MIGUEL'S PROMISED wedding for her became their silver wedding. Sa dami ng ganap sa buhay nila, hindi nila namalayan na 25 years na nilang pinagtiyatiyagaan, hinihila pataas ang bawat isa, nagkukulitan, nag-iiyakan, nagbabangayan, at pinipilit makuntento sa isa't isa—hindi pinipilit, kung 'di pinipili.
Yes.
After long years of dealing with her jealousy and long years of supporting him with everything, nag-aaway man sila o hindi—at the end of the day, they would sleep on the same bed. Hugging or not, it doesn't matter, dahil magigising na lang sila na magkayakap.
At ngayon nga ay pinagdiriwang nila ang kanilang ika-25 anniversary as husband and wife.
Munting salo-salo ito kasama ng mga malalapit na tao. Hindi niya nga alam kung bakit ang bongga n
Early 2005 “AYAN! DAPAT GANYAN ang ayos mo araw-araw, hindi iyong para kang nakikipag-contest sa daddy mo sa pagiging lalaki. Kamukha ka lang ng daddy mo, pero babae ka, girl!” tili ng baklang make-up artist habang pinagmamasdan ang obra nito sa mukha ni Ritchelle. Pilit na ngiti naman ang sinukli niya rito saka tumingin sa salamin. Halos hindi niya na makilala ang sarili sa kapal ng make-up, lalong-lalo na sa pulang-pula niyang labi. At dahil may gupit-panlalaki siya, kinailangan niyang magsuot ng wig. “Oh, natulala ka sa sarili mo, ‘no? Ganyan ang babae, ok?” Napapikit siya nang mariin nang bumirit sa tainga niya ang bakla. Ang lakas nito manermon dahil close relative ito ng daddy niya. She rolled her eyes at him. “Bakla, birthday ko ngayon. Meaning, this is my day, not for your nonsense lecture na akala mo magulang kita. At isa pa—” Kumuha siya ng tissue at marahas na pinunasan ang labi niya, “debut ko ngayon, hindi ako sasayaw sa club. Ano itong make-up na ito?!” “Huwag mong
NAGDIDILIM ang paningin ni RC. Sinisipa niya lahat ng madaanan ng paa niya, kahit pa ang mga drum na punong-puno ng basura. Hindi niya maatim na pinagpalit lang siya ng ex niya sa isang drug addict. Just because the jȇrk looked cool in her eyes, pinagpalit nito ang isang mayaman na katulad niya. Trip niya lang talaga magsuot ng salamin at magmukhang nerd, pero hindi naman ibig sabihin no’n na hindi siya cool. Sa sobrang inis niya, nabugbog niya ang lalaki nito dahilan para lalo siyang kamuhian ng babae. Kaya ngayon, mga kawawang bagay sa daan ang pinagbubuntunan niya ng galit niya, hanggang sa mapunta siya sa lugar kung saan may nagkukumpulan na mga lalaki at abala sa paninigarilyo at pagtatawanan. Lima silang lahat at pawang mga nasa 20s na. Kumpara sa kanya na 18 years old pa lang, matangkad lang ang mga ito sa kanya, ngunit hindi nalalayo ang laki at batak ng pangangatawan nila. “Well, well, I feel sorry for good-for-nothing jȇrks like you,” tawag-pansin niya
THE LAST ONE—that’s what Ritchelle said. Ayaw niyang makita ulit ang mga ito kaya iyon ang pinili niya. Nagtatatalon pa sa tuwa si Brix na akala mo nanalo sa lotto, pero agad din itong napatigil at napadαing sa sakit na natamo sa sipa niya. Pumalakpak na lamang ito at nag-thumbs up sa kaibigan. “The best ka talaga!” Iyon ang huli nitong sinabi bago sila maghiwa-hiwalay ng landas. Kasama ni Brix ang kaibigan niyang si Kyla, at siya naman ay kasama ni RC. At ngayon nga ay nasa isang classroom sila. Sarado ang pinto at mga bintana. Mabilis din na ginilid ni RC ang mga upuan, at ang ilan ay pinangharang pa sa pinto, saka ito umupo sa gitna ng classroom. “Well then, start dancing.” Nakagat niya ang ibabang labi. Nanigas din siya sa harap nito habang nakatingin sa mga mata nito. Ang huling option nga ang pinili niya para sana hindi na sila guluhin ng dalawang lalaki, pero may nakalimutan siyang isang bagay—hindi siya ma
RITCHELLE DECIDED to have their date the next day para matapos na agad ang mga oras niya na kasama si RC. Alam niyang natapakan niya masyado ang pagkalαlaki nito sa match na naganap, knock-out ba naman at sa harap pa ng maraming tao, pati na ng mga kaibigan nito, pero wala na siyang pakialam. Magdamdam ito o magtago sa lungga, much better. At dahil hindi naman seryosohan na date ang pupuntahan niya, hindi siya mag-e-effort para dito. At isa pa, may girlfriend ito. Huli na nga nang maalala niya ang bagay na iyon. And so, she decided to wear a T-shirt and maong shorts. Nagsuot din siya ng short wig para magmukha siyang lalaki. Ang paalam niya rin sa dad niya ay pupumunta siya sa tambayan niya. Ayaw niyang sabihin dito na may date siya. Hindi niya nga alam kung papayagan na siya nitong magkaroon ng boyfriend. O baka kapag nalaman ng dad na date ang pupuntahan niya ay pilitin nito na iuwi niya ang lalaki. Hindi niya pwedeng gawin iyon. Ayaw niyang maipit an
AT FIRST, it was just a simple dinner until Ritchelle began to loosen up and took a sip from the beer. She just wanted a friendly date, and after this day, RC would be out of her sight, forever. Kapag hindi nito sinunod ang napagkasunduan nilang deal, she would make him regret of crossing paths with her.That’s what she promised herself before sitting in front of the food a while ago, kaya bakit…“Ritchie, you were so trusting, weren’t you? Hindi bagay sa iyo ang bansag sa iyo na Ritchie the monster. Look at you now…” RC was just curling her hair around his finger, but he seemed amazed and somewhat… “You had those eyes that seemed to be begging for something. Tell me what you want,” he said in a hoarse voice, and kissed her hair twirled around his finger.“RC…” Naisandal niya ang ulo sa kama.Nakaupo pa rin siya sa sahig pero mabigat na sa pakiramdam ang ulo niya. Umiikot na rin ang paningin niya. Gaano na ba karami ang nainom niya?“What do you want, Ritch?” anas nito sa tainga niya.
Simula nang makaranas siya ng sȇx, hanap-hanap niya na iyon. Ngunit takot siya na sumubok sa iba. Ayaw niyang isang araw ay magising na lang siya, she would be diagnosed with sȇxually transmitted diseases. And so she chose someone convenient and easy to talk to and deal with—si RC.RC really did break up with his girlfriend. At ngayon nga ay isang tawag niya lang, mabilis itong pumupunta sa kung nasaan man siya. She found it fun. She consider RC as her boyfriend, or rather, her own call boy. No emotional attachment. Guilty na siya na pinaghiwalay niya ang dalawang taong nagmamahalan kaya bilang kabayaran, she will close her heart to anyone—kahit pa kay RC na malayang nagagawa ang gusto nito sa katawan niya dahil na rin sa request niya.Yes—he was her own sȇx slave.Nasa isang café siya at naghihintay. Abala siya sa paglalaro sa phone niya nang mag-message si Kyla sa kanya. Tinatanong nito kung nasaan siya at bakit hinahanap siya rito ng daddy niya.Nakalimutan niya itong sabihan!Dali
LUMIPAS ANG ILANG araw ay hindi na sila nagkita pa ni RC. Hindi na rin siya masyadong lumalabas ng bahay. Lumalabas na lang siya kung papasok sa school. Wala na rin siyang ganang bumangon nang maaga. Nabawasan na rin ang pagpunta-punta niya sa gym. Mabuti na rin iyon at nang hindi na magkrus ulit ang landas nila ni RC. Tanghali na nang maisipan niyang bumaba sa dining area. Naroon na ang mommy’t daddy niya. They were discussing something. Sa tingin niya ay tila nagtatalo ang dalawa. But when they saw her approaching, suddenly, they went silent and watched her take her seat. “Ritchelle?” tawag ng mommy niya na tila ba hindi makapaniwala na naroon siya ngayon sa harap nito. “Po?” “Napag-usapan kasi namin ng mommy mo na iyong boutique muna ang i-manage mo before the whole company.” Ang daddy niya ang sumagot. “What?” Wala namang kaso iyon sa kanya. Pero nakakapagtaka lang dahil ang boutique na tinutukoy nito ay ang bagsakan ng mga hindi mabenta-bentang mga gown. Ginawa na nga lang
NAKAUPO SIYA sa labas ng drúg store habang hinihintay si Kyla. Nakayuko lang siya sa magkasalikop niyang mga kamay.Hindi sila pumunta sa obgyne tulad ng nirekomenda ng psychiatrist, bagkus ay dumiretso sila rito. Si Kyla na rin ang nagpresenta na bumili ng PTkit.Hindi niya na naitanggi pa rito na may nangyayari sa kanila ni RC kahit hindi niya nobyo ang lalaki."Saan mo gusto, sa amin o sa inyo?"Nag-angat siya ng tingin kay Kyla. Hawak na nito ang maliit na plastic ng binili.Napabuntong hininga na lamang siya. "Pwede ka bang mag-overnight sa bahay?"Ngiti lang ang sinagot nito sa kanya, saka siya hinila.
