MULA NANG magkita at magtama ang mga mata namin, hindi na naalis sa isip ko kung saan ko nga ba nakita ang mga mata na iyon. Isang buwan na ang nakalipas mula nang pumunta si Elle sa falls at makita ko ang mga lalaking iyon, pero ginugulo pa rin ng pagmumukhang iyon ang isip ko—lalo na iyong gagong ang lakas mang-asar.
Alam ko nakita ko na sila dati.
Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa kapwa ko officers nang makatanggap ako ng text mula kay Elle. Sinabi niya na pauwi na siya. Agad akong nagpaalam sa mga kausap at akmang lalabas na ng school grounds nang hilahin ako ng adviser ng cluster namin.
Ang dami niyang sinasabi na hindi ko maintindihan dahil ang isip ko ay nasa kay Elle. Hindi nagtagal ay nag-text siya na babalik siya sa school dahil wala silang masakyan.
“Kahit kailan talaga, Jeinellyn!”
Simula nang malaman ni Dad ang nangyari kay Elle at mga kaibigan niya, sinabihan niya ako na huwag na huwag kong maali
BREAD WINNER is not even the right term for Elle to Segundina and Carlo Buenturez, and their three children. Pinerahan nila ang bata simula nang ipagkatiwala sa kanila ang pangangalaga rito ng malayong kamag-anak ni Segundina na si Regina Benitez-Jaucian.Kahit na lumipad sa ibang bansa si Regina para makalma ang sarili dahil sa naging set-up ng pamilya, nanatili sa malapit sa anak ang asawa nitong si Ferdinand. Kasama naman ni Regina ang panganay nilang si James na dalawang taon ang itinanda sa bunso nilang si Jeinellyn, na ngayon ay kilala na bilang Ellyna Benitez.Nang mabilisang kausapin ni Ferdinand si Segundina para ipagkatiwala si Elle, hindi sila nagtanong nang nagtanong, dahil na rin sa offer nilang pera para sa pagpapalaki sa bata. Bukod pa rito ang para sa pang-araw-araw ni Elle.Nang magising si Elle sa ospital, laking gulat ni Segundina na siya agad ang kinilala nitong ina.Ayaw niya man tanggapin ngunit mula ng araw na iyon, napamahal na sa
“I’M ALWAYS WATCHING.” This is how Brian made himself known to Elle and all of the people around her.He means no harm to the young lady, but he means trouble to people who hurt and made fun of her. Tulad kay Ezekiel at sa mga kaibigan nito.Nang makauwi si Elle mula sa falls, hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga kaibigan nito. At buntunan ng tawa nila ay ang pagiging utuin ni Elle.“Serves her right! Lahat na lang ng atensyon, nasa kanya. Anak naman sa labas.”“Hoy grabe kayo, pinerahan niyo rin naman,” sabi ng isa na binuntunan nila ng malakas na tawa.“Iyon lang ang ambag niya. Makabawi naman siya atin.”“Ang ganda ng bagong bag niya. Grabe din, baka nga may sugar daddy ang pokpόk na iyon.”“Hindi malabo, mga beh! Alam niyo ba na may nakapagsabi sa akin na minsan siyang pumupunta sa night club?”“Eww…” sabay-sabay na sabi ng m
“LYN, NAALALA mo ba noong unang araw mo rito sa bahay? Sinubukan mong mag-gym kahit bagong opera ka pa lang.”Nahihiyang tumawa si Lyn. Lumayo rin siya sa akin at puwesto sa kabilang side ng bathtub.“Yeah. Takot nga ako sa iyo noon eh.”“What? Why?”“Sinong hindi? Mas matanda ka sa akin. Tapos iyong tungkol pa sa five million. No choice, kung hindi maging sunud-sunuran.”I sighed. I didn’t mean to bring the topic just to remember that fuvking five million. I will never want my children to hear how their parents started dating.“Look, let’s forget about the five million, Lyn. I’m sorry, ok?”Umiling siya habang may ngisi sa labi. “Habang buhay kong isusumbat sa iyo ang five million na iyon. Magdusa ka.”“How cruel. Isipin mo na lang para mapatawad mo na ako—kung hindi dahil sa five million, hindi tayo kasal, wala tayong mga mak
