Mabilis na lumipas ang tatlong araw.
"My lady, tapos ka na po bang mag-bihis? Nandito na ang kalesa na sasakyan natin papunta sa palasyo!" Sigaw ni Vista sa labas ng kwarto na pansamantala niyang tinuluyan habang nagpa-pagaling.Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi niya sa bahay ni Vista, walang araw na hindi niya sinikap niyang alalahanin ang mga detalye ng kanyang bagong katauhan. At ngayon nga, buo na ang plano niya kung paano papaikutin si Lucy Somyls.Lumabas siya ng kwarto suot ang simpleng damit na ginawa ni Vista para sa kanya. Isa pa lang mananahi ang ginang. "I'm here Vista. I'm sorry, hindi ko kasi alam kung itatali ko ang buhok ko tulad ng nakasanayan." Naka-ngiting sabi niya pagka-labas ng silid."Wow! Bagay na bagay sa'yo ang kulay pulang bestida, aking binibini! Parang nais ko pang gumawa ng mga damit na pwede mong suotin!" Namamanghang bulalas ni Vista.Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Estacie. "Mukhang nakalimutan mo na, sasama ka sa akin sa Somyls mansyon upang maging personal kong mananahi. Nagbago na ba ang isip mo?" Pina-lungkot pa ni Estacie ang ekspresyon upang mag-mukhang nasasaktan."No, no, no! Syempre sasama ako!" Agad namang nataranta si Vista at hinawakan pa ang kamay niya.Isang hagikgik ang pinakawalan ni Estacie bago hinila ang ginang palabas ng bahay. "Tayo na. Baka gabihin tayo sa paglalakbay. Nadala mo ba ang mga napag-bentahan ng mga alahas ko?" Tanong niya nang makasakay sila sa kalesa na inarkelahan ni Vista.Lahat ng alahas na suot niya noong pinatay siya ng demonyeta niyang kapatid ay ipinag-bili niya. Napag-alaman niya na walang perang papel dito sa bagong Mundo na binagsakan niya kundi panay pilak at ginto lamang. Bagay na talagang ikinamangha ni Jessa."Narito, kumpleto ito my lady." Ipinakita pa sa kanya ni Vista ang mga ginintuang barya na nakalagay sa maliit na pouch."En. Let's go." Tumatangong sagot niya.Dalawang oras ang kanilang binyahe bago nakarating sa mismong kabayanan. Dito napagtanto ni Jessa na ang kanyang mga nababasa sa online comics ay totoo. From wooden structures, to fountain in the middle of the town circle. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang nobela na siya ang magiging kontrabida."My lady sandali! Wag kang lumayo sa akin at baka may dumukot sa iyo." Mabilis na hawak ni Vista sa kanyang braso ng mauna siyang makababa sa kalesa."Vista, nasa bayan tayo. May mga kawal ng palasyo ang rumuronda." Aniya habang nangingiti."Kahit pa! Ayun sa kapatid ko, kadalasan ay sa kabayanan nangyayari ang pandurukot sa mga kabataan." Pagmamatigas ni Vista."Bata pa ba ako?" Naka-taas ang dalawa niyang kilay habang naka-titig kay Vista."Well, medyo, parang. Ah basta! Ang ganda mo ay kakaiba sa lahat ng mga babaeng kaedad mo na nakita ko. Mula sa light brown eyes mo na binagayan ng brown at tuwid na mahabang buhok. Sa ilong mo na parang hinulma ng isang sikat na eskultor, mga labing mapupula na hindi manipis at hindi rin makapal. My lady, sinasabi ko sa iyo, ang iyong ganda ay agaw pansin sa lahat ng mga matang- aray!"Isang marahas na paghila sa braso ni Vista ang kanyang ginawa upang tumigil na ito sa pagsasalita. Sa loob ng apat na araw na pamamalagi niya sa bahay neto, hindi naiwasan na talagang magkasundo silang dalawa. Bagamat sa araw-araw ay hindi nito