Share

UNSPOKEN FEELINGS

Sa pag-hinto ng mga sundalong mag-mamartsa, mahigpit na naikuyom ni Sylvia ang mga kamao. Ang galit na itinatago sa dibdib ay parang bulkan na unti-unting kumukulo at handa ng sumabog.

Ang hari naman sa kanyang tabi, ay nanatiling walang ekspresyon. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip ng kanyang ama. Sabihin na natin na kahit hindi pure blood si Sinylve, hindi parin maikaka-ila na anak parin ng hari ang lalake.

Napa-flinch si Sylvia ng marinig ang kalansing ng mga espada at armors ng mga sundalo. Kasunod ang pag-yuko ng mga ito bilang pag-bati.

"2nd and 3rd batallions are greeting the Sun and the star of the empire." Boses ni Sinylve ang malakas na umalingawngaw sa paligid.

Nakita ni Sylvia kung paanong napalunok ang hari. 2nd and 3rd battalions. Tatlong Battalions ang pinadala ng hari upang supilin ang grupo ng mga rebeldeng nakiisa sa kalabang kaharian. Subalit dalawang battalions lang ang nakabalik. Ibig sabihin, isang battalion ang naubos sa nasabing laban. Ganun kadami at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status