Napangisi si Jona nang makitang na seen na ni Janina ang message niya. Larawan iyon ni Minche na nakaupo sa sofa at hinihilot ng katulong ang binti nito. Kahit may CCTV ay hindi halatang siya ang may gawa sa pagkadulas ng kapatid ni Timothy. "Try mong magpakadulas, tingnan natin kung pupuntahan ka ni Timothy." Nang aasar na reply ni Janina kay Jona."Bitch!" Angil ni Jona sa cellphone habang mahigpit ang paghawak doon. Kahit napikon sa reply ng babae ay hindi niya ipinakita dito. Ngumiti pa rin siya sa reply dito. "Hindi pa naman ako tulad mong disperada." Nang uuyam niyang reply dito."Oh, hindi pa pala iyan ang tingin mo sa iyong ginagawa. Ano na kaya ang maging mukha mo kapag dumating sa level ng utak mo ang pagkadisperada mo?" Nang aasar na reply muli ni Janina sa message ni Jona."Ahhh, fuck you!" Inis na minura niya na ang kausap sa chat. "Pakasaya ka ngayon, laging nasa akin ang huling halakhak!" Reply niya kay Janina.Hindi na nag aksaya si Janina na mag reply pa sa babae. Ma
"Yaya, ako na ang bahala sa anak ko. Maari ka nang magpahinga." Pagtataboy ni Jona sa katulong."Sorry po, ma'am, pero hindi ko kailangang iwan ang senyorito lalo na at wala ang daddy at tita niya." Magalamg na paliwanag ng katulong."Estupuda!" Inis na bulong ni Jona oara sa katulong pero sarili lang ang nakarinig."Yaya, kaya ko na pong mag isa lang sa banyo." Pagtataboy ni Trix aa katulong nang nasa bunggad na sila ng banyo."Sandali po, senyorito at tingnan ko muna ang kung safe." Nagmamadali nang tiningnan ng katulong ang gamit maging ang sahig.Napaismid si Jona habang pinapanood ang ginagawa ng katulong. Talagang sinisigurong safe ang banyo na para bang may magtatanim ng bomba doon. "Tapos ka na? Kung ok na ay lumabas ka na!" Hindi na naman niya napigilang magtaray sa katulong."Lumabas ka rin at kaya ko na ang sarili ko." Pagsusungit ni Trix sa ina.Sinamaan ni Jona ng tingin ang katulong at halatang pinagtatawanan siya dahil pinaalis din siya ng sariling anak. "Ano ang nakaka
"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito?" pagalit na tanong ni Jona sa katulong nang nakita si Janina na nakaupo sa sala at kausap si Ethan."Kararating niya lang po at gustong bisitahin si Ma'am Minche." Sagot ng katulong.Inis na naikuyom ni Jona ang dalawang kamay ay matalim ang ipinukol sa babaeng nakatalikod. Mabilis siyang naglakad at nilapitan ang dalawa. "Hi, nandito ka pala." Gumanti si Janina ng matamis na ngit kay Jona at gustong isagot na 'obvious ba?' Pero syempre hangang isipan niya lang iyon at nasa tabi niya si Timothy na kanina pa hindi natuwa sa pagdating niya. Lihim siyang napangiti at biglang tumayo upang makipag beso beso kay Jona.Nagulat si Jona sa ginawa ng babae. Hindi niya napaghandaan ang ginawang paghalik nito sa pisngi niya ang kagulat pa ay ang binulong nito."Nagpunta ako dito para akitin si Timothy," bulong niya bago bahagyang lumayo kay Jona.Dala ng gulat at galit ay naitulak niya si Janina. Pero mahina lamang ang ginawa niya kaya nagulat siya nang ma
