ILANG ARAW nang nag-aalala si Miguel kay Maya. Matapos nitong ipaalam sa kanya na tuloy na ang pag-resign nito sa trabaho ay hindi niya na ito ma-contact. Tinanong niya rin ang mga kaibigan nito na sina Yanna at Shaira, pero ang tanging sagot lang ng dalawa ay nag-resign na si Maya at wala na silang balita.
Sakto naman na binigyan sila ng tatlong araw na pahinga habang nakaangkla ang barko na pinagtatrabahuhan nila.
Kahit para sa pagre-relax at magpapakasaya ang tatlong araw na iyon, nagpaalam siya sa mga kasamahan na gusto niya mapag-isa. Sinabi niya naman sa mga ito ang dahilan kaya hindi na siya pinilit na maki-jam.
Pumunta siya sa hotel room na tinutuluyan at sinubukang i-locate si Maya. Last na nakita ang location ng phone nito sa global map ay sa bahay nito ilang araw na ang nakararaan.
Agad niyang tinawagan si Brix at pina-check si Maya. Wala siyang ibang aasahan kung hindi ang mga koneksyon nito pati na ang mga tauhan.
Wala siyang ibang mag
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Miguel. Para siyang nagising sa napakahabang panaginip—isang napakagandang panaginip.“Maya…”Nakatulugan niya ang mga basag na bote sa harap niya. Nilibot niya ang tingin at muli siyang binalot ng pangungulila. Muling nanikip ang dibdib niya nang maalala na isang divorce paper ang naghihintay sa pag-uwi niya kahapon.He picked up his self and tried to walk straight, back to their room. Hindi dapat siya magpatalo sa isang kapirasong papel. Kinuha niya ang phone niya, at tulad ng dati ay nag-message siya sa asawa.“Good morning. Ingat ka sa maghapon.”Agad iyon nakita ni Maya. Naghintay siya ng reply, pero lumipas lang ang thirty minutes, wala kahit pag-react man lang.Naisip niyang puntahan ang study room. Marahil ay may iniwan itong clue na magpapagaan kahit papaano ng loob niya. Lahat ng sulok ng kwarto, maging ang computer, lahat ng makita niya ay puro lang learning mat
ILANG ARAW pa ang lumipas. Hindi naman siya kinukulit ni Maya na pirmahan ang divorce paper, pero hindi naman siya nito kinakausap. Hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe niya. At sa mga nakalipas na araw na iyon ay napansin niya ang interval ng pagpapalit ng shift ng mga guard.At ngayon, muli niyang susubukan ang swerte niya.He waited until it was time to change guards. It would take at most a minute before they were all set in their posts. Sinamantala niya ang kaunting oras na iyon para tawirin ang mataas na bakod. Akala niya ay sapat ang isang minuto para makaabot man lang siya kahit hanggang sa tapat ng balkonahe ni Maya, pero nagkakamali siya.It took him a lot of time playing run and hide with the guards. Minsan pa na nag-ala-ninja siya at nag-camouflage sa damuhan at pader. Marahil kung nanonood lang si Maya sa kanya, humagalpak na naman ito ng tawa sa mga pinaggagagawa niya.Naiiling na nangingiti siya. Hindi naman gano’n kababaw ang taw
“Nasaan ang divorce paper?”Napamaang siya sa tanong ni Maya. They just ended a satisfying lovemaking, and now, she was hiding her body from him while asking for that thing!“Mukha ba akong basurahan para hanapan mo ng basura?” Pilit niyang kinakalma ang sarili. Sinamahan niya rin sa ilalim ng kumot ang asawa.“Did you sign it?” tanong ulit nito, tila hindi alintana ang inis sa mukha at boses niya.“Pinipirmahan pala iyon? Hala! Pinunit ko,” painosenteng sabi niya.Sa inis ay hinampas siya ng unan ni Maya. Sinalo niya iyon at binato sa kung saan, saka hinila payakap si Maya.“M-Magbihis ka nga muna!” asik nito at tinulak siya.Napakamot na lang siya sa batok niya. Kinuha niya ang damit niya na nasa bandang paanan lang ng kama at sinuot sa harap mismo ni Maya. Hindi naman siya nilulubayan ng tingin nito. Nang matapos, akma siyang babalik sa paghiga sa tabi ng asawa nang pigila
