Maang na nakatingin si Analyn sa dalawa. Nakalambitin sila pareho at tanging si Anthony lang ang pumipigil kay Brittany para hindi ito tuluyang bumagsak. Kitang-kita ang mga ugat ni Anthony sa leeg at sa braso nito. Halatang nahihirapan na siya. “Tapusin mo na ang mga ‘yan!” hirap na sigaw ni Vivian sa tauhan niya. Nabahala si Analyn. Alam niyang magaling at madiskarte si Anthony sa pakikipaglaban. Pero kahit anong galing mo, napakahirap kung ang ikaw ang nasa sitwasyon ngayon ni Anthony. Meron siyang inaaalalayan sa pagbagsak at isang kamay lang niya ang nakakapit para pareho silang mabuhay ni Brittany. Gusto man niyang tulungan si Anthony pero tila naubos na ang lakas niya. Samantala, nakatingin si Anthony sa ibaba, tila tinitingnan ang sitwasyon nila Edward at ng mga tauhan niya roon. Nag-iisip marahil ng paraan paano sila makaa-alis ni Brittany sa gipit na sitwasyon nila.“Edward, tulong!” “Sandali, paakyat na sila!” sagot ni Edward sa ibaba, “Analyn, okay ka lang?” pasigaw n
Iniinda pa ni Analyn ang sakit ng tagiliran at sakit ng puso niya nang idiin pa ni Vivian ang patalim sa tagiliran niya. Yumuko si Analyn at saka tiningnan ang parte ng katawan niya na sinaksak ni Vivian. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang maraming dugo na lumalabas mula roon. Dahil sa pagyuko niya, hindi niya nakita ang mukha ni Anthony. Namutla ito na para bang siya ang nasaksak o siya ang nakakaramdam ng sakit ng nasaksak. “Analyn!” sigaw ni Anthony. ILANG minuto na lang at papatak na sa alas-dose ng hatinggabi ang orasan. Nakatayo sa labas ng Operating Room si Anthony, nakatitig siya saradong pintuan nun. Nakapagpalit na siya ng damit. Isang simpleng collared shirt at maong jeans. Pero kahit na nakapagpalit na siya ng damit, mapapansing hindi pa rin nagagamot ang mga sugat na tinamo niya sa mga kamay at braso. Natuyo na lang ang mga dugo na nandoon. Madilim ang anyo ng mukha niya, habang nakatayo sa isang gilid niya ang mga bodyguard niya. Nakaluhod naman sa unaha
Kumunot ang noo ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Sakto naman na pumasok si Julius para i-check si Analyn. Nakita niya ang nagtatakang mukha ni Anthony.“Bakit?” tanong ng doktor.“Meron siyang amnesia?” nagtatakang tanong ni Anthony.Namilog ang mga mata ni Julius sabay tingin kay Analyn. “Ha? Paano nangyari ‘yun? Nasa tiyan naman ang sugat niya at wala sa ulo,” sabi ni Julius, pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Anthony.“Teka. Sino ka ba? Nasaan ako? Bakit ako nandito?” sunod-sunod na tanong ni Analyn kay Anthony.“Miss…” “Misis,” pagtatama ni Anthony. Nagkamot ng noo niya si Julius. “Pakitingnan mo ngang maigi itong lalaking ito. Talaga bang hindi mo siya nakikilala?” Itinuro pa ni Julius si Anthony.Muling tiningnan ni Analyn si Anthony na ngayon ay nakasimangot na, at saka umiling. Lumapit pa ng konti si Anthony kay Analyn. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang gilid ni Analyn at saka tinitigan sa mga mata ang babae. “Sure kang hindi mo ako nakikilala,
Nang nakita ni Julius na umiiyak na naman si Analyn, kumuha ito ng ilang piraso ng tissue at saka inabot ito kay Analyn. Muli siyang kumuha ng ilang piraso at saka pinunasan ang basang mukha ng babae. “Stop crying. Makakasama sa ‘yo. Alam mo ba na na-injured si Anthony dahil sa pagligtas sa ‘yo? At kung hindi ka naka-survive ngayon, alam mo bang mananagot lahat ng security group niya sa kanya? Either mawalan sila ng trabaho o mapunta na sila sa ilalim ng lupa.” Nakatingin lang si Analyn sa doktor, maraming tumatakbo sa isipan niya. TATLONG araw ng hindi nagpupunta sa ospital si Anthony. May importante siyang bagay na inaasikaso. Sa ika-tatlong araw, pinayagan na si Analyn na makauwi. Sa Grace Village siya pinadala ni Anthony. Hindi na kumontra si Analyn. Wala naman kasi siyang bahay na uuwian. At least sa bahay ni Anthony, kahit paano, may titingin at mag-aalaga sa kanya doon. Pumupunta-punta si Julius sa Grace Village para linisin at i-check ang sugat ni Analyn. “Hey! Bakit hin
