‘I don’t want to be an evil, ayaw kong kamuhian ako ng ibang nilalang. Alam kong darating ang oras na malalaman ni Clayton ang tungkol sa akin.’ Nagtataka siyang nakatingin kay Amara habang nakayuko pa rin ito, kita niya rin ang pag-angat ng balikat ng dalaga dahil sa paghugot nito ng malalim na hininga. ‘Kailangan kong masagot lahat ng katanungan ko, hindi pwedeng habang buhay akong makukulong sa mga iyak ng mga napatay ko.’
Muntik pa niyang maibagsak ang batong nakalutang sa tapat ni Amara dahil sa pagtataka. Naguguluhan siya kung nagsalita ba si Amara o nabasa niya ang isip nito.
‘Impossible,’ hindi makapaniwalang wika ni Clayton sa kaniyang sarili. ‘Anong nangyayari? Bakit parang nababasa ko ang isip niya?’ halos manghina ang kaniyang tuhod at nawala naman ang control niya sa batong nasa uluhan lang ni Amara. Hindi niya iyun namalayan, naramdaman naman iyun ni Amara at mabilis na ikinumPagkatapos ng nangyari sa kagubatan na iyun ay bumalik si Clayton sa baba ng bundok upang hanapin si Amara, hating gabi na ng kumatok ito sa pintuan. Ilang minuto pa siyang naghintay sa labas bago may bumukas ng pintuan sumalubong naman sa kaniya ang matandang mukhang kagigising lang.“Oh, iho anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” paos niyang tanong. Seryoso naman si Clayton na nakatingin sa matanda.“Where is Amara?” tila nagising naman ang diwa ng matanda ng seryosong nagtanong ang binata.Nakaramdam din siya ng kaba, inaasahan niya namang malalaman ni Clayton ang lahat subalit hindi niya inaasahan na maglalakbay ito ng ganitong oras para hanapin si Amara.“Wala siya dito.” Tanging sagot ng matanda. Bumuntong hininga naman si Clayton saka malumanay na nagsalita.“Can you answer my question? Anak ba siya—“ hindi na natapos ni Clayton ang kaniyang sasabihin ng hilain
Paulit ulit siyang umiling at umaasang hindi totoo ang sinabi ni Clayton. Ayaw niya ng makitang mahirapan pa ang Apo niya, ayaw niya ng iparanas pa ang naranasan ng mga magulang nito. Bakit kailangang maulit ang nakaraan? Bakit kailangang maulit ang lahat? at sa anak at apo pa niya?“No, this is not happening.” Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Hindi siya hadlang sa kung sino man ang makakapareha ng kaniyang apo subalit bakit kailangang sa isang lobo nanaman? Bakit kailangan niyang maranasan ang nangyari sa kaniyang mga magulang? Hindi pa siya tapos sa kinakaharap niyang problema na wala pang kasiguraduhan kung maayos pa ba o malulutasan pa niya, subalit ano nanaman itong problemang dumating sa kaniya?Napahilot na lamang sa noo si Amelia dahil sumasakit ang ulo niya sa kaiisip, tila ba isinumpa ang kababaihan sa kaniyang pamilya. Hindi pa ba sapat ang minsang nangyari kay Amaia at Dawn? Hindi pa rin ba nakokontento ang Dyosa ng buwan
AMARA POVIlang araw na akong naglalakbay sa walang katapusan na kagubatang ito, para akong naglalakad sa walang katapusang daan at walang kasiguraduhan. Napahawak na lang ako sa tiyan kong wala pa ring laman hanggang ngayon. Nagugutom na ako, nanghihina na rin ako dahil kahit tubig ay wala akong baon baon. Hindi na ako nakauwi noong gabing iyun sa bahay dahil alam kong hindi na ligtas, hindi sila titigil hangga’t hindi ako nahuhuli. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Lola, sana maayos lang siya.Naalala ko naman si Clayton, anong ginagawa niya sa lugar na yun ng ganung oras? Akala ko ba nasa kaharian niya lang siya? Bakit siya nandun? Mapait na lang akong napangiti ng maalalang muntik niya akong patayin parang sinasaksak ng ilang libo ang puso ko sa ginawa niya. Kung hindi ko naramdaman ang batong nasa itaas ko pala ay mamatay ako, hindi biro ang laki ng batong ibabagsak niya sa akin.Napabuntong hininga na lang ak
"Stupid.” Usal ko sa sarili ko ng marealize ko ang ginawa kong paghabol kanina sa usa kung pwede ko naman palang gamitin ang kapangyarihan ko. Pinahirapan ko pa ang sarili ko. Umahon na ako sa ilog at nanguha ng mga kahoy para maihaw ko na itong isda. Ng makaipon na ako ng sapat na kahoy para pang ihaw ay pinaapoy ko na ito, tinuhog ko na rin ang kawawang isda.“Pasensya ka na kung ikaw ang panglalaman ko ngayon sa tiyan ko, gutom na gutom na talaga ako.” itinapat ko na ito sa apoy at pinaikot ikot, para akong naging taong kalye sa kalagayan ko ngayon. Pati sa pagkain ay nahihirapan ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto, amoy pa lang niya natatakam na talaga ako. Inahon ko na ito ng pwede ng kainin, gutom na talaga ako. Hinipan hipan ko pa ito dahil mainit pa, umupo ako sa tabi ng puno saka sumandal dun.Magdidilim nanaman pala pero ito pa lang ang laman ng tiyan ko, kung magpapatuloy na ganito ang mangyayari sa akin baka hindi ko pa lang nahaha
