CHAPTER 6
ZHEN GUI REN
"Ako po si Jingyi, mula po ako sa departamento ng patahian." Pagpapakilala ng isa sa mga bagong maid.
"Ako naman po si Juan, mula po ako sa kusina."
"Ako po si Kun. Mula po ako sa departamentong nangangalaga sa Imperial Garden."
Kasunod ay nagpakilala naman ang mga eunuch.
"Zhen Gui Ren, ako naman po si Xiao-Bo. Mula po ako sa departamento na nangangalaga sa Imperial Armory." Pagpapakilala ng isa sa kanila.
"Ako po si Xiao-Chang. Mula rin po sa Imperial Armory."
"Ako po si Xiao-Deshi. Mula naman po ako sa Imperial Stable." Pagpapakilala ng huli.
So... Walang kahit na isa sa kanila ang mula sa ibang palasyo? Magaling talagang mamili ang emperor para sa akin.
"Gaya ng sinabi ko, huwag na huwag niyo kong susubukan. Kung mayroon man kayong naging amo noon ay noon na 'yon, ako na ngayon kaya naman ako na ang susundin niyo. Paglingkuran niyo ko ng maayos at gagantimpalaan ko kayo. Hindi na kayo sisikatan pa ng araw kapag kabaliktaran ang ginawa niyo." Tugon ko sa mga ito na ngayon ay pawang mga nakaluhod.
Tumingin ako kay Xue at ibinagsak nito bag na puno ng mga pilak. Halatang nagulat ang mga ito sa ibinigay ko.
Kahit gaano pa kadami ang ubusin ko, mapanatili ko lamang na tapat ang mga tagapaglingkod ko ay gagawin ko. Isa sa pinakamasakit na mangyari sa akin ay masaksak sa likod.
"SALAMAT PO, ZHEN GUI REN! PAGLILINGKURAN PO NAMIN KAYO NG BUONG PUSO!" Tugon nila.
"Xing-Su Gonggong, Ying Nuzi, kayo na ang bahalang magbigay sa kanila ng gawain." Utos ko sa dalawang head.
"Opo." Sagot nila at sinamahang lumabas ang mga bago.
Alam kong walang magiging problema kung saan sila ilalagay. Napag-usapan namin na sila pa ring mga luma ang gagawa ng mga personal kong gawain at malayo naman sa akin ang mga bago.
"Zhen Gui Ren." Bati sa akin ni Xiao-Cong at tumungo.
"Tumayo ka." Utos ko na agad nitong sinunod.
"Lady Zhen, inaanyayaan po ang lahat ng concubine na pumunta sa palasyo ng empress bukas para po sa isang garden viewing at tea party." Balita nito sa akin.
"Bakit may ganyang event?" Tanong ko.
"Si Xiaodan Niu Pin Niangniang po ay tatlong buwan na pong nagdadalang-tao. Nabuntis po siya bago pa man po kayo makapasok sa palasyo kaya po siguro ay hindi niyo po nalalaman. Ito po ang dahilan kung bakit nag-aanyaya po ang empress." Sagot nito.
"Pupunta ako. Mamasamain nila kapag hindi." Sagot ko naman.
"Mauna na po ako." Paalam nito at umalis.
"Lady Zhen, ano pong susuotin niyo bukas?" Tanong sa akin ni Xue.
"Tulad ng dati. Simple." Diretsong sagot ko.
"Pero-"
"Alam mo ang sitwasyon ko, Xue. Hindi ito ang tamang oras to show off." Tugon ko.
"Opo..."
---
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa hardin ng palasyo ng empress. Dahil nga mauuna muna ang garden viewing bago ang tea party.
Napahinto ako matapos makasalubong ang dalawang concubine na may kasamang tigdalawang katulong. Anong sasabihin ko sa kanila? Di ko sila kilala and di ko alam position nila.
"Binabati ka namin, Zhen Gui Ren." Bati nila at sandaling tumungo.
Alam nila ang pangalan ko? Ah. Siguro kasi nga pinaabante ako noon ni Ai Huang Gui Fei Niangniang kaya nila ako nakikilala.
"Binabati ko rin kayo..." Tugon ko.
"Ako nga pala si Fan Gui Ren." Pagpapakilala ng isang concubine na mas matangkad sa akin pero mas maputi ako. Napapalamutian rin ito ng mga bulaklak.
