Kumunot ang noo ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Sakto naman na pumasok si Julius para i-check si Analyn. Nakita niya ang nagtatakang mukha ni Anthony.“Bakit?” tanong ng doktor.“Meron siyang amnesia?” nagtatakang tanong ni Anthony.Namilog ang mga mata ni Julius sabay tingin kay Analyn. “Ha? Paano nangyari ‘yun? Nasa tiyan naman ang sugat niya at wala sa ulo,” sabi ni Julius, pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Anthony.“Teka. Sino ka ba? Nasaan ako? Bakit ako nandito?” sunod-sunod na tanong ni Analyn kay Anthony.“Miss…” “Misis,” pagtatama ni Anthony. Nagkamot ng noo niya si Julius. “Pakitingnan mo ngang maigi itong lalaking ito. Talaga bang hindi mo siya nakikilala?” Itinuro pa ni Julius si Anthony.Muling tiningnan ni Analyn si Anthony na ngayon ay nakasimangot na, at saka umiling. Lumapit pa ng konti si Anthony kay Analyn. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang gilid ni Analyn at saka tinitigan sa mga mata ang babae. “Sure kang hindi mo ako nakikilala,
Nang nakita ni Julius na umiiyak na naman si Analyn, kumuha ito ng ilang piraso ng tissue at saka inabot ito kay Analyn. Muli siyang kumuha ng ilang piraso at saka pinunasan ang basang mukha ng babae. “Stop crying. Makakasama sa ‘yo. Alam mo ba na na-injured si Anthony dahil sa pagligtas sa ‘yo? At kung hindi ka naka-survive ngayon, alam mo bang mananagot lahat ng security group niya sa kanya? Either mawalan sila ng trabaho o mapunta na sila sa ilalim ng lupa.” Nakatingin lang si Analyn sa doktor, maraming tumatakbo sa isipan niya. TATLONG araw ng hindi nagpupunta sa ospital si Anthony. May importante siyang bagay na inaasikaso. Sa ika-tatlong araw, pinayagan na si Analyn na makauwi. Sa Grace Village siya pinadala ni Anthony. Hindi na kumontra si Analyn. Wala naman kasi siyang bahay na uuwian. At least sa bahay ni Anthony, kahit paano, may titingin at mag-aalaga sa kanya doon. Pumupunta-punta si Julius sa Grace Village para linisin at i-check ang sugat ni Analyn. “Hey! Bakit hin
“Dok, ang ignorante mo,” sabi ni Anthony sa doktor sa harapan niya.Napakamot sa ulo niya si Julius. “Malay ko ba, parang totoong-totoo ang acting niya.”Napailing na lang si Anthony. Hindi niya alam kung magagalit siya o matatawa sa kalokohan ng babae. O ganun na lang ang galit nito sa kanya para gawan siya ng ganung kuwento? Lumipas pa ang mga araw, dahil sa personal na pag-aasikaso ni Julius kay Analyn kaya mabilis itong gumaling, kahit na may katigasan minsan ang ulo nito. Ng umagang iyon, si Julius ang sumama kay Analyn sa bakuran para magpa-araw. “Doc Julius, magaling kang doktor. Bakit ka nagtitiyaga na maging sunud-sunuran lang sa mga utos ni Anthony? For sure kapag nag-apply ka sa ibang bansa maraming tatanggap sa iyo kahit nakapikit pa ang mga mata nila.”Ngumiti si Julius. “Salamat sa papuri. Pero hindi ako pwedeng umalis sa ospital na pag-aari ni Anthony. As a matter of fact, si Anthony ang nagpadala sa akin sa ibang bansa para mag-pakadalubhasa. Siya ang nag-sponsor ng
