April, 2024. PILIPINAS. Sa mundong puno ng pag-asa ayun sa sinasabi ng iba, may isang taong naniniwala na darating ang panahon at makaka-ahon din siya sa kahirapan. Magiging isang Fashion Designer sa halip na taga-bili lang ng materyales. O hindi kaya ay isang Event organizer sa halip na taga-decorate lang ng stage. Paano kung pangarapin niya na maging isang CEO ng isang kumpanya sa halip na taga-linis lang sa isang malaking building? Yan ang mga ini-imagine ni Jessa Diryln bago matulog sa gabi pagkatapos ng kanyang mga part-tine-Jobs. Hindi naman masama ang mangarap ng gising, gumawa ng sariling kwento sa imahinasyon, at umarte na naayon sa pangarap kapag ikaw lang mag-isa. However, Bakit iba yata ang naging resulta ng kanyang mga imahinasyon? Bakit narito siya ngayon sa isang lugar kung saan napapa-libutan siya ng mga taong may hawak ng kamera? Naka-luhod sa lupa kaharap ang duguan at walang buhay na babaeng hindi naman niya kilala. "You wench! You killed my sister
Nagkagulo ang lahat ng makita ang nangyayari. Kung kanina ay nagkukunwaring walang nakikita at naririnig ang mga tao sa paligid, ngayon ay nakapalibot na ang mga eto at may hawak na cellphone habang binibidyohan ang nangyayari. "A-ate... Anong ginawa mo!?" Malakas na sigaw ni Lucy na nagpa-flinch kay Jessa. "Ano? Anong ginawa ko?" Kunot-noong tanong niya. Ang mga tao ay sa kanya napa-tuon kaya napa-tingin din si Jessa sa mga ito. Pagkatapos ay nanginginig na napa-yuko habang kalong ng kanyang mga hita ang ulo ng hindi na humihinga ng babae. Is she being framed-up? "Bakit mo siya tinulak?! Sinampal nya lang ako dahil hndi maganda ang nasabi ko sa pag-hingi ko ng pera sayo, pero bakit mo siya tinulak?! Bakit mo siya pinatay?!" Mas lumakas pa ang boses ni Lucy. "Anong sinasabi mo, hindi ako ang tumulak-" "I know you love me so much.. Gagawin mo ang lahat para makapag-tapos ako. Pero hindi ko sinabi sayo na pati ang pumatay ng tao ay gawin mo. Naiintindihan ko naman na nahihirap
"Gasp!" Napa-balikwas ng bangon si Jessa matapos niyang mapag-isipan na hindi pa siya pwedeng mamatay. Nangako siya sa kanyang ina na mabubuhay siyang masaya at aalagaan ang kanyang sarili. Kaya hindi siya papayag na basta na lang gawing scape-goat ni Lucy pagkatapos nitong gumawa ng krimen sa harap niya mismo. Kung wala mang ebidensya, wala man naka-kita. Moderno na ang mundo, pwede niyang imungkahi sa lalakeng galit sa kanya na sumailalim sila sa lie-detector test. Ang Lalakeng yun, hindi man lang siya tinanong, basta na lang siyang pinag-bintangan dahil sa sitwasyon. Sabagay, kahit na sino ay maba-blanko kapag makita mo ang kapamilya mo na duguan. "Lucy.. Maghintay ka lang.. Pagkatapos kong isakripisyo ang pag-aaral ko para sa'yo, kaya mong mag-sinungaling para lang makalaya sa kasalanan mo. I.. Will make you pay-huh?" Naputol ang kanyang sinasabi nang may napansin sa kanyang paligid. Matataas na puno, damuhan at walang sasakyan."Anong nangyare? Nasaan ako?" Aniya haba
Nilason? Kung totoong nilason ang kanyang ina at kung totoong pangatlo sa pinaka-mayaman na pamilya ang kinabibilangan ni Estacie, bakit hindi nalaman ng kanyang Ama ang nangyari? Pwede itong magbayad para imbistigahan ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina. Sandali, tinatawag na niyang Ama at Ina ang mga magulang ni Estacie kahit hindi pa niya masyadong kilala ang mga ito. Hindi ba siya nag-mumukhang desperada? "Miss.. Miss. Estacie.. " ang boses ng matandang babae ang pumukaw sa kanyang naglalakbay na diwa. "Ahhh.. I'm.. Sorry. " aniya habang inaabot ang baso ng tubig. "Madam.. Ano po ang pangalan mo?" Maaring nag-mumukhang Kahina-hinala siya dahil sa reaksyon niya ngayon subalit bilang Jessa, wala siyang maramdaman. "Nakalimutan kong magpakilala, pasensya na. Ako si Vista Lecilion my lady." Sagot ni Vista habang naka-yuko. "Alam kong masyadong sensitibo ang paksa na binaggit ko, sana maunawaan mo na sumagot lang ako sa tanong mo. Pakiusap, wag mo sanang-""Hindi po ako galit.