HINDI SIYA pinakinggan ni Maya ng araw na iyon. She just stormed out of the house kahit malakas pa ang ulan. Wala siyang nagawa kung hindi habulin ito at ihatid na sa bahay nito. It simply means na buo na ang desisyon ni Maya na makipaghiwalay sa kanya.Kagigising niya lang at una niyang nabasa ang message ni Maya na sa ibang araw na lang nito dadalhin ang bagong kopya ng divorce paper, kasama na ang lawyer nito para daw wala na siyang gawing kalokohan.Hindi niya alam kung anong gagawin ngayon. Hindi niya alam kung saan pupunta. Lumipas ang ilang araw, para siyang teenager na unang beses nakaranas ng heartbreak at nagmumukmok mag-isa sa kwarto.“I shouldn’t ruin myself just because of it.”Bumangon siya at mabilisang ligo ang ginawa niya. Napagpasiyahan niya na pumunta na lang sa club, kahit tirik na tirik ang araw, bakasakaling malaman niya kung ano sa pakiramdam ang maghanap ng iba habang kasal pa—tulad ng ginawa ni Maya. Baka m
NANG BUHATIN niya sa kanyang bisig si Maya ay hindi na ito naka-hindi pa. Dinala niya ito sa kwarto nila at maingat na inihiga. If this will be the last time he will lay her on their bed, hindi niya sasayangin ang bawat segundo na sambahin ang katawan nito.Hindi naman ito nagpakita ng kahit na anong pagtutol kaya mabilis niya lang naalis lahat ng saplot nila sa katawan.Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niya ang tahi sa tiyan nito. Mukhang napansin naman nito ang matagal na pagtitig niya kaya tinakpan nito iyon ng kamay.“Maya, don’t. It’s beautiful. I mean, everything about you is beautiful.”Nalunok niya ang sariling boses. He should stop looking at her wonderful side!Pabagsak na humiga siya sa ibabaw nito at kinagat ang balikat nito. “I should hate you. I hate you, Maya! You’re not beautiful at all. You’re just a—something. Fuvk!”He wanted to curse her to dȇath but
PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Miguel mula sa sofa. Sumasakit ang sentido niya, kumikirot na parang gusto niya na lang iumpog sa corner ng pinto. Nasilaw pa siya sa liwanag mula sa araw na nag-reflect sa sahig. Naniningkit na tinungo niya ang kusina. Napakamot pa siya sa likod at tiyan niya, parang may tumutusok at nangangati siya.Nang hubarin niya iyon, puno lang naman ng maliliit na tuyong dahon mula sa ligaw na damo.Dumiretso siya sa lababo at nagmumog ng mouthwash. He was so unmotivated to even take a bath.Uminom na rin siya ng kape. Pagkatapos ay um-order ng pagkain. Bitbit ang dalawang bote ng alak, bumalik siya sa sala. Nakasalubong niya pa si Brix na pababa ng hagdan. Bagong ligo ito.“Anong ginagawa mo rito? Kararating mo lang? Sana nagsabi ka na pupunta ka, dinagdagan ko sana iyong take out.”“Kagabi pa ako—sandali, wala kang naalala?”“Anong naalala?” inis na tanong niya at naupo na sa
ISA-ISANG nagsilapitan ang mga bisita para i-congratulate ang pagsasanib pwersa ng dalawang malaking tao sa larangan ng business. Sinabihan naman siya ni Brix na puntahan na rin nila ang dalawa para mas makilala niya.Sumang-ayon naman siya dahil kanina niya pa gustong puntahan ang asawa.Nang makalapit sila, agad nagtama ang mga mata nila ni Maya. Ilang segundo lang iyon, agad na lumipat ang tingin nito sa braso niya kung saan nakalingkis si Andrea.Oh no… piping bulong isip niya.Ayaw niya sa nakikita sa mata ng asawa.“Mr. Choi, I knew you would come. This must be…” binitin ni Mr. Ignacio ang sasabihin, though may alam na siya na ang gusto nitong sabihin ay ang shareholder na may pinakamalaking share sa kompanya nilang dalawa.Usap-usapan na rin kasi ito kanina pa, dahil may nagtanong kung sino ang magiging Chairman at sinong magiging CEO ng pinag-merge na business ng dalawa. Marami na rin kasi ang nakakaalam tun