Nakansela ang huling meeting ni Anthony. Pero tinawagan siya ni Raymond dahil anibersaryo ng negosyo nito.Pumunta si Anthony. Ang balak niya ay magpakita lang at aalis na rin siya. Bukod sa gusto niyang magpahinga na dahil sa ilang araw na pagod at puyat, gusto rin niyang makita na si Analyn. Ilang araw na niyang hindi nasisilayan ang mukha ng babae sa malapitan. Laging sa CCTV lang niya nakikita ang babae nitong mga huling araw. Hindi alam ni Anthony na nasundan siya ni Brittany. Pumasok si Brittany sa loob ng venue, pero hindi siya makapasok sa loob ng function room dahil wala naman siyang imbitasyon. Naupo na lang siya sa isa sa mga mesa roon.Mayamaya ay nilapitan siya ng isang waiter.“Mam, kanina ka pa po rito. Kailangan n’yo na pong umorder. Or else, kailangan na po namin kayong palabasin.” Napalunok si Brittany. PAGKARAAN ng dalawang oras, nakita ni Brittany na dumaan si Anthony sa harap ng mesa niya. “A-Anthony! Sandali!” Biglang tumayo si Brittany para habulin si Antho
Oo, galit siya ngayon kay Anthony, pero napaka-perpekto naman kasi ng hubog ng katawan nito. Idagdag pa ang guwapong mukha nito. Kaya kahit kailan, hindi niya nahihindian ang advances nito sa kanya. Lustful… iyan ang tamang deskripsyon sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Tumikhim ng malakas si Anthony kaya biglang bumalik sa ulirat ang isip ni Analyn. “Kailan ko pa kinailangang humingi ng permiso sa iyo kapag may papupuntahin akong tao dito sa bahay ko?” “Oo. Hindi mo kailangang humingi ng permiso sa akin, kasi bahay mo ‘to. Pero sana, konting respeto naman. Bigyan mo naman ako ng kahihiyan bilang asawa mo. In the first place, hindi basta-bastang tao lang ang isinama mo ngayon sa bahay mo. Si Brittany lang naman ‘yun. Respeto lang, Sir Anthony. Thank you.” Pagkasabi nun ay tumalikod na si Analyn, akmang lalabas na siya ng kuwarto ng bigla siyang tawagin ni Anthony.“Analyn.”Huminto sa paglakad si Analyn at saka muling humarap kay Anthony. Sa isang iglap ay nasa harapan na niya
Isang buwan na ang lumipas, medyo naghilom na ang sugat ni Analyn. Kaya na rin niyang maglakad ng matagal-tagal. Balak niyang pumasok na sa opisina. Kahit pa nagdi-disenyo pa rin naman siya kahit nasa bahay siya, iba pa rin kung papasok na siya, lalo pa at siya ang head ng departamento nila. Magta-taxi na lang muna siya pansamantala. Alam niyang hindi pa siya ubrang mag-commute sa pamamagitan ng bus.Nakaligo na si Analyn at magbibihis na ng tumunog ang telepono niya.Vhance callling…Napakunot ang noo ni Analyn, nagtaka siya kung bakit siya tinatawagan ng pinsan ni Anthony. O baka naman nagkamali lang ng dial ito. Sinagot na rin niya para malaman niya ang sagot. “Vhance. Napatawag ka.”[“Cousin-in-law, nasaan ka?”]Mukhang pagod at nagpa-panic ang boses nito.“Nasa bahay, papasok na sana.”[“Cousin-in-law. I have a problem. Pasensiya ka na, wala akong ibang mapagsabihan.”]“Ano ‘yun?”[“I fail. The company failed. I will go bankrupt.”]“Ha? Ano’ng nangyari?” Pinahawakan ni Anthony
Nakatingin si Analyn sa labas ng bintana. Kanina pa niya iniisip kung ano ang pakay sa kanya ni Brittany. Kung ano ba ang pag-uusapan nila. Pagpasok nila sa coffee shop sa ibaba ng building na inuupahan ng opisina ni Vhance, sinabihan na agad ni Brittany si Analyn nq maghanap ng mauupuan nila. Inisip ni Analyn na siguro ay magsi-CR muna ang dalaga. Magrere-touch ng make-up. Siyempre, hindi gugustuhin ng isang babaeng katulad ni Brittany na haharap sa kanya na hindi maayos ang mukha. Iyon siguro ang gustong mangyari ni Brittany. Iyong maramdaman niya ang insekyuridad kapag magkaharap na silang dalawa. Namalayan na lang ni Analyn ang paglapag ng tray sa harapan niya. May laman iyong dalawang tasa ng umuusok na kape. “Hindi ko kasi alam kung ano ba ang gusto mo kaya Americano na lang ang inorder ko. Black, without sugar. Ganun kasi ang gusto ni Anthony kapag nagkakape kami,” nakangiting sabi ni Brittany at saka naupo sa katapat na upuan ni Analyn. Tinanong mo ba ako kung ano ang gu
