Sa pag-hinto ng mga sundalong mag-mamartsa, mahigpit na naikuyom ni Sylvia ang mga kamao. Ang galit na itinatago sa dibdib ay parang bulkan na unti-unting kumukulo at handa ng sumabog. Ang hari naman sa kanyang tabi, ay nanatiling walang ekspresyon. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip ng kanyang ama. Sabihin na natin na kahit hindi pure blood si Sinylve, hindi parin maikaka-ila na anak parin ng hari ang lalake. Napa-flinch si Sylvia ng marinig ang kalansing ng mga espada at armors ng mga sundalo. Kasunod ang pag-yuko ng mga ito bilang pag-bati. "2nd and 3rd batallions are greeting the Sun and the star of the empire." Boses ni Sinylve ang malakas na umalingawngaw sa paligid. Nakita ni Sylvia kung paanong napalunok ang hari. 2nd and 3rd battalions. Tatlong Battalions ang pinadala ng hari upang supilin ang grupo ng mga rebeldeng nakiisa sa kalabang kaharian. Subalit dalawang battalions lang ang nakabalik. Ibig sabihin, isang battalion ang naubos sa nasabing laban. Ganun kadami at
"Duke Arkhil, okay ka lang? Nagmamadali ka-" "Lady Vista, pasensya na, nakita mo ba kung nakalabas na ng kanyang kwarto si Estacie? Tapos na ba sya mag-bihis?" Putol ni Eckiever sa sinasabi ng madrasta ni Estacie. Naka-salubong niya ito ilang minuto bago siya sumunod kay Estacie. "Ha? Hindi na nagpalit pa ng damit ang anak ko. Ang sabi niya ay nagmamadali siya para maaga pa sya maka-rating sa palasyo. Kaya dumiretso na siya kaagad sa-" "Dumiretso?! Ganun siya ka-excited na makita ulit ang hilaw na prinsipeng yun?!" Gigil na muling pag-putol ng Duke sa sinasabi ni Vista. "Eh...? Hilaw? Hindi ba at tagumpay ang gyera? Ibig-sabihin hinog na sya my Lord. At tsaka-""No!" Inis na tinalikuran ni Eckiever si Vista. "Aalis na ako Lady Vista. Pasensya na pero kailangan ko pang habulin ang anak ninyong may problema pa ata sa katinuan!" Madilim ang anyong tinahak ng binata ang daan patungo sa main door. Mabilis ang kabog ng dibdib dahil sa pag-aalala. "Problema sa utak?" Bulong ni Vista
Literal na natigilan si Estacie ng marinig ang sinabi ni Sinylve. Ang malambot ma ekspresyon ng kanyang mukha ay biglang naging mabalasik at dumilim. Ang kamay na naka-patong sa dibdib ni Eckiever ay dahan-dahang dumulas hanggang sa tuluyan na ngang nalaglag sa kanyang tagiliran. Pagkatapos ay unti-unti siyang lumingon sa prinsipe na naka-ngiti na. Nang mag-simulqng humakbang si Estacie palapit kay Sinylve, mabilis namang inabot ni Eckiever ang kanyang kamay subalit pasimpleng pinisil iyon ni Estacie. Dahil dito, bahagyang gumaan ang pakiramdam ng Duke at binitawan ang dalaga. Nang makalapit si Estacie kay Sinylve. Isang ngiti na animo ay baliw ang blibinigay ng lalake kay Estacie. Si Estacie na napa-pilig ang ulo pakanan. "Anong sinabi mo? Paki-ulit." Malamig pa sa atartika ang naging tono ng boses ni Estacie. Una ay natigilan si Sinylve, pero saglit lang. Napa-smirk ito tsaka akmang kukunin ang kamay ni Estacie na mabilis namang umiwas. "Heh..! Hindi ko na kailangang ulitin pa
"1st battalion Commander?!" Parang nakakita ng multo na bulalas ni Sinylve. "Your Majesty, The king, Your Majesty Princess Sylvia." Sabay na pag-bati ni Eckiever at Estacie sa mga bagong dating. Tango lang ang iginanti ng hari habang si Sylvia naman ay matamis na ngumiti kay Estacie. "F-father.. P-paanong kasama nyo ang-" "Knights! Capture this traitor!" Malakas na sigaw ng hari na nagpa-putla sa mukha ni Sinylve. "Father, wait! At least t-tell me what's going on! I won the battle, hindi ba dapat ay ibalik mo na sa akin ang dati kong titulo-ugh!" Isang malakas na sampal ang naging sagot ng hari. "You son of a bitch! Wala akong anak na traydor at kayang gawin ang nakakasukang ginawa mo sa kasundaluhan ng Prekonville!" Sigaw ng hari na malinaw pa bukal ng tubig ang galit. "Bring him to the palaaa to receive his death punishment!" Kahit nagpapalag at sumisigaw walang nagawa si Sinylve ng agawin ng Imperial knights ang kanyang espada at tsaka siya kinaladkad habang sumusunod sa h
