April, 2024. PILIPINAS.
Sa mundong puno ng pag-asa ayun sa sinasabi ng iba, may isang taong naniniwala na darating ang panahon at makaka-ahon din siya sa kahirapan. Magiging isang Fashion Designer sa halip na taga-bili lang ng materyales. O hindi kaya ay isang Event organizer sa halip na taga-decorate lang ng stage. Paano kung pangarapin niya na maging isang CEO ng isang kumpanya sa halip na taga-linis lang sa isang malaking building? Yan ang mga ini-imagine ni Jessa Diryln bago matulog sa gabi pagkatapos ng kanyang mga part-tine-Jobs. Hindi naman masama ang mangarap ng gising, gumawa ng sariling kwento sa imahinasyon, at umarte na naayon sa pangarap kapag ikaw lang mag-isa.However, Bakit iba yata ang naging resulta ng kanyang mga imahinasyon? Bakit narito siya ngayon sa isang lugar kung saan napapa-libutan siya ng mga taong may hawak ng kamera? Naka-luhod sa lupa kaharap ang duguan at walang buhay na babaeng hindi naman niya kilala. "You wench! You killed my sister!" Isang tinig na galing sa malayo ang nag-pabalik sa kanyang katinuan na pansamantalang iniwan ang kanyang katawan. "Yveth! Sister!" Muling sigaw ng paparating. Ilang sandali pa, isang malaking kamay ang humawak sa kanyang balikat bago siya itinulak. Ang may-ari ng boses kanina ang gumawa nun. The man is wearing an office suite and Rolex wristwatch. Paano nangyari ang lahat? 1 hour ago, busy lang siya sa pag-decorate ng stage sa lugar na iyon. Kasama siya sa Team na pinadala ng EVFC upang i-set-up ang lugar na pagdarausan ng magiging kasal ng isang anak ng pinaka-mayaman sa lugar. Nang biglang dumating sa event ang kanyang step sister na si Lucy at humihingi ng allowance diumano para sa school project na gagawin ng grupo neto. Si Lucy Diryln ay anak ng kanyang ama sa pangalawa netong asawa. Si Jessa ang anak sa unang asawa ng kanyang ama. Subalit dahil sa hirap ng buhay, mas pinili niya ang tulungan ang kanyang ama na papag-aralin ang kapatid upang hindi na ito mahirapan. Ang kanyang madrasta naman ay sa bahay lang, bagamat kahit hindi alam ng kanyang ama, ang kanyang madrasta ay adik sa sugal. "Ate! Kanina pa ako nag-te-text sayo! Sabi ko bigyan mo ako ng 2k, kailangan ko ngayon na!" Malakas ang tinig na sambit ni Lucy pagka-lapit neto sa kanyang pwesto. "Pera? Hindi ba't kabibigay ko lang sa'yo kahapon? 1500 pesos ang hiningi mo kahapon, Lucy." Sagot niya sa kapatid na dumilim ang anyo.Lucy is a college student, 2nd year student, taking Bachelor of Education. "Anong alam mo sa bayarin sa School? Hindi ka naman nag-aral. Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, bakit hindi ka mag-aral para malaman mo?!" Pag-namaktol ng kanyang kapatid.Unti-unti na rin silang kumukuha ng atensyon mula sa mga kasamahan niya sa trabaho. Siya ang nahihiya sa sinasabi ng kapatid. Yes, 2nd year high school lang natapos niya, pero nagsisikap siya na tulungan ang kapatid na makapag-tapos. "Lucy, kabibigay ko lang sa'yo ng pera kahapon. Tapos binigyan ko rin si Mama dahil humingi din siya sa akin kagabi. Wala ng natira sa sweldo ko galing sa pag-lilinis sa Vonde Company. Pasensya na pero wala akong maibibigay sayo ngayon." Mahina niyang sabi sa kapatid na lalong dumilim ang anyo. "'Nak ng tokwa." Gigil na sambit ni Lucy. "Paulit-ulit mong sinasabi na gagawin mo ang lahat para makatapos ako, pero 2k lang hindi mo maibigay? Gawan mo ng paraan! Ayaw kong bumalik sa mga kaibigan ko na walang dalang pera para sa school project!" Ani pa neto.Okay naman ang lahat sana, kung hindi lang niya nalaman na madalas na nasa bar ang kapatid kapag gabi kasama ang mga kaklase din neto. Ang mismong kaklase ng kapatid ang nag-sumbong sa kanya noon. Subalit ng sabihin niya sa kanilang Ina, siya pa ang naging masama. Ang rason ng neto, normal lang daw sa estudyante ang mag-relax paminsan-minsan dahil nakaka-baliw daw ang palagi na lang eskwelahan. So, she never opens up to them anymore. "Sorry, wala talaga akong magagawa. Pwede bang bukas na lang?" Aniya ng mapansin ang palapit na babaeng naka-suot ng kulay asul na bestida.The woman is so pretty pero payat. She looks so pale actually. "Put*-" "What's going on here?" Ang nakalapit na babae ang pumutol sa pag-numura ni Lucy.Ya, she always cursed her kapag nagagalit ito sa kanya. "What's going on? Can't you see? Nag-uusap kami ng ate ko?" Bayolenteng sagot ni Lucy ng lingunin niya ang babae. "Lucy-" tawag ni Jessa dito. "Shut up! Kanina pa ako nag-pipigil sayo, kung binigyan mo ako ng pera kanina pa, desinsana naka-alis na ako." Itinuro pa siya neto habang nangigigil. "So it's a siblings quarrel. I apologize for intervention, however, this place is my..." "Hey! You bitch!" Putol ni Lucy sa sinasabi ng babae. Na siya namang ikinataranta ni Jessa. "What?" Makikita na rin ang lalong pamumutla ng babae. "Lucy tumigil kana! Please.. Ibibigay ko sa'yo ang pera mamaya, mamaya din mimo." Ani Jessa. "I'm sorry ma'am, paalisin ko na po ang kapatid-" "Sinong may sabi sayo na humingi ka ng pasensya sa kanya? Siya ang lumapit habang nag-uusap tayo. Tanga ka ba?!" "Hah! I don't like the tone of your voice Miss.. Base sa nakikita ko, kung hindi dahil sa ate mo, wala ka ngayon sa kinalalagyan mo. Kung pipiliin lang niya ang sarili niya, for sure siya ang nag-aaral at hindi ikaw. You look uneducated kumpara sa ate mo." Ani ng babae n nakikita ni Jessa ang panginginig neto. "What did you fucking say? Anong karapatan mo na pagsabihan ako!? Akala mo ikaw lang ang marunong mag-english!? Hah.. What!? Dahil mayaman ang pamilya mo? Miss, umaasa ka lang rin sa pera ng pamilya mo so, stop telling me-"Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Lucy na nagpatigil dito. Namimilog ang mga mata netong nilingon ang gumawa nun. Si Jessa, tikom ang bibig neto habang naka-titig sa kapatid na sinampal. "Sinampal mo ako? Ikaw!?" Humakbang si Lucy palapit sa kanya upang gumanti subalit natigilan ito ng hawakan ng babae ang braso neto.Na siya namang dahilan upang otomatik na naitulak neto ang babae. Bumagsak ang babae sa lupa na kung saan ay tumama ang ulo sa naka-usling bakal na ginagamit ni Jessa sa pag-de-decorate sa gagamiting entablado. "What-" Si Lucy ang nagsalita ng makita neto ang dugo na unti-unting umaagos sa semento. "Miss!" Sigaw naman ni Jessa habang lumuluhod upang tulungan ang babae.Nagkagulo ang lahat ng makita ang nangyayari. Kung kanina ay nagkukunwaring walang nakikita at naririnig ang mga tao sa paligid, ngayon ay nakapalibot na ang mga eto at may hawak na cellphone habang binibidyohan ang nangyayari. "A-ate... Anong ginawa mo!?" Malakas na sigaw ni Lucy na nagpa-flinch kay Jessa. "Ano? Anong ginawa ko?" Kunot-noong tanong niya. Ang mga tao ay sa kanya napa-tuon kaya napa-tingin din si Jessa sa mga ito. Pagkatapos ay nanginginig na napa-yuko habang kalong ng kanyang mga hita ang ulo ng hindi na humihinga ng babae. Is she being framed-up? "Bakit mo siya tinulak?! Sinampal nya lang ako dahil hndi maganda ang nasabi ko sa pag-hingi ko ng pera sayo, pero bakit mo siya tinulak?! Bakit mo siya pinatay?!" Mas lumakas pa ang boses ni Lucy. "Anong sinasabi mo, hindi ako ang tumulak-" "I know you love me so much.. Gagawin mo ang lahat para makapag-tapos ako. Pero hindi ko sinabi sayo na pati ang pumatay ng tao ay gawin mo. Naiintindihan ko naman na nahihirap
"Gasp!" Napa-balikwas ng bangon si Jessa matapos niyang mapag-isipan na hindi pa siya pwedeng mamatay. Nangako siya sa kanyang ina na mabubuhay siyang masaya at aalagaan ang kanyang sarili. Kaya hindi siya papayag na basta na lang gawing scape-goat ni Lucy pagkatapos nitong gumawa ng krimen sa harap niya mismo. Kung wala mang ebidensya, wala man naka-kita. Moderno na ang mundo, pwede niyang imungkahi sa lalakeng galit sa kanya na sumailalim sila sa lie-detector test. Ang Lalakeng yun, hindi man lang siya tinanong, basta na lang siyang pinag-bintangan dahil sa sitwasyon. Sabagay, kahit na sino ay maba-blanko kapag makita mo ang kapamilya mo na duguan. "Lucy.. Maghintay ka lang.. Pagkatapos kong isakripisyo ang pag-aaral ko para sa'yo, kaya mong mag-sinungaling para lang makalaya sa kasalanan mo. I.. Will make you pay-huh?" Naputol ang kanyang sinasabi nang may napansin sa kanyang paligid. Matataas na puno, damuhan at walang sasakyan."Anong nangyare? Nasaan ako?" Aniya haba
Nilason? Kung totoong nilason ang kanyang ina at kung totoong pangatlo sa pinaka-mayaman na pamilya ang kinabibilangan ni Estacie, bakit hindi nalaman ng kanyang Ama ang nangyari? Pwede itong magbayad para imbistigahan ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina. Sandali, tinatawag na niyang Ama at Ina ang mga magulang ni Estacie kahit hindi pa niya masyadong kilala ang mga ito. Hindi ba siya nag-mumukhang desperada? "Miss.. Miss. Estacie.. " ang boses ng matandang babae ang pumukaw sa kanyang naglalakbay na diwa. "Ahhh.. I'm.. Sorry. " aniya habang inaabot ang baso ng tubig. "Madam.. Ano po ang pangalan mo?" Maaring nag-mumukhang Kahina-hinala siya dahil sa reaksyon niya ngayon subalit bilang Jessa, wala siyang maramdaman. "Nakalimutan kong magpakilala, pasensya na. Ako si Vista Lecilion my lady." Sagot ni Vista habang naka-yuko. "Alam kong masyadong sensitibo ang paksa na binaggit ko, sana maunawaan mo na sumagot lang ako sa tanong mo. Pakiusap, wag mo sanang-""Hindi po ako galit.