Hinang hina na akong naglalakad, ilang oras na akong naglalakbay pero wala pa rin akong makitang ilog na pwede kong pag-inuman. Wala na akong lakas para gamitin ang kapangyarihan ko, natatakot din akong gamitin dahil baka mawala ako sa sarili ko o makontrol ako ng sarili kong kapangyarihan.Napahawak na lang ako sa isang puno ng maramdaman ko na ang pagkahilo ko, umiikot na talaga ang paligid ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko, wala akong kasiguraduhan sa mangyayari sa akin.Unti unti ng nandilim ang paligid ko, hinanda ko na rin ang katawan ko sa magiging impact nun sa pagbagsak ko. Hindi ko alam kung nag-iilusyon na ba ako dahil sa pagod, gutom at pagkauhaw dahil may naaninag akong tao. Akala ko lupa ang babagsakan ko pero pakiramdam ko para itong isang bisig ng kung sino.Masyado lang siguro akong pagod kaya kung ano ano na ang nakikita ko. Tuluyan ko ng naipikit ang mga mata ko.***Dahan dahan kong iminulat ang mga mata k
“I’m just concerned.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya, concerned? Uso pa ba ang salitang iyun dito? Lalo na kung hindi mo naman kilala ang isang nilalang. “You’re not safe here iha.” Nilingon ko siya at tinitigan ang mukha niya, bata pa siya kung titingnan pero kung kausapin ako akala mo parang ang laki ng agwat ng taon namin. “Huwag kang palilinlang sa mga nakikita mo, hindi ako katulad ng iniisip mo.”Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang isang lalaki.“Nandiyan na si Ama, Ina.” Halos mag-isang guhit na lang ang mga kilay ko ng tawagin niyang Ina ang babaeng kausap ko. Papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa, paano niyang naging anak ito kung ganiyan kabata ang mukha niya? Kung titigan mong mabuti para lang silang magkaedad.Napalingon naman ako dito sa lalaking ito ng kunot noo niya akong tiningnan, sinundan ko pa ang bawat tingin ng mga mata niy
Nanatili na lang ako dito sa ilog at least dito makakapag-isip ako ng maayos, malayo sa magulong paligid. Hindi ko inisip na darating ang panahon na magiging kakambal ko ang problema. Wala lang akong pinoproblema noong kami pa lamang ni Lola. Namimiss ko na rin si Lola, kamusta na kaya siya? Hinayaan kong lumandas ang mga luha ko, hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin lahat ng ito, ang paglayo ko kay Lola, ang paglalakbay ko ng mag-isa. Napayuko na lang ako at pinunasan ang mga luha ko ng may umupo sa tabi ko. Hindi ko na iyun nilingon pa dahil base pa lang naman sa suot niyang nakita ko kanina ay alam ko na.“Pasensya ka na iha, ganun lang talaga si Lucas pero mabait siya.” Wika niya sa akin.“Hindi naman po iyun eh, ayos lang po ako.” kita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako pero nilaro ko na lang ang tubig gamit ang mga paa ko.“Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit ka napadpad sa ka
“Gaya ng sabi ko sayo ang lugar na kinabibilangan namin ngayon ay wala sa mapa dahil ng mag-umpisa kaming tumira dito ay wala kahit anong nilalang ang nandito. Halo halo kaming mga nandito, ang mga nilalang na mas pinili ang katahimikan kesa sa mga kaharian naming nakakasakal.”“Kung ganun po maaaring may lobo at bampira rin dito?”“Ganun na nga, isa ako sa mga bampira.” Ngiti niyang wika. “Pero hindi ako katulad ng iniisip mo, hindi lahat ng katulad ko ay masama.” Dagdag pa niya. Hindi naman yun ang ang iniisip ko, siguro iba iba lang talaga ang ugali o paniniwala ng bawat nilalang dahil kahit naman sa normal na mundo ay ganun, iba ibang ugali ang makakasalamuha mo.“Hindi naman ho ganun ang iniisip ko.”“Mabuti naman kung ganun, hindi kami pumapaslang ng tao para mabuhay. Ang dugo ng hayop paminsan minsan ay sapat na para mabuhay kami.”&nb
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you