Pinagmamasdan ni Farrah ang mga biniling damit at sapatos na dinagdagan pa ni Norma ng dalawang designer bags. Ayaw niyang tanggapin sana ang mga ito ngunit mapilit din si Damon.
“Ganito ba talaga ang maging asawa ni Punongbakal?” bulong niya sa sarili. “Masyadong maluho,” dagdag pa nito.Ngayon ay ‘di siya makapagpasya alin ang nababagay na suotin mamaya. Isang dinner date na kasama ang pamilyang Buenavista. Sa kakaisip pa lang sa pamilyang ito ay ‘di na mapakali si Farrah.“Choose the black dress,” biglang sambit ni Damon na nakasandal sa may pintuan.“Kanina ka pa d’yan?”“No, kadarating ko lang at mukha malalim ang iniisip mo. Can’t decide which dress to wear?”“Ah, oo. Ang mahal kasi, ngayon pa lang ako nagkaroon ng ganitong kamahal na damit. Nakakapanghinayang isuot ng isang tulad ko.”Lumapit si Damon kay Farrah at dinampot ang black v-neck ruffle dress. Isinukat niya ito kay Farrah.“Babagay sa ‘“Ready ka na na?” tanong ni Damon.“Kanina pa,” tugon ni Farrah at halatang excited.Inalis kaagad ni Damon ang panyong nakapiring kay Farrah.“W-what?” hindi makapaniwala sambit ni Farrah habang nakikita ang picnic blanket na may basket. May wine and chips na rin kasama. “How?”“Tara.” Hinatak ni Damon si Farrah patungo sa picnic blanket at inalalayan niya itong maupo. “Pinaayos ko kay Bert kung sakaling umuwi kaagad tayo.”“Kaya pala bigla silang nawala ni Mang Luis kanina pagbaba natin sa sasakyan. Dito pala sila sa likod bahay pumunta para lang ayusin ito,” namamangha wika ni Farrah.“Look.” Turo ni Damon sa isang puno.Natuwa naman si Farrah dahil ang daming alitaptap sa isang sanga ng puno.“Ang ganda.”Nagsalin ng wine si Damon sa dalawang kopita at ibinigay ang isa kay Farrah.“Masaya ka ba?” tanong ni Damon.“Oo naman. Ang ganda talaga sa probinsya.”Hindi
Tinawag ni Mayor Morena ang kaniyang katiwala at pinakuha ang mga dokumento kailangan nila Damon at Farrah. “Natapos na ang mga dokumento, ngunit ngayong natagpuan na natin si Alfonso ay mapagtitibay pa lalo ang mga nakasulat d’yan,” wika ni Mayor Morena at iniabot ang mga dokumentong nasa envelope kay Farrah. Masayang-masaya si Farrah na tinanggap ang mga dokumento at napatingin ito sa mukha ni Damon na walang ekspresyon. “Nakakahiya naman sa inyo. Ang totoo niyan ay ako ang may kasalanan dahil trabaho ko ang pag-asikaso ng mga papeles para kay mayor noon. Kaya pasensya na kayo,” nahihiyang paumanhin ni Alfonso. “Ayos na po ‘yon Mang Alfonso, ngayon ay malalagay na sa tama ang lahat,” wika ni Farrah. Habang si Damon naman ay hindi pa rin kumikibo. “Kung ganoon ay dalhin niyo na ang mga dokumentong ‘yan at bukas naman, ipapasunod ko na lang ang statement ni Alfonso,” wika ni Mayor Morena. “Paano nga po pala ang pr
Tinanghali ulit ng gising si Farrah dahil mag-uumaga nang nagpasya silang matulog ni Damon. Nakahiga pa rin siya nakatingala sa kisame at hindi makapaniwala sa mga naganap kagabi. Hindi pa rin niya malimutang umamin si Damon ng kaniyang nararandaman at ayaw nito na magkahiwalay sila. Kinikilig na kinagat-kagat ang manipis na kumot na nakabalot sa kaniya. Nang bigla tumunog ang kaniyang cellphone at nakita sa screen ang pangalan ni Sandra. “Hello, beshy,” may halong kilig ang kaniyang tinig. “Beshy kumusta na? Kailan ang balik niyo ng Maynila?” tanong ni Sandra sa kabilang linya. “Baka this week, may kailangan lang ayusin si Damon at babalik din kami.” “May kakaiba sa ‘yo.” “Anong kakaiba naman?” nangingiting tanong ni Farrah at saka dumapa ng higa. “Parang may kumikiliti sa tainga mo. Kahapon na tumawag ka hindi ka gan’yan kasaya.” “Akala mo lang ‘yon,” pagkakaila ni Farrah dahil gusto niyan