"Ako naman si Li Gui Ren. Pasensya ka na at kailangan kong magpalipat ng palasyo, kasama sana kita ngayon sa Palace of Great Brilliance." Sabi naman ng isang tila mas bata sa akin ng ilang taon at halos pink ang kasuotan.
Siya pala yung dapat kong kasama kaso nagpalipat dahil sa kaibigan.
"Hayaan niyo akong pormal na magpakilala. Ako si Zhen Gui Ren." Sabi ko at sandaling tumungo.
"Kinagagalak namin ang makilala ka, Zhen Gui Ren." Masayang tugon ni Li Gui Ren at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Masaya rin akong makilala kayo, Li Gui Ren, Fan Gui Ren."
"Meron pala tayong pagpapakilala rito." Nakangiting tugon naman ng isa pang bagong dating na concubine na may kasamang apat na tagapaglingkod.
Agad tumungo ang dalawa kaya ginaya ko na lang sila.
"Pagbati, Wen Wenqian Pin Niangniang." Bati ng dalawa.
"Pagbati po, Wen Pin Niangniang." Gaya ko sa pagbati nila.
"Tumayo kayo." Utos nito.
Tumayo kami agad nang marinig ang utos nito.
"Zhen Gui Ren?" Pagkumpirma nito.
"Opo, Wen Pin Niangniang." Magalang kong tugon.
"Kinagagalak kong makilala ang taong nakakapagpabaliw ngayon sa emperor, empress, at maging kay Ai Huang Gui Fei Niangniang." Nakangiting tugon nito.
"Kinagagalak ko rin ang makilala ka." Sagot ko.
"Maiwan na namin kayo ni Fan Gui Ren." Sabi nito at tumingin sa kaniya.
Tumungo naman si Fan Gui Ren bilang paalam sa amin at umalis na kasama si Wen Pin Niangniang.
"Aw, umalis na si Fan Jiejie. Sa bagay, wala man akong magagawa dahil sila naman talaga ang magkaibigan." Malungkot na tugon ni Li Gui Ren.
Ibig sabihin ay gusto niya lang ng kaibigan dito? Pero ito ang Imperial Harem. Kailangan niyang maging maingat. Kahit na bata lamang siya ay maaaring mapahamak siya.
"Li Gui Ren, ilang taon ka na?" Tanong ko rito.
"14, Zhen Gui Ren."
14? Ang bata niya pa nga!
"Ilang taon ka sa unang pagpasok mo rito?"
"11, Zhen Gui Ren. Alam kong nakakagulat."
"Ibig sabihin ay mas bata ka pala sa akin. Ang totoong pangalan ko ay Shen Sheng Ling, tawagin mo kong Sheng Jiejie."
"Talaga bang pwede kitang tawaging Sheng Jiejie?" Masaya nitong tugon.
"Oo. Tatawagin naman kitang Li Meimei." Nakangiting tugon ko sa kaniya.
"Salamat, Sheng Jiejie."
Bata pa lang siya napunta dito kaya naiintindihan ko siya. Ang mahiwalay ka sa mga magulang at mga kapatid ay napakalungkot. Paano pa sa edad na gaya niya? Kaya hindi ako nagtataka kung bakit sa simpleng pagkakaibigan lang ay sobrang saya na niya.
Naglakad kami papunta sa hardin habang nag-uusap. Nalaman kong hindi pa pala siya nakakapaglingkod sa emperor dahil sa bata pa siya para rito. Gaya ng ibang bata ay mahilig rin to sa mga matatamis, manika at kulay pink.
"Binabati ka namin Ai Huang Gui Fei Niangniang. Binabati namin ang kamahalan." Bati naming dalawa ni Li Meimei.
"Tumayo kayo. Dapat ay masaya tayo, walang lugar ang pormalidad ngayon." Nakangiting tugon ng empress samin.
"Salamat po, Huang Hou." Sagot namin at tumayo.
"Napakaganda talaga nitong mga mudan, Niangniang." Rinig naming tugon ni Qiu Fei Niangniang.
[Peony (mudan 牧丹) Known as the 'king of the flowers', the peony is a symbol of royalty and virtue. It is also called the 'flower of wealth and honour' (fuguihua 富貴花) and is widely used to represent wealth and honour. Mudan also symbolizes the empress.]
"Maganda nga at maganda ang kahulugan ngunit hindi lahat ay gusto ang ganitong bulaklak." Sabi nito at pumitas ng isa. "Tulad ko."