Scorpion - Grupo ng mga sindikato na namumuhay sa loob ng kaharian, subalit gumagawa ng mga karumaldumal na krimen. Ayun sa ibang saksi, ang grupong ito ang dahilan ng unti-unting pagkawala ng mga kabataan sa kabayanan. Wala pang makuhang sapat na ebedensya ang kasundaluhan ng palasyo kaya't hindi pa matunton ang pugad ng nasabing grupo. "Hindi yan totoo my Lord! Hindi yan magagawa ng binibini. Ang totoo nyan, si Lucy ang kumausap sa grupo at nakita siya ni Binibining Estacie. Kaya nilapitan namin siya at pinagsabihan siya ni Binibining Estacie." Si Aloha ang muling nagsalita. Hawak na siya ng mga kawal ng mansyon at gusto nang kaladkarin palabas. "Oh Father. Nag-sisinungaling siya. Paano ko kakausapin ang grupo ng Scorpion, hindi ko nga alam ang ibang lugar dito sa palasyo dahil ikaw mismo ang nag-dala sa amin dito ni Mama." Umiiyak na sabi ni Lucy bago humarap sa iba. "Sinabi ko naman sa'yo Ma, hindi dapat tayo sumama dito sa Prekonville kingdom, wala tayong kakampi dito." Yum
Mabilis na lumipas ang tatlong araw. "My lady, tapos ka na po bang mag-bihis? Nandito na ang kalesa na sasakyan natin papunta sa palasyo!" Sigaw ni Vista sa labas ng kwarto na pansamantala niyang tinuluyan habang nagpa-pagaling. Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi niya sa bahay ni Vista, walang araw na hindi niya sinikap niyang alalahanin ang mga detalye ng kanyang bagong katauhan. At ngayon nga, buo na ang plano niya kung paano papaikutin si Lucy Somyls. Lumabas siya ng kwarto suot ang simpleng damit na ginawa ni Vista para sa kanya. Isa pa lang mananahi ang ginang. "I'm here Vista. I'm sorry, hindi ko kasi alam kung itatali ko ang buhok ko tulad ng nakasanayan." Naka-ngiting sabi niya pagka-labas ng silid. "Wow! Bagay na bagay sa'yo ang kulay pulang bestida, aking binibini! Parang nais ko pang gumawa ng mga damit na pwede mong suotin!" Namamanghang bulalas ni Vista. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Estacie. "Mukhang nakalimutan mo na, sasama ka sa akin sa Somyls mansyon
Ang takot na nadarama ay unti-unting napalitan ng abot langit na galit ng mapagtanto niyang nasa ibang mundo siya. Tingnan mo nga naman. Una, kapangalan ni Lucy ang paghihigantihan niya. Ngayon naman, kamukhang-kamukha ng lalakeng nagbanta sa kanya ang lalakeng kaharap niya ngayon na siya namang dahilan ng sakit ng kanyang likuran. Kung hindi ito God's will, then what is this!? Nagtatagis ang mga bagang na nasuklay niya ng daliri ang sariling buhok. Mabilis na nakalapit si Vista sa kanya at pinagpagan ang kanyang narumihang damit. "Mahabaging bathala! My lady, andumi na ng damit mo! Oh no! May sugat ka na rin sa braso!" Puno ng pag-aalala na malakas na sambit ni Vista. "Sandali, gusto ko lang linawin, she's your Lady?" Ang lalakeng malamig ang boses ang nagsalita. "That's right! She's from the noble family! Tapos ganyan ang ginawa nyo!?" Galit na sagot ni Vista. Si Estacie ay nanatiling walang imik. Sinisikap na labanan ang panginginig ng katawan dahil sa trauma noong una niyang
