CHAPTER 4
ZHEN CHANG ZAI"Ouch!" D***g ko matapos matusok ng karayom ang daliri ko.Dahil sa dugo na mula sa pagkatusok ay namantsahan ang binuburda ko.Bwisit! Ilang oras kong binuburda tapos mamantsahan lang! Hays!"Lady Zhen, nandito po uli si Baturu Da Ying," sabi sa akin ni Ying Nuzi."Paalisin mo siya," sagot ko."Lady Zhen, nakaka-anim na balik na po si Baturu Da Ying," sabi nito."Wala akong pake. Magdusa siya.""Sasabihin ko po," sagot nito at lumabas."Lady Zhen, nandito po si Gang Gotin Gonggong. Siya po ang head eunuch ni Lihua Huang Hou Niangniang," sabi naman sa akin Xiao-Daquan.Bakit nandito siya?"Papasukin mo.""Opo."Pagkabalik niya ay kasama na niya ang matabang eunuch."Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Zhen Chang Zai," bati nito."Tumayo ka. Bakit ka naparito?" Tanong ko."Pinapatawag po kayo ng empress. Kailangan na po kayo ngayon," sagot nito.Empress? Bakit kaya-?Ah! Si Batkhaan Da Ying!Malamang ay nagsumbong siya sa empress."Ituro mo ang daan Gang Gonggong," sabi ko rito.Nagsimula na siyang maglakad na sinundan naman namin ni Xue at Xiao-Daquan."Lady Zhen, mag-ingat po kayo," paalala sa akin ni Xiao-Daquan."May plano na 'ko," sabi ko."Susunod po kami kung anuman ang plano niyo," sagot naman ni Xue.Sa loob ng ilang minutong paglalakad ay narating na namin ang palasyo ng empress, ang Palace of Everlasting Spring."Tuloy po kayo, Zhen Chang Zai," sabi sa akin ni Gang Gonggong.Pumasok kami at tumambad sa akin ang throne room kung saan nakaupo ngayon ang empress at nasa harap niya ang umiiyak na si Batkhaan Da Ying.Tumungo ako at bumati. "Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan at kapurihan, Huang Hou Niangniang."[Your Ladyship/Your Highness/Your Majesty = Niangniang]"Tumayo ka," utos nito na agad kong sinunod."Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito?" Tanong nito.Tumingin ako kay Batkhaan Da Ying. "Hindi po, Niangniang," diretso kong sagot."Sinungaling! Minaliit mo ako!" Galit na sagot ni Batkhaan Da Ying."Batkhaan Da Ying, alam ko ang paghihirap mo pero kailangan mong huminahon," sabi ng empress."Huang Hou, pinapunta mo ba ako rito dahil sa nangyari sa Palace of Pearl Jade?" Tanong ko."Oo. Pinatawag kita para malaman ang side mo," sagot nito."Pwede ko po bang malaman kung ano po ang kinuwento ni Batkhaan Da Ying sa inyo?" Tanong ko."Ang sabi niya ay pinuntahan mo siya sa kwarto niya. Mainit ka niyang binati pero minaliit mo siya pati ang kaniyang pinanggalingan. Hindi mo lang siya bata minaliit, sinaktan mo rin siya. Hindi ko alam kung ano alitan niyo sa mga nakaraan pero hindi magandang dalhin ito sa palasyo," tugon ng empress.Napangiti ako sa narinig ko."Huang Hou, kahapon ko lang rin nakilala si Batkhaan Da Ying. Wala kaming alitan gaya ng iyong sinasabi. Hindi rin ako tanga para puntahan siya sa kwarto niya para maliitin at saktan lang sya. Parang lumalabas ay ako pa ang masama," sagot ko."Sabihin mo kung ano ang tunay na nangyari," sabi naman ng empress."Nagkakilala kami ni Baturu Da Ying sa selection. Simula noon ay naging matalik na kaming magkaibigan. Pinuntahan ko siya sa Palace of Pearl Jade para kamustahin siya pero ang natagpuan ko ay ang kwarto niyang madumi at hindi pa gaanong nalilinis. Nagalit ako at inalam ko ang nangyari!" Tugon ko.Dinuro ko si Batkaan Da Ying na ngayon ay namumutla na."Huang Hou, binigay mo ang Main Chamber kay Baturu Da Ying at Binigay mo ang West Chamber kay Batkhaan Da Ying. Ngunit ang ginawa ni Batkhaan Da Ying ay kinuha niya ang Main Chamber na binigay mo kay Baturu Da Ying at tinapon siya nito sa hindi pa nalilinis na East Chamber. Huang Hou, ikaw mismo ang nagbigay ng mga kwarto sa kanila pero mukhang hindi nagustuhan ni Batkhaan Da Ying ang kaloob na binigay mo sa kaniya at pinagmalupitan pa ang kasama niya.""Totoo ba ang nangyari?" Tanong ni Lihua Huang Hou."Opo, Niangniang," sagot ko at lumuhod."N-niangniang..." takot na tugon ni Batkhaan Da Ying."Pero sino ka para parusahan siya? Sa pagkakaalala ko ay si Ai Huang Gui Fei Niangniang o di kaya ako lang ang gunagawa ng bagay na 'yon. Sino ka para maglakas-loob?" Banta sa akin ng Empress."Huang Hou, simpleng bagay lamang po ito. Hindi ko po nais na mag-alala pa kayo sa ganitong kasimpleng bagay at nagdadala ito ng malas. Bilang nakakatanda at mas mataas sa kanila ay sinubukan ko na lamang po na ayusin ang bagay na ito." Magalang kong sagot."Mabuti. Mabuti," tugon ng empress."Batkhaan Da Ying, isang buwan kang mananatili sa iyong silid. Pag-isipan mo ang naging pagkakamali mo. Ikaw naman Zhen Chang Zai, dahil nabawasan mo ang problemang dinadala ko ay palalagpasin ko muna ang pagkakataong ito at makakabalik ka na sa iyong palasyo," utos ng empress."Maraming salamat sa kabutihan ng kamahalan," sabay naming tugon ni Batkhaan Da Ying.Tumungo ako bago tuluyang umalis sa palasyo ng empress."Lady Zhen, ang galing niyo! Ako yung kinakabahan para sa inyo pero ikaw, kalmado pa rin." Puri ni Xue."Kailangan maging matapang sa harem para hindi ako kinakaya-kaya," sagot ko."Pero Zhen Chang Zai, kayo po ang magiging tampulan ng galit dito," sagot naman ni Xiao-Daquan."Edi magalit sila. Wala akong pakialam. Kung may balak sila sa akin, ibabalik ko sa kanila ang gagawin nila."---AI HUANG GUI FEI"Ai Huang Gui Fei Niangniang, nandito na po tayo." Sabi sa akin ng Head Maid kong si Duan Mei.Binaba nila ang sedan chair na sinasakyan ko.[A sedan chair is a human or animal-powered transport vehicle for carrying a person, once popular across China. It has different names like "shoulder carriage", "sleeping sedan" and "warm sedan" etc due to the time, location and structural differences. The sedans familiar to modern people are warm sedans that have been in use since the Ming and Qing Dynasties. The sedan body is fixed in the wooden rectangular frames on the two thin log poles. The top and four sides of the seat are enclosed with curtains, with a chair blind that could be rolled open in the front and a small window on each side. A chair is placed inside the enclosed space.]Agad akong tumayo at inalalayan ni Mei. Pumasok ako sa palasyo ng empress at nakita ang iba pang mga concubine na nakaupo na sa loob."MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, AI HUANG GUI FEI NIANGNIANG," bati nila sa akin."Tumayo kayo," utos ko na agad nilang sinunod at bumalik sa pagkakaupo."Binabati ko ang kamahalan," tamad kong bati sa kaniya at sandaling tumungo.Hindi