“Cousin-in-law, I need to raise funds. Pwede mo ba akong samahan mamaya? May pupuntahan akong event. Ipagpapaalam kita kay Kuya Anthony.”“No need. Papayag naman ‘yun for sure. Hindi na natin kailangang magpaalam.” Malamang busy ‘yun kay Brittany!“Sure ka?” “Oo naman.”NAGULAT si Analyn ng sa The Jewel Hotel sila pumunta. Hindi niya alam kung aware ba si Vhance na pag-aari ni Anthony ang nasabing hotel. O maaaring alam niya kaya gusto siyang ipagpaalam nito sa pinsan. Sana lang ay wala sa lugar si Anthony ngayon o wala sanang makapagsabi sa lalaki na nandito siya ngayon.Pagpasok nila sa loob ng hotel, hindi akalain ni Analyn na si Brittany ang sasalubong sa kanila. Agad na napansin ni Analyn ang eleganteng paglalakad ng babae na palapit sa kanila ni Vhance. Bagay na bagay din dito ang kulay puting bestida na suot niya.“Vhance, hindi mo naman sinabing kasama mo ngayon si Analyn.”“Kinakabahan kasi ako, Ate Brittany. Kailangan ko ng moral support.” “Okay,” pagkatapos ay kumiling an
Kung kanina ay buo sa loob ni Brittany na maghintay kay Anthony, ngayon ay tila nawalan na siya ng tapang. Mangiyak-ngiyak na niligpit niya ang mga gamit at saka tumayo na mula sa sofa sa opisina ni Anthony kung saan siya naghihintay. Tumayo na siya at nakahanda ng lumabas mula roon ng bumukas ang pintuan at pumasok doon ang bulto ni Anthony. Kakaiba talaga ang aura ng lalaki kaya siguro hindi magawa ni Brittany na pakawalan ito. Sa kabila ng seryosong mukha ng lalaki, biglang napangiti si Brittany. Dumating ito, ibig sabihin ay importante siya rito. Matikas na naglakad si Anthony palapit kay Brittany. Lalong lumapad ang ngiti ni Brittany sa binata.“Anthony, kanina pa ako naghihintay sa ‘yo. Akala ko hindi mo na ako babalikan dito. By the way, dahil sa paghihintay ko sa ‘yo rito nagutom na ako. Let’s have dinner? May alam akong bagong bukas na resto sa isang bagong bukas na hotel sa–”“Hindi ako bumalik dito para makipag-dinner sa ‘yo.”Alanganing ngumiti si Brittany. Something is
“Grabe! Ang hirap naman palang dumalaw sa ‘yo!” pagrereklamo ni Michelle kay Analyn pagkasalubong ng huli rito. Mahina lang ang pagkakasabi ni Michelle nun. Natatakot siyang may makarinig at makarating kay Anthony ng sinabi niya.“Ang OA naman ng reaksyon nito…”Namilog ang mga mata ni Michelle. “Ano’ng OA dun? Sige nga, hiningan ako ng dalawang government ID, kinuha ang fingerprints ko, pwera pa sa pagtawag nung mga bodyguards na ‘yun sa ‘yo para itanong kung kilala mo talaga ako.”Bahagyang natawa si Analyn sa kadaldalan ni Michelle. “Aba, kulang na lang yata eh hilahin nila ‘yung balat ko sa mukha.”Kumunot ang noo ni Analyn. “Hilahin ang balat?”“Oo, di ba sa mga pelikula nagdi-disguise ‘yung mga bida o kontrabida? Nagsusuot sila ng maskara sa mukha para magaya nila ang mukha ng kalaban nila?” Muling natawa si Analyn. “Ang taba ng utak mo, ano? Naisip mo pa ‘yun?” “Huwag kang tumawa diyan. Totoo naman ang sinasabi ko. Saan ba tayo mag-uusap?” Luminga-linga pa si Michelle para
