CHAPTER 18THIRD PERSON"AAAHHHH!!!""Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ng empress."Zhen?!" Biglang tugon ng emperor at agad na bumalik sa loob ng pavilion."Jiejie! Jiejie!" Umiiyak na tugon ni Li Gui Ren habang nasa mga bisig niya si Zhen."Ang sakit..." Namimilipit na daing ni Zhen Gui Ren.Agad na lumapit ang emperor at hinawakan ang kamay ni Zhen Gui Ren."Anong nangyari?!" Tanong ng emperor."Huang Shang, may asong dumamba kay Zhen Gui Ren! Malaki, kulay kahel, at mabalahibo!" Sagot ni Li Gui Ren."Huang Shang..." Tugon ni Zhen at kumapit sa braso ng emperor."TUMAWAG KAYO NG DOKTOR! BILISAN NIYO!" Utos nito at madaling binuhat si Zhen.Sandaling napatigil ang emperor nang makita ang dugo sa sakit ngunit agad rin siyang bumalik sa ulirat at dinala si Zhen sa pinakamalapit na kwarto.Marahan niya siyang binaba. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay niya habang pinapanuod siyang uminda sa sakit."Zhen, kumapit ka lang! Kumapit lang kayo!" Pagpapalakas niya ng loob dito."NASAAN BA ANG
CHAPTER 19THIRD PERSONPagkatapos ang nangyari, bumalik na si Zhen Gui Ren sa palasyo niya upang doon magpalakas.Isang linggo na ang nagdaan at araw-araw siyang binibisita ng emperor, ngunit hindi niya ito hinaharap."Pasensya na po, Huang Shang. Ayaw po talaga ni Lady Zhen." Tugon ni Ying Nuzi."Sige. Babalik na lang ako bukas." Sagot ng emperor.Sa pagpunta ng emperor, lagi siyang may dalang mga regalo para kay Zhen, pero kahit isa ay hindi niya tinanggap."Zhu Gonggong, pupunta daw ba si Zhen Gui Ren?" Tanong ng emperor."Pasensya na po, Huang Shang. Nagpapalakas pa daw po si Zhen Gui Ren kaya hindi makakapunta para sa kaarawan ni Amar Pin." Sagot ng eunuch.[Concubine Amar's Birthday: Jan. 18]"Sige. Naiintindihan ko."Hindi rin siya dumalo sa salu-salo.Panibagong buwan na ang sumapit, ngunit hindi pa rin siya hinaharap ni Zhen."Jiejie." Tugon ni Li Gui Ren at lumapit kay Zhen. "Kaarawan ko ngayon."[Noble Lady Li's birthday: Feb. 13]"Gusto mo bang lumabas at pumunta sa palas
CHAPTER 20THIRD PERSON"Pagbati po, Ai Huang Gui Fei Niangniang." Tugon ni Jiao Chang Zai at tumungo."Ikaw pala ang bagong kinahuhumalingan ng emperor." Nakangising tugon ni Ai Huang Gui Fei."Kung mayroon mang kinahuhumalingan ang emperor, hindi po ako 'yon, ikaw po 'yon, Niangniang." Nakayukong sagot nito."Marunong kang magsalita." Komento ng Huang Gui Fei. "Tumayo ka na.""Salamat po." Sagot nito at tumayo.Umupo naman ito sa pwesto katabi ni Baturu Da Ying."Hindi ka naman gan'on kaganda." Tugon ni Batkhaan Chang Zai.Napangiti naman si Baturu Da Ying. "Hindi lang naman mukha ang batayan upang magustuhan ang isang tao at sabihing maganda siya.""Tulad naman ng ano?""Utak at puso." Simpleng sagot ni Baturu Da Ying.Tila hindi naman nakasagot si Batkhaan Chang Zai at sinamaan na lang siya nito ng tingin.'Wala ka kasi n'on.' Tugon ni Baturu Da Ying sa isip niya."Meimei, isa kang dating tagapaglingkod. Saang departamento ka tumutulong?" Nakangiting tanong ni Qiu Fei."Tumutulong
CHAPTER 21AI HUANG GUI FEI"Ilang oras niya kong pinaluhod at pinahiya, Huang Shang." Umiiyak na kwento ni Batkhaan Chang Zai habang nakikinig naman sa tabi niya ang emperor."Anong sabi ng mga doktor?" Tanong ng emperor."Huang Shang, kailangan lang daw niyang gamutin at ipahinga ang mga tuhod niya para mawala na ang pamamaga." Sagot ko."Huang Shang, tulungan mo ko. Pinapahirapan ako ni Zhen Gui Ren." Sabi nito at kumapit sa braso ng emperor.Ngumiti naman sa kaniya ang emperor."Sige. Pagsasabihan ko siya.""Talaga, Huang Shang?" Masaya niyang tugon."Oo naman." Sagot ng emperor at marahang tinanggal ang pagkakakapit sa kaniya ni Batkhaan Chang Zai."Mauuna na ko." Sabi ng emperor at tumayo."Ihahatid ko na kayo sa labas." Nakangiti kong tugon.Tumango na lang siya at naunang lumabas sa'kin."Mabuti ang pinakita mo." Sabi ko kay Batkhaan Chang Zai."Sana may nagawa ang pag-iyak ko, Niangniang."Napangisi ako. "Sana nga."Sinundan ko naman ang emperor sa labas at nakitang paalis na