Ilang sandali pa ay ay lumalakad na sila pabalik sa kalesa na pansamantala nilang iniwan sa parentahan. Alas dos pa lang ng Hapon kaya alam ni Estacie na makakarating sila sa bahay ng mga Tolin bago sumapit ang ika-tatlo ng hapon."Kung gusto mong bumalik sa mansyon sa mismong kaganapan ng kaarawan ng iyon ama, dapat ay maganda ang suot mo na damit, my Lady." Kanina pa nagdadaldal si Vista simula pa sa restaurant na kinainan nila. "En. Pwede tayong dumaan sa salon bukas bago tumuloy sa mansyon." Sagot niya. Sa mundong ginagalawan niya ngayon, hindi naman ito kasalungat sa mundong pinang-galingan niya. Kung si Jessa ang tatanungin, masasabi niyang kakambal ng kabilang mundo ang mundo na kung saan siya ngayon. Ang kaibahan lang, walang advance technology, walang mekanismo, at ang mga tao ay masyadong pinapahalagahan ang pangalan kesa pamilya. "Excited na akong makita ang magiging reaksyon ng iyong ama. Sa palagay mo ba maiiyak siya sa tuwa pati ang iyong kapatid?" Masaya ang tono ng
Dahil sa mga emosyon na nagising sa loob ng tahanan ng Tolin, doon na nga nagpalipas ng gabi sina Estacie at Vista. At kinaumagahan, inutusan ni Estacie si Vista na bumili ng kanyang susuotin. Kasama ng makeup kit na kanyang gagamitin. Ang napiling kulay na damit ni Estacie ay kulay pula na hinaluan ng kulay itim. Gusto niyang ipakita ang galit kasama ng maitim niyang plano para sa paghihiganti mamayang gabi. Hindi siya papayag na hindi magiging engrande ang kanyang pagbabalik sa Mansyon. "My Lady, ang tema ng birthday party ng iyong ama ay masquerade.. I made a mask only for you." Ang ina ni Aloha ang sumilip sa pintuan ng silid na pansamantala niyang tinigilan sa loob ng bahay ng mga Tolin. Isang pulang maskara na may itim na balahibong manok ang ginawa ng ginang. Perfect match sa damit na ngayon ay inaayos na nila ni Vista. Gusto ni Estacie na baguhin ang desinyo ng damit, sa halip na baloon ang laylayan, ginaya niya ang mga gowns na nakita na niya sa modernong mundo. Maaring pa
Ilang sandali na hindi naka-imik si Elena. Nakatayo lang siya habang nakikinig sa mahinang pag-hikbi ni Clewin sa leeg niya. Para siyang natuklaw ng ahas ng marealize ang mga sinabi ng binata. So, naaalala na ni Clewin ang lahat ng nangyari 2 months ago? Ngayon lang ba niya naalala o simula't sapul, ay hindi naman talaga nakalimutan ng binata ang lahat? "Sir Clewin.." Tawag niya sa pangalan ng binata. "Hmm?" "Hindi mo nakalimutan ang gabing yun, tama ba ako?" Ilang segundo bago gumalaw si Clewin. Dalawang beses itong tumango kasabay ng pag-higpit ng yakap neto sa katawan ni Elena. "Then why did you act like nothing happened?" Parang hindi na naghiwalay ang mga labi ni Elena habang nagsasalita. Bumilis na din ang tibok ng kanyang puso dahil sa tinitimping galit para sa lalaki. "I was scared.. And guilty at the same time. I'm sorry.. I was a coward." Hindi alam ni Elena kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling yun. Galit siya, yes. Pero may kung ano pang pakiramdam ang hindi
Dala ng pinaghalong galit, sama ng loob at gulat, malakas na naitulak ni Elena si Clewin upang makawala dito. Tsaka walang babala na malakas niya itong sinampal. Sampal na nagpa-pabalik sa katinuan ni Clewin. Pero sandali lang naman, dahil muling dumilim ang anyo ng binata at tsaka walang sabi-sabing tinalikuran si Elena at muling pumasok sa loob ng reception. Naiwan si Elena na tutop ang dibdib at bibig. Napapa-iyak dahil sa sama ng loob. Sino ba namang hindi magagalit? Ang lalaking pumwersa sa kanya two months ago ay walang maalala. Tapos, bigla na lang niya nalaman, a month ago na engaged na rin ito. She was trying her best to move on and hide the nightmare she've been through, pero heto ngayon at bigla na lang netong sasabihin na naalala neto ang nangyari? Ngayon lang? Ngayon na kung saan tanggap na niya ang sitwasyon niya? She is maybe young, but her mind and heart are all matured. Naging matured sya simula noong araw na makilala niya si Estacie habang may sakit ang kanyang