nakakalimutan ang purihin ang kanyang itsura."Manahimik kana. Nagsasawa na ako sa linyahan mo, wala na bang bago?" Naiiling na turan niya dito.Well, noong unang nakita niya ang sariling repleksiyon sa salamin ay totoong hindi rin siya makapaniwala. Talagang napakaganda si Estacie. Lalo na nung sinimulan niyang gupitin ang buhok neto upang lagyan ng style. Ang haircut na ginawa niya sa hiram na katawan ay butterfly haircut. Bumagay sa mala-pusong hugis ng mukha ni Estacie."I will repeat it using our second language." Naka-ngising sagot ni Vista."Shut-up!" Pabirong tinakpan niya ang bibig nito na nagpa-hagikgik naman sa babae. "If you say one more word, I won't show you the dress design i- ugh!"Natigil ang pagsasalita niya ng bigla na lang may humawak sa kanyang braso at saka siya pwersahang pinadapa sa kalsada. Kasunod nun ang paglapitan ng mga taong nakiki-usyuso."What the?!" Gulat na bulalas niya."My lady!" Sigaw din ni Vista."Stop struggling if you don't want to be hurt." Isang malamig at malalim na boses ang narinig ni Estacie mula sa kanyang likuran.Ang boses ay halos manoot sa kanyang buto. However, nangunot ang kanyang noo ng marerealize ang sitwasyon. Someone suddenly knocked her down. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Vista tungkol sa mandurukot."H-help..." Usal niya. "Help! Tulong! Kinikidnap ako!" Malakas na sigaw niya."Excuse me!? Kailan pa naging mandurukot ang mga kawal ng Dukedom?!" Isang boses ng lalake sa may tagiliran niya ang kanyang narinig."Dukedom my ass! May kawal ba na basta na lang dadakmain ang isang sibilyan at dadaganan ng hindi man lang nagtatanong?!" Gigil na sigaw ni Vista. "Tulong! Kinikidnap ang aking binibini!" Sigaw pa neto."Binibini?" Ang boses ng lalakeng nasa likod niya ang kanyang narinig.Kung kanina ay busy ang utak ni Estacie kung paano makakatakas sa mga mangingidnap, ngayon naman ay busy ang utak niya sa pag-intindi ng sitwasyon. Bigla na lang siyang dinakma ng kung sino ng takpan niya ang bibig ni Vista. Iniisip ba ng mga taong ito na kinikidnap niya si Vista? Bahagya niyang naintindihan ang naging aksyon ng lalake sa likuran niya pero hindi iyon dahilan upang hindi kumulo ang dugo niya. Alalahanin, ito ang pangalawang eksena na may dumakma sa balikat niya. Ang una ay nag-resulta ng kamatayan niya."Get off me." Naging malamig ang tono ng boses ni Estacie pati ang kanyang ekspresyon. "Get your hands off me." Dugtong pa niya."Narinig mo ang aking binibini! Bitiwan mo siya! Hindi mo ba siya nakikilala?!" Sigaw ni Vista.Naramdaman ni Estacie na lumuwag ang pagkakahawak sa kanya kasunod ng pag-alis ng tuhod ng lalake sa likod niya. Mabilis siyang tumayo at marahas na hinarap ang lalakeng pangahas. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong katawan ng mamukhaan ang kaharap. Isang linya ng salita ang parang umulit-ulit sa kanyang tenga. "I will kill you!" Salitang nagka-totoo ilang minuto simula ng marinig niya iyon galing sa unang lalake na dumakma sa kanyang braso. Back in her previous life.Ang takot na nadarama ay unti-unting napalitan ng abot langit na galit ng mapagtanto niyang nasa ibang mundo siya. Tingnan mo nga naman. Una, kapangalan ni Lucy ang paghihigantihan niya. Ngayon naman, kamukhang-kamukha ng lalakeng nagbanta sa kanya ang lalakeng kaharap niya ngayon na siya namang dahilan ng