Ginising si RC ng amoy na nakasanayan niya nang amuy-amuyin sa paggising at bago matulog. It was Ritchelle’s soothing scent. Niyakap niya nang sobrang higpit ang unan. It’s soft, squishy, and huggable, but still…it would be better if it was his wife he would woke up to.Nagpalipas muna siya nang ilan pang sandali bago bumangon. Mabilisan lang siyang naligo at bumaba na sa sala. Sumaglit muna siya kung saan ang mga porselana nina Ritchelle at ng mga magulang nito.Inalis niya ang cabinet kung saan dati nakalagay ang mga abo ng in-laws niya, at pinagawan ng altar sa sala. Hindi naman sila tumatanggap ng bisita kaya parang naging pahingahan na iyon ng yumao nilang mahal sa buhay.Naka-display din doon ang mga picture ni Ritchelle kasama ang parents nito. Mayroon din itong hiwalay na photo
Nasa kalagitnaan ng pagpapakalango sa espiritu ng alak sina RC nang lumapit sa kanila si Ellyna. Tumakbo pa ito na tila ba nagmamadali. Hinihingal pa nga ito. Akala niya ay may emergency sa mga anak nito. Nagulat pa siya nang sa kanya ito lumapit at hindi sa asawa nito."K-Kuya RC, si Ranier, tumatawag."Agad nitong inabot sa kanya ang phone nito.Napatitig na lang siya sa hawak na phone.Nagtataka siya. Bakit hindi sa phone niya tumawag ang anak? At bakit ito tatawag?Bigla siyang kinabahan. Tila ba nawala na parang bula ang epekto ng alak sa sistema niya. Naging alerto siya at hinanda ang sarili sa maririnig.Kung si Ranier na ang tumatawag, tapos hindi pa s
“Brain tumors are hard to detect lalo pa’t ang tingin ng pasyente ay simpleng pananakit lang ng ulo ang nangyayari hanggang sa isipin nila na normal lang iyon, dumagdag pa ang pabago-bago ng panahon. They would say that it was a seasonal occurrence, and refused to see a doctor. It was advised to see a doctor lalo kung may history sa family o ng head trauma. Isa pa sa nakakapigil sa mga tao na magpatingin sa doctor kahit pa alam niyang may trauma siya ay hindi agad nag-manifest ang symptoms. And in your case, it’s already more than two decades at sinabi mo rin na ngayon ka lang nagpatingin kaya…”Yumuko si Oliver sa magkasalikop nitong mga kamay, tla tinitimbang ang mga sasabihin na hindi siya mabibigla o matatakot.Pero ano pang silbi no’n? It was scary enough, knowing that she has a brain tumo
FEW DAYS AGO…Naibagsak ni Ritchelle ang likod sa malambot na sandalan ng sofa at tumingala sa puting kisame. Nagi-guilty siya sa sinabi niya na photo shopped ang ni-send sa kanya na pictures ni RC. Alam niya na ito ang kumuha ng mga larawan pero dineny niya pa rin.RC had enough of his past, maging ng mga away at problema na hindi naman para rito. Ayaw niyang maging ang current situation niya ay ito na naman ang sasalo. Kahit mag-asawa sila at lahat ay gagawin nito para sa kanya, hindi niya pwedeng hayaan na palagi na lang siyang nasa receiving side.This time, she will do everything to make RC happy. At lahat ng ikasasama nito, problema niya o ano pa man, she will try her best to eliminate those.This
KINABUKASAN, NAGISING na wala sa tabi niya ang asawa. Kung dati ay hahanapin niya ito, ngayon ay wala siyang gana. Alam niya naman na kung ano na ang ibang pinagkakaabalahan nito kapag wala na ito sa tabi niya.Walang ganang tinungo niya ang paliguan, at nag-asikaso na sa pagpasok sa trabaho. Lulunurin niya na lang siguro sa gabundok na papeles ang sarili. Basta ba sa kanya pa rin umuuwi si Ritchelle, wala na siyang pakialam kung anong gawin nito sa maghapon.Martyr, tangα, marupok? Kahit ano pang itawag sa kanya ng mga nakakaalam ng sitwasyon niya, wala siyang pakialam. Alam niya kasi na kapag kinumpronta niya ang asawa at ilaban ang karapatan niya gamit ang pirma nila sa legal na dokumento tulad ng marriage certificate ay babalik iyon sa kanya sa legal din na paraan—ang divorce.Ayaw niyang