“ANONG GINAWA MO SA ASO?!” nahihintakutan na tanong ni Regina sa anak na babae na si Jeinellyn, o mas kilala sa palayaw nito na Elle.Kita niya ang paghihingalo ng puting tuta mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Elle sa leeg nito. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kanya, namamasa na tila humihingi ng tulong.“He bit me!” ganting sigaw ng anak sa kanya.Sa edad na apat, may kakaiba sa pag-iisip ni Elle. Sa tuwing hindi nito nakukuha ang gusto ay pumupunta ito sa likod-bahay para suntukin nang suntukin ang malaking puno ng mangga. Kahit na duguan na ang kamay at namamaga na dahil sa dislocated bones ay patuloy lang ito sa ginagawa. Tila ba hindi nito nararamdaman ang sakit sa mga kamay.Noong una ay ayos lang sa kanila. Ngunit nang magtagal, bumaling ang inis ni Elle sa mga munting uod na wala namang ginagawa sa kanya at pinagdudurog ang katawan nito. Minsan pa na tila tuwang-tuwa ito na makita ang pira-pirasong malambot na bagay sa
📌ANNOUNCEMENTGood day po.I will be posting the second story under "I Want Romance For A Lifetime." It was a sudden idea po, kaka-reread, nakita ko ang ilang chapters and I was "hala, pwede gawan ng story🙆" It will be on second POV. Mag-start naman po siya sa Chapter 1 so pwede naman po i-skip nyo yung first story (pero huwag naman sana🙈)Sana magustuhan niyo po. Leave na rin po kayo ng review, comments, and criticism. Let me know your thoughts🙈I want to take this opportunity na rin po to thank all the readers of this story. No long message, I'm just happy po na sinubukan niyo pong basahin ang story ko. Maraming-maraming salamat po sa inyo🤗Sending hugs from my planet Alien, char👽Merry Christmas, Happy year end, and Happy new year🥳💗Love lots,Miss Elle💗
EARLY 2023…Tulala lang si Miguel habang binabasa ang laman ng envelope. Kauuwi niya lang mula sa halos tatlong taon sa barko. Ni hindi niya nga nasamahan ang asawa nang ipagbuntis nito ang kambal nilang anak. Ngunit hindi siya nagkulang sa araw at gabing pangungumusta at pagpapadama na mahal niya ang kanyang mag-ina.Kaya ngayon ay nagtataka siya. Bukod sa wala sa kanilang bahay ang pamilya niya para i-welcome siya, ito pa ang makikita niya sa ibabaw ng mismong kama nila.Pagod siya. Marahil ay prank lang ito ng asawa.Tama.Tinawagan niya na lamang ang asawa. Mahirap na masira lang ng maling akala ang dalawampung taon nilang pinagsamahan.Matapos ng isang ring ay agad sinagot ng asawa ang tawag.“Babe? Nasaan ka? Kauuwi ko lang.” Sinubukan niyang pasiglahin ang boses. Nais niyang ipabatid sa asawa na masaya siyang umuwi, kahit pa iba ang inaasahan niya na uuwian.Pero tila ba isang bangungot ang sumunod na
TAPOS NA ANG shift ni Miguel sa isang fastfood chain na pinagtatrabahuhan nang makita niya ang grupo ng mga kababaihan sa isang table, malapit lang sa counter. Nagtatawanan ang mga ito. Halos lahat sa grupo ay magaganda, pero ang pinakatumawag ng pansin niya ay ang isang dalaga.Unang tingin ay makikita na lumaki sa luho ang dalaga. Mula sa signature bag sa ibabaw ng kandungan nito, hanggang sa suot na 24 karat na necklace at bracelet. Maging ang suot nitong crop top at skirt ay hindi makikita o mabibili sa gilid-gilid.Ang pagpilig ng ulo, pagngiti, at pagkumpas ng kamay—bawat kilos nito ay pinong-pino, hindi gaanong mahinhin, hindi rin gaanong maldita o mataray. She was Miguel’s definition of goddess.Sa unang pagkakataon sa labing-pitong taon niyang pamumuhay, ito ang unang beses na natulala siya sa isang babae. Hindi niya alam kung gaano katagal na ba siyang nakatingin sa dalaga. Natauhan na lang siya nang itulak siya ng katrabaho.“
NAUNA NA si Maya sa tagpuan nila. Simple lang ang suot nitong plain T-shirt at pantalon na pinutol hanggang tuhod, tila ba trying hard makihalubilo sa mga nakapambahay na kumakain sa stall. Pero kahit napalilibutan ito ng mga nagkukumpulang tao, nakikisingit at nakikipag-agawan sa pagtusok ng bagong lutong kikiam, kitang-kita niya ang sinisigaw na kagandahan ng dalaga.Namulsahan siya bago nakangiting lumapit sa mga tao. Pero bago niya pa matawag ang pansin ng dalaga, napatigil siya. Ano namang pakay nito sa kanya?“Miguel? Hey, look! Kumuha ka na rito, baka maubusan ka!”Halos mahulog ang panga niya nang makita ang ngiti sa mata at labi ni Maya. It was so genuine and pure, he could feel his heart beating faster with every second.“Ate, magtira ka naman!” Yumuko si Maya nang maramdaman ang paghila ng bata sa suot niyang damit.“Oops, sorry. Kuya, paraan. Paunahin niyo ang bata. Kawawa naman.”Sinubukang ka