na damit. Nakakapanghinayang isuot ng isang tulad ko.”Lumapit si Damon kay Farrah at dinampot ang black v-neck ruffle dress. Isinukat niya ito kay Farrah.“Babagay sa ‘
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae