Share

Chapter 4—Date

RITCHELLE DECIDED to have their date the next day para matapos na agad ang mga oras niya na kasama si RC. Alam niyang natapakan niya masyado ang pagkalαlaki nito sa match na naganap, knock-out ba naman at sa harap pa ng maraming tao, pati na ng mga kaibigan nito, pero wala na siyang pakialam. Magdamdam ito o magtago sa lungga, much better.

At dahil hindi naman seryosohan na date ang pupuntahan niya, hindi siya mag-e-effort para dito. At isa pa, may girlfriend ito. Huli na nga nang maalala niya ang bagay na iyon. And so, she decided to wear a T-shirt and maong shorts. Nagsuot din siya ng short wig para magmukha siyang lalaki.

Ang paalam niya rin sa dad niya ay pupumunta siya sa tambayan niya. Ayaw niyang sabihin dito na may date siya. Hindi niya nga alam kung papayagan na siya nitong magkaroon ng boyfriend. O baka kapag nalaman ng dad na date ang pupuntahan niya ay pilitin nito na iuwi niya ang lalaki.

Hindi niya pwedeng gawin iyon. Ayaw niyang maipit an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status