ko na siya hinintay na patayuin ako at agad na kong umupo sa pwesto ko."Mabuti ay maaga kang pumunta rito para batiin ang mga baguhan," nakangiting tugon ng empress.Inikot ko ang mga mata ko. "Gusto kong makita kung kanino naman mababaling ang paningin ng emperor. Hindi tulad mo na walang ginagawa para paboran niya.""Hah. Ako ang EMPRESS. Hindi ako dapat magselos at dapat lagi kong isipin ang kasiyahan ng emperor," sagot nito.Ngumisi ako. "Lagi mong sinasabi 'yan pero iba ang ginagawa mo.""Huang Hou, nasa side chamber sila ngayon. Kanina pa sila naghihintay. Siguro ay dapat papasukin na natin sila," tugon naman ni Amar Chinua Pin Niangniang."Siguro nga. Papasukin niyo sila," utos ng empress.Nakahanay na pumasok ang walong concubine at bumati sa amin."BINABATI KA NAMIN, AI HUANG GUI FEI NIANGNIANG. BINABATI NAMIN ANG EMPRESS.""Tumayo kayo." Utos ng empress."SALAMAT PO, HUANG HOU.""Gusto kong makita si Zhen Chang Zai," utos ko.Umabante ang pangalawang babae sa harap. Simpleng damit lang ang meron siya pero nangingibabaw ang ganda niya. Nakayuko siya pero kita mo ang pagiging kalmado at kumpiyansa niya. Mahinhin din ang bawat galaw niya. Nakikita ko kung bakit nagseselos ang empress sa kaniya."Ako po si Zhen Chang Zai. Mula po ako sa Palace of Great Brilliance," pagpapakilala nito."May simpleng damit pero may magandang mukha. Hindi na kailangan pa ng mga pampaganda. Magaling talaga mamili ang emperor," sagot ko."Ako ay isang hamak na bato lang kumpara sa ganda niyong tila isang perlas." Sagot nito.[Pearls symbolize wisdom acquired through experience. They are believed to attract wealth and luck as well as offer protection. Known for their calming effect, pearls can balance one's karma, strengthen relationships, and keep children safe. The pearl is also said to symbolize the purity, generosity, integrity, and loyalty of its wearer.]Oh. Magaling magsalita."Kung bato ang ganda mo... Paano pa ang sa emperatris?" Tugon ko.Damang kong nagulat ang mga ito sa sinabi ko. Tinignan ko naman ang mukha ng empress na halatang nasaktan at nagalit sa sinabi ko."Hindi po dapat ihambing sa akin ang ganda ng empress o kahit na sino man. Habang ako po ay hamak na bato ay batong jade naman po ang empress."[The importance of Jade stone in Chinese culture is reflected in its status as a symbol of goodness, preciousness and beauty.]"Dahil sinabi mong huwag na kitang ihambing sa iba ay hindi ko na gagawin. Pero sinabi ko na bang hawig sa isang phoenix ang ganda mo?"[The bird is actually a symbol of the union between femininity and masculinity, or yin and yang. The phoenix is often depicted together with a dragon, the symbol for masculinity and the emperor. Together, they symbolise the emperor and empress, or more commonly, a husband and his wife.]"Ai Huang Gui Fei Niangniang!" Pagtawag sa akin Qiu Fei Niangniang.Dahil sa sinabi kong 'yon. Alam kong hindi ko lang basta tinapakan ang empress kundi pinahiya ko na rin siya. Hindi lang siya kundi pati ang ibang mga babae sa harem, dahil ang isang hamak na Chang Zai lamang ay inihalintulad ko sa isang phoenix. Ngayon hindi lang ako ang babaeng kakagalitan sa harem, nahati na rin sa kaniya ang atensyon."Makakaalis na