Scorpion - Grupo ng mga sindikato na namumuhay sa loob ng kaharian, subalit gumagawa ng mga karumaldumal na krimen. Ayun sa ibang saksi, ang grupong ito ang dahilan ng unti-unting pagkawala ng mga kabataan sa kabayanan. Wala pang makuhang sapat na ebedensya ang kasundaluhan ng palasyo kaya't hindi pa matunton ang pugad ng nasabing grupo. "Hindi yan totoo my Lord! Hindi yan magagawa ng binibini. Ang totoo nyan, si Lucy ang kumausap sa grupo at nakita siya ni Binibining Estacie. Kaya nilapitan namin siya at pinagsabihan siya ni Binibining Estacie." Si Aloha ang muling nagsalita. Hawak na siya ng mga kawal ng mansyon at gusto nang kaladkarin palabas. "Oh Father. Nag-sisinungaling siya. Paano ko kakausapin ang grupo ng Scorpion, hindi ko nga alam ang ibang lugar dito sa palasyo dahil ikaw mismo ang nag-dala sa amin dito ni Mama." Umiiyak na sabi ni Lucy bago humarap sa iba. "Sinabi ko naman sa'yo Ma, hindi dapat tayo sumama dito sa Prekonville kingdom, wala tayong kakampi dito." Yum
Mabilis na lumipas ang tatlong araw. "My lady, tapos ka na po bang mag-bihis? Nandito na ang kalesa na sasakyan natin papunta sa palasyo!" Sigaw ni Vista sa labas ng kwarto na pansamantala niyang tinuluyan habang nagpa-pagaling. Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi niya sa bahay ni Vista, walang araw na hindi niya sinikap niyang alalahanin ang mga detalye ng kanyang bagong katauhan. At ngayon nga, buo na ang plano niya kung paano papaikutin si Lucy Somyls. Lumabas siya ng kwarto suot ang simpleng damit na ginawa ni Vista para sa kanya. Isa pa lang mananahi ang ginang. "I'm here Vista. I'm sorry, hindi ko kasi alam kung itatali ko ang buhok ko tulad ng nakasanayan." Naka-ngiting sabi niya pagka-labas ng silid. "Wow! Bagay na bagay sa'yo ang kulay pulang bestida, aking binibini! Parang nais ko pang gumawa ng mga damit na pwede mong suotin!" Namamanghang bulalas ni Vista. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Estacie. "Mukhang nakalimutan mo na, sasama ka sa akin sa Somyls mansyon
Ang takot na nadarama ay unti-unting napalitan ng abot langit na galit ng mapagtanto niyang nasa ibang mundo siya. Tingnan mo nga naman. Una, kapangalan ni Lucy ang paghihigantihan niya. Ngayon naman, kamukhang-kamukha ng lalakeng nagbanta sa kanya ang lalakeng kaharap niya ngayon na siya namang dahilan ng sakit ng kanyang likuran. Kung hindi ito God's will, then what is this!? Nagtatagis ang mga bagang na nasuklay niya ng daliri ang sariling buhok. Mabilis na nakalapit si Vista sa kanya at pinagpagan ang kanyang narumihang damit. "Mahabaging bathala! My lady, andumi na ng damit mo! Oh no! May sugat ka na rin sa braso!" Puno ng pag-aalala na malakas na sambit ni Vista. "Sandali, gusto ko lang linawin, she's your Lady?" Ang lalakeng malamig ang boses ang nagsalita. "That's right! She's from the noble family! Tapos ganyan ang ginawa nyo!?" Galit na sagot ni Vista. Si Estacie ay nanatiling walang imik. Sinisikap na labanan ang panginginig ng katawan dahil sa trauma noong una niyang
Ilang sandali pa ay ay lumalakad na sila pabalik sa kalesa na pansamantala nilang iniwan sa parentahan. Alas dos pa lang ng Hapon kaya alam ni Estacie na makakarating sila sa bahay ng mga Tolin bago sumapit ang ika-tatlo ng hapon."Kung gusto mong bumalik sa mansyon sa mismong kaganapan ng kaarawan ng iyon ama, dapat ay maganda ang suot mo na damit, my Lady." Kanina pa nagdadaldal si Vista simula pa sa restaurant na kinainan nila. "En. Pwede tayong dumaan sa salon bukas bago tumuloy sa mansyon." Sagot niya. Sa mundong ginagalawan niya ngayon, hindi naman ito kasalungat sa mundong pinang-galingan niya. Kung si Jessa ang tatanungin, masasabi niyang kakambal ng kabilang mundo ang mundo na kung saan siya ngayon. Ang kaibahan lang, walang advance technology, walang mekanismo, at ang mga tao ay masyadong pinapahalagahan ang pangalan kesa pamilya. "Excited na akong makita ang magiging reaksyon ng iyong ama. Sa palagay mo ba maiiyak siya sa tuwa pati ang iyong kapatid?" Masaya ang tono ng