sakit ng kanyang likuran. Kung hindi ito God's will, then what is this!? Nagtatagis ang mga bagang na nasuklay niya ng daliri ang sariling buhok. Mabilis na nakalapit si Vista sa kanya at pinagpagan ang kanyang narumihang damit. "Mahabaging bathala! My lady, andumi na ng damit mo! Oh no! May sugat ka na rin sa braso!" Puno ng pag-aalala na malakas na sambit ni Vista. "Sandali, gusto ko lang linawin, she's your Lady?" Ang lalakeng malamig ang boses ang nagsalita. "That's right! She's from the noble family! Tapos ganyan ang ginawa nyo!?" Galit na sagot ni Vista. Si Estacie ay nanatiling walang imik. Sinisikap na labanan ang panginginig ng katawan dahil sa trauma noong una niyang
Ilang sandali pa ay ay lumalakad na sila pabalik sa kalesa na pansamantala nilang iniwan sa parentahan. Alas dos pa lang ng Hapon kaya alam ni Estacie na makakarating sila sa bahay ng mga Tolin bago sumapit ang ika-tatlo ng hapon."Kung gusto mong bumalik sa mansyon sa mismong kaganapan ng kaarawan ng iyon ama, dapat ay maganda ang suot mo na damit, my Lady." Kanina pa nagdadaldal si Vista simula pa sa restaurant na kinainan nila. "En. Pwede tayong dumaan sa salon bukas bago tumuloy sa mansyon." Sagot niya. Sa mundong ginagalawan niya ngayon, hindi naman ito kasalungat sa mundong pinang-galingan niya. Kung si Jessa ang tatanungin, masasabi niyang kakambal ng kabilang mundo ang mundo na kung saan siya ngayon. Ang kaibahan lang, walang advance technology, walang mekanismo, at ang mga tao ay masyadong pinapahalagahan ang pangalan kesa pamilya. "Excited na akong makita ang magiging reaksyon ng iyong ama. Sa palagay mo ba maiiyak siya sa tuwa pati ang iyong kapatid?" Masaya ang tono ng
Dahil sa mga emosyon na nagising sa loob ng tahanan ng Tolin, doon na nga nagpalipas ng gabi sina Estacie at Vista. At kinaumagahan, inutusan ni Estacie si Vista na bumili ng kanyang susuotin. Kasama ng makeup kit na kanyang gagamitin. Ang napiling kulay na damit ni Estacie ay kulay pula na hinaluan ng kulay itim. Gusto niyang ipakita ang galit kasama ng maitim niyang plano para sa paghihiganti mamayang gabi. Hindi siya papayag na hindi magiging engrande ang kanyang pagbabalik sa Mansyon. "My Lady, ang tema ng birthday party ng iyong ama ay masquerade.. I made a mask only for you." Ang ina ni Aloha ang sumilip sa pintuan ng silid na pansamantala niyang tinigilan sa loob ng bahay ng mga Tolin. Isang pulang maskara na may itim na balahibong manok ang ginawa ng ginang. Perfect match sa damit na ngayon ay inaayos na nila ni Vista. Gusto ni Estacie na baguhin ang desinyo ng damit, sa halip na baloon ang laylayan, ginaya niya ang mga gowns na nakita na niya sa modernong mundo. Maaring pa
Marahas na napa-lingon ang nagulantang na sina Lucy at Sinylve na magkahawak kamay pa sa gitna ng ballroom. Isa lang salita ang naglalaro sa kanilang isip ng mga sandaling yun. "How!?" Ang hari ay napa-flinch ng mapagtanto ang sitwasyon. Samantalang ang Baron at Barones ay parehas na na-estatwa. Isang tao lang ang napa-ngiti habang napa-dekwatro ng upo. Ipinatong din nito ang baba sa likod ng kanyang palad. Ang Duke. "Interesting.." Bulong niya habang naka-titig sa babaeng naka-maskara. Humakbang si Estacie palapit sa dalawang naka-tayo parin habang magkahawak kamay. Sinulyapan niya ito ng ilang segundo bago matamis na nginitian. "Congratulations for your engagement, my lovely sister and your Highness, the crowned prince." Pagbati ni Estacie sa dalawa na sapat upang marinig ng lahat. "Estacie! Why are you here?!" Malakas na sigaw ng Baron na nagpasabog ng bulungan ng mga bisita. Lihim namang napangiti si Estacie. "Anong klaseng tanong yan Father. I thought you should be hap