Sa gitna ng malawak na hardin ng dukedom, nakapalibot ang matataas na pine tree na inobrahan ng maihahalintulad sa isang malapad na bakuran. Sa entrada ng nasabing pine tree yard ay naka-arko ang buhay na halaman na maihahalintulad sa rose, bagamat walang tinik ang mga sanga. Sa bawat dampi ng hangin sa bulalak na kulay dilaw, ay ang paglaganap ng mahalimuyak na amoy na nang-gagaling sa bulaklak. Pag-pasok mo sa nasabing entrada, naghihintay ang isang metrong lapad ng marble na pinag-dugtong dugtong upang maabot ang pinaka-altar sa unahan. Yes, narito tayo sa lugar kung saan idadaos ang engrandeng kasal ng dalawang pusong pinag-tambal ng pasaway na tagapag-bantay ng mahiwagang lagusan ng paraiso. Suot ni Estacie ang kulay puting damit pangkasal na gawa sa silk at laces. Nilagyan ng totoong diamond na kinuha at inipon mula sa Dukedom treasury. Sa bawat bahagi ng nasabing aisle, naghihintay ang mga pinaka-mahahalagang tao na naging parte ng buhay ng dalawang ikakasal. At sa hilira
Halos hindi magkanda-ugaga ang mga doktor ng Dukedom ng bigla na lang silang ipatawag ng Duke sa Somyls mansyon. Nakarating din sa prinsesa ng Prekonville ang nasabing pagpa-patawag kaya kahit si Sylvia ay nag-aalalang nag-dala ng Imperial doctor sa Somyls mansyon. Subalit ang pag-aalala ay napalitan ng samot-saring pakiramdam ng makita ang sitwasyon ng kaibigang si Estacie. Her friends has bite marks on her neck, and even on her thighs. Lalong namilog ang kanyang mga mata ng makita ang mga putol-putol na dahon ng damo at dahon ng puno sa buhok ng kaibigan. "S-sinong hayop ang gumahasa sa kaibigan ko?! Tell me! I will punish him to death!" Bulyaw ni Sylvia sa Uncle na Duke na kasalukuyang naka-ngiti na parang baliw. Napa-iwas naman ng tingin si Estacie sa kaibigan habang ang nga doktor ng dukedom ay lihim na pinagpapawisan habang lihim din na nagbubunyi. "Napaka-walang puso ang hayop na gumahasa sa kaibigan ko. Uncle! Kailangan nating mahanap ang kung sino mang may gawa neto!" Ma
"We-we can do it at home.. Bakit kaya hindi-" Napa-singhap na lang si Estacie ng muling sakupin ni Eckiever ang kanyang labi. Kasunod ng pag-angat nito sa kanyang saya. "Damn it..!" Ani Eckiever bago pansamantalang humiwalay sa katawan ni Estacie. Akala ng dalaga ay titigil na si Eckiever pero nanlaki ang kanyang mga mata ng ikumpas ng lalaki ang kamay at pumaikot sa kanila ang kulay violet na usok. At sa isang kisapmata lang, natuklasan na lang ni Estacie na wala na silang saplot. "W-what.. H-hey!" Hindi niya tuloy alam kung ano ang tatakpan. But of course hindi ang mga mata niya. Lalo na at ang ganda ng tanawin na nakikita niya. "What? Natatakot ka na? Pagkatapos mong buhayin ang tinitimpi kong self control?" Paos at habol ang hininga na sambit ni Eckiever. His bloodshot eyes stares at her as if she's his prey. Ilang beses ding binasa ng binata ang sariling labi habang pinapasadahan siya ng tingin mula sa mata hanggang sa paa. Nakita pa ni Estacie kung paano gumalaw ang Adams