ILANG MINUTO na siyang nakatingin sa salamin habang hawak ang labi niya. Hindi niya nalasahan ang kahit na anong lasa na may hinalikang iba si Miguel. Hanggang kailan kaya ito magpapaka-loyal sa kanya?Gusto niyang ilaban ito pero…“Sweetie?”Napatingin siya sa pinto. Nakatayo ro’n ang mommy Edrina niya.“Mom…”“Are you ok?”Sasagutin niya sana ang ina nang makarinig na tila binubuksan ang pinto sa balkonahe.“Mom, magtago ka, bilis!” bulong niya sa ina.Mabilis naman itong nahiga sa gilid ng kama niya na hindi na nagtanong.“Babe, nakalimutan kong sabihin—”“Diyan ka lang!” sigaw niya rito nang akma itong lalapit sa kanya.“Ok.” Nalilitong tumayo ito sa labas. “September twenty, please make sure you’re free on that day, pati na ang mga anak mo.”She eyed him, silently askin
Ginising si RC ng amoy na nakasanayan niya nang amuy-amuyin sa paggising at bago matulog. It was Ritchelle’s soothing scent. Niyakap niya nang sobrang higpit ang unan. It’s soft, squishy, and huggable, but still…it would be better if it was his wife he would woke up to.Nagpalipas muna siya nang ilan pang sandali bago bumangon. Mabilisan lang siyang naligo at bumaba na sa sala. Sumaglit muna siya kung saan ang mga porselana nina Ritchelle at ng mga magulang nito.Inalis niya ang cabinet kung saan dati nakalagay ang mga abo ng in-laws niya, at pinagawan ng altar sa sala. Hindi naman sila tumatanggap ng bisita kaya parang naging pahingahan na iyon ng yumao nilang mahal sa buhay.Naka-display din doon ang mga picture ni Ritchelle kasama ang parents nito. Mayroon din itong hiwalay na photo
Nasa kalagitnaan ng pagpapakalango sa espiritu ng alak sina RC nang lumapit sa kanila si Ellyna. Tumakbo pa ito na tila ba nagmamadali. Hinihingal pa nga ito. Akala niya ay may emergency sa mga anak nito. Nagulat pa siya nang sa kanya ito lumapit at hindi sa asawa nito."K-Kuya RC, si Ranier, tumatawag."Agad nitong inabot sa kanya ang phone nito.Napatitig na lang siya sa hawak na phone.Nagtataka siya. Bakit hindi sa phone niya tumawag ang anak? At bakit ito tatawag?Bigla siyang kinabahan. Tila ba nawala na parang bula ang epekto ng alak sa sistema niya. Naging alerto siya at hinanda ang sarili sa maririnig.Kung si Ranier na ang tumatawag, tapos hindi pa s
“Brain tumors are hard to detect lalo pa’t ang tingin ng pasyente ay simpleng pananakit lang ng ulo ang nangyayari hanggang sa isipin nila na normal lang iyon, dumagdag pa ang pabago-bago ng panahon. They would say that it was a seasonal occurrence, and refused to see a doctor. It was advised to see a doctor lalo kung may history sa family o ng head trauma. Isa pa sa nakakapigil sa mga tao na magpatingin sa doctor kahit pa alam niyang may trauma siya ay hindi agad nag-manifest ang symptoms. And in your case, it’s already more than two decades at sinabi mo rin na ngayon ka lang nagpatingin kaya…”Yumuko si Oliver sa magkasalikop nitong mga kamay, tla tinitimbang ang mga sasabihin na hindi siya mabibigla o matatakot.Pero ano pang silbi no’n? It was scary enough, knowing that she has a brain tumo
FEW DAYS AGO…Naibagsak ni Ritchelle ang likod sa malambot na sandalan ng sofa at tumingala sa puting kisame. Nagi-guilty siya sa sinabi niya na photo shopped ang ni-send sa kanya na pictures ni RC. Alam niya na ito ang kumuha ng mga larawan pero dineny niya pa rin.RC had enough of his past, maging ng mga away at problema na hindi naman para rito. Ayaw niyang maging ang current situation niya ay ito na naman ang sasalo. Kahit mag-asawa sila at lahat ay gagawin nito para sa kanya, hindi niya pwedeng hayaan na palagi na lang siyang nasa receiving side.This time, she will do everything to make RC happy. At lahat ng ikasasama nito, problema niya o ano pa man, she will try her best to eliminate those.This