Syempre hindi basta-basta magpa-patinag si Lucy ng ganun-ganun lang. Malakas itong napa-tili at pabagsak na napa-salampak sa marmol na sahig ng mansyon. Lahat ay napa-lingon sa kanya gayun din si Estacie. "Lucy! My darling, oh my God! Estacie, what did you do?!" Mabilis na nakalapit si Juvilina sa anak at dinaluhan ito. Muling umugong ang bulungan. "I think, Miss Estacie hates her step-sister because of the engagement." Dinig nyang sabi ng iba. Well, kung ang dating Estacie ay napapa-tulala lang, Ibahin nyo ang Estacie ngayon. Dahan-dahang lumapit si Estacie sa pwesto ng mag-ina. She tilted her head and say.. "Are you okay Sister? I told you, I'm fine now. Wag kang mag-aalala, mahahanap din ni Papa ang dalawang taong nagtangkang patayin ako. Don't stress yourself too much. Kailangan maging masaya ka sa nalalapit na kasal ninyo ng mahal na prinsipe." Aniya na ang boses ay puno ng pag-aalala para sa kapatid. "W-what?!" Tanong ni Lucy na nababakas ang gulat sa mga mata. "Lucy..
Pag-pasok ni Estacie sa sariling silid sa mansyon ayon sa kanyang memorya, bahagyang nawala ang pangangatal ng kanyang katawan. Dahan-dahan siyang napaupo sa king size bed na nasa gitna ng malawak na kwartong yun. Bilang dating Jessa na namuhay ng payak sa modernong mundo, masasabi niyang napaka-grande ng kanyang silid ngayon. "My lady, pwede akong matulog sa sofa. Wag kang mag-alala, sanay naman ako. Alam kong pagod ka, halina at tutulungan na kitang maligo bago matulog." Narinig niya si Vista kaya't napisil niya ang pagitan ng kanyang dalawang mata. "Kaya ko maligo mag-isa, Vista. At tska, pwede ka matulog sa tabi ko. Malapad ang kama. Bukas na bukas din ay ipapalipat kita sa dating silid ni Aloha." Aniya bago tumayo upang pumasok sa sa sariling banyo. "Sigurado ka ba na hindi na kita tutulungan?" "Hmmm.. Siguro, paki-tanggal na lang itong gown." Sagot niya. Ang totoo, busy pa rin ang kanyang utak sa pag-gunita ng eksena sa hallway. Hindi niya maintindihan kung bakit kailanga
Sa isang pamilya na nabibilang sa tinatawag na ALTA ng mga mayayamang tao sa modernong mundo, hindi na iba ang ipamana sa mga anak ang kayamanan ng kanilang mga magulang. Subalit sa kwento ng pagiging Noble family, hindi lang kayamanan ng pamilya ang pwedeng manahin ng isang anak. Kundi ang buong pangalan ng pamilya na kanilang itataguyod hanggang sa susunod na hinirasyon. Negosyo, pera, posisyon, titulo at kapangyarihan bilang myembro ng Noble family. Kapag ipinamana ng isang ama ang sinsabing mana, sa kanyang anak, isa lang ang ibig sabihin nun, ang anak niyang iyon ang hihirangin bilang bagong pinuno at taga hawak ng titulo ng pamilya. Those who under her within the family, will be her followers. So, sinasabi ng kanyang ama ngayon na siya, bilang panganay na anak ng mga Somyls, ay wala ng karapatan na hawakan ang titulong yun. And she is now Lucy's followers. Ang babaeng nagpakidnap sa kanya, pumatay sa totoong Estacie, nagpapatay kay Aloha, ay isa ng leader ng Somyls Family. "
