“Vivian, mag-isip-isip ka. Sa magandang record mo sa DLM, makakakuha ka pa ng magandang trabaho. Hindi man katulad ng trabaho mo sa DLM, pero at least, makakapagsimula ka uli. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa abandonadong building na ‘to. Hindi pa huli ang lahat, Vivian. Pwede kitang tulungan kung gusto mo.”Taliwas sa inaasahan ni Analyn, biglan tumalim ang mga mata ni Vivian at saka sumigaw.“There’s no turning back, Analyn! No turning back! Naiintindihan mo?!” Galit na hinablot ni Vivian sa Analyn sa kuwelyo ng damit niya at saka sapilitang itinayo. Sapilitan niya itong pinalakad papunta kay Brittany, at saka isinalya si Analyn sa tabi nito. Ngumisi si Vivian ng makitang magkatabi na sila Analyn at Brittany. “Tingnan ko kung sino ang pipiliin sa inyong dalawa ni Anthony mamaya…”Pagkasabi niya nun, iyong isang tauhan ni Vivian na nagbabantay sa may bukas na bintana ay biglang sumigaw. “Miss Vivian, nandito na ang sasakyan ni De la Merced!”Nagbaling ng tingin si Vivian sa gaw
Habang nakatingin si Anthony kay Brittany, hindi niya napansin ang pagdampot ni Vivian ng patalim sa ibabaw ng mesa. Namalayan na lang niya na nakatutok na ang dulo ng patalim sa leeg ni Analyn. “Boss, maglaro muna tayo para hindi puro tayo drama,” parang baliw na nakangiti si Vivian habang sinasabi ito. “Merong dalawang taong mahalaga sa ‘yo na naririto sa lugar na to. Pero kailangan mo lang pumili ng isa. Kapag pinili mo si Brittany, itutusok ko agad ang patalim na hawak ko sa leeg ni Analyn. Kapag ito namang si Analyn ang pipiliin mo, puputulin agad ng tao ko ang lubid ni Brittany. Game?”Hindi sumagot si Anthony. “Ang tagal namang sumagot ni boss!” Tumingin pa sa kisame si Vivian na para bang inip na sa isasagot ni Anthony. Pagkatapos ay muling nagbaba ng tingin kay Anthony na hindi pa rin nagsasalita. “Mahirap bang pumili, boss?”Samantala, napangiwi si Analyn. Ramdam niya ang sakit ng dulo ng patalim na nasa leeg niya. Naiinip na rin siya sa sagot ni Anthony kaya kahit hira
Gumalaw si Brittany, pinipilit makawala mula sa pagkakatali habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ni Anthony. Agad na naalarma si Anthony. “Kumalma ka, Brittany. Huwag kang gumalaw!”Nakita ni Analyn ang pag-aalala sa mukha ni Anthony habang nakatingin kay Brittany, kumpara sa blankong mukha nito kanina habang nakatutok ang patalim ni Vivian sa leeg niya. Humakbang si Anthony patungo sa lugar ni Brittany. Hindi na kailangang hulaan pa ni Analyn ang mangyayari. Nag-iwas siya ng tingin kay Anthony at saka mapait na napangiti.Umismid si Vivian ng mapagtanto na may napili na si Anthony. Tiningnan niya si Analyn na nakatingin din kay Anthony. Malapad siyang napangiti. Kawawang Analyn….Nang nawala ang atensyon ni Vivian kay Anthony, mabilis itong bumwelta at saka humarap kay Vivian at saka patalon na ubod-lakas niyang sinipa ito sa bandang tiyan. Dahil sa pagkabigla, nabitiwan ni Vivian ang hawak na patalim. Kasabay ng pagsipa niya ka Vivian, mabilis niyang sinunggaban si Analyn at
Maang na nakatingin si Analyn sa dalawa. Nakalambitin sila pareho at tanging si Anthony lang ang pumipigil kay Brittany para hindi ito tuluyang bumagsak. Kitang-kita ang mga ugat ni Anthony sa leeg at sa braso nito. Halatang nahihirapan na siya. “Tapusin mo na ang mga ‘yan!” hirap na sigaw ni Vivian sa tauhan niya. Nabahala si Analyn. Alam niyang magaling at madiskarte si Anthony sa pakikipaglaban. Pero kahit anong galing mo, napakahirap kung ang ikaw ang nasa sitwasyon ngayon ni Anthony. Meron siyang inaaalalayan sa pagbagsak at isang kamay lang niya ang nakakapit para pareho silang mabuhay ni Brittany. Gusto man niyang tulungan si Anthony pero tila naubos na ang lakas niya. Samantala, nakatingin si Anthony sa ibaba, tila tinitingnan ang sitwasyon nila Edward at ng mga tauhan niya roon. Nag-iisip marahil ng paraan paano sila makaa-alis ni Brittany sa gipit na sitwasyon nila.“Edward, tulong!” “Sandali, paakyat na sila!” sagot ni Edward sa ibaba, “Analyn, okay ka lang?” pasigaw n
Iniinda pa ni Analyn ang sakit ng tagiliran at sakit ng puso niya nang idiin pa ni Vivian ang patalim sa tagiliran niya. Yumuko si Analyn at saka tiningnan ang parte ng katawan niya na sinaksak ni Vivian. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang maraming dugo na lumalabas mula roon. Dahil sa pagyuko niya, hindi niya nakita ang mukha ni Anthony. Namutla ito na para bang siya ang nasaksak o siya ang nakakaramdam ng sakit ng nasaksak. “Analyn!” sigaw ni Anthony. ILANG minuto na lang at papatak na sa alas-dose ng hatinggabi ang orasan. Nakatayo sa labas ng Operating Room si Anthony, nakatitig siya saradong pintuan nun. Nakapagpalit na siya ng damit. Isang simpleng collared shirt at maong jeans. Pero kahit na nakapagpalit na siya ng damit, mapapansing hindi pa rin nagagamot ang mga sugat na tinamo niya sa mga kamay at braso. Natuyo na lang ang mga dugo na nandoon. Madilim ang anyo ng mukha niya, habang nakatayo sa isang gilid niya ang mga bodyguard niya. Nakaluhod naman sa unaha
Kumunot ang noo ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Sakto naman na pumasok si Julius para i-check si Analyn. Nakita niya ang nagtatakang mukha ni Anthony.“Bakit?” tanong ng doktor.“Meron siyang amnesia?” nagtatakang tanong ni Anthony.Namilog ang mga mata ni Julius sabay tingin kay Analyn. “Ha? Paano nangyari ‘yun? Nasa tiyan naman ang sugat niya at wala sa ulo,” sabi ni Julius, pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Anthony.“Teka. Sino ka ba? Nasaan ako? Bakit ako nandito?” sunod-sunod na tanong ni Analyn kay Anthony.“Miss…” “Misis,” pagtatama ni Anthony. Nagkamot ng noo niya si Julius. “Pakitingnan mo ngang maigi itong lalaking ito. Talaga bang hindi mo siya nakikilala?” Itinuro pa ni Julius si Anthony.Muling tiningnan ni Analyn si Anthony na ngayon ay nakasimangot na, at saka umiling. Lumapit pa ng konti si Anthony kay Analyn. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang gilid ni Analyn at saka tinitigan sa mga mata ang babae. “Sure kang hindi mo ako nakikilala,
Nang nakita ni Julius na umiiyak na naman si Analyn, kumuha ito ng ilang piraso ng tissue at saka inabot ito kay Analyn. Muli siyang kumuha ng ilang piraso at saka pinunasan ang basang mukha ng babae. “Stop crying. Makakasama sa ‘yo. Alam mo ba na na-injured si Anthony dahil sa pagligtas sa ‘yo? At kung hindi ka naka-survive ngayon, alam mo bang mananagot lahat ng security group niya sa kanya? Either mawalan sila ng trabaho o mapunta na sila sa ilalim ng lupa.” Nakatingin lang si Analyn sa doktor, maraming tumatakbo sa isipan niya. TATLONG araw ng hindi nagpupunta sa ospital si Anthony. May importante siyang bagay na inaasikaso. Sa ika-tatlong araw, pinayagan na si Analyn na makauwi. Sa Grace Village siya pinadala ni Anthony. Hindi na kumontra si Analyn. Wala naman kasi siyang bahay na uuwian. At least sa bahay ni Anthony, kahit paano, may titingin at mag-aalaga sa kanya doon. Pumupunta-punta si Julius sa Grace Village para linisin at i-check ang sugat ni Analyn. “Hey! Bakit hin
“Dok, ang ignorante mo,” sabi ni Anthony sa doktor sa harapan niya.Napakamot sa ulo niya si Julius. “Malay ko ba, parang totoong-totoo ang acting niya.”Napailing na lang si Anthony. Hindi niya alam kung magagalit siya o matatawa sa kalokohan ng babae. O ganun na lang ang galit nito sa kanya para gawan siya ng ganung kuwento? Lumipas pa ang mga araw, dahil sa personal na pag-aasikaso ni Julius kay Analyn kaya mabilis itong gumaling, kahit na may katigasan minsan ang ulo nito. Ng umagang iyon, si Julius ang sumama kay Analyn sa bakuran para magpa-araw. “Doc Julius, magaling kang doktor. Bakit ka nagtitiyaga na maging sunud-sunuran lang sa mga utos ni Anthony? For sure kapag nag-apply ka sa ibang bansa maraming tatanggap sa iyo kahit nakapikit pa ang mga mata nila.”Ngumiti si Julius. “Salamat sa papuri. Pero hindi ako pwedeng umalis sa ospital na pag-aari ni Anthony. As a matter of fact, si Anthony ang nagpadala sa akin sa ibang bansa para mag-pakadalubhasa. Siya ang nag-sponsor ng
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g