Share

Chapter IV

Author: maria lopez
last update Last Updated: 2022-02-20 03:30:27

KINAKABAHAN si Gio habang hinaharana ng banda ang kanyang nobya. Tanaw ang Burj Kalifa mula sa restaurant kung nasaan sila. Birthday ni Loraine. Itinaon niya ang pag-propose sa araw na ito para hindi mahalata na may binabalak siya.

Pinapanood ni Loraine ang banda at bigla niyang naalala si Vince. May hawig ang bokalista nito sa kanya. Ang awiting hinandog ay kanta niya para sa dating asawa.

Kumusta na kaya siya? Nakamove on na kaya siya?

“Babe!” tawag ni Gio na pumutol sa pag-iisip niya sa ex-husband.

“Yes babe, what’s the matter?” tanong nito.

“The moment we knew each other. I know that I want you in my life. And today, I want to ask you something.” Lumuhod si Gio at nilabas ang diamond ring. “Babe, Will you spend the rest of your days with me?”

Nagulat si Loraine at napaluha. Hindi niya inaasahan ito. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang excitement at kaba. Sumagot siya ng mahina.

“Yes”

“Louder” sigaw ng mga kaibigan at colleagues niya sa restaurant.  

Kahit mga kitchen staffs ay lumabas upang masaksihan ang pag-propose sa kanilang Chef. Matagal na rin nagtrabaho si Loraine sa restaurant na ito. Ito ang nag-silbing stepping stone niya sa pagtupad ng mga pangarap niya. Naging saksi rin ito sa mga hirap at sakripisyo niya. Dito niya rin nakilala si Gio, ang boyfriend niya na ngayon ay fiancée na.

“Yes!!!” masaya at malakas na sagot nito.

Tumayo mula sa pagkakaluhod si Gio at niyakap ng mahigpit ang kabiyak. Damang dama sa buong paligid ang pagmamahalan ng dalawa.

Nakatanggap ng maraming pagbati ang magkasintahan. Nagpakuha rin sila ng litrato na kita ang suot na singsing sa daliri. Pinost ito ni Loraine sa kanyang social media account at agad  na nakatanggap ng maraming likes at pagbati.

SINAGOT ni Vince ang tawag mula kay Cristian. It’s past midnight and hindi ito gawain ng kaibigan kaya naisip niya na emergency.

“Hello pare, anong nangyari?” nag-aalalang tanong nito.

“Vince, pare, yung ex-wife mo engaged na.”

Natahimik siya ng ilang minuto bago mag-tanong.

“Kailan?”

“Ngayon lang siguro, kakapost niya lang. Sabi sa caption ay ‘I said yes. Flying to Philippines very soon.’”

“Good for her. Sige pare, bye!” pinutol na ni Vince ang pag-uusap nila.

Umupo siya sa kanyang malaking kama at yumuko.

Why do you want to get married right away after the annulment Loraine? Maybe you have moved on long before leaving me. How dare you na sirain ang pamilya natin. Ngayon bibigyan mo ng bagong tatay ang anak ko. Hindi ako papayag na ikaw lang umusad ang buhay. Wala kang karapatan na mag-move on. Ako muna dapat. Ako ang sinaktan mo.

Sinagot ni Cristian ang tawag ni Vince. It’s unusual of him kaya inisip niya na emergency. “Parekoy, good morning, may nangyari ba sa’yo?” tanong nito habang humihikab. “Pare, pumunta ka ngayon sa bahay ko please. Urgent ito. Ngayon na mismo. Huwag ka ng mag-ayos pa. Umalis ka na dyan. Dito ka na mag-almusal.”

“Ha? Napaano ka?”

“Emergency ito pare, huwag ka na mag-tanong pa.”

“O sige. Hintayin mo ako.”

Nagmadaling lumabas si Cristian ng kuwarto nilang mag-asawa at kinuha ang susi ng sasakyan. Pinaandar niya ito at nag-tungo na sa bahay nila Vince.

Binuksan ni Vince ang gate ng garahe upang makapasok ang sasakyan ni Cristian.  Sinalubong niya rin ito pagbaba nito sa kotse.