Binitawan niya ang pinitas niyang mudan at tinapakan ito ng madiin habang nakatingin at nakangiti sa empress.
"Tara na. Tumingin pa tayo ng ibang MAS maganda sa mudan." Sabi ni Ai Huang Gui Fei at umalis kasama si Qiu Fei.
Halatang hindi natuwa ang empress sa ginawa nito pero pinilit na lang nitong ngumiti.
"Niangniang, hahanapin at babatiin lang namin si Xiaodan Pin Niangniang." Paalam ko rito at tumungo.
"Sige. Mauna na kayo." Nakangiting tugon nito.
"Opo." Sagot ko at umalis na kasama si Li Meimei.
"Sheng Jiejie, babatiin mo ba talaga si Xiaodan Pin Niangniang?" Tanong nito.
"Oo."
"Eh? Hindi ko gusto ang ugali niya." Sagot nito.
"Li Meimei. Kahit di mo siya gusto ay dapat mo siyang batiin, lalo na at dala niya ang anak ng emperor." Paliwanag ko.
"Naiintindihan ko, Sheng Jiejie."
Natagpuan namin si Xiaodan Pin na nakaupo habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa hardin.
"Binabati ka namin Xiaodan Pin Niangniang." Bati namin sa kaniya at tumungo.
"Tumayo kayo." Utos nito sa tonong pinakaaayawan ko.
Ang tonong akala mo ay napakataas niya at napakababa naman namin. Pero anong magagawa ko? Isa siyang Pin at dala niya ang anak ng emperor.
"Salamat po." Sagot namin at tumayo.
"Binabati kita, Xiaodan Pin Niangniang. Sana ay maging malusog ang magiging anak niyo." Bati ko rito.
"Salamat. Sana nga ay maging malusog ang maging anak namin." Tugon nito habang nandun pa rin ang nakakairitang tono ng pananalita niya.
"Balita ko ay pinapapaboran ka ngayon ng emperor. Sayang lang at hindi ka pa nagkakaanak." Tugon nito at ngumisi.
Iniinsulto niya ba ko? Oo. Iniinsulto niya nga ko. Dahil ako ang pinapaboran ng emperor pero hindi pa ko buntis. Anong magagawa ko? Hindi naman ako gaya niyo na ibibigay ang sarili makataas lang.
Pinilit kong ngumiti at sumagot sa kaniya. "Niangniang, hindi pa siguro kaloob. Mali ka rin sa isang bagay, hindi ako ang pinakapinapaboran kundi si Ai Huang Gui Fei Niangniang. Kapag narinig niya ito mula sa iyo ay tiyak na magagalit siya."
"Mauna na po kami, Niangniang." Paalam naman ni Li Meimei dahilan para makaalis na kami.
Mabuti na lang at nakatakas kami sa sitwasyon na 'yon. Kaya naman sinulit na lang namin ang nalalabing oras bago ang tea party at tumingin ng mga bulaklak. Sa sobrang daldal ni Li Meimei ay nalaman kong gusto pala ni Wen Pin ang garden viewing at marami pang iba.
"Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan Li Gui Ren, Zhen Gui Ren." Bati sa amin ni Wan, ang dowry maid ni Ilha Meimei.
"May kailangan ka ba, Wan?" Nakangiting tanong ko rito.
"Opo. Zhen Gui Ren, gusto daw po kayong makausap ni Lady Ilha. Magkita daw po sana kayo sa puno sa dulong bahagi ng hardin." Sagot nito.
"Sheng Jiejie, mauuna na ko kung ganun." Paalam sa akin ni Li Meimei.
"Sige. Mag-ingat ka."
Mag-isa akong pumunta sa puno dahil may kailangan pa raw gawin si Wan at hindi na niya ko mahahatid. Wala namang problema sakin basta para sa kapatid ko.
Narating ko ang puno at ilang sandali akong naghintay. Naiinip na ko pero gumaan ang pakiramdam ko nang may dunating. Nainis lang ako ulit matapos makitang hindi pala ito ang kapatid ko.
Nasaan ba kasi siya?!
Sa sobrang kaiisip ko ay hindi ko na namalayan na nabangga ko na pala ang tagapaglingkod na dumating dahilan ng pagkatapon sa akin ng maruming tubig na dala niya. Sa sobrang pagkabigla namin pareho ay hindi agad ako nakapag-isip at siya naman ay agad na napaluhod sa takot.