Parang mabubuwal na napa-atras si Estacie ng isang hakbang. Habang si Eckiever naman lalong humigpit ang hawak sa kanyang espada. Tiim ang mga bagang na sinisikap intindihin ang reaksyon ng dalaga sa kanyang harapan. Iqlqng sandali pa, tumuwid na rin ng tayo si Estacie at tsaka napa-sulyap sa kabayo sa di kalayuan. "Take me home." Aniya. Napa-hugot naman ng hininga si Eckiever at kalamadong ibinalik sa puluhan kanyang espada. Pagkatapos ay inialok ang kamay kay Estacie upang alalayan itong lumakad palapit sa kabayo. "No thanks, kaya kong lumakad mag-isa." Malamig na sagot ni Estacie bago nagpatiuna lumakad. Naiwan si Eckiever na napa-tulala. This kind of treatment, ganitong-ganito si Estacie noong una palang silang magkakilala. The coldness, it's chilling his bones. "Let's talk." Sa wakas, natanggal na ang barrier ng pag-titimpi ng binata. "I said, I wanna go home. Gusto ko mag-pahinga. Saka na tayo mag-usap." Sagot ni Estacie habang patuloy na lumalakad. Naikuskus ni Eckieve
A while ago. Parang gustong sumabog ni Eckiever ng makitang umiiyak si Estacie sa loob ng silid. Inisip niya na umiiyak ang dalaga dahil nasasaktan ito sa pagkamatay ng dating nobyo. Sa pag-iisip na mahal pa ni Estacie ang dating prinsipe, naramdaman ni Eckiever sa kauna-unahang pagkakataon ang sakit sa dibdib na bago lang niya naramdaman. "Jessa ang pangalan ko, Jessa Derylin. I'm from the future." Nang marinig niya ang katagang yan.. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Kaya nag desisyon siyang lumabas ng silid upang makapag-isip. However, biglang dumating ang taga-sunod ng hari at ipinatawag siya. "Nakatanggap ako ng balita na kasalukuyang lumilibot sa labas ng Prekonville ang anak ng dating pinuno ng Escorpion. Malakas ang kutob ko na ang anak ng Baron na si Estacie Somyls ang kanilang target." Nang marinig ni Eckiever ang sinabi ng hari. Bigla siyang natigilan. Kung si Estacie Somyls ang target ng Escorpion, then, th
Kanina pa natapos ang paghahatol pero kanina pa rin walang imik si Estacie. Nasa loob siya ng isang silid sa loob ng palasyo. Si Eckiever naman ay ipinatawag ng hari pagkatapos na pagkatapos ng paghahatol. Habang mga kasundaluhan ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga ka-baro ng malaman ang totoong nangyari. "I'm sorry..." Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Estacie ang huling salitang binitawan ni Sinylve. At malinaw din sa kanyang isip ang luhang tumulo mula sa mga mata ng binata. Ramdam ni Estacie ang paninikip ng kanyang dibdib. Reaksyon ba yun ng katawan ng totoong Estacie? "I'm sorry.." Napapikit si Estacie ng muling maalala ang huling salitang binitawan ni Sinylve. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Maaring hindi nga siya ang totoong Estacie, pero nararamdaman niya ang sakit ng kanyang dibdib nga mga sandaling yun. Ibig sabihin ba, minahal talaga ni Estacie ang prinsipe noon? Maari. "Why are you crying?" Malamig ang boses ng Duke ng mapagbuksan ang
"1st battalion Commander?!" Parang nakakita ng multo na bulalas ni Sinylve. "Your Majesty, The king, Your Majesty Princess Sylvia." Sabay na pag-bati ni Eckiever at Estacie sa mga bagong dating. Tango lang ang iginanti ng hari habang si Sylvia naman ay matamis na ngumiti kay Estacie. "F-father.. P-paanong kasama nyo ang-" "Knights! Capture this traitor!" Malakas na sigaw ng hari na nagpa-putla sa mukha ni Sinylve. "Father, wait! At least t-tell me what's going on! I won the battle, hindi ba dapat ay ibalik mo na sa akin ang dati kong titulo-ugh!" Isang malakas na sampal ang naging sagot ng hari. "You son of a bitch! Wala akong anak na traydor at kayang gawin ang nakakasukang ginawa mo sa kasundaluhan ng Prekonville!" Sigaw ng hari na malinaw pa bukal ng tubig ang galit. "Bring him to the palaaa to receive his death punishment!" Kahit nagpapalag at sumisigaw walang nagawa si Sinylve ng agawin ng Imperial knights ang kanyang espada at tsaka siya kinaladkad habang sumusunod sa h