kayo," nanginginig na tugon ng empress."PAALAM PO, NIANGNIANG," sabay-sabay naming tugon.Nginisian ko ang empress bago lumabas sa palasyo."Xiuying Meimei, mag-iingat po kayo sa sinasabi niyo. Kinakabahan ako para sa'yo," tugon sa akin ni Qiu Fei Niangniang."Kahit anong sabihin at gawin ko ay wala silang magagawa. Ako ang Huang Gui Fei. Ako ang pinakapinapapaboran ng emperor. Kaya huwag kang mag-alala Tuya Jiejie . Lalo na alam kong kasama kita ay hindi ako mag-aalala," tugon ko."Alam ko, Xiuying Meimei. Nag-aalala ako dahil baka sa galit nila ay gumawa sila ng masama sa'yo.""Sa tatlong taon natin sa harem ay alam ko na ang gagawin ko. Lalo na ngayong isang taon na ang anak kong si Li Liang at malapit na ring ibigay ang titulo niya bilang si Prince Xing.""Binabati kita, Xiuying Meimei.""Dapat ngayon ay binabati na rin kita. Kung hindi lang pinatay ang anak mo ay siguro sabay na silang lumalaki." Galit kong tugon."Xiuying Meimei...""Tuya Jiejie. Ipaghihiganti ko ang anak mo. Pinapangako ko."Madali itong lumuhod sa harap ko."Salamat, Xiuying Meimei." Naluluha nitong tugon."Tumayo ka. Huwag kang umiyak." Tugon ko at inalalayan siyang tumayo."Pero hindi mo na kailangang gawin 'yon. Gusto ko lang na payapa tayong mabuhay sa harem.""Hindi tayo payapang mabubuhay dito kung nandito ang nagpapahirap sa atin." Sagot ko. "Hayaan mo na lang ako, Tuya Jiejie."---ZHEN CHANG ZAI"Matapang at matalas ang dila." Nanginginig kong tugon."Lady Zhen, anong mangyayari nito?" Tanong ni Xue sa akin."Hindi ba halata? Nahati na ang atensyon sa aming dalawa. Kung hindi siya kayang kalabanin ng iba ay ako ang pagkakainteresan nila." Sagot ko."Mag-tsaa po muna kayo para kumalma." Tugon ni Ying Nuzi at inilapag ang tasa sa lamesang nasa tabi ko."Hindi siya takot dahil sa posisyon at pabor ng emperor sa kaniya. Habang ako na bagong salta lamang rito ay walang ibang magagawa." Problemadong tugon ko."Zhen Chang Zai, kahit na bago ka pa lang ay matalino ka at ikaw lamang ang binigyan ng title ng emperor. May sandalan ka pa rin." Sabi naman ni Xing-Su Gonggong."Mahirap pa rin sabihin." Sagot ko."Zhen Chang Zai! Zhen Chang Zai!" Pagtawag sa akin ni Xiao-Cong habang nagmamadaling pumasok."Anong meron?" Tanong ko."Nandito po si Zhu Gonggong! Siya po ang Head Eunuch ng emperor!""Ano pang hinihintay mo? Papasukin mo siya." Tugon ko."Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Zhen Chang Zai." Bati nito."Tumayo po kayo. Ano pong sadya niyo?" Tanong ko rito."Kayo po ang pinili ng emperor para pagsilbihan siya mamaya." Sagot niya.Ako ang pinili?"Naiintindihan ko po, Zhu Gonggong." Sagot ko."Ulanan sana kayo ng swerte, Zhen Chang Zai. Mauuna na po ako.""Xing-Su Gonggong, ihatid mo sa labas si Zhu Gonggong." Utos ko."Opo." Tugon nito at hinatid sa labas si Zhu Gonggong."Binabati ka namin, Zhen Chang Zai!" Masayang tugon ng mga tagapaglingkod ko.Sa story, pagkatapos niyang maglingkod sa emperor ay kinabukasan lang ay naging Gui Ren na siya. Pero ayoko pang maglingkod sa emperor. Hindi ko pa siya nakikita. Bilang isang babae mula sa liberal na mundo ay hindi ko kayang matulog kasama ang lalaking hindi ko pa nakikilala kahit siya pa ang emperor. Kapag hindi naman ako nakapaglingkod ay pababalikin ako at gagawing katatawanan sa harem na maaaring maging dahilan ng paghihirap ko.Anong gagawin ko?"Zhen Chang Zai, mukhang hindi po kayo masaya?" Tanong sa akin ni Xue."Kinakabahan lang ako." Tugon ko."Lady Zhen, huwag po kayong kabahan. Batay po sa mga naririnig ko ay mabait po ang emperor at masipag po siya sa pamamahala." Sabi naman ni Fen para pagaanin ang loob ko."Sana nga ay mabait siya." Tugon ko habang pinipilit ngumiti.Good luck, self.---Hubad akong binalot ng kumot at dinala sa isa sa mga kwarto ng Mental Hall of Cultivation. Hiniga ako ng mga eunuch sa kama at sinabing hintayin ko na lang ang pagdating ng emperor.Nakabalot ako ng kumot pero nilalamig ako sa kaba. Bakit ba nawala sa isip ko na pwede akong maglingkod sa emperor sa mundong ito?"Hello!""Ay kabayo ka!" Gulat kong tugon."Well... Kabayo nga ang anyo ko ngayon." Tugon naman ng author na nasa puting kabayo ang anyo ngayon."Bakit ba kasi gustong-gusto mo kong ginugulat?!" Inis kong tanong."Kakamustahin lang kita. Masyado ka namang galit.""Author, anong gagawin ko? Ayoko pa." Sagot ko."Anong magagawa ko? Ako ba ang emperor?""Wala ka talagang kwentang kausap.""I just want to say na parating na ang emperor kaya umayos ka. K bye!" Sabi nito at naglaho.Nakakaimbyerna talaga!Napatahimik ako nang may marinig akong parating. Bumungad sa akin ang lalaking may matikas at matipunong pangangatawan at gwapong mukha. Para siyang artista sa TV. Sa tingin ko ay mga nasa 20 pa lang ang edad niya. Dama ko rin ang kapangyarihan niya dahil sa suot nitong dragon robe.Ito pala ang emperor? Kaya pala ito pinag-aagawan sa harem."Sinabi ba sa'yo ang gagawin mo?" Tanong ng emperor sa'kin.Tumango ako."Pero Huang Shang... Pakikinggan mo ba ko kapag sinabi kong hindi pa ko handa?" Tanong ko."Bakit?""Ang aking pinakamamahal na ina ay namatay sa panganganak sa kambal kong kapatid. Magmula noon ay natakot na rin ako. Natakot ako na baka magaya ako sa kaniya at hindi ko na makitang lumalaki ang aking mga anak. Huang Shang, bata pa ko at mahina pa ang aking katawan... Paano kung hindi ko kayanin? Masisisi mo ba ko Huang Shang?" Tugon ko.Umupo siya sa tabi ko."Naiintindihan ko." Sagot ng emperor na nakapagpagaan sa loob ko."Huang Shang, kapag naging handa na ko ay sasabihin. Hintayin nyo po ako. Hintayin niyo po ako na maging ina ng iyong mga anak at makasama kayo sa habangbuhay.""Sa lahat ng mga babae na nakasama ko sa harem, ikaw lang ang nagsabi sa'kin niyan. Takot silang sabihin ang gusto nila dahil ako ang emperor. Kahit si Ai Huang Gui Fei ay hindi pa binalak sabihin sa akin 'yan. Kakaiba ka." Sabi niya sa akin."Anong tatawag ko sa'yo?" Tanong ko."Itatawag mo sa akin?" Tanong nito pabalik."Kahit naman hindi ako ang empress, asawa mo pa rin ako. Gusto kong makilala ang asawa ko. Gusto kong may itawag sa asawa ko.""Kakaiba ka talaga." Hindi makapaniwala nitong tugon."Alam ko na! Kapag dalawa lang tayo ay tatawagin kitang Zhang Fu (Husband) at tatawagin mo kong Qi Zi (Wife)." Masayang saad ko."17 ka na pero para ka pa ring bata mag-isip." Sabi sa akin ni Zhang Fu."Zhang Fu, ikaw ang emperor pero tinawag mo ang babaeng tulad ko na isip-bata." Sabi ko sa kaniya."Walang emperor kapag tayo lang dalawa. Sabi mo diba? Ako si Zhang Fu at ikaw ang Qi Zi ko.""Dahil ikaw si Zhang Fu, ikuha mo kong damit. Ayoko namang mag-usap tayo buong gabi na nakabalot lang sa'kin ang kumot." Utos ko rito."Ikaw!" Turan nito sa akin."Oo. Ako. Ako ang asawa mo kaya ikuha mo na ako." Sabi ko rito."Pinapunta kita dito para maglingkod sa akin. Hindi ako ang maglilingkod sa'yo." Sabi nito."Sabi mo ay walang emperor ngayon. Sinong nagpatawag sa akin?"Napapikit na ito sa inis. Haha."Sige. Hintayin mo ko." Sumusukong sagot niya at umalis.Oh my gash, self! Talagang kinausap mo ng ganun ang emperor! At talagang ngayon lang ako nagsisi? Wow talaga.Pero ngayong hindi ko napagsilbihan ang emperor, siguro ay malilihis na ang story. Hindi na ko magiging Gui Ren kinabukasan kasi hindi pa namin ginagawa 'yon.---"Huang Shang, kailangan mo na magmadali." Nagmamadaling tugon ko sa kaniya."Lumabas muna kayo." Sabi niya sa mga eunuch.Inilapag nila sa lamesa ang mga susuotin ng emperor bago umalis."Alam kong may gusto kang sabihin." Sabi nito."Wala akong ibang gustong sabihing, Zhang Fu! Ang gusto ko lang ay bilisan mo! Ma-le-late ka na sa meeting niyo tapos ako rin ma-le-late na rin sa pagbati sa empress!" Apuradong tugon ko."Qi Zi, ako ang emperor. Kahit ma-late ako ay wala silang pakialam. Kahit ma-late ka ay okay lang kasi galing ka naman sa akin." Sabi nito."Madali sa'yong sabihin kasi ikaw ang emperor pero paano ako?" Nagtatampo tugon ko."Bakit? May nang-aaway ba sa'yo?" Tanong nito sa akin."Wala. Pero kapag na-late ako, aawayin talaga nila ako. Sasabihin nila na porke nakuha ko na ang pabor ng emperor may lakas na ko ng loob magpa-late at bastusin ang empress." Sabi ko na nakapagtigil sa emperor"Zhu Gonggong." Biglaang tawag niya sa eunuch."Po?" Tanong nito."Ibaba mo ang decree ko. Si Zen Chang Zai ay itinataas ko sa posisyong Gui Ren at sabihin mo na hindi siya agad makakapunta para batiin ang empress dahil pagod pa siya sa pagsilbi sa akin." Utos ng emperor na nakapaglaki ng mga mata ko.Gui Ren? Akala ko ba malilihis na ang story? Bakit naging Gui Ren pa ko? At bakit nagkaroon ako ng permission para maging late?"Zhen Gui Ren, pasalamatan mo ang emperor." Sabi sa akin ni Zhu Gonggong.Agad akong lumuhod at nagpasalamat. "Salamat sa kabutihan ng emperor!""Ipapakalat ko na po, Huang Shang." Sabi ni Zhu Gonggong at umalis."Zhang Fu! Bakit mo ginawa 'yon?!" Tanong ko rito."Para malaman nila na gusto kita at hindi ka nila masasaktan." Sabi ng emperor."Alam mo ba na ang pinakapinapapaboran sa harem ay pinakaaayawan rin?""Basta nasa tabi mo ko ay hindi kita pababayaan. Tandaan mo 'yan." Sabi niya at kinuha sa akin qing guanmao na hawak ko.[Qing Guanmao, Qing official headwear, the headwear of officials during the Qing Dynasty in China]Sinuot niya ito at umalis habang iniwan akong gulat pa rin.Ang emperor na 'yon!CHAPTER 5AI HUANG GUI FEI"Niangniang, hindi po ba kayo nakatulog ng maayos?" Tanong sa akin ni Mei."Nakatulog ako. Hindi lang talaga maganda ang gising ko." Naiirita kong sagot."Niangniang, kailangan mong ngumiti para dumaan sa iyo ang swerte. Hindi magandang mag-umpisa ng araw na nakabusangot." Sabi nito."Tsaa." Utos ko na ipinasa naman niya sa ibang katulong."Niangniang, ano pong gusto niyong ayos ng buhok?""Ilagay mo sa buhok ko ang phoenix na binigay sa akin ng empress dowager. Gusto kong inisin ang empress." Nakangiting tugon ko.Agad niyang inayos ang buhok ko at inilagay sa ulo ko ang gintong phoenix. Napangiti ako sa ganda nito at sa ganda ko."Niangniang, ang ganda niyo talaga." Puri nito sa akin."Hindi ako papaboran ng emperor kung hindi." Sagot ko at tinignan ang mukha ko sa salamin.Kinuha ko ang pangguhit sa kilay at iginuhit ito ayon sa kilay ko mismo. Hindi naman pangit ang kilay ko, manipis lang. Hmp."Niangniang! Niangniang!" Nagmamadaling tugon sa akin ni Hui
CHAPTER 6ZHEN GUI REN"Ako po si Jingyi, mula po ako sa departamento ng patahian." Pagpapakilala ng isa sa mga bagong maid."Ako naman po si Juan, mula po ako sa kusina.""Ako po si Kun. Mula po ako sa departamentong nangangalaga sa Imperial Garden."Kasunod ay nagpakilala naman ang mga eunuch."Zhen Gui Ren, ako naman po si Xiao-Bo. Mula po ako sa departamento na nangangalaga sa Imperial Armory." Pagpapakilala ng isa sa kanila."Ako po si Xiao-Chang. Mula rin po sa Imperial Armory.""Ako po si Xiao-Deshi. Mula naman po ako sa Imperial Stable." Pagpapakilala ng huli.So... Walang kahit na isa sa kanila ang mula sa ibang palasyo? Magaling talagang mamili ang emperor para sa akin."Gaya ng sinabi ko, huwag na huwag niyo kong susubukan. Kung mayroon man kayong naging amo noon ay noon na 'yon, ako na ngayon kaya naman ako na ang susundin niyo. Paglingkuran niyo ko ng maayos at gagant
CHAPTER 6.5ZHEN GUI REN"MAGBIGAY NG GALANG SA MAHAL NA EMPEROR!" Anunsyo ng isang eunuch.Sabay-sabay kaming lumuhod upang magbigay-galang.Ilang minuto o oras na rin kaming nakatayo rito at naghihintay ng resulta. Sana talaga walang masamang nangyari.Nilapitan ako ng emperor at inalalayan tumayo. Alam kong sa ginawang yun ng emperor ay hindi lang ang mga mata ng empress at imperial noble consort ang nakatingin sa akin, pati na rin ng iba pang concubine."Salamat po, Huang Shang." Magalang kong tugon."Magsitayo na kayo." Utos naman siya sa iba."SALAMAT PO, HUANG SHANG." Tugon naman ng iba."Kamusta? Anong balita?" Kalmado nitong tanong sa akin."Huang Shang, kanina ay sumakit ang tiyan at dinugo si Xiaodan Pin Niangniang. Nagpapunta na sila ng doktor na ngayon ay tumitingin sa kaniya. Huwag kang mag-alala, kamahalan." Sagot ko."Hanggang ngayon ay wala
CHAPTER 7ZHEN GUI REN"Lady Zhen, maglagay po kayo nito." Sabi sa akin ni Xue at ipinatong sa akin ang pangginaw.Geez! Ang ginaw!Ganito pala yung winter. Dati gusto ko pa, ngayon hindi na. Kung hindi lang sanay ang katawanng to sa ginaw ay malamang nag-nosebleed na ko.Isinuot ko ang pangginaw na ipinatong sa akin ni Xue. Gamit ang magkabilang-kamay ay hinawakan ko ang hand warmer para agad akong mainitan. Ito ay ibinigay sa akin mismo ng emperor. Hugis lotus ito at ginawa gamit ang cloisonné.[The Qing Palace hand warmer was specifically designed for the imperial court. It was the best of its kind, and could only be used by the royal family. The majority of the hand warmers were gold-gilt or cloisonné enameled. The cloisonné technique utilized fine and delicate copper threads welded to the outlines of the designs
CHAPTER 8ZHEN GUI REN"Magandang umaga." Nakangiting bati sa akin ng emperor pagka gising ko.Nakita kong nakabihis na agad siya para sa meeting nila kaya naman sinubukan kong gumalaw, ngunit napadaing lang ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan ko, lalo na ang pagkababae ko."Huwag ka munang gumalaw." Tugon nito at inalalayan akong muling humiga."Zhang Fu, kailangan kong batiin ang empress." Sabi ko rito.Umiling ito. "Qi Zi, magpahinga ka muna sa ngayon at patawad kung naging marahas ako.""Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Asawa kita at tungkulin ko rin ang paglingkuran kita." Sagot ko."Kahit mamaya ka na pumunta para batiin ang empress, magpahinga ka muna.""Hindi ka pa ba huli sa meeting niyo? Pumunta ka na. Inuubos mo ang oras mo sa'kin.""Nangako akong ibibigay ko ang lahat sa'yo
CHAPTER 9ZHEN GUI REN"Sheng Jiejie, tanggapin niyo po ang regalo ko." Tugon sa akin ni Wei Meimei.Kinuha ni Xue ang regalo at binigay sa akin. Inusisa ko ito at napangiti dahil sa ganda ng yari."Ang ganda!" Puri ni Li Meimei na nakatingin rin sa ginawa ni Wei Meimei."Oo. Maganda. Napakapino ng yari. May talento ka sa pananahi." Puri ko sa kaniya."Maraming salamat po, Zhen Gui Ren! Masaya po akong nagustuhan niyo po ang ginawa kong damit!" Masayang tugon nito.Ang damit na ibinigay niya ay para sa sanggol. Kulay ginto ito at may tatak ng dragon."Paano kapag hindi naging prinsipe ang anak ko?" Tanong ko sa kanila."Muli po akong gagawa ng bagong damit, Sheng Jiejie." Sagot nito."Kahit naman po babae ang maging anak ninyo ay magiging masaya po ang emperor." Sabi naman ni Li Meimei.
Chapter 10AI HUANG GUI FEI"Sinong pinili ng emperor ngayon?" Tanong ko habang nagbuburda."Si Zhen Gui Ren po, Niangniang." Sagot ni Mei."Hindi na nakakagulat.""Niangniang, pinapanigan niyo po ba si Zhen Gui Ren?" Tanong niya.Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kaniya."Paano mo naman nasabi?""Sa tuwing may mga plano laban kay Zhen Gui Ren, hindi ka nakikisali at nanatili ka lang kalmado. Tila panig din sa kaniya ang mga sinasabi niyo." Sagot nito.Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa. Tumayo ako at nagpaikot-ikot sa harap niya."Kung may papanigan man ako, si Tuya Jiejie lang 'yon." Tugon ko. "Gagawa rin ako ng paraan pero hindi pa ngayon.""Bakit po?""Gusto kong naiinis ang empress." Nakangiti kong sagot. "Ang lungkot naman kung mawawala agad ang isa niyang kal
CHAPTER 11ZHEN GUI REN"Ang bigat niya!" Masayang tugon ko habang buhat ang mataba, cute, at black na tutang tibetan mastiff.[The Tibetan Mastiff is a large Tibetan dog breed belonging to the mastiff family. Originating with the nomadic cultures of Tibet, China, Mongolia, India and Nepal, it is used by local tribes of Tibetans and Indians to protect sheep from wolves, leopards, bears, large mustelids, and tigers.]"Ang laki talaga ng lahi nila." Namamanghang tugon ni Xue."Base sa itsura niya ay alam kong magiging malakas at matapang siya sa hinaharap." Sabi naman ni Ying Nuzi."Hindi ka nagkakamali." Sagot ko."Lady Zhen, narito na po si Prince Huiqi." Tugon ni Xing-Su Gonggong."Papasukin niyo siya." Nakangiti kong tugon.Bumwelo ako upang tumayo habang buhat pa rin ang tuta habang hinehele ko siya na