"HINDI KO PO SINASADYA! PATAWARIN NIYO PO AKO! PATAWARIN NIYO PO AKO!" Pagmamakaawa nito.
"T-tumayo ka. Aksidente ang nangyari." Gulat kong tugon.
"Salamat po, Zhen Gui Ren. Tatanawin ko po itong utang na loob." Lumuluha nitong tugon.
"Mauna na po ako." Paalam nito at tuluyang umalis.
Jusko! Nakakabigla. Tae.
"Zhen Gui Ren! Ano pong nangyari?" Tanong ni Xue na kakarating lang.
"Natapunan niya ko ng maruming tubig pero aksidente lang ang nangyari kaya pinalagpas ko na lang." Sagot ko.
"Patawad po, Lady Zhen. Hindi kita nabantayan." Tugon nito at lumuhod.
"Xue, tumayo ka." Utos ko at inalalayan siyang tumayo. "Wala kang kasalanan. Ako naman ang nag-utos sa'yo na tumulong muna sa kanila sa palasyo bago sumunod rito."
"Pero Lady Zhen... Hindi ko po dapat kayo iwan. Sa loob ng 24 oras. Sa loob ng 7 araw sa isang linggo."
"Hayaan mo na. Nangyari ang nangyari." Sagot ko.
"Lady Zhen, hinahanap na po kayo sa tea party pagkarating ko kaya po hinanap ko na kayo." Sabi nito.
Hala? Hinahanap na pala ako. Pero di ko pa nakakausap ang kapatid ko.
Umalis na kami roon at pumunta sa bulwagan ng palasyo kung saan gaganapin ang tea party na sinasabi nila. Nagmamadali akong pumasok dahil ako na nga lang talaga ang hinihintay nila.
"Patawad po. Naaliw po ako sa pagtingin sa mga bulaklak." Palusot ko.
"Walang problema. Maupo ka na." Sagot ng empress.
Umupo na ko at unang hinanap ko si Ilha Meimei. Umiinom siya ngayon ng tsaa habang nakikipagkwentuhan sa ibang concubine. Bakit parang walang nangyari? Pinapunta niya ko roon dahil may sasabihin siya diba? Bakit parang wala naman talaga? Pinapunta nya ba talaga ako?
*CRACK!*
Lahat kami ay tila napatigil sa kung anumang ginagawa namin at napatingin kay Xiaodan Pin na ngayon ay sumisigaw at namimilipit sa sakit habang hawak ang kaniyang tiyan.
"TULONG! ANG SAKIT! ANG ANAK KO! ANG ANAK KO!"
Halos mamatay ako sa kaba dahil sa nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"ANO PANG HINIHINTAY NIYO?! MAGPAKUHA NA KAYO NG DOKTOR!" Sigaw ng empress sa mga tagapaglingkod na agad lumabas upang maghanap ng mga doktor.
"ANG ANAK KO, NIANGNIANG! TULUNGAN MO ANG ANAK KO!" Naluluha nitong tugon.
Hindi kami makagalaw at makapag-isip sa nangyayari. Lalo pa at may lumalabas ring dugo mula kay Xiaodan Pin.
"Mga kamahalan! Magsilabas po muna kayo." Sabi ng doktor na kararating pa lamang.
Tatlo silang doktor na dumating at maraming gamit ang dala ng mga tagapaglingkod.
"Doktor! Iligtas niyo po ang anak nila. Malulungkot ang emperor kapag may nangyaring masama." Pakiusap ko rito.
"Gagawin po namin ang lahat." Tugon nito.
Sumunod na ko sa labas matapos akong sagutin ng doktor. Palihim na kong nagdadasal para sa ikabubuti nila habang ang iba naman ay nag-aalala rin sa nangyayari. O nag-aalala nga ba talaga sila? Hindi lingid sa kaalaman ko na ang ilan sa kanila ay gusto itong mangyari.
Paano nga ba ito nangyari? Sandali lamang akong nawala at nangyari na ito. Pagtapos niyang mainom ang tsaa at-saka niya ito nabitawan-
Tsaa?
Maaari kayang may naglagay ng pampalaglag sa tsaang iniinom niya?