“Dok, ang ignorante mo,” sabi ni Anthony sa doktor sa harapan niya.Napakamot sa ulo niya si Julius. “Malay ko ba, parang totoong-totoo ang acting niya.”Napailing na lang si Anthony. Hindi niya alam kung magagalit siya o matatawa sa kalokohan ng babae. O ganun na lang ang galit nito sa kanya para gawan siya ng ganung kuwento? Lumipas pa ang mga araw, dahil sa personal na pag-aasikaso ni Julius kay Analyn kaya mabilis itong gumaling, kahit na may katigasan minsan ang ulo nito. Ng umagang iyon, si Julius ang sumama kay Analyn sa bakuran para magpa-araw. “Doc Julius, magaling kang doktor. Bakit ka nagtitiyaga na maging sunud-sunuran lang sa mga utos ni Anthony? For sure kapag nag-apply ka sa ibang bansa maraming tatanggap sa iyo kahit nakapikit pa ang mga mata nila.”Ngumiti si Julius. “Salamat sa papuri. Pero hindi ako pwedeng umalis sa ospital na pag-aari ni Anthony. As a matter of fact, si Anthony ang nagpadala sa akin sa ibang bansa para mag-pakadalubhasa. Siya ang nag-sponsor ng
Nakansela ang huling meeting ni Anthony. Pero tinawagan siya ni Raymond dahil anibersaryo ng negosyo nito.Pumunta si Anthony. Ang balak niya ay magpakita lang at aalis na rin siya. Bukod sa gusto niyang magpahinga na dahil sa ilang araw na pagod at puyat, gusto rin niyang makita na si Analyn. Ilang araw na niyang hindi nasisilayan ang mukha ng babae sa malapitan. Laging sa CCTV lang niya nakikita ang babae nitong mga huling araw. Hindi alam ni Anthony na nasundan siya ni Brittany. Pumasok si Brittany sa loob ng venue, pero hindi siya makapasok sa loob ng function room dahil wala naman siyang imbitasyon. Naupo na lang siya sa isa sa mga mesa roon.Mayamaya ay nilapitan siya ng isang waiter.“Mam, kanina ka pa po rito. Kailangan n’yo na pong umorder. Or else, kailangan na po namin kayong palabasin.” Napalunok si Brittany. PAGKARAAN ng dalawang oras, nakita ni Brittany na dumaan si Anthony sa harap ng mesa niya. “A-Anthony! Sandali!” Biglang tumayo si Brittany para habulin si Antho
Oo, galit siya ngayon kay Anthony, pero napaka-perpekto naman kasi ng hubog ng katawan nito. Idagdag pa ang guwapong mukha nito. Kaya kahit kailan, hindi niya nahihindian ang advances nito sa kanya. Lustful… iyan ang tamang deskripsyon sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Tumikhim ng malakas si Anthony kaya biglang bumalik sa ulirat ang isip ni Analyn. “Kailan ko pa kinailangang humingi ng permiso sa iyo kapag may papupuntahin akong tao dito sa bahay ko?” “Oo. Hindi mo kailangang humingi ng permiso sa akin, kasi bahay mo ‘to. Pero sana, konting respeto naman. Bigyan mo naman ako ng kahihiyan bilang asawa mo. In the first place, hindi basta-bastang tao lang ang isinama mo ngayon sa bahay mo. Si Brittany lang naman ‘yun. Respeto lang, Sir Anthony. Thank you.” Pagkasabi nun ay tumalikod na si Analyn, akmang lalabas na siya ng kuwarto ng bigla siyang tawagin ni Anthony.“Analyn.”Huminto sa paglakad si Analyn at saka muling humarap kay Anthony. Sa isang iglap ay nasa harapan na niya
Isang buwan na ang lumipas, medyo naghilom na ang sugat ni Analyn. Kaya na rin niyang maglakad ng matagal-tagal. Balak niyang pumasok na sa opisina. Kahit pa nagdi-disenyo pa rin naman siya kahit nasa bahay siya, iba pa rin kung papasok na siya, lalo pa at siya ang head ng departamento nila. Magta-taxi na lang muna siya pansamantala. Alam niyang hindi pa siya ubrang mag-commute sa pamamagitan ng bus.Nakaligo na si Analyn at magbibihis na ng tumunog ang telepono niya.Vhance callling…Napakunot ang noo ni Analyn, nagtaka siya kung bakit siya tinatawagan ng pinsan ni Anthony. O baka naman nagkamali lang ng dial ito. Sinagot na rin niya para malaman niya ang sagot. “Vhance. Napatawag ka.”[“Cousin-in-law, nasaan ka?”]Mukhang pagod at nagpa-panic ang boses nito.“Nasa bahay, papasok na sana.”[“Cousin-in-law. I have a problem. Pasensiya ka na, wala akong ibang mapagsabihan.”]“Ano ‘yun?”[“I fail. The company failed. I will go bankrupt.”]“Ha? Ano’ng nangyari?” Pinahawakan ni Anthony
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g
Malayo-layo na ang nalakad ni Analyn pero ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa dibdib niya. “Ibang klase talaga!” inis na sabi ni Analyn.Pumara siya ng taxi at saka nagpahatid sa opisina. Nanginginig pa rin ang katawan ni Analyn kahit nung dumating na siya sa opisina ng Blank. “Oh, sister? Ano'ng nangyari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Michelle. “Wala lang,” tipid na sagot ni Analyn, at saka dumiretso sa CR.Nakatitig si Analyn sa salamin habang nasa isip niya ang imahe ng mukha kanina ni Edward. Kilala niya si Edward bilang isang matino at matuwid na tao. Kung hindi lang sila magkaaway ni Anthony, baka sakaling naging magkaibigan pa sila. Pero malabo na ngayon ang maging magkaibigan pa sila dahil sa salitang sinabi ni Edward kanina. “Lover… hah! Paano niya nagawang sabihin ”yun?”Tinitigan ni Analyn ang repleksyon niya sa salamin. Iniisip niya na baka mali ang pagkakakilala niya kay Edward. Baka ganun na talaga ang ugali nito sa simula pa lamg at nagpapanggap lang na mat
Naguguluhan si Analyn. Marami siyang tanong sa isip niya. Kinuha niya ang telepono sa bag niya at saka tumipa ng tumipa roon. Mahaba na ang nata-type niya at saka niya pinindot ang SEND na buton. Palaisipan sa kanya kung ano ba ang naging kasalanan ng ama ni Edward at nakulong ito. At alam niyang si Anthony ang tamang tao na tanungin tungkol dito.Medyo naiinip na si Analyn sa paghihintay sa sagot ni Anthony. Inisip niyang baka naka-alis na ang eroplanong sasakyan ng asawa kaya hindi na ito nakasagot sa kanya. Kaya naman ng tumunog ang telepono niya ay nagulat siya. From: AnthonyAng mga pamilya ng Zamora at De la Merced ay may magkasalungat na relasyon. Nang pa-mahalaan ng Papa ko ang mga negosyo ng De la Merced, marami siyang binagong mga policy.Sinuyo niya ang mga Zamora para maging ka-alyado sila ng De la Merced. From: AnthonyNang nagtagumpay na si Papa at nakuha naniya ang loob ng matandang Zamora, agad na Silang nagpirmahan ng kontrata. Pagkatapos nun, tumaas na an
“Hindi na kami magtatagal, baka mahuli ako sa flight ko,” anunsyo ni Anthony, “sumaglit lang talaga kami ng asawa ko rito.”“Salamat,” sagot ni Mercy. Nasa lobby na ng ospital sina Anthony at Analyn. “Kailangan ko ng umalis, misis ko. Ipahatid na lang kita sa driver?” “Okay.”Samantala, kasunod na bumaba nila Anthony at Analyn si Edward, kaya nakita pa sila ng huli roon sa lobby ng ospital. Naabutan niya na hawak ni Anthony sa mga balikat niya si Analyn at binigyan ito ng halik sa kanyang noo. Sakto rin na pumarada ang sasakyan ni Anthony sa tapat ng dalawa at saka sumakay na roon si Anthony. Ibinaba ni Anthony ang salaming bintana.“Naalala ko pala. Iyong bahay na tinitirhan ngayon ng Papa mo, si Vhance ang naghanap nun, di ba?” “Oo.”“I don’t have the time. Kunin mo muna ang Papa mo roon at patirahin mo muna sa bahay natin. Nag-away kami ni Vhance. Mabuti na ‘yung nag-iingat tayo. Hindi natin alam ang takbo ng isip niya. Pwedeng gamitin niya ang Papa mo laban sa akin.”Alam