Damon met his father with his minions at the old chapel of San Pablo. “Dad,” salubong ni Damon sa ama na kabababa lang ng sasakyan. “What’s the matter, son?” tanong ni Mayor Buenavista. “Hindi maipinta ‘yang mukha mo.” “It’s Farrah, nawawala siya.” “Paanong nawawala? Hindi ba’t iniwan mo sa siya sa pinsan ni Mang Luis?” “Yes, pero pagbalik namin sa bahay ni Aling Norma kanina ay wala na siya. Do something dad.” “Magpapalagay ako ng checkpoint sa mga puwedeng daanan.” Iniutos nga ni Mayor Buenavista ang paglalagay ng mga checkpoint upang matunton si Farrah. Ngunit mag-uumaga na ay walang Farrah na natagpuan. “Makakabuti kung magpahinga ka muna,” wika ni mayor sa anak. Nasa Office of the Mayor sila sa mismong munisipyo. “No dad, I need to know first kung nasaan na si Farrah,” tugon ni Damon. “Tumawag ka na ba sa Manila? Baka nakauwi na si Farrah sa kanila.” “I alrea
40 hours earlier. Kakagaling ni Farrah sa bahay ni Mayor Morena at ngayon ay hindi niya alam kung saan tutungo. ‘Di na siya puwede bumalik sa bahay ni Norma dahil siguradong magkikita sila ni Damon. Kung mananatili pa sa San Pablo kahit isang gabi ay baka mahanap siya ni Damon, lalo na ngayong magkaayos na sila ng ama nito.Naisipan niyang lumuwas na ng Manila kaya nagtungo kaagad ito sa terminal ng bus. Habang naghihintay sa bus ay naisipang magbanyo muna ngunit napansin niya ang lalaki nakatalikod at pamilyar sa kaniya. Laking gulat pa nito nang makita ang mukha ng lalaki, si Bert. Kinabahan siya dahil alam niyang nandito rin si Damon at siguradong hinahanap siya. Ano mang sandali ay maaari siyang matagpuan ng mga ito kaya minabuti niyang lumayo sa terminal.Minabuti niyang bumyahe patungo sa San Carlos. Nakisakay lamang siya sa mga nagdaraan sasakyan na nagtutungo sa mga karatig bayan dahil madalang ang mga pampubliko sasakyan. Halos gina
Present. Nasa kalagitnaang daan na sila Damon papunta San Roque ang bayan na nasa pagitan ng San Pablo at San Carlos. May kasukalan ang mga kalsada at kakahuyan ang nasa magkabilang gilid. Masikip at maraming baku-bako ang kanilang nadaanan.Wala pa rin tigil si Damon sa kakatawag kay Farrah kahit out of reach ang sumasagot sa kaniya.“Sir, baka naman mapudpod ang daliri niyo kakatawag,” pagbibiro ni Bert na nasa harapan at katabi ng driver seat.“Pagdating natin sa Manila ay malalaman natin ang rason ni Ma’m Farrah sa biglaang pag-alis,” sambit ni Mang Luis na siyang driver.Naiinis naman si Damon na inihagis sa tabing upuan ang cellphone. Habang ang sasakyan ay bumagal ang takbo.“May nakatumbang kahoy sa daan,” saad ni Mang Luis na inihinto ang sasakyan na may bahagyang kalayuan sa nakitang malaking kahoy na nakaharang.Binuksan ni Bert ang pintuan ng sasakyan upang bumaba. Ngunit pinigilan siya ni Damon dahil may naalal
“Makipagtulungan ka lang at gawin ang tama ay sisiguraduhin ko na maililigtas ang buhay ng kapatid mo,” paniniguro ni Damon.Napalunok si Ms. Santos bago magsalita, “Si Ms. Ledesma po sir, pinuntahan niya ako minsan sa opisina at kinausap. Umiiyak ito at sabi ay nakipag-break kayo sa kaniya.”“Nasisiraan ka ba? Kahit kailan ay hindi naging kami.”Nagulat si Ms. Santos sa tugon ni Damon at pakiramdam niya ay naisahan siya ng babae.“Napaniwala niya po ako kasi madalas ko siyang makita dumalaw sa inyo at ang sweet niyo. Kaya naman naawa ako sa kaniyang pakiusap na sabihin kung saan kayo nagtutungo at kung sino ang kasama niyo. Kapalit ng pagbibigay ko ng impormasyon ay pinautang niya ako ng malaking halaga upang maipagamot ang kapatid ko. Ngunit hindi ‘yon sapat at hangga ngayon ay nasa hospital si Irene at may sakit. Kaya naman tinuloy-tuloy ko ang pagbibigay ng impormasyon sa kaniya dahil sa pangako papautangin ako muli,” tuluyang napaiyak si M