“Akala ko ba emergency? Parang okay ka naman.” Inis na tanong nito.

“Pare, kailangan ko ang tulong mo. Urgent ito.” Sagot niya sabay akbay sa kaibigan at ginayak papunta sa loob ng bahay.

Umupo ang dalawa sa hapagkainan. May nakahain na sa lamesa na usual favorites nila kapag breakfast. Nag-simula na si Cristian na kumain.

“Pare, napagisipan ko yung parati mong sinasabi. Tama ka ‘eh. Dapat nga ata na tuluyan ko nalang si Carla.”

Naluwa ng kaibigan niya ang kinakain nito.

“Ano ka ba? Bigla mo nalang siningit yan. Apektado ka ba sa binalita ko sa’yo at agad ang pagdedesisyon mo?”

“Bakit pa patatagalin? ‘eh matagal na kaming magkakilala. Sabi mo nga, dadagdagan nalang ng romansa. Mapagaaralan naman yun pare.”

“Akala ko ba allergic ka sa asawa at kasal? Kakagrant lang ng annulment niyo ni Loraine ha?”

“Si Loraine lang ba pwedeng mag-move on? Gusto ko pa rin naman mag-asawa. Come to think of it. Gustong gusto na ni Carla mag-asawa. I’m going to do her a favor. Pag nag-asawa siya, hindi na siya makakarinig ng sermon ng nanay niya plus makakaalis na siya sa kanila. Ako naman, may mukhang maihaharap sa taong nang-iwan sa akin. Lagay ba ay siya lang ang masaya?”

“Bahala ka. Paalala ko lang sa’yo pare ha, kaibigan natin si Carla. Huwag mo sana siyang saktan dahil sa gagawin mo,”

“Ang advance mo naman mag-isip. Sasaktan agad? Walang masasaktan kung walang feelings involved.”

“Ewan ko sa’yo. Anong plano mo?”

“Mag-propose! Tulungan mo ako. Kitain mo si Carla, kausapin mo siya ng masinsinan.  Iparealize mo sa kanya yung advantage kapag pumayag siya na magpakasal sa akin. Tapos pag kumbinsido na siya, darating ako bigla at mag-propropose.”

“Sige. Ako na bahala, susuportahan kita dito dahil gusto ko naman talaga kayo magkatuluyan. Pero labas na ako sa kung ano man ang mapagkasunduan niyo ha.” Tinuloy ni Cristian ang pag-kain niya ng almusal.

“Salamat parekoy! You’re the best… and the best man.” Nakangiting sambit ni Vince.

NAG-IINIT ng tubig si Carla. It’s Sunday morning and she woke up early to meditate. She learned that yoga can help her manage stress which she thinks na nag-trigger ng pagbaba ng estrogen niya. Kumulo na ang tubig. Binuhos niya ito sa baso na may lamang green tea. Maya maya ay nag-ring ang cellphone niya. Si Cristian ang tumatawag.

“Cristian, anong emergency? Bakit tumatawag ka ng ganitong oras?” panic niyang sinagot ito.

“Relax parekoy! Good morning pala. Invite kita mamaya, may bible study kasi kami sa building malapit sa inyo. Sakto, baka masagot yung mga katanungan ng puso mo.” Bakit parang nababasa nito ang isip niya at alam na may mga bumabagabag sa kalooban  niya.

“Sure, I’ll come. Text mo nalang sa akin exact address at time.”

“Okay, bye! See you later!”

“Bye” at natapos ang kanilang pag-uusap.

Naghahanda na si Carla para sa group bible study nila ni Cristian. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may mahalagang okasyon. Nilabas niya ang magandang bestida na nabili niya online na hindi pa naisusuot. Hinihintay niya talaga na may mahalaga siyang daluhan na okasyon. Isinuot niya na ito at nagmake-up.

Paglabas niya ng kuwarto ay binati siya ng ina.

“Ang ganda mo, saan ang punta mo?” tanong nito na nakangiti.

“Sa Bible study baka do’n ko makilala mapapangasawa ko.” Tugon nito.

“Tama ‘yan, lumabas ka at kumilala ng matitinong lalake.”

“Bye po.” Nag-mano siya dito at umalis na.

NAGMAMASID si Vince sa paligid mula sa loob ng kanyang sasakyan. Inaabangan niya ang pagdating ni Carla. Hinahanda niya na rin ang proposal speech niya. Ilang minuto lamang at dumating na ang hinihintay niya.  

Sinalubong ito ni Cristian, at bahagyang lumingon sa auto ni Vince. Hindi napansin ni Carla ang sasakyan nito dahil nakatuon ang atensyon niya sa isang kaibigan. Umakyat sila sa ikalawang palapag ng gusali kung saan may isang kuwarto na parang studio. Pinakilala siya ni Cristian sa mga ka-grupo.

“Guys, this is Carla, a good friend of mine.”

“Welcome Carla!” pagbati ng mga bagong kakilala.

Umupo sila at nagsimula na mag-salita ang pastor.

“Ang topic natin today ay ang importance of friendship in marriage.”

Napahiyaw ang mga nakikinig. Ipinagpatuloy niya ang sinasabi.

“The importance of developing friendship in your marriage helps make your marriage healthy and sustainable. Nasasaad sa Ecclesiastes 4:9-12 ‘Two are better than one, because they have a good return for their work: If one falls down, his friend can help him up. But pity the man who falls and has no one to help him up! Also, if two, lie down together, they will keep warm. But how can one keep warm alone? Though one may be overpowered, two can defend themselves.’”

Napag-isip si Carla. Sumasang-ayon siya dito. Nakatingin siya sa pastor na nagpapaliwanag at pinapakinggan ito ng maigi.

Si Cristian naman ay nilagay si Vince sa kabilang linya ng kanyang telepono upang marinig ang lahat ng nangyayari.

“Naturally, isa ito sa mga dahilan that God has created marriage; so that we could have a lifelong friend to help us. Friendship in your marriage is vital for long-term success. Being married is an amazing blessing. Walking through life with another imperfect person, like ourselves, can also be a challenge at times. Developing friends who will encourage you along this wonderful and sometimes overwhelming journey is vitally important to your marriage.” Patuloy na saad ng pastor.

At marami pang ibinahagi ang pastor na kuwento. Naantig naman ang puso ni Carla sa mga narinig. Tama nga ang best friend niya. Mas mainam kung maging tunay na mag-kaibigan muna bago mag-desisyon na asawahin ang partner.

Natapos na ang bible study at inaya ni Cristian si Carla sa café sa tabi ng gusali. Wala siyang kamalay-malay na nasa paligid lang si Vince.

Umorder sila ng kape bago sinimulan ni Cristian ang pagkumbinsi kay Carla na magpakasal.

“Carla, I’ve been honest with you ever since. Alam mo ‘yan.” Bungad nito.

Sumang-ayon naman si Carla. Tumango ito sabay higop ng kape.

“I think it’s about time for you to get married.”

Napahinto si Carla sa pag-inom at tinitigan ng malalim ang kaibigan. Kinukutuban siya. Nagpatuloy ito sa sinasabi.

“Alam ko wala kang boyfriend pero narinig mo naman kanina di’ba? Mahalaga ang friendship sa marriage. Kaya I suggest na magpakasal ka sa kaibigan.”

Binaba ni Carla ang tasa at tinanong ito “Are you suggesting Vince to me again?”

Napahinto si Cristian at nag-paliwanag.

“See, you deserve to be loved and I’m sure Vince can do that in time. Si Vince naman, deserve din niya na mahalin and you have so much love to give. What’s keeping you from liking him to be a husband? Never siyang nangaliwa, in fact siya pa ang iniwan. Mabuti siyang tao Carla.  Trust me, you’ll be a good pair.”

“Look Cristian, kahit i-consider ko si Vince na mapangasawa ‘eh hindi ko naman siya puwedeng ayain magpakasal. We never dated in the first place.”

“Bakit naman yung mga celebrity couples like AG at Len-len from friends to marriage?  Sina Tin at Yohan, hindi rin sila mag-jowa noong niyaya ni lalake si babae mag-pakasal.”

