CHAPTER 14ZHEN GUI REN"Magandang umaga, Jiejie." Masayang bati ni Li Meimei."Maupo ka." Nakangiti kong sagot sa kaniya at sinarado ang kahong hawak ko."Sheng Jiejie, ano 'yan?" Tanong niya sa akin."Regalo ko ito para kay Xue. Kaarawan niya bukas." Sagot ko.[Xue's birthdate: Dec. 04]"Kung ganoon pala ay dapat magregalo rin kaming dalawa ni Wei Jiejie." Tugon niya."Salamat kung ganoon. Nasaan nga pala si Wei Meimei?" Tanong ko."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Nasa palasyo niya at nananahi ng bagong damit. Damit para sa magiging anak niyo.""Dapat pala puntahan natin siya." Sagot ko at akmang tatayo nang pigilan ako ni Li Meimei."Hindi na, Jiejie! Sikreto daw muna ang ginagawa niyang damit. Ipapakita niya na lang daw kapag nanganak ka na." Tugon niya."Sige na ng
CHAPTER 15ZHEN GUI RENKahapon ang kaarawan ni Xue at maayos kong naisagawa ang surpresa para sa kaniya. Binigay ko sa kaniya ang aking regalo at maging ang iba ay nagbigay rin sa kaniya.Ngayon ay suot na niyang regalo kong hairpin na hugis bulaklak at may dekorasyon ng mga asul na bato."Maraming salamat po uli, Lady Zhen." Masayang tugon ni Xue."Dapat lang 'yon para sa'yo. Araw 'yon ng kapanganakan mo.""Kahit na, Lady Zhen. Ang iba ngang tagapaglingkod ay hindi man lamang nalalaman ng amo kung kailan ang kapanganakan nila. Malaking bagay ito." Sagot ni Xue."Oo nga po, Zhen Gui Ren." Pagsang-ayon naman ni Ying Nuzi."Zhen Gui Ren." Pagbati sa akin ni Ping at tumungo."May sulat na?""Opo." Sagot niya at binigay sa akin ang sulat bago tumayo.Agad ko itong binuksan at binasa.'Mahal kong anak,Nag-alala ako nang malaman kong palihim kang nagpaabot ng sulat sa akin. Alam nating pareho na bawal ito ngunit nauuwaan kita.Sa ilang buwan na hindi ka namin kasama, hindi namin maiwasan
CHAPTER 16ZHEN GUI REN"Lady Zhen, ang dami!" Masayang tugon ni Xue habang tinitignan kung gaano kadaming regalo ang binigay sa akin ng emperor."Noon pa man ay talagang gusto na ng emperor si Lady Zhen, at ngayong magkaka-anak na sila hindi na tayo dapat magulat sa dami ng regalong ibibigay niya." Nakangiting tugon rin ni Ying Nuzi.Inalalayan ako ni Xue tumayo upang tignan ang mga regalo sa akin at una kong kinuha ang maliit na kahon. Binuksan ko ito at nakita ang napakaraming perlas."Ang dami!" Gulat na tugon ni Xue."Hindi 'yan biro! Ang ganiyang mga perlas... Ang empress dowager, emperor, at tanging ang empress lang ang nakakakuha ng ganiyan. Napakahalaga niyan!" Hindi makapaniwalang tugon ni Ying Nuzi."Lady Zhen, narito po si Zhu Gonggong." Sabi sa akin ni Xing-Su Gonggong."Papasukin mo siya." Pagpapatuloy ko sa head eunuch ng emperor."Pagbati, Zhen Gui Ren." Tugon niya at yumuko."Tumayo ka, Zhu Gonggong." Masaya kong sagot sa kaniya."Salamat po." Sagot niya at tumayo.Ti
CHAPTER 17ZHEN GUI REN"Bakit mo ginawa 'yon? Hindi ka ba natatakot sa pwede niyang gawin sa'yo at sa magiging anak natin?" Nag-aalalang tanong sa akin ng emperor pagkalabas ni Ai Huang Gui Fei."Huang Shang, hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi ako kumportableng ginagamit niya ang anak niya para makuha ang pabor niyo." Diretsong sagot ko."Natalo ang kapatid niya sa hilaga at tatlong lupa ang nakuha ng mga kalaban natin. Sa tingin niya ay mahuhupa ang galit ko kung dadalhin niya dito si Liang." Sagot sa akin ng emperor."Pero hindi diba?" Tugon ko."Hindi. Lalo lang akong naiinis dahil ginagamit niya pa sa akin ang sarili kong anak."Sumenyas naman siya na muli akong tumabi sa kaniya at 'yon nga ang ginawa ko."Kamukha mo siya." Tugon ko nang makita nang malapitan si Liang."Gan'on? Gwapo rin ba?" Tugon niya at tumawa."Joke 'yon?" Pambabara ko sa kaniya."Hindi. Totoo naman." Nakangiti niyang sagot."He...he..." Pagtawa naman ni Liang."Diba? Masaya ang anak ko kasi totoong