Kanina pa natapos ang paghahatol pero kanina pa rin walang imik si Estacie. Nasa loob siya ng isang silid sa loob ng palasyo. Si Eckiever naman ay ipinatawag ng hari pagkatapos na pagkatapos ng paghahatol. Habang mga kasundaluhan ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga ka-baro ng malaman ang totoong nangyari. "I'm sorry..." Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Estacie ang huling salitang binitawan ni Sinylve. At malinaw din sa kanyang isip ang luhang tumulo mula sa mga mata ng binata. Ramdam ni Estacie ang paninikip ng kanyang dibdib. Reaksyon ba yun ng katawan ng totoong Estacie? "I'm sorry.." Napapikit si Estacie ng muling maalala ang huling salitang binitawan ni Sinylve. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Maaring hindi nga siya ang totoong Estacie, pero nararamdaman niya ang sakit ng kanyang dibdib nga mga sandaling yun. Ibig sabihin ba, minahal talaga ni Estacie ang prinsipe noon? Maari. "Why are you crying?" Malamig ang boses ng Duke ng mapagbuksan ang
A while ago. Parang gustong sumabog ni Eckiever ng makitang umiiyak si Estacie sa loob ng silid. Inisip niya na umiiyak ang dalaga dahil nasasaktan ito sa pagkamatay ng dating nobyo. Sa pag-iisip na mahal pa ni Estacie ang dating prinsipe, naramdaman ni Eckiever sa kauna-unahang pagkakataon ang sakit sa dibdib na bago lang niya naramdaman. "Jessa ang pangalan ko, Jessa Derylin. I'm from the future." Nang marinig niya ang katagang yan.. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Kaya nag desisyon siyang lumabas ng silid upang makapag-isip. However, biglang dumating ang taga-sunod ng hari at ipinatawag siya. "Nakatanggap ako ng balita na kasalukuyang lumilibot sa labas ng Prekonville ang anak ng dating pinuno ng Escorpion. Malakas ang kutob ko na ang anak ng Baron na si Estacie Somyls ang kanilang target." Nang marinig ni Eckiever ang sinabi ng hari. Bigla siyang natigilan. Kung si Estacie Somyls ang target ng Escorpion, then, th
Parang mabubuwal na napa-atras si Estacie ng isang hakbang. Habang si Eckiever naman lalong humigpit ang hawak sa kanyang espada. Tiim ang mga bagang na sinisikap intindihin ang reaksyon ng dalaga sa kanyang harapan. Iqlqng sandali pa, tumuwid na rin ng tayo si Estacie at tsaka napa-sulyap sa kabayo sa di kalayuan. "Take me home." Aniya. Napa-hugot naman ng hininga si Eckiever at kalamadong ibinalik sa puluhan kanyang espada. Pagkatapos ay inialok ang kamay kay Estacie upang alalayan itong lumakad palapit sa kabayo. "No thanks, kaya kong lumakad mag-isa." Malamig na sagot ni Estacie bago nagpatiuna lumakad. Naiwan si Eckiever na napa-tulala. This kind of treatment, ganitong-ganito si Estacie noong una palang silang magkakilala. The coldness, it's chilling his bones. "Let's talk." Sa wakas, natanggal na ang barrier ng pag-titimpi ng binata. "I said, I wanna go home. Gusto ko mag-pahinga. Saka na tayo mag-usap." Sagot ni Estacie habang patuloy na lumalakad. Naikuskus ni Eckieve
"We-we can do it at home.. Bakit kaya hindi-" Napa-singhap na lang si Estacie ng muling sakupin ni Eckiever ang kanyang labi. Kasunod ng pag-angat nito sa kanyang saya. "Damn it..!" Ani Eckiever bago pansamantalang humiwalay sa katawan ni Estacie. Akala ng dalaga ay titigil na si Eckiever pero nanlaki ang kanyang mga mata ng ikumpas ng lalaki ang kamay at pumaikot sa kanila ang kulay violet na usok. At sa isang kisapmata lang, natuklasan na lang ni Estacie na wala na silang saplot. "W-what.. H-hey!" Hindi niya tuloy alam kung ano ang tatakpan. But of course hindi ang mga mata niya. Lalo na at ang ganda ng tanawin na nakikita niya. "What? Natatakot ka na? Pagkatapos mong buhayin ang tinitimpi kong self control?" Paos at habol ang hininga na sambit ni Eckiever. His bloodshot eyes stares at her as if she's his prey. Ilang beses ding binasa ng binata ang sariling labi habang pinapasadahan siya ng tingin mula sa mata hanggang sa paa. Nakita pa ni Estacie kung paano gumalaw ang Adams