CHAPTER 6.5ZHEN GUI REN"MAGBIGAY NG GALANG SA MAHAL NA EMPEROR!" Anunsyo ng isang eunuch.Sabay-sabay kaming lumuhod upang magbigay-galang.Ilang minuto o oras na rin kaming nakatayo rito at naghihintay ng resulta. Sana talaga walang masamang nangyari.Nilapitan ako ng emperor at inalalayan tumayo. Alam kong sa ginawang yun ng emperor ay hindi lang ang mga mata ng empress at imperial noble consort ang nakatingin sa akin, pati na rin ng iba pang concubine."Salamat po, Huang Shang." Magalang kong tugon."Magsitayo na kayo." Utos naman siya sa iba."SALAMAT PO, HUANG SHANG." Tugon naman ng iba."Kamusta? Anong balita?" Kalmado nitong tanong sa akin."Huang Shang, kanina ay sumakit ang tiyan at dinugo si Xiaodan Pin Niangniang. Nagpapunta na sila ng doktor na ngayon ay tumitingin sa kaniya. Huwag kang mag-alala, kamahalan." Sagot ko."Hanggang ngayon ay wala
CHAPTER 7ZHEN GUI REN"Lady Zhen, maglagay po kayo nito." Sabi sa akin ni Xue at ipinatong sa akin ang pangginaw.Geez! Ang ginaw!Ganito pala yung winter. Dati gusto ko pa, ngayon hindi na. Kung hindi lang sanay ang katawanng to sa ginaw ay malamang nag-nosebleed na ko.Isinuot ko ang pangginaw na ipinatong sa akin ni Xue. Gamit ang magkabilang-kamay ay hinawakan ko ang hand warmer para agad akong mainitan. Ito ay ibinigay sa akin mismo ng emperor. Hugis lotus ito at ginawa gamit ang cloisonné.[The Qing Palace hand warmer was specifically designed for the imperial court. It was the best of its kind, and could only be used by the royal family. The majority of the hand warmers were gold-gilt or cloisonné enameled. The cloisonné technique utilized fine and delicate copper threads welded to the outlines of the designs
CHAPTER 8ZHEN GUI REN"Magandang umaga." Nakangiting bati sa akin ng emperor pagka gising ko.Nakita kong nakabihis na agad siya para sa meeting nila kaya naman sinubukan kong gumalaw, ngunit napadaing lang ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan ko, lalo na ang pagkababae ko."Huwag ka munang gumalaw." Tugon nito at inalalayan akong muling humiga."Zhang Fu, kailangan kong batiin ang empress." Sabi ko rito.Umiling ito. "Qi Zi, magpahinga ka muna sa ngayon at patawad kung naging marahas ako.""Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Asawa kita at tungkulin ko rin ang paglingkuran kita." Sagot ko."Kahit mamaya ka na pumunta para batiin ang empress, magpahinga ka muna.""Hindi ka pa ba huli sa meeting niyo? Pumunta ka na. Inuubos mo ang oras mo sa'kin.""Nangako akong ibibigay ko ang lahat sa'yo
CHAPTER 9ZHEN GUI REN"Sheng Jiejie, tanggapin niyo po ang regalo ko." Tugon sa akin ni Wei Meimei.Kinuha ni Xue ang regalo at binigay sa akin. Inusisa ko ito at napangiti dahil sa ganda ng yari."Ang ganda!" Puri ni Li Meimei na nakatingin rin sa ginawa ni Wei Meimei."Oo. Maganda. Napakapino ng yari. May talento ka sa pananahi." Puri ko sa kaniya."Maraming salamat po, Zhen Gui Ren! Masaya po akong nagustuhan niyo po ang ginawa kong damit!" Masayang tugon nito.Ang damit na ibinigay niya ay para sa sanggol. Kulay ginto ito at may tatak ng dragon."Paano kapag hindi naging prinsipe ang anak ko?" Tanong ko sa kanila."Muli po akong gagawa ng bagong damit, Sheng Jiejie." Sagot nito."Kahit naman po babae ang maging anak ninyo ay magiging masaya po ang emperor." Sabi naman ni Li Meimei.