NAIBAGSAK NIYA ang katawan sa upuan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla na lang nagbago ang lahat sa kanila ni Ritchelle. Kung noon matatanggap niya pa kung nakipaghiwalay ito sa kanya, pero ngayon na naririnig niya na sa mga labi nito na mahal din siya nito, at nararamdaman niya naman iyon—hindi niya makakayang tanggapin nang gano’n-gano’n na lang.And when she said that the photos he took himself was edited, the words came out so casually. Hindi niya na rin maiwasang isipin na baka matagal na siyang niloloko ni Ritchelle sa mga pag-sugarcoat nito ng mga sinasabi nito.Baka nga, noong sinabi nito na mahal siya nito ay may kinakalantari naman itong iba. At baka matagal na itong pumupunta sa bahay ng lalaki bago umuwi sa bahay nila.He had been so
HE JUST GOT OUT of the shower with only a small towel wrapped around his waist. Diretso ang tingin niya kay Ritchelle na ngayon ay nakahiga na sa kama. She already had her eyes closed.Lumapit siya rito at naupo sa gilid ng kama. Tinanggal niya rin ang kumot na tumatakip sa katawan nito. Nagulat pa siya nang makita na nakasuot ito ng pajama. Hindi ito sanay na balot na balot ang katawan kapag natutulog kahit gaano pa kalamig ang kwarto. Palagi itong nakasuot ng silky and sexy lingerie with no undies at all.Bigla ay naalala niya ang pagsisinungaling nito kanina, maging ang amoy ng lalaki na kumapit sa buhok at katawan nito.Walang ano-anong tinanggal niya ang butones ng suot ni Ritchelle dahilan para magising ito.“RC!” Nayayamot na umangal ito
MATAMAN na pinagmamasdan ni Ritchelle ang draft ng wedding gown. Dahil wala na rin namang mababago kahit pa pagalitan niya nang pagalitan ang anak ay nagpresenta na lang siya na siya ang personal na gagawa ng wedding gown ng girlfriend nito.Hindi pa rin nito pinapakilala sa kanila ang girlfriend nito dahil may problema sa side ng babae. Mukhang hindi pa rin nasasabi sa family nito na nagdadalang-tao na ito. Sabi rin ni Ranier na busy sila sa school.Pinayuhan na lang nila ang anak na huwag masyadong i-expose sa mga nakaka-stress na bagay ang girlfriend nito, at palaging alalayan. Kung pwede lang ba na sa kanila na muna mag-stay ang babae lalo kung hindi ito ok sa family nito. Ayaw niyang matulad sa kanya ang nararanasan na pagdadalang-tao ng girlfriend ni Ranier—puno ng stress at galit sa puso.&l
MULA NANG MAAYOS NA ang lahat ng problema at misunderstanding sa pagitan nila ni RC, mas lalo niyang na-enjoy na walang guilt ang buhay nilang mag-asawa. Malaya niya na ring naipapadama sa asawa ang pagmamahal na pinagkait niya rito nang kay tagal. She was free from all the insecurities, because RC never failed to make her feel that she was the one and only, and that he loved her the most.Hindi na rin nawawala sa schedule nila ang date in fancy restaurants after work, gym or different clubs kapag weekend just like old times, roadtrip at out of town kapag naisipan kahit working days pa.It was like they were just starting a family. She was the happiest having her men around her, giving and receiving love and care. Wala na siyang mahihiling pa kung 'di ang kumpletong pamilya. Wala na sigurong makakapawi ng saya na nararamdaman niya.