Share

Chapter 7—Impossible

LUMIPAS ANG ILANG araw ay hindi na sila nagkita pa ni RC. Hindi na rin siya masyadong lumalabas ng bahay. Lumalabas na lang siya kung papasok sa school.

Wala na rin siyang ganang bumangon nang maaga. Nabawasan na rin ang pagpunta-punta niya sa gym. Mabuti na rin iyon at nang hindi na magkrus ulit ang landas nila ni RC.

Tanghali na nang maisipan niyang bumaba sa dining area. Naroon na ang mommy’t daddy niya. They were discussing something. Sa tingin niya ay tila nagtatalo ang dalawa. But when they saw her approaching, suddenly, they went silent and watched her take her seat.

“Ritchelle?” tawag ng mommy niya na tila ba hindi makapaniwala na naroon siya ngayon sa harap nito.

“Po?”

“Napag-usapan kasi namin ng mommy mo na iyong boutique muna ang i-manage mo before the whole company.” Ang daddy niya ang sumagot.

“What?”

Wala namang kaso iyon sa kanya. Pero nakakapagtaka lang dahil ang boutique na tinutukoy nito ay ang bagsakan ng mga hindi mabenta-bentang mga gown. Ginawa na nga lang
Miss Elle

Hello po! This is the third story, the story of Mr. and Mrs. Imperial. Sana magustuhan niyo po. Maraming salamat, and happy reading!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status