Kinabukasan, ginising si Analyn ng tunog ng telepono niya. Pupungas-pungas na pilit na idinilat ni Analyn ang mga mata. Napansin niya na mag-isa lang siya sa kama. Agad niyang tiningnan ang paligid at nakumpirma niya na nasa kuwarto siya ng bahay ni Anthony. Naalala niya ang lahat ng nangyari kagabi mula sa pagsundo sa kanya ni Anthony, hanggang sa bakbakan nila ni Anthony dito sa kama ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na siya pa talaga ang nag-initiate na makipag-s*x sa kanya ang lalaki. Kaya naman nasabunutan niya ang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng telepono niya. Kung sino man ang tumatawag, malamang na masigawan niya ito.[“Hello, Analyn!”]“M-Michelle.”[“Magpaliwanag ka. Ano’ng nangyari?”]“Nangyari? N-Nalasing ako, di ba?” [“Bruha, hindi ‘yun ang tinatanong ko. Ano'ng nangyari at si boss Anthony ang naging asawa mo?”]Nakagat ni Analyn ang hinlalaki sa isang kamay niya.“Hindi ba pwedeng malayong kamag-anak ko si Sir Anthony?”Tumingala si Analyn sa kisame, s
Natigilan si Michelle. Alam niya na literal na nakanganga siya habang nakatingin sa papalapit na si Anthony. Seryoso itong naglalakad habang ang mga mata ay kay Analyn lang nakatingin. Ipinilig ni Michelle ang ulo niya at saka nagbaling ng tingin kay Nico. Sakto namang lumingon din kay Michelle si Nico. Nagsalubong ang mga tingin nila at nag-usap ang mga mata nila. Paano’ng si boss Anthony ang asawa ni Analyn? Sabi ni Michelle sa isip niya. Paano naging related si Analyn kay Sir Anthony? Hindi naman maisa-tinig na tanong sana ni Nico kay Michelle. “B-Boss Anthony…”“Sir Anthony!””Pero hindi pinansin ni Anthony ang pagtawag ng dalawa. Dire-diretso siya kay Analyn. Nang nasa tapat na siya ni Analyn, agad niyang sinambilat ang babae at binuhat paalis dun. Nung una ay kumokontra si Analyn. “Si-Sino ka? Ayaw! Uuwi na ko!” pagrereklamo niya. Pero nang mapadikit si Analyn kay Anthony at maamoy ang pamilyar na pabango nito, tumahimik siya at ngumiti ng ubod-tamis sa lalaki. “Anthon
Si Analyn, Michelle at isa pang lalaking staff na si Nico na lang ang natira sa restaurant. Hindi nila maiwan si Analyn dahil sobra itong nalasing.“Gusto ko ng umuwi…” paungol na sabi ni Analyn.“Huy, Analyn. Paano ka uuwi niyan, eh nagpakalasing ka,” tanong ni Michelle pero nginitian lang siya ni Analyn na nakasandal ang ulo sa pader. “May dala akong sasakyan. Ako na ang maghahatid kay Analyn,” sabi ni Nico. “Hindi, sige. Okay lang. Ako na ang bahala kay Analyn,” sagot ni Michelle. Hindi naman sa walang tiwala si Michelle sa lalaki. Pero may-asawang tao si Analyn. Hindi magandang ihatid siya ng isang lalaki, lalo pa at wala sa katinuan ang isip ni Analyn ngayon. Baka pagmulan pa ng away nilang dalawa ng asawa. Pero hindi pa rin umalis si Nico at kahit anong pilit ni Michelle ay hindi umalis ang lalaki.Iyon pa ang isa pang problema. Hindi alam ni Michelle kung saan ang bahay ni Analyn. “Analyn, ano ang nunber ng asawa mo? Tatawagan ko para sunduin ka rito.” “Toot. Toot. Toot,”
Agad na sinalubong ng sekretarya niya si Anthony. “Boss, tumawag ang asawa mo kanina.” Namilog ang mga mata ni Anthony. “What time?” “Ngayong gabi lang.” Sumakay na si Anthony sa back seat ng sasakyan, at saka kinapa ang personal na telepono niya sa loob ng coat na suot. Tiningnan niya iyon at halos lumuwa ang mga mata niya ng makita ang napakaraming unread messages at missed calls mula kay Analyn. Nakagat niya ang labi habang naiisip ang itsura ng galit na si Analyn. Napabuga si Anthony. “Ano pala ang balita sa bidding?”“Nanalo po si Sir Edward, boss. As expected.”Tumango lang si Edward, pagkatapos ay binalingan si Karl. “Karl, doon tayo sa bahay ng Papa ni Analyn. Pakibilisan lang ang pagda-drive.”PATAY na ang ilaw sa bahay ni Damian. Nasa labas ng gate si Anthony. Hindi niya malaman kung kakatok ba siya o aalis na lang. Nahihiya siya dahil halos mag-alas dose na ng hatinggabi. Pero sigurado rin siya na umuusok na ang ilong ni Analyn sa galit sa kanya. Mayamaya, dinukot n
“Ang mabuti pa, kumain ka na,” sabi ni Analyn sa ama. Inihanda na ni Analyn ang mesa para sa ama. Umupo na si Damian at nagsimula ng kumain. “Eh, ikaw?” “Mayamaya na ako, Papa. Hindi pa ako nagugutom.Hindi na sumagot pa si Damian. Alam niya ang nangyayari sa anak. “Lalabas lang ako, Papa. Magpapahangin lang. Ilagay mo na lang ang pinagkainan mo sa lababo. Huhugasan ko pagbalik.” Naglakad na si Analyn papunta sa pintuan ng tawagin siya ni Damian. “Analyn “ Huminto si Analyn at saka nilingon si Damian. Malungkot ang mukha ni Damian, nalulungkot siya para sa anak-anakan. “Ang mga taong tulad niya, mahirap silang hulaan. Ang maipapayo ko lang sa ‘yo, kung hindi talaga ubra, huwag mong ipilit para hindi ka masaktan.”Nasaling ng mga salitang iyon ang damdamin ni Analyn. Agad siyang nagbaling ng tingin para iwasan ang tingin ng ama. Nagbabanta na kasi ang pagbagsak ng mga luha niya at ayaw niyang makita ng ama ang pag-iyak niya. “Okay,” sagot niya habang nakaiwas ang tingin sa ama
Kalahating oras pa ang hihintayin bago malaman ang resulta ng bidding. Nagdesisyon si Analyn na umalis na sa lugar at huwag ng hintayin ang anunsyo. Tapos naman na ang papel niya roon. Nagawa na niya ang dapat niyang gawin. Nasa biyahe pa si Analyn ng tumawag ang sekretarya ni Edward. [“Miss Analyn, maraming salamat sa tulong mo. Nakuha ni Sir Edward ang project.”]Malakas ang kutob ni Analyn na mananalo ang proposal ni Edward. Bakit nga hindi? Si Anthony lang naman ang gumawa nun! “Ganun ba?” [“Pinapasabi ni boss Edward na gusto ka raw niya i-treat sa isang dinner pagkalabas niya ng ospital.”]“No need. Pakisabi na lang sa kanya na okay na. Quits na kamo kami.”[“Miss Analyn?”]Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa boses ng kausap ni Analyn.“Pakisabi na rin sa kanya na kung sakaling magkikita kami ulit, magpanggap na lang siya na hindi kami magkakilala. Maraming salamat kamo sa lahat ng naitulong niya sa akin.”Hindi na hinintay ni Analyn na sumagot ang kausap at pinatayan na it
“Umm. Konti pa lang ang nakain mo, ah?”Ibinaba ni Analyn ang tasa sa mesa pagkaraan niyang ubusin ang laman na kape nun.“Hindi ako makakain masyado, kinakabahan ako. Okay na muna itong kape.”Tumayo na si Analyn kaya ganun din ang ginawa ni Anthony. Kahit hindi siya kumakain ng almusal, pinilit niyang kumain kahit konti para samahang kumain ang babae. Naglakad na si Analyn palabas ng dining room, kasunod si Anthony. Dinampot ni Analyn ang bag niya at ang bag na naglalaman ng mga papeles at dokumento. “Check mong mabuti ang mga dala mo, baka makalimutan kang dalhin,” paalala ni Anthony.Ganun nga ang ginawa ni Analyn.“I told you, ihahatid na kita.”Huminto si Analyn sa pagbusisi sa mga papeles at saka nakangiting tiningnan si Anthony.“I told you, si Karl na lang.”Ipinamulsa ni Anthony ang mga kamay at saka tumango. Ngayong araw na ang bidding ni Edward, pero sa kasamaang palad hindi ito makakapunta dahil bigla itong nagkasakit at nasa ospital. Dahil si Analyn ang gumawa ng pro