Share

PAGBABANTA

"Duke Arkhil, okay ka lang? Nagmamadali ka-"

"Lady Vista, pasensya na, nakita mo ba kung nakalabas na ng kanyang kwarto si Estacie? Tapos na ba sya mag-bihis?" Putol ni Eckiever sa sinasabi ng madrasta ni Estacie.

Naka-salubong niya ito ilang minuto bago siya sumunod kay Estacie.

"Ha? Hindi na nagpalit pa ng damit ang anak ko. Ang sabi niya ay nagmamadali siya para maaga pa sya maka-rating sa palasyo. Kaya dumiretso na siya kaagad sa-"

"Dumiretso?! Ganun siya ka-excited na makita ulit ang hilaw na prinsipeng yun?!" Gigil na muling pag-putol ng Duke sa sinasabi ni Vista.

"Eh...? Hilaw? Hindi ba at tagumpay ang gyera? Ibig-sabihin hinog na sya my Lord. At tsaka-"

"No!" Inis na tinalikuran ni Eckiever si Vista. "Aalis na ako Lady Vista. Pasensya na pero kailangan ko pang habulin ang anak ninyong may problema pa ata sa katinuan!" Madilim ang anyong tinahak ng binata ang daan patungo sa main door.

Mabilis ang kabog ng dibdib dahil sa pag-aalala.

"Problema sa utak?" Bulong ni Vista
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status