THIRD PERSON POV
Lumipas ang oras at nanatili silang dalawa sa ilog. Matapos nilang maligo ay pareho silang naupo sa isang malaking bato habang nakalubog ang kanilang mga paa sa tubig at nakatuon ang mga mata sa tubig na napakapayapa.Napalingon na lamang si Amara kay Clayton ng maramdaman niyang may humawak sa kaniyang kamay, napangiti na lamang sila sa isa’t isa. Tila ba ang mga oras na iyun wala silang inisip kundi ang isa’t isa. Inalis sa kanilang isipan ang maaaring kakaharapin nilang problema. Ang magkaroon ng kapayapaan sa loob ng ilang oras ay tila nakakapagpabigay sa kanila ng kapahingaan sa isip at sa katawan. Sarili lang nila ang nakikita at naririnig nila, gustong kalimutan ang mga sandaling naranasan na kahirapan.Walang nakakasiguro kung anong pwedeng mangyari bukas o maaaaring mamaya.“Kung may kakayahan lang ako para ihinto ang oras, gagawin ko makasama lang kita.” Bahagya na“Para kang ang ina mo, mahilig siyang panuorin ang liwanag ng buwan.” Napalingon naman si Amara sa Lola niyang biglang nagkwento tungkol sa kaniyang ina, naguguluhan siya dahil sa tagal niya ng nabubuhay sa mundo ay ngayon lamang ito nagbanggit tungkol dito. “Alam mo bang ipinanganak ka ng kabilugan ng buwan?” tanong pa niya, umiwas na lamang siya ng tingin at tumango. “Isinilang ang pinakamahalaga sa aming lahat, ang nagbigay sa akin ng kulay sa buhay. Alam kong nagtataka ka kung nasaan ang mga magulang mo at iniwan ka sa akin. Sana hindi ka nagtanim ng galit sa iyong ama at ina dahil ang ginawa nila ay para sayo, para sa kaligtasan mo.”Hindi siya sumagot, mas lalong napuno ng katanungan ang kaniyang isip, tungkol sa kaniyang mga magulang, sa pag-iwan sa kaniya ng mga ito at ang totoo niyang katauhan, nasaan ba talaga ang mga magulang niya at bakit para saan ang kaniyang kaligtasan. Gusto niyang tanungin lahat pero hindi niya alam k
Nagpaalam na aalis na muna ang mga lobo para makabalik sa kanilang kaharian, may biglaang meeting ang kanilang konseho kaya kinailangan nilang bumalik. Mahalaga ang presensya ng kanilang Alpha sa gagawing pagpupulong.“I’ll be back after this.” Paalam ni Clayton kay Amara. Ngumiti na lamang siya at tumango. Umalis na ang mga lobo at mabilis na nag-anyong lobo ng sa ganun ay makarating sila kaagad sa kanilang kaharian.Pagkalipas ng ilang oras na paglalakbay nila ay nakarating din sila sa kaharian at dumiretso na sila sa kwartong paggaganapan ng kanilang pagpupulong.Napakunot na lamang si Clayton ng makitang lahat ng konseho ay kompleto sa kanilang mga upuan. Hindi sila nakokompleto lahat lalo na kung hindi masyadong mahalaga ang pag-uusapan. Nagtataka silang tiningnan pa ang ibang nasa royal blood ng ibang mga nilalang. Umupo na lamang sa harap si Clayton at sumunod naman sa kaniya ang dalawa pang kasama at naupo sa kaniyang tabi.
“KUYA!” sigaw ni Ivan ng makita ang Kuya niyang sunod sunod na ibinagsak ang mga babasagin niyang gamit. Sapilitan niyang inagaw iyun at hinawakan sa magkabilang balikat ang Kuya niya. “Kuya listen to me, walang mangyayari sa pagwawala mo.”“Sino ang nagpakalat ng ganung balita?” ang kaniyang tinig na minsan mo lang marinig, tinig na magpapatayo sa mga balahibo mo. Ang tinig niyang ano mang oras ay makakapatay na. Sunod sunod na napalunok si Ivan dahil ang huli niyang marinig ang tinig na iyun ng kaniyang Kuya ay halos pumatay ng dalawampung nilalang at wala sino man ang nakapigil sa kaniya.“Kuya.” Natatakot na ring usal ni Ivan, matalim siyang tinitigan ni Clayton.“Answer me Ivan, sino ang nagpakalat nun?! I will kill them!!”“Kuya.” Tanging naiusal niya, napasabunot na lamang si Clayton sa kaniyang sarili.“Just fucking answer me!!”