Habol ni Lucy ang hininga dahil sa matinding galit para kay Estacie. Gusto niya itong habulin subalit hindi niya magawang tumayo dahil sa pangangatal ng katawan dulot ng takot sa mga binitiwang salita ni Estacie. "No.. Imposible, walang sino mang tao ang naroon ng mangyari yun." Bulong ni Lucy habang pinipilit na tumayo. "Wait.. If someone help her after we left, then.. Nakita ng taong yun ang nangyari!?" Namimilog ang mga matang nabulalas ni Lucy. Kung totoo ngang may nakakita, at totoo ang sinabi ni Estacie na may ibedensya, "This can't be. This can't be! Hindi siya pwedeng makalabas ng mansyon, not I my watch!" Anito bago nagmamadaling sundan si Estacie. However, nang makarating siya sa may silid nito, naroon na ang mga katulong at mga kawal ng Somyls mansyon. Hindi siya makalapit at makapasok sa loob ng silid. "This won't do!" Natatatarantang saad pa niya bago tinungo ang sariling silid. "I should write to the crowned prince." Bulong niya sa sarili. Samantala, sa loo
Ilang sandali na hindi naka-imik si Elena. Nakatayo lang siya habang nakikinig sa mahinang pag-hikbi ni Clewin sa leeg niya. Para siyang natuklaw ng ahas ng marealize ang mga sinabi ng binata. So, naaalala na ni Clewin ang lahat ng nangyari 2 months ago? Ngayon lang ba niya naalala o simula't sapul, ay hindi naman talaga nakalimutan ng binata ang lahat? "Sir Clewin.." Tawag niya sa pangalan ng binata. "Hmm?" "Hindi mo nakalimutan ang gabing yun, tama ba ako?" Ilang segundo bago gumalaw si Clewin. Dalawang beses itong tumango kasabay ng pag-higpit ng yakap neto sa katawan ni Elena. "Then why did you act like nothing happened?" Parang hindi na naghiwalay ang mga labi ni Elena habang nagsasalita. Bumilis na din ang tibok ng kanyang puso dahil sa tinitimping galit para sa lalaki. "I was scared.. And guilty at the same time. I'm sorry.. I was a coward." Hindi alam ni Elena kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling yun. Galit siya, yes. Pero may kung ano pang pakiramdam ang hindi
Dala ng pinaghalong galit, sama ng loob at gulat, malakas na naitulak ni Elena si Clewin upang makawala dito. Tsaka walang babala na malakas niya itong sinampal. Sampal na nagpa-pabalik sa katinuan ni Clewin. Pero sandali lang naman, dahil muling dumilim ang anyo ng binata at tsaka walang sabi-sabing tinalikuran si Elena at muling pumasok sa loob ng reception. Naiwan si Elena na tutop ang dibdib at bibig. Napapa-iyak dahil sa sama ng loob. Sino ba namang hindi magagalit? Ang lalaking pumwersa sa kanya two months ago ay walang maalala. Tapos, bigla na lang niya nalaman, a month ago na engaged na rin ito. She was trying her best to move on and hide the nightmare she've been through, pero heto ngayon at bigla na lang netong sasabihin na naalala neto ang nangyari? Ngayon lang? Ngayon na kung saan tanggap na niya ang sitwasyon niya? She is maybe young, but her mind and heart are all matured. Naging matured sya simula noong araw na makilala niya si Estacie habang may sakit ang kanyang