“Actually, walang kaso sa akin. Kung si Vince man ang makatuluyan ko, magiging thankful pa ako kasi matagal ko na siyang kilala. Alam ko na mabuti siyang tao.” Sambit ni Carla.

“And besides, I need to get married soonest possible para naman pumasok na ang suwerte sa buhay ko. ‘Yun ang sabi sa astrology reading ko.” sabi nito sa sarili.

Biglang tumabi si Vince sa kanya at napatulala siya.

Anong ginagawa nito dito? Oh my Gosh, ang weird ng pakiramdam ko. What if?....

“Carla, please listen, I asked Cristian to talk to you kasi sabi ko sa kanya na napag-isipan ko ang mga sinabi niya sa akin before patungkol sa’yo, and the possibility of us.”

“I’ll leave you two alone.” Singit na sambit ni Cristian bago ito tumayo at umalis.

“Carla, pakasal nalang tayo. Marry me. We don’t need naman to have deep feelings for each other. We just need to secure our future. As a friend, I’m doing you a favor na maging partner mo. Noon naman sabi natin sa isa’t isa, kapag wala pa tayong asawa sa ganitong edad ay tayo nalang ang magpakasal.”

“Pero ako lang ang walang asawa. Ikaw, nagkaroon ka na ng asawa.”

“Annulled naman. Ayaw mo ba ng adventure?”

Nilabas ni Vince ang singsing at nag-propose. “Carla, please consider marrying me, will you?”

“Yes!” mabilis na sagot nito na ikinagulat ni Vince. Kinuha ni Carla ang singsing sa kamay ni Vince at sinuot.

“So, kelan ang kasal?” tanong nito.

“Huwag na natin patagalin pa.” sagot niya.

“Call. Next weekend, game?”

Tumango ito.

Related chapters

  • I Do Now, Love You Later   Chapter V

    KINAUSAP ni Cristian ang pastor na kasama nila sa bible group study. Pinakiusapan niya ito na mag-officiate ng wedding nina Vince at Carla. Ikinagulat naman ni Reese ang pasya na ginawa ng kanyang best friend. Ganunpaman ay sinuportahan niya ito. Si Maya naman ay excited para sa kapatid. Kilala niya ang groom to be at kaibigan na rin ang turing nito sa kanya.Walang malay ang ina ni Carla na ikakasal na siya. Inilihim nilang magkapatid ang pangyayring ito. Hinuhubad din iya ang singsing kapag nasa bahay.Tatlong araw nalang bago ang kanyang kasal. Nag-submit na siya ng resignation letter sa kanyang amo. Nakasaad doon na immediate ang pag-resign niya dahil approved na ang visa niya at aalis na siya agad upang magpakasal sa ibang bansa. Hindi naman siya pinigilan nito na umalis.Paglabas ni Carla sa building ng pinagtrabahuhan niya ay magaan ang pakiramdam niya. Napagdesisyunan niya na dumaan sa madalas nilang tambay

    Last Updated : 2022-02-20
  • I Do Now, Love You Later   Chapter I

    NAKAHIGA si Carla sa kanyang kama. Nakatitig siya sa nalulumang kisame nila. Mabigat ang kanyang damdamin; nakakaramdam siya ng lungkot at pag-aalala.Gumilid siya sa kanyang kanan at natanaw ang nakabukas na bintana. Ang liwanag ng buwan; tinitigan niya ang ganda nito. Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang unan na nasa paanan at niyakap ito.Sinubsob ang kanyang mukha at tahimik na umiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya na “Crying is good for the soul.” At hindi niya na namalayan na siya pala ay nakatulog na. Humahapong nagising si Carla mula sa panaginip niya. Naglalakbay siya doon at sa paglalakad niya ay lagi siyang dinadala sa bahagi ng tubig. Una ay sa lawa, pangalawa sa talon, at pangatlo ay sa dagat, kung saan siya ay biglang inanod at nalunod. Nakatitig lang siya sa kawalan.“Ate! Ate! Ate!&rdquo

