Aligaga si Analyn sa loob ng opisina niya. Paroon-parito siyang naglalakad sa harap ng mesa niya. Kung bakit nawaglit sa isip niya si Vivian. Umupo siya sa upuan niya at saka nag log in sa internal system ng kumpanya. Nakalagay doon ang profile ng lahat ng empleyado ng DLM. Hahanapin niya ang contact number ni Vivian. Sana lang nandoon pa ang profile nito. Bilang isang special assistant si Vivian, may kakayahan siyang imanipula o burahin ang mga record sa system, pati na rin ang mga footages sa CCTV. At higit sa lahat, nakalimutan niya na malapit si Vivian kay Fatima.Naroon pa sa system ang profile ni Vivian. Kinuha niya ang contact number na nakalagay doon, inilista niya sa isang papel. Pati na rin ang address nito sa Tierra Nueva. Maghapong walang nagawang trabaho si Analyn. Inip na inip siyang sumapit ang uwian. Nang dumating na ang oras na hinihintay, agad siyang sumakay ng taxi para puntahan ang bahay ni Vivian. May kinse minuto na siyang nasa biyahe ng mapansin niya na til
“Nababaliw ka na ba, Vivian?!” sita ni Analyn kay Vivian ng mapansin niya na tila walang malay si Brittany. Meron ding natuyong dugo ito sa gilid ng labi at mga pasa sa braso at binti. Nag-angat ng mukha si Vivian ng narinig ang boses ni Analyn. “Oh… nandito na pala si Mrs. De la Merced…” nanunuyang sabi nito. Isinara ni Vivian ang laptop na nasa harap niya at saka matalim na tinitigan si Analyn. Pansin ni Analyn na pumayat ito kumpara sa huling beses na kita niya sa babae, halatang-halata sa mukha nito. Nilingon ni Vivian ang pinuno ng mga dumukot kay Analyn. “Sigurado ba kayong walang nakasunod sa inyo?” “Wala, boss. Sigurado.”Tumango si Vivian. “Mabuti naman.” Pagkatapos ay tumayo siya at naglakad palapit kay Analyn. “Ikaw naman, bakit hindi ka pa nakikipaghiwalay? Kung nakipaghiwalay ka lang agad, hindi ka na sana nandito ngayon.”Namilog ang mga mata ni Analyn. “So, ikaw nga. Ikaw ang may pakana ng pagnanakaw ng mga disenyo ko. Nakipagsabwatan ka kay Fatima!” Ngumisi la
Napatingin si Analyn kay Brittany. Hindi maganda ang kutob niya. Hindi dadalhin ni Vivian dito ang babae kung wala siyang binabalak dito.“Ano’ng gagawin mo? Huwag mong idamay ang ibang tao sa problema mo sa akin!”“Op, op, op… hindi siya ibang tao…” ngiting aso na sabi ni Vivian, sabay lingon kay Brittany, "malapit siya kay Anthony." Naglakad si Vivian patungo sa nakasalampak na si Brittany. Itinaas nito ang mukha ng babae sa pamamagitan ng kanyang paa. Napangiti siya sa ginawa niya. “Sino kaya sa inyong dalawa ang pipiliin ni Anthony? Ha, Analyn?” Napailing si Analyn. Sa isip niya ay naisip niyang nababaliw na si Vivian. “Makapangyarihan din ang pamilya ni Brittany. Kapag may nangyaring masama sa kanya, malalagot ka sa kanila!”Muling isinuot ni Vivian ang sapatos niya at saka may mapang-asar na ngii na binalikan si Analyn. “Sa tingin mo, may pakialam pa ako sa pwedeng mangyari sa akin pagkatapos ng ginawa ko ngayon?” Naubusan na ng isasagot si Analyn, kaya naman si Brittany a