KINABUKASAN, NAGISING na wala sa tabi niya ang asawa. Kung dati ay hahanapin niya ito, ngayon ay wala siyang gana. Alam niya naman na kung ano na ang ibang pinagkakaabalahan nito kapag wala na ito sa tabi niya.Walang ganang tinungo niya ang paliguan, at nag-asikaso na sa pagpasok sa trabaho. Lulunurin niya na lang siguro sa gabundok na papeles ang sarili. Basta ba sa kanya pa rin umuuwi si Ritchelle, wala na siyang pakialam kung anong gawin nito sa maghapon.Martyr, tangα, marupok? Kahit ano pang itawag sa kanya ng mga nakakaalam ng sitwasyon niya, wala siyang pakialam. Alam niya kasi na kapag kinumpronta niya ang asawa at ilaban ang karapatan niya gamit ang pirma nila sa legal na dokumento tulad ng marriage certificate ay babalik iyon sa kanya sa legal din na paraan—ang divorce.Ayaw niyang
NAIBAGSAK NIYA ang katawan sa upuan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla na lang nagbago ang lahat sa kanila ni Ritchelle. Kung noon matatanggap niya pa kung nakipaghiwalay ito sa kanya, pero ngayon na naririnig niya na sa mga labi nito na mahal din siya nito, at nararamdaman niya naman iyon—hindi niya makakayang tanggapin nang gano’n-gano’n na lang.And when she said that the photos he took himself was edited, the words came out so casually. Hindi niya na rin maiwasang isipin na baka matagal na siyang niloloko ni Ritchelle sa mga pag-sugarcoat nito ng mga sinasabi nito.Baka nga, noong sinabi nito na mahal siya nito ay may kinakalantari naman itong iba. At baka matagal na itong pumupunta sa bahay ng lalaki bago umuwi sa bahay nila.He had been so
HE JUST GOT OUT of the shower with only a small towel wrapped around his waist. Diretso ang tingin niya kay Ritchelle na ngayon ay nakahiga na sa kama. She already had her eyes closed.Lumapit siya rito at naupo sa gilid ng kama. Tinanggal niya rin ang kumot na tumatakip sa katawan nito. Nagulat pa siya nang makita na nakasuot ito ng pajama. Hindi ito sanay na balot na balot ang katawan kapag natutulog kahit gaano pa kalamig ang kwarto. Palagi itong nakasuot ng silky and sexy lingerie with no undies at all.Bigla ay naalala niya ang pagsisinungaling nito kanina, maging ang amoy ng lalaki na kumapit sa buhok at katawan nito.Walang ano-anong tinanggal niya ang butones ng suot ni Ritchelle dahilan para magising ito.“RC!” Nayayamot na umangal ito
MATAMAN na pinagmamasdan ni Ritchelle ang draft ng wedding gown. Dahil wala na rin namang mababago kahit pa pagalitan niya nang pagalitan ang anak ay nagpresenta na lang siya na siya ang personal na gagawa ng wedding gown ng girlfriend nito.Hindi pa rin nito pinapakilala sa kanila ang girlfriend nito dahil may problema sa side ng babae. Mukhang hindi pa rin nasasabi sa family nito na nagdadalang-tao na ito. Sabi rin ni Ranier na busy sila sa school.Pinayuhan na lang nila ang anak na huwag masyadong i-expose sa mga nakaka-stress na bagay ang girlfriend nito, at palaging alalayan. Kung pwede lang ba na sa kanila na muna mag-stay ang babae lalo kung hindi ito ok sa family nito. Ayaw niyang matulad sa kanya ang nararanasan na pagdadalang-tao ng girlfriend ni Ranier—puno ng stress at galit sa puso.&l
MULA NANG MAAYOS NA ang lahat ng problema at misunderstanding sa pagitan nila ni RC, mas lalo niyang na-enjoy na walang guilt ang buhay nilang mag-asawa. Malaya niya na ring naipapadama sa asawa ang pagmamahal na pinagkait niya rito nang kay tagal. She was free from all the insecurities, because RC never failed to make her feel that she was the one and only, and that he loved her the most.Hindi na rin nawawala sa schedule nila ang date in fancy restaurants after work, gym or different clubs kapag weekend just like old times, roadtrip at out of town kapag naisipan kahit working days pa.It was like they were just starting a family. She was the happiest having her men around her, giving and receiving love and care. Wala na siyang mahihiling pa kung 'di ang kumpletong pamilya. Wala na sigurong makakapawi ng saya na nararamdaman niya.