Sa gitna ng malawak na hardin ng dukedom, nakapalibot ang matataas na pine tree na inobrahan ng maihahalintulad sa isang malapad na bakuran. Sa entrada ng nasabing pine tree yard ay naka-arko ang buhay na halaman na maihahalintulad sa rose, bagamat walang tinik ang mga sanga. Sa bawat dampi ng hangin sa bulalak na kulay dilaw, ay ang paglaganap ng mahalimuyak na amoy na nang-gagaling sa bulaklak. Pag-pasok mo sa nasabing entrada, naghihintay ang isang metrong lapad ng marble na pinag-dugtong dugtong upang maabot ang pinaka-altar sa unahan. Yes, narito tayo sa lugar kung saan idadaos ang engrandeng kasal ng dalawang pusong pinag-tambal ng pasaway na tagapag-bantay ng mahiwagang lagusan ng paraiso. Suot ni Estacie ang kulay puting damit pangkasal na gawa sa silk at laces. Nilagyan ng totoong diamond na kinuha at inipon mula sa Dukedom treasury. Sa bawat bahagi ng nasabing aisle, naghihintay ang mga pinaka-mahahalagang tao na naging parte ng buhay ng dalawang ikakasal. At sa hilira
Halos hindi magkanda-ugaga ang mga doktor ng Dukedom ng bigla na lang silang ipatawag ng Duke sa Somyls mansyon. Nakarating din sa prinsesa ng Prekonville ang nasabing pagpa-patawag kaya kahit si Sylvia ay nag-aalalang nag-dala ng Imperial doctor sa Somyls mansyon. Subalit ang pag-aalala ay napalitan ng samot-saring pakiramdam ng makita ang sitwasyon ng kaibigang si Estacie. Her friends has bite marks on her neck, and even on her thighs. Lalong namilog ang kanyang mga mata ng makita ang mga putol-putol na dahon ng damo at dahon ng puno sa buhok ng kaibigan. "S-sinong hayop ang gumahasa sa kaibigan ko?! Tell me! I will punish him to death!" Bulyaw ni Sylvia sa Uncle na Duke na kasalukuyang naka-ngiti na parang baliw. Napa-iwas naman ng tingin si Estacie sa kaibigan habang ang nga doktor ng dukedom ay lihim na pinagpapawisan habang lihim din na nagbubunyi. "Napaka-walang puso ang hayop na gumahasa sa kaibigan ko. Uncle! Kailangan nating mahanap ang kung sino mang may gawa neto!" Ma
"We-we can do it at home.. Bakit kaya hindi-" Napa-singhap na lang si Estacie ng muling sakupin ni Eckiever ang kanyang labi. Kasunod ng pag-angat nito sa kanyang saya. "Damn it..!" Ani Eckiever bago pansamantalang humiwalay sa katawan ni Estacie. Akala ng dalaga ay titigil na si Eckiever pero nanlaki ang kanyang mga mata ng ikumpas ng lalaki ang kamay at pumaikot sa kanila ang kulay violet na usok. At sa isang kisapmata lang, natuklasan na lang ni Estacie na wala na silang saplot. "W-what.. H-hey!" Hindi niya tuloy alam kung ano ang tatakpan. But of course hindi ang mga mata niya. Lalo na at ang ganda ng tanawin na nakikita niya. "What? Natatakot ka na? Pagkatapos mong buhayin ang tinitimpi kong self control?" Paos at habol ang hininga na sambit ni Eckiever. His bloodshot eyes stares at her as if she's his prey. Ilang beses ding binasa ng binata ang sariling labi habang pinapasadahan siya ng tingin mula sa mata hanggang sa paa. Nakita pa ni Estacie kung paano gumalaw ang Adams
Parang mabubuwal na napa-atras si Estacie ng isang hakbang. Habang si Eckiever naman lalong humigpit ang hawak sa kanyang espada. Tiim ang mga bagang na sinisikap intindihin ang reaksyon ng dalaga sa kanyang harapan. Iqlqng sandali pa, tumuwid na rin ng tayo si Estacie at tsaka napa-sulyap sa kabayo sa di kalayuan. "Take me home." Aniya. Napa-hugot naman ng hininga si Eckiever at kalamadong ibinalik sa puluhan kanyang espada. Pagkatapos ay inialok ang kamay kay Estacie upang alalayan itong lumakad palapit sa kabayo. "No thanks, kaya kong lumakad mag-isa." Malamig na sagot ni Estacie bago nagpatiuna lumakad. Naiwan si Eckiever na napa-tulala. This kind of treatment, ganitong-ganito si Estacie noong una palang silang magkakilala. The coldness, it's chilling his bones. "Let's talk." Sa wakas, natanggal na ang barrier ng pag-titimpi ng binata. "I said, I wanna go home. Gusto ko mag-pahinga. Saka na tayo mag-usap." Sagot ni Estacie habang patuloy na lumalakad. Naikuskus ni Eckieve