Hindi na nagpabukas pa si Damon at muling nagbiyahe patungo ng San Pablo. Gusto niyang matapos na ang lahat ng problema tungkol sa mga taong gustong gawan siya ng masama. Nais niyang sa susunod na paghaharap nila ni Farrah ay tangi problema sa pagitan na lamang nila ang aayusin.“Pahinga ka muna sir,” wika ni Bert na nasa driver seat at palagi ang tingin sa rear mirror upang makita si Damon. Isinama nila sa sasakyan ang isa sa mga pinahiram na bodyguard ni Mayor Buenavista, si Rylee. Upang may kapalitan si Bert sa pagmamaneho.“Huwag mo ako intindihin at maya-maya lang ay iidlip ako,” tugon ni Damon at nakaidlip nga ito.Mag-uumaga nang dumating sila sa San Pablo at pagkagising ni Damon ay sa hospital dumiretso upang bisitahin si Mang Luis.“Magaling na naman ako at bukas ay puwede ng pa-discharge. Makakabalik na rin ako sa trabaho,” wika ni Mang Luis na nakasandal sa head board ng kama.“Makakabuti kung magbakasyon muna kayo rito sa
Nagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simb
After Two Years“Are you sure sa address?” tanong ni Farrah kay Damon habang karga ang isang sanggol.“Ito ang number ng bahay na nakasulat sa pinadalang message ni mommy,” sagot ni Damon.Bumaba si Damon ng sasakyan at inalalayan si Farrah. Nag-door bell siya sa gate ng isang ‘di kalakihang bahay ngunit tanaw ang magandang landscape nito. Natanaw kaagad ni Damon ang isang maid na may katandaan na at papalapit sa kanila.“Ano po ang kailangan nila?” tanong ng maid.“Dito po ba nakatira si Sandra at Jeff?” tugon ni Damon.“Sino po ba kayo?” muling tanong ng maid.“Pakisabi po si Farrah Buenavista na matalik na kaibigan ni Sandra,” sagot ni Farrah na napaisip, “Farrah Paraiso po pala ang banggitin niyo na pangalan.”Nag-alangan naman ang maid na halatang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan niya ang mga nasa kabilang gate.“Manang, tawagin niyo na lang ang amo niyo at siguradong kilala niya kami kapag nakita,” naiinis na sabi ni Farrah at ibinigay ang sanggol kay Damon.Mabilis na tinaw
Nang makabalik si Bert dala ang gamot ay ipinainom kaagad ni Damon kay Farrah.“Dito ka muna,” wika ni Farrah nang paalis na si Damon.Tumabi naman si Damon kay Farrah at niyakap niya ito ng mahigpit, “Magpahinga ka lang para makabawi ka ng lakas.”“Naalala ko si mommy, siguradong nag-aalala na ‘yon,” wika ni Farrah.“Kagabi ko pa siya tinawagan upang sabihang magkasama tayo at iuuwi rin kita. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang tawagan ulit.”“Oo, baka kung anong isipin niya magalit sa atin.”“Basta magpahinga ka muna at ako na bahala sa lahat.”Umiling si Farrah dahil maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan, “Ang dami kong gusto itanong at malaman.”“Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko.”“Bakit ang tagal mo bumalik? Anong ginagawa ni Lyka sa San Pablo?”“Okay, first thing.. I need to apologize sa matagal kong pagkawala. Second, nagpunta si Lyka sa San Pablo upang patayin ako ngunit hindi siya nagtagumpay,” paliwanag ni Damon.Kinabahan si Farrah dahil sa narinig at nag-
Ipinikit ni Farrah ang mga mata dahil sa nararamdamang sensasyon, ramdam din niya ang mga labi ni Damon na hinahalikan ang kaniyang mukha papunta sa kanang tainga. Hindi na niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting pinaparanas sa kaniya.“D-Damon,” paos ang boses na tawag ni Farrah.“Shhh, just feel me.” Pinagapang ni Damon ang isang kamay sa dibdib ni Farrah na nakapagpaliyad dito. Nagawa niyang maalis ang t-shirt na suot ng asawa kaya muling nasilayan ang malulusog nitong dibdib. “You’re so beautiful.”Muling napapikit si Farrah dahil nahihiya titigan ang mukha ni Damon na halata ang kasabikan sa kung anu mang bagay. Naramdaman niyang nilalaro ni Damon ang kaniyang mga dibdib at kinakagat-kagat pa ang mga tuktok nito, kaya lalo siyang napapaliyad. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ni Damon na nasa loob ng suot niyang boxer short at dinadama ang bagay na nasa loob. Napamulat siya ng mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ng asawa na nakatitig sa kaniya ng may
