Share

PAG-AMIN

Kanina pa natapos ang paghahatol pero kanina pa rin walang imik si Estacie. Nasa loob siya ng isang silid sa loob ng palasyo. Si Eckiever naman ay ipinatawag ng hari pagkatapos na pagkatapos ng paghahatol.

Habang mga kasundaluhan ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga ka-baro ng malaman ang totoong nangyari.

"I'm sorry..."

Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Estacie ang huling salitang binitawan ni Sinylve. At malinaw din sa kanyang isip ang luhang tumulo mula sa mga mata ng binata. Ramdam ni Estacie ang paninikip ng kanyang dibdib.

Reaksyon ba yun ng katawan ng totoong Estacie?

"I'm sorry.."

Napapikit si Estacie ng muling maalala ang huling salitang binitawan ni Sinylve. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Maaring hindi nga siya ang totoong Estacie, pero nararamdaman niya ang sakit ng kanyang dibdib nga mga sandaling yun. Ibig sabihin ba, minahal talaga ni Estacie ang prinsipe noon? Maari.

"Why are you crying?" Malamig ang boses ng Duke ng mapagbuksan ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status