CHAPTER 22ZHEN GUI REN"Pagbati po, Tai Hou." Tumungo ako."Masaya akong makita ka uli. Umupo ka." Masayang niyang tugon."Salamat po." Sagot ko at umupo sa tabi ng empress dowager."Kamusta na ang kalagayan mo?" Tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko."Mabuti na po ako. Maraming salamat po sa pag-aalala, Tai Hou.""Mabuti naman.""Pasensya na po kung hindi ko nagawang dumalaw nitong mga nakaraan." Paghingi ko ng tawad.Umiling siya. "Naiintindihan ko. Alam ko ang pakiraman ng mawalan ng anak.""Nitong mga nakaraan rin po ay hindi ko nagawang paglingkuran ang emperor.""Nauunawaan ko kung hindi mo pa siya kayang makita uli, at maaaring kaya ayaw niya pang magpakita sa'yo ay dahil gusto ka niyang bigyan ng oras para sa sarili mo at tanggapin ang nangyari."Napangiti naman ako nang maisip na maaaring 'yon nga ang dahilan.Iniisip niya lang ang mararamdaman ko."Si Long Jin, nakausap mo na ba?""Opo, Tai Hou." Sagot ko. "Nagkausap po kami at naging maayos naman ang lahat.""Alam
CHAPTER 23ZHEN GUI REN"May napansin ka bang kakaiba?" Tanong ko kay Ping habang inaayusan ako ni Xue at Ying Nuzi para sa kasiyahan mamaya."Inobserbahan ko pong mabuti ang mga tagapaglingkod ng kusina. Wala po akong nakitang kakaiba sa paraan nila ng paghahanda ng pagkain." Nakayukong sagot niya sa'kin.Kung walang kakaiba, ano 'yong kakaibang ngiti ni Ai Huang Gui Fei? Hindi kaya ay may iba pa siyang plano?"Baka wala naman talagang siyang plano, Lady Zhen?" Tugon ni Xue."Pero maigi na rin 'yong nag-iingat si Lady Zhen. Hindi natin alam kung anong mangyayari." Sagot naman ni Ying Nuzi."Tama si Ying Gugu." Sabi naman ni Ping. "Hindi malabong may pinaplano siya kaya kailangan nating mag-ingat."[Gugu = Aunt. It's the term used before to addressed a head maid in charged of taking care of a palace or a department.]"Sa bagay..." Muling tugon ni Xue. "Kahit ako, nagtaka nang bigla niyang ibigay ang trabahong 'to kay Lady Zhen.""Pero wala namang nakita si Ping na kahit ano. Maaaring
CHAPTER 24ZHEN PIN"Niangniang." Kinakabahang bati sa akin ni Zhu Gonggong."May kailangan ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.Alam ko na kung anong pinunta niya dito pero dapat ay magkunwari akong walang alam."Niangniang, pinapatawag po kayo ng emperor sa palasyo ni Ai Huang Gui Fei." Naiilang niyang sagot."Bakit daw?" Nakangiti kong sagot.Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin, ngunit muli rin siyang yumuko."D-Doon niyo na lang po malalaman..." Utal niya.Inalalayan naman akong tumayo ni Xue, at gan'on na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang panginginig niya. Malamang ay nag-aalala siya para sa'kin dahil iba 'to sa mga dating binintang sa'kin. Parang wala akong kawala, at hindi rin ako sigurado kung talaga bang gagana ang plano ko.Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kaniya pa
CHAPTER 25THIRD PERSON"Huang Shang, pumili na po kayo kung sinong pupuntahan niyo mamayang gabi." Sabi ni Zhu Gonggong sa emperor.Pumasok naman ang isang eunuch na may dalang tray kung saan nakalagay ang nameplate ng mga paboritong concubine ng emperor."Kay Zhen Pin ako pupunta." Sagot ng emperor na hindi man lang bumaling sa eunuch at patuloy lang sa pagbasa ng mga dokumento.Nagkatinginan naman ang dalawang eunuch."Huang Shang..." Nag-aalangang tugon ni Zhu Gonggong. "Wala po ang pangalan ni Zhen Pin sa tray."Nag-angat naman ng tingin ang emperor at bumaling sa tray. Napakunot na lang ang noo niya nang makitang wala nga ang pangalan nito."Bakit wala?""May sakit daw po si Zhen Pin Niangniang at nakiusap na huwag daw po munang ilagay ang pangalan niya." Sagot ni Zhu Gonggong. "Huwag din daw po sana kayong pumunta ngayon, ayaw niya daw na mahawa kayo."Alam naman ng emperor na ginagawa lang 'to ni Zhen Pin para iwasan siya, kaya wala siyang magagawa kundi pabayaan muna ito."NA