Dahan dahan na kumalas sa pagkakayakap si Clayton at tiningnan si Amara. Panay hikbi na lamang nito ang maririnig, ang pagtaas baba ng kaniyang balikat at ang nanginginig niyang mga kamay. Inilibot niya ang kaniyang paningin at halos manlumo siya sa kaniyang nakita, halos mapuno ang kanilang bakuran ng mga nakabulagta ng mga katawan at wala ng buhay. Mas lalo itong napaiyak at naitakip na lamang ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.Hinawakan na lamang ni Clayton ang ulo ni Amara at dahan dahan niya itong isinandal sa kaniyang dibdib, maging siya ay nasasaktan kapag nakikitang umiiyak ang dalaga.“Hindi mo ginusto Amara, please stop crying.” Pag-aalo niya dito at hinaplos na lamang ang likod ng dalaga dahil patuloy ito sa kaniyang pag-iyak.“No, ginusto ko rin Clayton, hindi ko na maintindihan ang sarili ko alam ko ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan. Gising na gising lang ako pero wala akong magawa para ihinto.” Mas
Nakaabang si Ivan sa tapat ni Amara habang si James ay pinipilit na pakalmahin si Samantha subalit nagulat na lamang silang lahat ng biglang tumalsik si Samantha. Naging mabilis ang kilos ni James at Ivan. Sinalo ni Ivan si Amara na hinahabol ang kaniyang hininga habang si James naman ay pinuntahan si Samantha na tumama ang likod sa isang puno.Tiningnan naman nila si Clayton na galit na nakatingin sa kanila. Mabilis na dinakwit ni Clayton ang kwelyo ni Samantha at iniangat ito.“Kuya!” sigaw ni Ivan, hindi siya makalapit dahil buhat buhat niya pa rin si Amara.“A-Alpha Clayton.” Nahiirapang sambit ni Samantha sa pangalan ni Clayton.“Sinong nag-utos sayo na galawin siya ha?” malamig niyang tanong dito.“P-Pasensya na.” sagot niya, nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata ng mas higpitan ni Clayton ang pagkakasakal sa kaniya.“Sa susunod na gagawin mo pa
Lumipas ang araw, naging mabilis din ang paggaling ng sugat ni Clayton. Sinubukan ding kontrolin ni Amara ang kaniyang kapangyarihan ng palihim. Lumalabas siya ng bahay para itraining ang sarili. Natatakot din siyang maglakbay ng mag-isa at hindi gamay ang kaniyang kapangyarihan. Makontrol niya man lang kahit kaunti ang kapangyarihan niya okay na para ituloy ang paglalakbay at paghahanap niya sa kasagutan ng lahat.Napapaisip na rin si Clayton, gusto niyang magtanong sa katauhan ni Amara subalit natatakot siyang marinig ang kasagutan dahil paano nga kung nakompirma niya? hindi siya handa lalo na at kailangan nga nilang patayin ang katulad niya.“Pag-isipan mong mabuti Alpha Clayton, nababahala kami para sa mga mahal namin sa buhay.” Muling nagkaroon ng pagpupulong sa kaniyang kaharian na pinuntahan ng mga iba ibang nilalang.“Nabalitaan namin ang nangyari sa mga grim reapers.” Sabat ng pinuno ng gumiho.&ldq
‘I don’t want to be an evil, ayaw kong kamuhian ako ng ibang nilalang. Alam kong darating ang oras na malalaman ni Clayton ang tungkol sa akin.’ Nagtataka siyang nakatingin kay Amara habang nakayuko pa rin ito, kita niya rin ang pag-angat ng balikat ng dalaga dahil sa paghugot nito ng malalim na hininga. ‘Kailangan kong masagot lahat ng katanungan ko, hindi pwedeng habang buhay akong makukulong sa mga iyak ng mga napatay ko.’Muntik pa niyang maibagsak ang batong nakalutang sa tapat ni Amara dahil sa pagtataka. Naguguluhan siya kung nagsalita ba si Amara o nabasa niya ang isip nito.‘Impossible,’ hindi makapaniwalang wika ni Clayton sa kaniyang sarili. ‘Anong nangyayari? Bakit parang nababasa ko ang isip niya?’ halos manghina ang kaniyang tuhod at nawala naman ang control niya sa batong nasa uluhan lang ni Amara. Hindi niya iyun namalayan, naramdaman naman iyun ni Amara at mabilis na ikinum
Pagkatapos ng nangyari sa kagubatan na iyun ay bumalik si Clayton sa baba ng bundok upang hanapin si Amara, hating gabi na ng kumatok ito sa pintuan. Ilang minuto pa siyang naghintay sa labas bago may bumukas ng pintuan sumalubong naman sa kaniya ang matandang mukhang kagigising lang.“Oh, iho anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” paos niyang tanong. Seryoso naman si Clayton na nakatingin sa matanda.“Where is Amara?” tila nagising naman ang diwa ng matanda ng seryosong nagtanong ang binata.Nakaramdam din siya ng kaba, inaasahan niya namang malalaman ni Clayton ang lahat subalit hindi niya inaasahan na maglalakbay ito ng ganitong oras para hanapin si Amara.“Wala siya dito.” Tanging sagot ng matanda. Bumuntong hininga naman si Clayton saka malumanay na nagsalita.“Can you answer my question? Anak ba siya—“ hindi na natapos ni Clayton ang kaniyang sasabihin ng hilain
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you