Chapter 10AI HUANG GUI FEI"Sinong pinili ng emperor ngayon?" Tanong ko habang nagbuburda."Si Zhen Gui Ren po, Niangniang." Sagot ni Mei."Hindi na nakakagulat.""Niangniang, pinapanigan niyo po ba si Zhen Gui Ren?" Tanong niya.Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kaniya."Paano mo naman nasabi?""Sa tuwing may mga plano laban kay Zhen Gui Ren, hindi ka nakikisali at nanatili ka lang kalmado. Tila panig din sa kaniya ang mga sinasabi niyo." Sagot nito.Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa. Tumayo ako at nagpaikot-ikot sa harap niya."Kung may papanigan man ako, si Tuya Jiejie lang 'yon." Tugon ko. "Gagawa rin ako ng paraan pero hindi pa ngayon.""Bakit po?""Gusto kong naiinis ang empress." Nakangiti kong sagot. "Ang lungkot naman kung mawawala agad ang isa niyang kal
CHAPTER 11ZHEN GUI REN"Ang bigat niya!" Masayang tugon ko habang buhat ang mataba, cute, at black na tutang tibetan mastiff.[The Tibetan Mastiff is a large Tibetan dog breed belonging to the mastiff family. Originating with the nomadic cultures of Tibet, China, Mongolia, India and Nepal, it is used by local tribes of Tibetans and Indians to protect sheep from wolves, leopards, bears, large mustelids, and tigers.]"Ang laki talaga ng lahi nila." Namamanghang tugon ni Xue."Base sa itsura niya ay alam kong magiging malakas at matapang siya sa hinaharap." Sabi naman ni Ying Nuzi."Hindi ka nagkakamali." Sagot ko."Lady Zhen, narito na po si Prince Huiqi." Tugon ni Xing-Su Gonggong."Papasukin niyo siya." Nakangiti kong tugon.Bumwelo ako upang tumayo habang buhat pa rin ang tuta habang hinehele ko siya na
CHAPTER 12ZHEN GUI REN"MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, ZHEN GUI REN." Pagbati sa akin ng iba pang mga concubine."Tumayo kayo." Sagot ko sa mga ito.Gaya ng dati, agad silang sumunod at bumalik sa mga pwesto nila habang inaalalayan ng mga katulong.Tumungo naman ako at bumati. "Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Huang Hou Niangniang, Ai Huang Gui Fei Niangniang.""Tumayo ka." Nakangiting tugon sa akin ni Ai Huang Gui Fei.Ngumiti rin ako sa kaniya at sumagot. "Salamat po, Niangniang."Inalalayan naman ako ni Xue sa pagtayo at sa pag-upo sa pwesto ko."Kamusta ang pagdadalang-tao mo, Zhen Gui Ren?" Tanong sa akin ni Qiu Fei."Niangniang, maayos naman." Sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko."Isang buwan na ang pagdadalang-tao mo. Ilang buwan na lang at may bata na uli sa palasyo."
CHAPTER 13ZHEN GUI REN"Pagbati po, Lady Zhen." Bati ni Doktor Zhou at nagbigay-galang."Tumayo ka." Tugon ko."Maraming salamat po, Lady Zhen." Sagot niya at tumayo."Alam kong nakapagbigay na ang mga doktor ng gamot sa emperor pero gusto ko sanang magluto ng pagkain na mas makapagpapabuti sa kalagayan niya.""Zhen Gui Ren, kung gusto niyong ipagluto ang emperor, pinakamagandang ipagluto niyo siya ng lugaw. Lugaw na may luya at bawang. Mapapainit nito ang katawan ng emperor at mapapalabas ang pawis, mainam ito para sa mga may lagnat." Nakangiting sagot niya sa akin."Kung pwede ba ay kumuha na kami ngayon ng mga matataas na kalidad ng sangkap?" Tanong ko."Opo. Wala pong problema. Ako na po ang kukuha." Sagot niya at lumabas para kumuha ng mga sangkap."Lady Zhen, mukhang mabait si Doktor Zhou." Sabi ni Xue."Sa tingin ko ay hindi naman siya magiging kaibigan ng aking ama kung hindi." Sagot ko.Napatingin ako sa paligid ng gamutan at nakitang may mga nakabukod na gamot na pawang hin