“Looking for something?”“Ay kabayo!” gulat na sambit ni Farrah na nabitawan ang brandy kaya nabasag. Hindi niya inasahang nasa may gilid ng sala si Damon na malapit sa mini bar at umiinom mag-isa, “Bakit ka ba nanggugulat?”“Kanina pa ako rito na dinaanan mo at hindi pinansin. Para kang magnanakaw na kukuha ng isang bagay, hindi mo na nga iningatan, babasagin mo pa,” makahulugang sabi ni Damon.“Pasensya na at madilim kasi, akala ko ay tulog na kayo ni Bert kaya hindi ako nagbukas ng ilaw,” wika ni Farrah na ayaw magpahalatang kinakabahan sa mga pasaring ni Damon. Pupulutin ni Farrah ang basag na bote nang biglang pinigilan siya ni Damon na nakalapit na pala sa kaniyang likuran.“Huwag mo ng pulutin at masusugatan ka lang. Hayaan mong si Bert na ang maglinis niyan bukas,” ani Damon sabay abot ng isang bote ng brandy kay Farrah. “Try this one, kung hindi ka makatulog ay magandang ‘yan ang inumin mo.”“Salamat,” tugon ni Farrah na hinatid ng tingin ang lumayong si Damon na bumalik sa
Abala si Sandra na iniligpit ang mga kalat at iniayos ang mga upuan bago isarado ang shop. Nagpaalam ng maaga si Ruth dahil kailangan niyang samahan ang ina sa terminal upang makauwi ng probinsya. “Mag-isa na naman ako,” wika ni Sandra habang hinihila ang slide security gate ng shop.“Sandra!”Napatingin si Sandra sa may-ari ng boses at napataas ang kaliwang kilay pagkakita rito.“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” masungit na tanong ni Sandra.“Chill ka lang. Pauwi ka na ba?” tugon ni Jeff na may dalang bote ng beer.“Hindi ako uuwi,” sambit ni Sandra na may kasungitan pa rin.“Dito ka na naman ba matutulog?”Nagulat si Sandra sa tanong ni Jeff dahil ilang gabi na siyang hindi nakakauwi sa condo. Ibinenta ng kaniyang dating nobyo ang condo na nakapangalan sa kanilang dalawa, nahihiya siyang bumalik sa bahay nila Farrah dahil ayaw niya ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na napapansin siya ni Jeff.“Ano ba talaga ang kailangan mo?” “Wala naman, ilang beses na kasi ako napapadaan
After Three WeeksNatapos ang misa at lumabas kaagad si Farrah sa simbahan. Naisipan niyang magsimba upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan sa maraming bagay at makapagdesisyon para sa sarili. Sinulyapan niya muli ang malaking pintuan ng simbahan na nakabukas at nakita niya ang mga patron sa loob. Naalala niya si Sandra na matagal na ring hindi nakakausap at nakikita, dahil mula nang mag-away sila ay hindi pa siya dumadalaw sa flower shop. Hinayaan niyang si Sandra ang mag-manage ng lahat at magdesisyon.Lumayo ang tingin ni Farrah at nadako sa mga dumadaan na karaniwan ay magkasintahan o mag-asawa. Si Damon ang unang pumasok sa kaniyang isipan at natawa na lamang sa sarili. Aminado siya na nahigitan ni Damon si Jeff sa kaniyang puso at maging sa isipan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o balita mula rito na ikinahihina ng kaniyang kalooban. Idagdag pa na nangako si Damon na magkasama nilang haharapin ang problema ngunit kahit mag-text ito ay wala.Naglakad si Farrah pap
Ngayon ay umaayon na ang lahat sa plano kahit sa una ay pinagdudahan ni Damon si Nilo dahil sa mga ikinilos nito. Bago pa man nakalapit si Lyka ay panay ang tapik ni Nilo ng kaniyang hintuturo sa kamay ni Damon. Sa umpisa ay hindi ito maintindihan ni Damon kaya diniinan ni Nilo ang pagtapik ng kaniyang hintuturo na isa palang senyales. Nagpupumiglas si Lyka sa pagkakahawak ng dalawa. “Magtigil ko o ibabaon ni Nilo ang patalim sa katawan mo?” pananakot na sabi ni Damon. Tumigil sandali si Lyka at tumitig ng matalim kay Damon bago magsabi, “Bakit hindi mo siya utusan?” Naasar si Damon sa mga sinabi ni Lyka at nanalangin sa kaniyang isipan na bigyan pa siya ng mahabang pasensya ng Maykapal. Nais ni Damon na bigyan ng isang suntok sa sikmura si Lyka ngunit inaalala niyang babae pa rin ito. Ngumisi naman si Lyka sa kaniya dahil nahalata niya ang pananahimik nito, “Hanggang salita ka lang pala.” “Manahimik ka na babae ka. Kung si Damon ay masyadong mabait, ibahin mo ako. Kahit babae