Share

THE BEGINNING AND THE END

“ANONG GINAWA MO SA ASO?!” nahihintakutan na tanong ni Regina sa anak na babae na si Jeinellyn, o mas kilala sa palayaw nito na Elle.

Kita niya ang paghihingalo ng puting tuta mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Elle sa leeg nito. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kanya, namamasa na tila humihingi ng tulong.

“He bit me!” ganting sigaw ng anak sa kanya.

Sa edad na apat, may kakaiba sa pag-iisip ni Elle. Sa tuwing hindi nito nakukuha ang gusto ay pumupunta ito sa likod-bahay para suntukin nang suntukin ang malaking puno ng mangga. Kahit na duguan na ang kamay at namamaga na dahil sa dislocated bones ay patuloy lang ito sa ginagawa. Tila ba hindi nito nararamdaman ang sakit sa mga kamay.

Noong una ay ayos lang sa kanila. Ngunit nang magtagal, bumaling ang inis ni Elle sa mga munting uod na wala namang ginagawa sa kanya at pinagdudurog ang katawan nito. Minsan pa na tila tuwang-tuwa ito na makita ang pira-pirasong malambot na bagay sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status