EPILOGUE[This is only a work of fiction.]"Emperor Ju-Long or Ju-Long Huang Di was the sixth emperor of Qing dynasty. Born Hongchi, he ruled China after the death of his father, the former emperor. He was the third son of Empress Dowager Lanxiaoyi, the empress of the former emperor."Sinulat ko ang buod ng tinuturo ko sa board upang may sundan ang mga estudyante ko."Some historians say that he only ruled for 9 years. Some say that he ruled for 10 years. Even his age when he died is unknown to them. They don't also know what is the cause of his death.""Ma'am," pagtataas ng kamay ng isa kong estudyante. Tumango ako upang sabihin na pwede niya nang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. "Some historians said that he was poisoned by one of his concubines.""Yes. Because, when they checked his preserved body again, they found some signs of poisons," tugon ko. "What's your name?""My name is Wang Sile, Ma'am," sagot ng lalaki kong estudyante."It seems like you studied in advance, Wang
CHAPTER 50THIRD PERSONIlang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at
CHAPTER 49ZHEN GUI FEI"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya.""Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan."Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod."Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?""Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito.""Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?""'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito.""Mahal mo pa ba siya?""Hindi sa gan'on–""Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba
CHAPTER 48ZHEN GUI FEI"Niangniang," bati sa'kin ni Zhu Gonggong. "Nais po ng emperor na malaman n'yong nasa may bayan na po ang mga rebelde. Ngunit 'di n'yo raw po kailangang mag-alala dahil handa ang palasyo sa magiging pag-atake nila.""Naiintindihan ko, Zhu Gonggong. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa harem.""May isa pa po, Niangniang.""Ano 'yon?""Hangga't 'di pa raw po humuhupa ang rebelyon, 'di raw po maaaring lumabas sa palasyo niya ang empress. Kapag tapos na raw po ang laban, ipapataw na ang mga parusa."Napataas ang kilay ko. "May sakit ang empress. Kahit pilitin ko pa siya, 'di rin siya lalabas. Sabihin mo sa emperor na 'wag siyang mag-alala.""Maraming salamat, Niangniang," tugon ni Zhu Gonggong. "Mauuna na po ako."Pagkalabas ni Zhu Gonggong, lumapit sa'kin si Ying Gugu na may dalang tsaa at panghimagas. Nilapag niya ang mga dala niya sa tabi ko. Kumuha ako ng isa, ngunit imbes na kainin ay tinignan ko lang ang panghimagas na hawak ko."Ayaw n'yo po ba, Niangniang?"
CHAPTER 47ZHEN GUI FEI"Niangniang," wika ni Ying Gugu. "Handa na po ang lahat ng pinahanda n'yo."Lumapit sa'kin si Yue at binigay ang lalagyan na may lamang kandila, panindi, at papel na may nakasulat na Shen Sheng Ling. Napatingin ako sa bintana. Bilog na bilog ang buwan."Magsuot ka nito, Niangniang," muling wika ni Ying Gugu bago ako suotan ng balabal. "Para 'di ka lamigin, Niangniang.""'Di ba talaga kami maaaring sumama, Niangniang?" Tanong naman ni Yue.Ngumiti ako. "Walang mangyayari sa'kin. 'Wag kayong mag-alala.""Sinong tao ba ang pupuntahan n'yo, Niangniang?" Tanong naman ni Ying Gugu. "Matagal na 'ko rito sa palasyo. Baka kilala ko siya.""Sundin n'yo na lang ang utos ko at manatili rito sa palasyo," tugon ko. "Mahalagang bagay 'to. 'Wag n'yong subukan na sumunod."Tumungo sila. "Naiintindihan namin, Niangniang."Umalis na 'ko sa palasyo at nagtungo sa may hardin. Habang naglalakad ay sinisiguro kong walang taong sumusunod o makakakita sa'kin. Mabuti na lang at binigyan
CHAPTER 46ZHEN PIN"Wala pa rin ba?" Naiinip na tanong ni Batkhaan Chang Zai habang hinihintay namin na papasukin kami ng empress para batiin siya. Ngunit ilang minuto na, wala pa rin."Maghintay lang tayo, Meimei," wika naman ni Zhi Pin.Wala namang nagawa si Batkhaan Chang Zai kundi ang bumuntong-hininga."Jiejie," tawag naman sa'kin ni Wei Meimei. "May alam ka ba kung ba't 'di pa rin tayo pinapapasok ng empress?""Wala rin akong alam, Meimei."Lahat kami ay napatingin nang makitang lumabas si Lu Momo.Tumungo siya sa'min. "Paumanhin sa abala ngunit 'di n'yo na kailangan pang bumati sa empress ngayon. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo. Simula rin ngayon, kanselado na rin ang pagbati sa empress tuwing umaga. 'Di n'yo na kailangan pang pumunta. Si Zhen Pin lang din ang maaaring maiwan ngayon upang makapag-usap sila ng empress.""Maaari ba naming malaman kung bakit, Lu Shan?" Tanong ni Zhi Pin."May sakit ang empress ngayon at pinayuhan siya ng mga doktor na 'wag munang p
tw: d**th//s**cideCHAPTER 45ZHEN PIN"Niangniang!" Sigaw ni Ying Gugu. "May sunog raw po sa palasyo ni Qiu Fei!"Napatayo ako. "Kumusta si Qiu Fei at ang prinsesa?""Ligtas si Qiu Fei, Niangniang," tugon nito. "Ngunit iba na raw ang kulay ng prinsesa nang nailabas ito. Dinala raw ang prinsesa sa Yikungong para gamutin.""Pupunta tayo sa Yikungong.""Masusunod, Niangniang," parehong tugon ni Yue at Ying Gugu.Madali kaming nagtungo sa Yikungong. Ngunit nang makarating, 'di na kami hinayaan pang pumasok ng mga tagapaglingkod. Sinabihan kaming maghintay na lang sa magiging balita."Yue," pagtawag ko. "May balita ka na ba kung anong nangyari kay Qiu Gui Ren?""Magtatanong po ako ngayon kung gusto n'yo.""Magmadali ka.""Opo.""Niangniang, kumalma ka lang," wika naman ni Ying Gugu. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Magiging maayos lang ang prinsesa. Magtiwala tayo sa mga doktor. Nasa loob ang emperor, 'di nila siya bibiguin."Tumango ako. "Sana nga, Gugu.""Jiejie!" Rinig kong tawag sa'k
tw: d**ths//bl**dCHAPTER 44THIRD PERSON"Jiao Gui Ren," magmamadaling wika ni Yong Gui Ren habang palapit sa kaniya. "May kailangan kang malaman."Napatayo siya. "May nangyari ba?"Hinawakan ni Yong Gui Ren ang kamay niya. "Nakita ng isa sa mga tagapaglingkod ko kanina sa may hardin na pinagtangkaan ni Qiu Gui Ren ang buhay ni Zhen Pin. Ang sabi, dinala na raw si Qiu Gui Ren para iharap sa emperor."Nagsimula siyang mamutla. "Si Qiu Gui Ren?""Jiao Gui Ren!" Biglang sigaw ni Yong Gui Ren nang bigla siyang matumba. Agad siya nitong tinulungang makaupo. "Kumuha kayo ng tubig! Bilisan n'yo!" Utos niya sa mga tagapaglingkod."H-hindi 'to maaari...""Anong nangyayari, Jiao Gui Ren? Anong problema?""Hindi... hindi..." paulit-ulit niyang wika habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mukha niya.Hinawakan ni Yong Gui Ren ang magkabila niyang balikat. "'Wag kang umiyak. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Anong nangyayari?""Inutos niya sa'kin... kung anong inutos niya sa'kin dati..." lumuluha ni
CHAPTER 43THIRD PERSON"Pagbati, Huang Shang," wika ni Jiao Gui Ren bago lumuhod sa emperor.Sinenyasan naman siya nitong tumayo. Pagkatayo ay agad na binigay ni Jiao Gui Ren ang dala niyang mga pagkain para sa emperor kay Zhu Gonggong. Magpapaalam na sana siya nang biglang magsalita si Zhu Gonggong."Jiao Gui Ren, malapit na magtanghalian ang emperor. Ba't 'di pa po kayo sumabay?" Wika ng eunuch."H-hindi na, Zhu Gonggong-""Sumabay ka na," wika ng emperor habang nagbabasa ng dokumento. "Malapit na 'kong matapos."Napapikit siya. "Masusunod, Huang Shang."Dahil dati siyang tagapaglingkod ay 'di rin siya nagdalawang-isip na tulungang maghain si Zhu Gonggong. Nang matapos ay umupo na siya sa tabi ng emperor."Patay na raw si Jing Chang Zai.""Opo, Huang Shang.""Anong tingin mo sa nangyari?" Makahulugang wika ng emperor.Napatigil si Jiao Gui Ren. "S-sa tingin ko...""Ba't 'di ka makapagsalita?" Tugon ng emperor. "Simple lang naman ang tinatanong ko."Sinenyasan ng emperor ang mga tag