CHAPTER 18THIRD PERSON"AAAHHHH!!!""Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ng empress."Zhen?!" Biglang tugon ng emperor at agad na bumalik sa loob ng pavilion."Jiejie! Jiejie!" Umiiyak na tugon ni Li Gui Ren habang nasa mga bisig niya si Zhen."Ang sakit..." Namimilipit na daing ni Zhen Gui Ren.Agad na lumapit ang emperor at hinawakan ang kamay ni Zhen Gui Ren."Anong nangyari?!" Tanong ng emperor."Huang Shang, may asong dumamba kay Zhen Gui Ren! Malaki, kulay kahel, at mabalahibo!" Sagot ni Li Gui Ren."Huang Shang..." Tugon ni Zhen at kumapit sa braso ng emperor."TUMAWAG KAYO NG DOKTOR! BILISAN NIYO!" Utos nito at madaling binuhat si Zhen.Sandaling napatigil ang emperor nang makita ang dugo sa sakit ngunit agad rin siyang bumalik sa ulirat at dinala si Zhen sa pinakamalapit na kwarto.Marahan niya siyang binaba. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay niya habang pinapanuod siyang uminda sa sakit."Zhen, kumapit ka lang! Kumapit lang kayo!" Pagpapalakas niya ng loob dito."NASAAN BA ANG
CHAPTER 19THIRD PERSONPagkatapos ang nangyari, bumalik na si Zhen Gui Ren sa palasyo niya upang doon magpalakas.Isang linggo na ang nagdaan at araw-araw siyang binibisita ng emperor, ngunit hindi niya ito hinaharap."Pasensya na po, Huang Shang. Ayaw po talaga ni Lady Zhen." Tugon ni Ying Nuzi."Sige. Babalik na lang ako bukas." Sagot ng emperor.Sa pagpunta ng emperor, lagi siyang may dalang mga regalo para kay Zhen, pero kahit isa ay hindi niya tinanggap."Zhu Gonggong, pupunta daw ba si Zhen Gui Ren?" Tanong ng emperor."Pasensya na po, Huang Shang. Nagpapalakas pa daw po si Zhen Gui Ren kaya hindi makakapunta para sa kaarawan ni Amar Pin." Sagot ng eunuch.[Concubine Amar's Birthday: Jan. 18]"Sige. Naiintindihan ko."Hindi rin siya dumalo sa salu-salo.Panibagong buwan na ang sumapit, ngunit hindi pa rin siya hinaharap ni Zhen."Jiejie." Tugon ni Li Gui Ren at lumapit kay Zhen. "Kaarawan ko ngayon."[Noble Lady Li's birthday: Feb. 13]"Gusto mo bang lumabas at pumunta sa palas
CHAPTER 20THIRD PERSON"Pagbati po, Ai Huang Gui Fei Niangniang." Tugon ni Jiao Chang Zai at tumungo."Ikaw pala ang bagong kinahuhumalingan ng emperor." Nakangising tugon ni Ai Huang Gui Fei."Kung mayroon mang kinahuhumalingan ang emperor, hindi po ako 'yon, ikaw po 'yon, Niangniang." Nakayukong sagot nito."Marunong kang magsalita." Komento ng Huang Gui Fei. "Tumayo ka na.""Salamat po." Sagot nito at tumayo.Umupo naman ito sa pwesto katabi ni Baturu Da Ying."Hindi ka naman gan'on kaganda." Tugon ni Batkhaan Chang Zai.Napangiti naman si Baturu Da Ying. "Hindi lang naman mukha ang batayan upang magustuhan ang isang tao at sabihing maganda siya.""Tulad naman ng ano?""Utak at puso." Simpleng sagot ni Baturu Da Ying.Tila hindi naman nakasagot si Batkhaan Chang Zai at sinamaan na lang siya nito ng tingin.'Wala ka kasi n'on.' Tugon ni Baturu Da Ying sa isip niya."Meimei, isa kang dating tagapaglingkod. Saang departamento ka tumutulong?" Nakangiting tanong ni Qiu Fei."Tumutulong
CHAPTER 21AI HUANG GUI FEI"Ilang oras niya kong pinaluhod at pinahiya, Huang Shang." Umiiyak na kwento ni Batkhaan Chang Zai habang nakikinig naman sa tabi niya ang emperor."Anong sabi ng mga doktor?" Tanong ng emperor."Huang Shang, kailangan lang daw niyang gamutin at ipahinga ang mga tuhod niya para mawala na ang pamamaga." Sagot ko."Huang Shang, tulungan mo ko. Pinapahirapan ako ni Zhen Gui Ren." Sabi nito at kumapit sa braso ng emperor.Ngumiti naman sa kaniya ang emperor."Sige. Pagsasabihan ko siya.""Talaga, Huang Shang?" Masaya niyang tugon."Oo naman." Sagot ng emperor at marahang tinanggal ang pagkakakapit sa kaniya ni Batkhaan Chang Zai."Mauuna na ko." Sabi ng emperor at tumayo."Ihahatid ko na kayo sa labas." Nakangiti kong tugon.Tumango na lang siya at naunang lumabas sa'kin."Mabuti ang pinakita mo." Sabi ko kay Batkhaan Chang Zai."Sana may nagawa ang pag-iyak ko, Niangniang."Napangisi ako. "Sana nga."Sinundan ko naman ang emperor sa labas at nakitang paalis na