“Vivian, mag-isip-isip ka. Sa magandang record mo sa DLM, makakakuha ka pa ng magandang trabaho. Hindi man katulad ng trabaho mo sa DLM, pero at least, makakapagsimula ka uli. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa abandonadong building na ‘to. Hindi pa huli ang lahat, Vivian. Pwede kitang tulungan kung gusto mo.”Taliwas sa inaasahan ni Analyn, biglan tumalim ang mga mata ni Vivian at saka sumigaw.“There’s no turning back, Analyn! No turning back! Naiintindihan mo?!” Galit na hinablot ni Vivian sa Analyn sa kuwelyo ng damit niya at saka sapilitang itinayo. Sapilitan niya itong pinalakad papunta kay Brittany, at saka isinalya si Analyn sa tabi nito. Ngumisi si Vivian ng makitang magkatabi na sila Analyn at Brittany. “Tingnan ko kung sino ang pipiliin sa inyong dalawa ni Anthony mamaya…”Pagkasabi niya nun, iyong isang tauhan ni Vivian na nagbabantay sa may bukas na bintana ay biglang sumigaw. “Miss Vivian, nandito na ang sasakyan ni De la Merced!”Nagbaling ng tingin si Vivian sa gaw
Habang nakatingin si Anthony kay Brittany, hindi niya napansin ang pagdampot ni Vivian ng patalim sa ibabaw ng mesa. Namalayan na lang niya na nakatutok na ang dulo ng patalim sa leeg ni Analyn. “Boss, maglaro muna tayo para hindi puro tayo drama,” parang baliw na nakangiti si Vivian habang sinasabi ito. “Merong dalawang taong mahalaga sa ‘yo na naririto sa lugar na to. Pero kailangan mo lang pumili ng isa. Kapag pinili mo si Brittany, itutusok ko agad ang patalim na hawak ko sa leeg ni Analyn. Kapag ito namang si Analyn ang pipiliin mo, puputulin agad ng tao ko ang lubid ni Brittany. Game?”Hindi sumagot si Anthony. “Ang tagal namang sumagot ni boss!” Tumingin pa sa kisame si Vivian na para bang inip na sa isasagot ni Anthony. Pagkatapos ay muling nagbaba ng tingin kay Anthony na hindi pa rin nagsasalita. “Mahirap bang pumili, boss?”Samantala, napangiwi si Analyn. Ramdam niya ang sakit ng dulo ng patalim na nasa leeg niya. Naiinip na rin siya sa sagot ni Anthony kaya kahit hira
Gumalaw si Brittany, pinipilit makawala mula sa pagkakatali habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ni Anthony. Agad na naalarma si Anthony. “Kumalma ka, Brittany. Huwag kang gumalaw!”Nakita ni Analyn ang pag-aalala sa mukha ni Anthony habang nakatingin kay Brittany, kumpara sa blankong mukha nito kanina habang nakatutok ang patalim ni Vivian sa leeg niya. Humakbang si Anthony patungo sa lugar ni Brittany. Hindi na kailangang hulaan pa ni Analyn ang mangyayari. Nag-iwas siya ng tingin kay Anthony at saka mapait na napangiti.Umismid si Vivian ng mapagtanto na may napili na si Anthony. Tiningnan niya si Analyn na nakatingin din kay Anthony. Malapad siyang napangiti. Kawawang Analyn….Nang nawala ang atensyon ni Vivian kay Anthony, mabilis itong bumwelta at saka humarap kay Vivian at saka patalon na ubod-lakas niyang sinipa ito sa bandang tiyan. Dahil sa pagkabigla, nabitiwan ni Vivian ang hawak na patalim. Kasabay ng pagsipa niya ka Vivian, mabilis niyang sinunggaban si Analyn at
Maang na nakatingin si Analyn sa dalawa. Nakalambitin sila pareho at tanging si Anthony lang ang pumipigil kay Brittany para hindi ito tuluyang bumagsak. Kitang-kita ang mga ugat ni Anthony sa leeg at sa braso nito. Halatang nahihirapan na siya. “Tapusin mo na ang mga ‘yan!” hirap na sigaw ni Vivian sa tauhan niya. Nabahala si Analyn. Alam niyang magaling at madiskarte si Anthony sa pakikipaglaban. Pero kahit anong galing mo, napakahirap kung ang ikaw ang nasa sitwasyon ngayon ni Anthony. Meron siyang inaaalalayan sa pagbagsak at isang kamay lang niya ang nakakapit para pareho silang mabuhay ni Brittany. Gusto man niyang tulungan si Anthony pero tila naubos na ang lakas niya. Samantala, nakatingin si Anthony sa ibaba, tila tinitingnan ang sitwasyon nila Edward at ng mga tauhan niya roon. Nag-iisip marahil ng paraan paano sila makaa-alis ni Brittany sa gipit na sitwasyon nila.“Edward, tulong!” “Sandali, paakyat na sila!” sagot ni Edward sa ibaba, “Analyn, okay ka lang?” pasigaw n