A while ago. Parang gustong sumabog ni Eckiever ng makitang umiiyak si Estacie sa loob ng silid. Inisip niya na umiiyak ang dalaga dahil nasasaktan ito sa pagkamatay ng dating nobyo. Sa pag-iisip na mahal pa ni Estacie ang dating prinsipe, naramdaman ni Eckiever sa kauna-unahang pagkakataon ang sakit sa dibdib na bago lang niya naramdaman. "Jessa ang pangalan ko, Jessa Derylin. I'm from the future." Nang marinig niya ang katagang yan.. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Kaya nag desisyon siyang lumabas ng silid upang makapag-isip. However, biglang dumating ang taga-sunod ng hari at ipinatawag siya. "Nakatanggap ako ng balita na kasalukuyang lumilibot sa labas ng Prekonville ang anak ng dating pinuno ng Escorpion. Malakas ang kutob ko na ang anak ng Baron na si Estacie Somyls ang kanilang target." Nang marinig ni Eckiever ang sinabi ng hari. Bigla siyang natigilan. Kung si Estacie Somyls ang target ng Escorpion, then, th
Kanina pa natapos ang paghahatol pero kanina pa rin walang imik si Estacie. Nasa loob siya ng isang silid sa loob ng palasyo. Si Eckiever naman ay ipinatawag ng hari pagkatapos na pagkatapos ng paghahatol. Habang mga kasundaluhan ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga ka-baro ng malaman ang totoong nangyari. "I'm sorry..." Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Estacie ang huling salitang binitawan ni Sinylve. At malinaw din sa kanyang isip ang luhang tumulo mula sa mga mata ng binata. Ramdam ni Estacie ang paninikip ng kanyang dibdib. Reaksyon ba yun ng katawan ng totoong Estacie? "I'm sorry.." Napapikit si Estacie ng muling maalala ang huling salitang binitawan ni Sinylve. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Maaring hindi nga siya ang totoong Estacie, pero nararamdaman niya ang sakit ng kanyang dibdib nga mga sandaling yun. Ibig sabihin ba, minahal talaga ni Estacie ang prinsipe noon? Maari. "Why are you crying?" Malamig ang boses ng Duke ng mapagbuksan ang
"1st battalion Commander?!" Parang nakakita ng multo na bulalas ni Sinylve. "Your Majesty, The king, Your Majesty Princess Sylvia." Sabay na pag-bati ni Eckiever at Estacie sa mga bagong dating. Tango lang ang iginanti ng hari habang si Sylvia naman ay matamis na ngumiti kay Estacie. "F-father.. P-paanong kasama nyo ang-" "Knights! Capture this traitor!" Malakas na sigaw ng hari na nagpa-putla sa mukha ni Sinylve. "Father, wait! At least t-tell me what's going on! I won the battle, hindi ba dapat ay ibalik mo na sa akin ang dati kong titulo-ugh!" Isang malakas na sampal ang naging sagot ng hari. "You son of a bitch! Wala akong anak na traydor at kayang gawin ang nakakasukang ginawa mo sa kasundaluhan ng Prekonville!" Sigaw ng hari na malinaw pa bukal ng tubig ang galit. "Bring him to the palaaa to receive his death punishment!" Kahit nagpapalag at sumisigaw walang nagawa si Sinylve ng agawin ng Imperial knights ang kanyang espada at tsaka siya kinaladkad habang sumusunod sa h