    Last Updated : 2022-02-20
  • I Do Now, Love You Later   Chapter II

    TUMITILAOK na ang manok ng kapitbahay nila Carla. Tumatahol na rin ang mga aso sa daan. Maingay na sa paligid ngunit hindi pa rin siya magising.Padabog na binuksan ang pinto ng ina ni Carla ang kuwarto niya. Galit ito na makita ang dalawa niyang anak na nakahilata pa sa kama at napakalalim ng tulog.Napansin din nito na may mga bote ng gin, pitsel, baso, sigarilyo at mga balat ng chichirya na nakakalat sa lapag. Sa sobrang inis ng kanilang ina ay sumigaw ito ng napakalakas.“Mga batugaaaaaan! Gumising kayo! Wala talaga kayong silbi!”Unti-unting umunat si Carla na tila naalimpungatan sa pagkakatulog. Hindi naman niya pinansin ang ina at tumalikod lang upang ituloy ang pagtulog. Wala naman pakeelam ang bunso niyang kapatid sa ingay.“Hoy Carla! Ikaw pa naman ang panganay tapos ikaw pa ang gumagayak dito sa kapatid mo. Wala ka man lang ituro na maganda diyan. Gumagaya na

    Last Updated : 2022-02-20
  • I Do Now, Love You Later   Chapter III

    SINUSUKLAYAN ni Carla ang kanyang buhok. Chinecheck niya rin kung tinutubuan na ba siya ng puting buhok.Nakabihis na siya at handa nang umalis. Magkikita sila ni Reese ngayon. Sabado at day off niya. Naghanda siya para sa araw na ito. Pinilit niyang matulog ng maaga at umiwas muna siya sa pag-inom ng softdrinks at alak. May appointment siya ng check-up kay Dra. Malvar, isang gynecologist.Kinuha niya ang cellphone niya at tinext si Reese na paalis na siya ng bahay. Doon na sila sa clinic magtatagpo.Tiningnan niya muli ang sarili sa salamin. Okay na ang make-up niya. Nag-suot siya ng sunglasses bago tuluyang lumabas ng kuwarto.Mabilis na naglakad si Carla patungo sa clinic. Panay din ang masid niya sa kanyang relo sa kamay. Malapit na mag-alas nuwebe ng umaga. Patirik na rin ang araw kaya siya nagmamadali. Naaninag niya si Reese na naghihintay sa labas ng clinic. Dali siyang tumungo rito.“Hi! Kanina ka pa ba?”&l

    Last Updated : 2022-02-20

Latest chapter

  • I Do Now, Love You Later   Chapter V

    KINAUSAP ni Cristian ang pastor na kasama nila sa bible group study. Pinakiusapan niya ito na mag-officiate ng wedding nina Vince at Carla. Ikinagulat naman ni Reese ang pasya na ginawa ng kanyang best friend. Ganunpaman ay sinuportahan niya ito. Si Maya naman ay excited para sa kapatid. Kilala niya ang groom to be at kaibigan na rin ang turing nito sa kanya.Walang malay ang ina ni Carla na ikakasal na siya. Inilihim nilang magkapatid ang pangyayring ito. Hinuhubad din iya ang singsing kapag nasa bahay.Tatlong araw nalang bago ang kanyang kasal. Nag-submit na siya ng resignation letter sa kanyang amo. Nakasaad doon na immediate ang pag-resign niya dahil approved na ang visa niya at aalis na siya agad upang magpakasal sa ibang bansa. Hindi naman siya pinigilan nito na umalis.Paglabas ni Carla sa building ng pinagtrabahuhan niya ay magaan ang pakiramdam niya. Napagdesisyunan niya na dumaan sa madalas nilang tambay

  • I Do Now, Love You Later   Chapter IV

    KINAKABAHAN si Gio habang hinaharana ng banda ang kanyang nobya. Tanaw ang Burj Kalifa mula sa restaurant kung nasaan sila. Birthday ni Loraine. Itinaon niya ang pag-propose sa araw na ito para hindi mahalata na may binabalak siya.Pinapanood ni Loraine ang banda at bigla niyang naalala si Vince. May hawig ang bokalista nito sa kanya. Ang awiting hinandog ay kanta niya para sa dating asawa.Kumusta na kaya siya? Nakamove on na kaya siya?“Babe!” tawag ni Gio na pumutol sa pag-iisip niya sa ex-husband.“Yes babe, what’s the matter?” tanong nito.“The moment we knew each other. I know that I want you in my life. And today, I want to ask you something.” Lumuhod si Gio at nilabas ang diamond ring. “Babe, Will you spend the rest of your days with me?”Nagulat si Loraine at napaluha. Hindi niya

  • I Do Now, Love You Later   Chapter III

    SINUSUKLAYAN ni Carla ang kanyang buhok. Chinecheck niya rin kung tinutubuan na ba siya ng puting buhok.Nakabihis na siya at handa nang umalis. Magkikita sila ni Reese ngayon. Sabado at day off niya. Naghanda siya para sa araw na ito. Pinilit niyang matulog ng maaga at umiwas muna siya sa pag-inom ng softdrinks at alak. May appointment siya ng check-up kay Dra. Malvar, isang gynecologist.Kinuha niya ang cellphone niya at tinext si Reese na paalis na siya ng bahay. Doon na sila sa clinic magtatagpo.Tiningnan niya muli ang sarili sa salamin. Okay na ang make-up niya. Nag-suot siya ng sunglasses bago tuluyang lumabas ng kuwarto.Mabilis na naglakad si Carla patungo sa clinic. Panay din ang masid niya sa kanyang relo sa kamay. Malapit na mag-alas nuwebe ng umaga. Patirik na rin ang araw kaya siya nagmamadali. Naaninag niya si Reese na naghihintay sa labas ng clinic. Dali siyang tumungo rito.“Hi! Kanina ka pa ba?”&l

  • I Do Now, Love You Later   Chapter II

    TUMITILAOK na ang manok ng kapitbahay nila Carla. Tumatahol na rin ang mga aso sa daan. Maingay na sa paligid ngunit hindi pa rin siya magising.Padabog na binuksan ang pinto ng ina ni Carla ang kuwarto niya. Galit ito na makita ang dalawa niyang anak na nakahilata pa sa kama at napakalalim ng tulog.Napansin din nito na may mga bote ng gin, pitsel, baso, sigarilyo at mga balat ng chichirya na nakakalat sa lapag. Sa sobrang inis ng kanilang ina ay sumigaw ito ng napakalakas.“Mga batugaaaaaan! Gumising kayo! Wala talaga kayong silbi!”Unti-unting umunat si Carla na tila naalimpungatan sa pagkakatulog. Hindi naman niya pinansin ang ina at tumalikod lang upang ituloy ang pagtulog. Wala naman pakeelam ang bunso niyang kapatid sa ingay.“Hoy Carla! Ikaw pa naman ang panganay tapos ikaw pa ang gumagayak dito sa kapatid mo. Wala ka man lang ituro na maganda diyan. Gumagaya na

  • I Do Now, Love You Later   Chapter I

    NAKAHIGA si Carla sa kanyang kama. Nakatitig siya sa nalulumang kisame nila. Mabigat ang kanyang damdamin; nakakaramdam siya ng lungkot at pag-aalala.Gumilid siya sa kanyang kanan at natanaw ang nakabukas na bintana. Ang liwanag ng buwan; tinitigan niya ang ganda nito. Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang unan na nasa paanan at niyakap ito.Sinubsob ang kanyang mukha at tahimik na umiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya na “Crying is good for the soul.” At hindi niya na namalayan na siya pala ay nakatulog na. Humahapong nagising si Carla mula sa panaginip niya. Naglalakbay siya doon at sa paglalakad niya ay lagi siyang dinadala sa bahagi ng tubig. Una ay sa lawa, pangalawa sa talon, at pangatlo ay sa dagat, kung saan siya ay biglang inanod at nalunod. Nakatitig lang siya sa kawalan.“Ate! Ate! Ate!&rdquo

DMCA.com Protection Status