Iniinda pa ni Analyn ang sakit ng tagiliran at sakit ng puso niya nang idiin pa ni Vivian ang patalim sa tagiliran niya. Yumuko si Analyn at saka tiningnan ang parte ng katawan niya na sinaksak ni Vivian. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang maraming dugo na lumalabas mula roon. Dahil sa pagyuko niya, hindi niya nakita ang mukha ni Anthony. Namutla ito na para bang siya ang nasaksak o siya ang nakakaramdam ng sakit ng nasaksak. “Analyn!” sigaw ni Anthony. ILANG minuto na lang at papatak na sa alas-dose ng hatinggabi ang orasan. Nakatayo sa labas ng Operating Room si Anthony, nakatitig siya saradong pintuan nun. Nakapagpalit na siya ng damit. Isang simpleng collared shirt at maong jeans. Pero kahit na nakapagpalit na siya ng damit, mapapansing hindi pa rin nagagamot ang mga sugat na tinamo niya sa mga kamay at braso. Natuyo na lang ang mga dugo na nandoon. Madilim ang anyo ng mukha niya, habang nakatayo sa isang gilid niya ang mga bodyguard niya. Nakaluhod naman sa unaha
Kahit na nakaupo lang, kapansin-pansin pa rin ang taglay na matapang na aura ni Anthony. Hindi pwedeng hindi mapapalingon ang dadaan sa puwesto niya. May babaeng naupo sa tabi niya. May inabot iyon na papel at ballpen kay Anthony. Binasa iyon ng lalaki at saka pinirmahan. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa siya pinagmamasdan ni Analyn mula sa di-kalayuan.Napansin ni Mrs. Chan si Analyn. Bumulong ito sa tapat ng tenga niya. “Gusto mo bang lapitan siya at mag-hello?”Agad na binawi ni Analyn ang tingin niya kay Anthony. “Hindi.”Naiinip na si Analyn. Hindi pa nagsisimula ang bidding. Parang gusto na nga niyang magpaalam kay Mrs. Chan at umuwi na. Pero nasa lugar na siya. Hahayaan na lang niya na maranasan niya ang mga ganitong event sa buhay ng mga mayayaman. Anong malay niya, baka bukas-makalawa, wala na siya sa sirkulasyon na ito.Dahil katabi siya ni Mrs. Chan, maraming nag-aatend sa bidding ang lumalapit sa ginang at nakikipag-usap dito. Isinasabay na ni Mrs. Chan na ipakilal
Kinabukasan, maagang umalis si Analyn. Sinamahan niya sa check up ang Papa niya. “Magaling na ang Papa mo. Konting therapy na lang at ituloy lang ang mga gamot niya, ilang buwan pa at magiging one hundred percent na siyang makakabalik sa dati,” nakangiting sabi ni Jan. Tipid na ngumiti si Analyn. “Mabuti naman.” “By the way, binuwag na ang medical team na binuo ni Sir Anthony,” pahabol ni Jan. Tumango lang si Analyn. Inaasahan naman niya iyon. Nagtataka lang siya na hindi man lang binanggit ni Anthony sa kanya. “Tutuloy na kami, Doc Jan,” paalam ni Analyn sa doktor at saka tumayo na.Sumunod na ring tumayo si Damian. “See you sa next check up po,” nakangiting paalam ni Jan kay Damian.Nang lumabas si Analyn at ang Papa niya mula sa clinic ni Jan, may narinig siyang boses. “Mrs. De la Merced!” Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad si Analyn, hindi pinansin ang narinig niya. Unang-una, naisip niya na hindi naman siguro siya ang tinatawag dahil wala namang nakakaalam na asawa siya ni
Kung kanina ay buo sa loob ni Brittany na maghintay kay Anthony, ngayon ay tila nawalan na siya ng tapang. Mangiyak-ngiyak na niligpit niya ang mga gamit at saka tumayo na mula sa sofa sa opisina ni Anthony kung saan siya naghihintay. Tumayo na siya at nakahanda ng lumabas mula roon ng bumukas ang pintuan at pumasok doon ang bulto ni Anthony. Kakaiba talaga ang aura ng lalaki kaya siguro hindi magawa ni Brittany na pakawalan ito. Sa kabila ng seryosong mukha ng lalaki, biglang napangiti si Brittany. Dumating ito, ibig sabihin ay importante siya rito. Matikas na naglakad si Anthony palapit kay Brittany. Lalong lumapad ang ngiti ni Brittany sa binata.“Anthony, kanina pa ako naghihintay sa ‘yo. Akala ko hindi mo na ako babalikan dito. By the way, dahil sa paghihintay ko sa ‘yo rito nagutom na ako. Let’s have dinner? May alam akong bagong bukas na resto sa isang bagong bukas na hotel sa–”“Hindi ako bumalik dito para makipag-dinner sa ‘yo.”Alanganing ngumiti si Brittany. Something is
“Grabe! Ang hirap naman palang dumalaw sa ‘yo!” pagrereklamo ni Michelle kay Analyn pagkasalubong ng huli rito. Mahina lang ang pagkakasabi ni Michelle nun. Natatakot siyang may makarinig at makarating kay Anthony ng sinabi niya.“Ang OA naman ng reaksyon nito…”Namilog ang mga mata ni Michelle. “Ano’ng OA dun? Sige nga, hiningan ako ng dalawang government ID, kinuha ang fingerprints ko, pwera pa sa pagtawag nung mga bodyguards na ‘yun sa ‘yo para itanong kung kilala mo talaga ako.”Bahagyang natawa si Analyn sa kadaldalan ni Michelle. “Aba, kulang na lang yata eh hilahin nila ‘yung balat ko sa mukha.”Kumunot ang noo ni Analyn. “Hilahin ang balat?”“Oo, di ba sa mga pelikula nagdi-disguise ‘yung mga bida o kontrabida? Nagsusuot sila ng maskara sa mukha para magaya nila ang mukha ng kalaban nila?” Muling natawa si Analyn. “Ang taba ng utak mo, ano? Naisip mo pa ‘yun?” “Huwag kang tumawa diyan. Totoo naman ang sinasabi ko. Saan ba tayo mag-uusap?” Luminga-linga pa si Michelle para
Kinabukasan, ginising si Analyn ng tunog ng telepono niya. Pupungas-pungas na pilit na idinilat ni Analyn ang mga mata. Napansin niya na mag-isa lang siya sa kama. Agad niyang tiningnan ang paligid at nakumpirma niya na nasa kuwarto siya ng bahay ni Anthony. Naalala niya ang lahat ng nangyari kagabi mula sa pagsundo sa kanya ni Anthony, hanggang sa bakbakan nila ni Anthony dito sa kama ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na siya pa talaga ang nag-initiate na makipag-s*x sa kanya ang lalaki. Kaya naman nasabunutan niya ang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng telepono niya. Kung sino man ang tumatawag, malamang na masigawan niya ito.[“Hello, Analyn!”]“M-Michelle.”[“Magpaliwanag ka. Ano’ng nangyari?”]“Nangyari? N-Nalasing ako, di ba?” [“Bruha, hindi ‘yun ang tinatanong ko. Ano'ng nangyari at si boss Anthony ang naging asawa mo?”]Nakagat ni Analyn ang hinlalaki sa isang kamay niya.“Hindi ba pwedeng malayong kamag-anak ko si Sir Anthony?”Tumingala si Analyn sa kisame, s
Natigilan si Michelle. Alam niya na literal na nakanganga siya habang nakatingin sa papalapit na si Anthony. Seryoso itong naglalakad habang ang mga mata ay kay Analyn lang nakatingin. Ipinilig ni Michelle ang ulo niya at saka nagbaling ng tingin kay Nico. Sakto namang lumingon din kay Michelle si Nico. Nagsalubong ang mga tingin nila at nag-usap ang mga mata nila. Paano’ng si boss Anthony ang asawa ni Analyn? Sabi ni Michelle sa isip niya. Paano naging related si Analyn kay Sir Anthony? Hindi naman maisa-tinig na tanong sana ni Nico kay Michelle. “B-Boss Anthony…”“Sir Anthony!””Pero hindi pinansin ni Anthony ang pagtawag ng dalawa. Dire-diretso siya kay Analyn. Nang nasa tapat na siya ni Analyn, agad niyang sinambilat ang babae at binuhat paalis dun. Nung una ay kumokontra si Analyn. “Si-Sino ka? Ayaw! Uuwi na ko!” pagrereklamo niya. Pero nang mapadikit si Analyn kay Anthony at maamoy ang pamilyar na pabango nito, tumahimik siya at ngumiti ng ubod-tamis sa lalaki. “Anthon
Si Analyn, Michelle at isa pang lalaking staff na si Nico na lang ang natira sa restaurant. Hindi nila maiwan si Analyn dahil sobra itong nalasing.“Gusto ko ng umuwi…” paungol na sabi ni Analyn.“Huy, Analyn. Paano ka uuwi niyan, eh nagpakalasing ka,” tanong ni Michelle pero nginitian lang siya ni Analyn na nakasandal ang ulo sa pader. “May dala akong sasakyan. Ako na ang maghahatid kay Analyn,” sabi ni Nico. “Hindi, sige. Okay lang. Ako na ang bahala kay Analyn,” sagot ni Michelle. Hindi naman sa walang tiwala si Michelle sa lalaki. Pero may-asawang tao si Analyn. Hindi magandang ihatid siya ng isang lalaki, lalo pa at wala sa katinuan ang isip ni Analyn ngayon. Baka pagmulan pa ng away nilang dalawa ng asawa. Pero hindi pa rin umalis si Nico at kahit anong pilit ni Michelle ay hindi umalis ang lalaki.Iyon pa ang isa pang problema. Hindi alam ni Michelle kung saan ang bahay ni Analyn. “Analyn, ano ang nunber ng asawa mo? Tatawagan ko para sunduin ka rito.” “Toot. Toot. Toot,”
Agad na sinalubong ng sekretarya niya si Anthony. “Boss, tumawag ang asawa mo kanina.” Namilog ang mga mata ni Anthony. “What time?” “Ngayong gabi lang.” Sumakay na si Anthony sa back seat ng sasakyan, at saka kinapa ang personal na telepono niya sa loob ng coat na suot. Tiningnan niya iyon at halos lumuwa ang mga mata niya ng makita ang napakaraming unread messages at missed calls mula kay Analyn. Nakagat niya ang labi habang naiisip ang itsura ng galit na si Analyn. Napabuga si Anthony. “Ano pala ang balita sa bidding?”“Nanalo po si Sir Edward, boss. As expected.”Tumango lang si Edward, pagkatapos ay binalingan si Karl. “Karl, doon tayo sa bahay ng Papa ni Analyn. Pakibilisan lang ang pagda-drive.”PATAY na ang ilaw sa bahay ni Damian. Nasa labas ng gate si Anthony. Hindi niya malaman kung kakatok ba siya o aalis na lang. Nahihiya siya dahil halos mag-alas dose na ng hatinggabi. Pero sigurado rin siya na umuusok na ang ilong ni Analyn sa galit sa kanya. Mayamaya, dinukot n
“Ang mabuti pa, kumain ka na,” sabi ni Analyn sa ama. Inihanda na ni Analyn ang mesa para sa ama. Umupo na si Damian at nagsimula ng kumain. “Eh, ikaw?” “Mayamaya na ako, Papa. Hindi pa ako nagugutom.Hindi na sumagot pa si Damian. Alam niya ang nangyayari sa anak. “Lalabas lang ako, Papa. Magpapahangin lang. Ilagay mo na lang ang pinagkainan mo sa lababo. Huhugasan ko pagbalik.” Naglakad na si Analyn papunta sa pintuan ng tawagin siya ni Damian. “Analyn “ Huminto si Analyn at saka nilingon si Damian. Malungkot ang mukha ni Damian, nalulungkot siya para sa anak-anakan. “Ang mga taong tulad niya, mahirap silang hulaan. Ang maipapayo ko lang sa ‘yo, kung hindi talaga ubra, huwag mong ipilit para hindi ka masaktan.”Nasaling ng mga salitang iyon ang damdamin ni Analyn. Agad siyang nagbaling ng tingin para iwasan ang tingin ng ama. Nagbabanta na kasi ang pagbagsak ng mga luha niya at ayaw niyang makita ng ama ang pag-iyak niya. “Okay,” sagot niya habang nakaiwas ang tingin sa ama