CHAPTER 48ZHEN GUI FEI"Niangniang," bati sa'kin ni Zhu Gonggong. "Nais po ng emperor na malaman n'yong nasa may bayan na po ang mga rebelde. Ngunit 'di n'yo raw po kailangang mag-alala dahil handa ang palasyo sa magiging pag-atake nila.""Naiintindihan ko, Zhu Gonggong. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa harem.""May isa pa po, Niangniang.""Ano 'yon?""Hangga't 'di pa raw po humuhupa ang rebelyon, 'di raw po maaaring lumabas sa palasyo niya ang empress. Kapag tapos na raw po ang laban, ipapataw na ang mga parusa."Napataas ang kilay ko. "May sakit ang empress. Kahit pilitin ko pa siya, 'di rin siya lalabas. Sabihin mo sa emperor na 'wag siyang mag-alala.""Maraming salamat, Niangniang," tugon ni Zhu Gonggong. "Mauuna na po ako."Pagkalabas ni Zhu Gonggong, lumapit sa'kin si Ying Gugu na may dalang tsaa at panghimagas. Nilapag niya ang mga dala niya sa tabi ko. Kumuha ako ng isa, ngunit imbes na kainin ay tinignan ko lang ang panghimagas na hawak ko."Ayaw n'yo po ba, Niangniang?"
CHAPTER 49ZHEN GUI FEI"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya.""Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan."Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod."Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?""Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito.""Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?""'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito.""Mahal mo pa ba siya?""Hindi sa gan'on–""Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba
CHAPTER 50THIRD PERSONIlang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at
EPILOGUE[This is only a work of fiction.]"Emperor Ju-Long or Ju-Long Huang Di was the sixth emperor of Qing dynasty. Born Hongchi, he ruled China after the death of his father, the former emperor. He was the third son of Empress Dowager Lanxiaoyi, the empress of the former emperor."Sinulat ko ang buod ng tinuturo ko sa board upang may sundan ang mga estudyante ko."Some historians say that he only ruled for 9 years. Some say that he ruled for 10 years. Even his age when he died is unknown to them. They don't also know what is the cause of his death.""Ma'am," pagtataas ng kamay ng isa kong estudyante. Tumango ako upang sabihin na pwede niya nang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. "Some historians said that he was poisoned by one of his concubines.""Yes. Because, when they checked his preserved body again, they found some signs of poisons," tugon ko. "What's your name?""My name is Wang Sile, Ma'am," sagot ng lalaki kong estudyante."It seems like you studied in advance, Wang
CHAPTER 1"GOSH! BAKIT KAILANGAN NIYANG MAMATAY?! HUHUHU!"Sa sobrang inis ko ay kaunti na lang at maitatapon ko na ang cellphone ko."Ingay mo!" Reklamo naman sa akin ng kapatid kong si Roxanne."NAKAKAINIS KASI! MINAHAL LANG NAMAN NIYA 'YONG EMPEROR PERO HANGGANG SA DULO HINDI PA RIN SIYA PINANIWALAAN! NANIWALA SIYA D'ON SA MALANDING BABAE NA 'YON! BWISIT!""Sinabi ko naman kasi sa'yo na 'wag mo nang basahin 'yan, maiinis ka lang," sabi nito habang nag-s-scroll sa phone niya."Kung pwede lang na pumasok ako sa libro tapos sasapakin ko 'yong emperor, e!" Asik ko at kinuyom ang kamao ko."Yeah..." usal niya. "Tapos ay hindi ka na makakalabas sa libro kasi magagaya ka sa main character na pinugutan ng ulo.""HMP!" Pag-irap ko sa kaniya."Pero sa totoo lang, Ate Ramielle, ang tragic talaga ng buhay niya. Buong buhay niya minahal niya lang naman ang emperor, pero dahil lang sa kasalanan na hindi niya ginawa, namatay siya. Ang mas masakit pa sa part niya, mas pinaniwalaan ng emperor si Co
CHAPTER 2SHEN SHENGLINGLubog na ang araw nang matapos ang biyahe namin mula sa palasyo."Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Xue dahil sa ingay ng mga paputok at mga nagkakasiyahang tao na naririnig ko."Opo. Mukhang nakarating na po agad dito ang balita, Lady Shen," masayang tugon nito.Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng mansion at inalalayan ako ni Xue na bumaba. Bumungad sa akin ang mga nagkakasiyahang mga tao na naghihintay sa pagbabalik ko. Nakita kong masaya nilang binabati ang aking ama at ang aking mga kapatid."Ama," pagtawag ko sa kaniya na masayang nakikihalubilo sa mga tao.Nang mapansin nila ako ay nabalot ng katahimikan ang kaninang maingay na paligid. Naunang lumuhod ang aking ama, kasunod ang aking mga kapatid, at maging ang mga tao na nakapagpabigla sa akin.Naguluhan ako sa mga kinilos nila. "Anong ginagawa niyo? Tumayo po kayo.""Ama, tumayo po kayo," pagsusumamo ko nang hindi pa rin sila gumalaw. Kahit ang totoong Shengling ay mukhang ayaw din na m
CHAPTER 3ZHEN CHANG ZAISa original na story, mayabang at abusado ang character ni Consort Zhen. Harap-harapan niyang iniinsulto ang empress tapos kung anu-ano pang paninira ang sinasabi niya sa emperor tungkol sa empress. Kaya habang binabasa ko ang story dati, gigil na gigil talaga ako sa kaniya. Jusko! Bakit napunta ako sa character niya?!Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa iniisip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiinis ako sa author!"Zhen Chang Zai, ayos lang po kayo?" Nag-aalalang tanong ni Xue mula sa labas ng karwahe."Ayos lang ako," sagot ko.Dahil sa pangangamusta niya sa akin ay bumalik ako sa realidad. Kasalukuyan kaming tutungo sa palasyo dahil ngayon na ang araw ng paglipat ko. Nalaman kong bukas pa ang pagdating ng mga Manchu kaya bukas ko pa makikita ang kapatid ko."Zhen Chang Zai, nandito na po tayo," sabi ni Xue at inalalayan akong bumaba."Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Zhen Chang Zai," bati sa akin ng apat na eunuch."Salamat po...?" Tugon ko sa pinak
CHAPTER 4ZHEN CHANG ZAI"Ouch!" Daing ko matapos matusok ng karayom ang daliri ko.Dahil sa dugo na mula sa pagkatusok ay namantsahan ang binuburda ko.Bwisit! Ilang oras kong binuburda tapos mamantsahan lang! Hays!"Lady Zhen, nandito po uli si Baturu Da Ying," sabi sa akin ni Ying Nuzi."Paalisin mo siya," sagot ko."Lady Zhen, nakaka-anim na balik na po si Baturu Da Ying," sabi nito."Wala akong pake. Magdusa siya.""Sasabihin ko po," sagot nito at lumabas."Lady Zhen, nandito po si Gang Gotin Gonggong. Siya po ang head eunuch ni Lihua Huang Hou Niangniang," sabi naman sa akin Xiao-Daquan.Bakit nandito siya?"Papasukin mo.""Opo."Pagkabalik niya ay kasama na niya ang matabang eunuch."Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Zhen Chang Zai," bati nito."Tumayo ka. Bakit ka naparito?" Tanong ko."Pinapatawag po kayo ng empress. Kailangan na po kayo ngayon," sagot nito.Empress? Bakit kaya-?Ah! Si Batkhaan Da Ying!Malamang ay nagsumbong siya sa empress."Ituro mo ang daan Gang Gonggong