"Tayo na at naghihintay si Ate sa loob."Mabilis niyang pinigilan sa paghakbang si Timothy. "Ma-magkasama ba kayo natulog kagabi?" Bigla siyang nag iwas ng tingin sa binata matapos isatinig ang kagabi pang gumugulo sa isipan niya."Napaidlip lang ako habang pinapatulog si Trix kagabi at binabasahan niya ng libro ang anak ko."Sapat na ang narinig ni Janina mula sa binata. Dahil sa tuwa ay nahalikan niya ito sa pisngi at nagmamadali nang binuksan ang pinto ng silid ni Minche. Alam na nitong papasok siya kaya hindi na kumatok.Mukhang natulala si Timothy habang sapo ang pisngi kung saan lumapat ang labi ng dalaga. Kalaunan ay napangiti siya. Hindi na siya pumasok sa silid ng kapatid at kailangan na rin niyang maghanda sa pagpasok sa opisina.Masayang ngumiti si Minche sa dalaga nang makaupo ito sa tabi niya. "Ok na ba ang paa mo?"Nahihiyang tumango si Janina sa kapatid ni Timothy. Hindi siya naging mag ingat kanina sa paglalakad papasok dahil sa pagmamadaling makalayo lay Timothy. Nak
"May problema ba?" tanong ni Timothy sa dalaga nang mapansin na mukhang hindi ito mapakali matapos matingnan ang cellphone. Mabilis na ibinalik ni Janina ang cellphone sa bag at umiling sa binata. "Nothing, sorry pero mauna na ako at may kailangan akong puntahan." Kahit hindi pa tapos kumain ay tumayo na siya.Mabilis na tumayo na rin si Timothy, "sabay na tayo.""Timothy, hindi ka pa tapos kumain saka ang anak natin." Pigil ni Jona sa binata.Napansin ni Janina na nagdalawang isip ang binata na sumabay pa sa kaniya. Ayaw niya rin namang maiwan si Trix na hindi pa tapos kaumain. "Huwag mo na akong ihatid. Tapusin mo na ang pagkain mo at samahan si Trix.Napabuntong hininga si Timothy saka binitiwan na ang kamay ng dalaga. "Mag ingat ka sa pagmaneho at pupunta ako mamaya sa opisina mo."Pilit na ngumiti si Janina saka tumango sa binata. Pero bago siya umalis ay humalik siya sa pisngi ni Trix. Kitang kita niya sa isang sulok ng mata niya ang pagtalim ng tingin sa kaniya ni Jona. Alam n
Dumiritso si Timothy sa opisina ni Tyron nang hindi makita si Janina sa office nito."Mukhang napadalas ang tambay mo dito sa kompanya ko?" Nakangising bati ni Tyron sa kaibigan."May limit na ba ang pagpunta ko dito?" Aroganteng sagot ni Timothy "Hindi pumasok si Janina ngayon at hindi ko rin alam kung nasaan siya at anong reason kung bakit absentdiya today." Malayong sagot niya sa kaibigan at alam naman niyang ang dalagang iyon ang dahilan. Kahit hindi aamin ang kaibigan ay alam niyang si Janina ang apple of the eye nito ngayon."Ang ibig mong sabihin ay hindi siya pumasok mula kaninang umaga?""Hindi ba siya nagsabi sa iyo?" balik tanong ni Tyron sa kaibigan.Naihilamos ni Timothy ang palad sa mukha bago napabuga ng hangin sa bibig. "Hindi ko siya hahanapin dito kung alam ko!" Iritable niyang angil kay Tyron."Hey, hindi ko kasalanan kung wala siya dito ngayon. Isa pa ay ikaw ang lagi niyang kasama kaya ikaw ang may responsibilidad sa kaniya." Defensive na ani Tyron."Sorry, nag a
"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" May kasamang panunumbat na ani Timothy habang hinahaplos ang buhok ng dalaga."Ba-bakit?" Wala sa sariling tanong niya sa binata.Binitiwan niya ang dalaga at lumabas ng sasakyan. Kailangan niyang lumanghap ng maraming hangin upang pakalmahin ang sarili. Nang sinabi kanina ng tao ni Tyron na nasa hospital ang location ng dalaga ay sobra siyang nag aalala. Buong akala niya ay na hospital na ito, buti at nakita niya agad ang sasakyan nito sa parking area.Mabagal siyang lumabas ng sasakyan upang lapitan sana ang binata ngunit napasandal siya sa sasakyan dahil nakaramdam ng pagkahilo.Mabilis na hinapit niya sa baywang ang dalaga nang makitang nabuway ito sa kinatayuan. Nang makitang namumutla ito ay mabilis niyang binuhat."Hu-huwag!" Nanghihinang pigil niya sa binata nang tangkang dalhin siya sa loob ng hospital."Huwag matigas ang ulo at kailangan mong matingnan ng doctor."Please!" Humigpit ang hawak niya sa braso ng binata. "Ok lang ako. Gust
"Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Janina sa binata saka idinikit ang matangos na ilong sa likod nito. Ang bango ng binata kahit galing sa trabaho. "Alam kong wala akong karapatan sa iyo lalo na ang mag demand sa time at atensyon mo, pero sana ay huwag mong kalimutang may nag aalala sa iyo at huwag mo rin pabayaan ang sarili mo." Naantig ang damdamin niya dahil sa mga sinabi ni Timothy. Naiiyak na naman siya at nalungkot. Mabuti pa ibang tao at inaalala siya. "Sorry talaga, hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin kanina."Binitiwan ni Timothy ang sponge at mabilis na naghugas ng kamay saka humarap sa dalaga. Nang makitang namumula na naman ang mga mata nito ay niyakap niya ito. "Alright, hindi na ako galit. Sobra lang ako nag alala sa iyo kaya nagkaganito." Nag angat ng tingin si Janina at nakikiusap ang baluluhang mga mata sa binata. "Can you help me?"Napatiim bagang si Timothy at ramdam niya ang pighating nadarama ng dalaga. Gusto niya ring magalit sa sarili dahil isa siya
Kahit may baril na nakatutok sa kaniya ay maliksi pa ring kumilos si Paul. Dumaklot siya ng lupa at isinaboy iyon sa babae sabay bangon. Bago pa ito makabawi sa oagkabigla ay sinipa niya ito ngunit nailigan pa rin. Nangalit ang bagang niya nang ngumiti ang babae. Hindi siya maaring tumagal doon. Kahit gusto niyang basagin ang mukha ng babae ay pinili niyang umalis. Ngumit pagkatalikod niya ay may lalaking nakahatang na sa daraanan niya. At hindi lang basta nakaharang dahil may baril ding hawak at nakatutok na sa kaniya."Police ito at napapalibutan ka na namin!" Pakiramdam ni Paul ay may bombang sumabog sa ulo niya. Napatulala na lang siya nang pagtulungan siyang lagyan ng posas sa dalawang kamay. Napahagulhol ng iyak si Jona nang maalis na ang busal sa kaniyang bibig. Ibinaba na rin siya sa sasakyan. Tulad ni Paul ay naka posas din ang mga kamay niya.Lalong nanlaki ang ulo ni Paul at nanlaki ang mga mata nang makita si Jona. "Damn, kahit kailan ay dinadamay mo ako sa pagiging tang
"Sir wala pa sa location ang suspect." Napangisi si Jona nang marinig ang tinig na nagmula sa radyo na hawak ng Timothy. Napakuyom ng kamay si Timothy at mukhang naniniguro si Paul bago magpakita sa tagpuan. Kita sa mukha ni Jona na natuwa ito sa narinig. Napatingin siya sa cellphone ni Jona nang tumunog iyon at si Paul ang natawag. "Nasaan na ang stand in?"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jona sa narinig. Bigla siyang kinabahan at mukhang may ibang plano si Timothy na hindi sang ayon sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumukas ng pinto at tumambad sa kaniya ang mukha ng isang babaeng na sa unang tingin ay kamukha niya. "Takpan ang bibig niya upang hindi makalikha ng ingay." Timothy sa tauhan habang nakatingin kay Jona."No, please... Timothy hindi ka magtatagumpay at matalino si Paul!" Nanlilisik ang mga mata ni Jona ngunit wala na naman siya nagawa nang malagyan ng busal ang bibig niya."Sagutin mo at sabihing malapit na kayo sa location." Ibinigay ni Timothy ang cellphone sa baba
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy