CHAPTER 23ZHEN GUI REN"May napansin ka bang kakaiba?" Tanong ko kay Ping habang inaayusan ako ni Xue at Ying Nuzi para sa kasiyahan mamaya."Inobserbahan ko pong mabuti ang mga tagapaglingkod ng kusina. Wala po akong nakitang kakaiba sa paraan nila ng paghahanda ng pagkain." Nakayukong sagot niya sa'kin.Kung walang kakaiba, ano 'yong kakaibang ngiti ni Ai Huang Gui Fei? Hindi kaya ay may iba pa siyang plano?"Baka wala naman talagang siyang plano, Lady Zhen?" Tugon ni Xue."Pero maigi na rin 'yong nag-iingat si Lady Zhen. Hindi natin alam kung anong mangyayari." Sagot naman ni Ying Nuzi."Tama si Ying Gugu." Sabi naman ni Ping. "Hindi malabong may pinaplano siya kaya kailangan nating mag-ingat."[Gugu = Aunt. It's the term used before to addressed a head maid in charged of taking care of a palace or a department.]"Sa bagay..." Muling tugon ni Xue. "Kahit ako, nagtaka nang bigla niyang ibigay ang trabahong 'to kay Lady Zhen.""Pero wala namang nakita si Ping na kahit ano. Maaaring
CHAPTER 24ZHEN PIN"Niangniang." Kinakabahang bati sa akin ni Zhu Gonggong."May kailangan ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.Alam ko na kung anong pinunta niya dito pero dapat ay magkunwari akong walang alam."Niangniang, pinapatawag po kayo ng emperor sa palasyo ni Ai Huang Gui Fei." Naiilang niyang sagot."Bakit daw?" Nakangiti kong sagot.Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin, ngunit muli rin siyang yumuko."D-Doon niyo na lang po malalaman..." Utal niya.Inalalayan naman akong tumayo ni Xue, at gan'on na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang panginginig niya. Malamang ay nag-aalala siya para sa'kin dahil iba 'to sa mga dating binintang sa'kin. Parang wala akong kawala, at hindi rin ako sigurado kung talaga bang gagana ang plano ko.Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kaniya pa
CHAPTER 25THIRD PERSON"Huang Shang, pumili na po kayo kung sinong pupuntahan niyo mamayang gabi." Sabi ni Zhu Gonggong sa emperor.Pumasok naman ang isang eunuch na may dalang tray kung saan nakalagay ang nameplate ng mga paboritong concubine ng emperor."Kay Zhen Pin ako pupunta." Sagot ng emperor na hindi man lang bumaling sa eunuch at patuloy lang sa pagbasa ng mga dokumento.Nagkatinginan naman ang dalawang eunuch."Huang Shang..." Nag-aalangang tugon ni Zhu Gonggong. "Wala po ang pangalan ni Zhen Pin sa tray."Nag-angat naman ng tingin ang emperor at bumaling sa tray. Napakunot na lang ang noo niya nang makitang wala nga ang pangalan nito."Bakit wala?""May sakit daw po si Zhen Pin Niangniang at nakiusap na huwag daw po munang ilagay ang pangalan niya." Sagot ni Zhu Gonggong. "Huwag din daw po sana kayong pumunta ngayon, ayaw niya daw na mahawa kayo."Alam naman ng emperor na ginagawa lang 'to ni Zhen Pin para iwasan siya, kaya wala siyang magagawa kundi pabayaan muna ito."NA
CHAPTER 26ZHEN PIN"PAGBATI PO, NIANGNIANG." Bati sa akin ng mga concubine."Tumayo kayo." Tugon ko at agad naman silang tumalima."Kamusta ka, Qiu Fei?" Tanong ko sa kaniya."Mabati naman, Meimei." Nakangiting sagot niya sa'kin."Kung hindi ako nagkakamali ay limang buwan ka nang nagdadalang-tao, tama ba?" Tanong sa kaniya ni Amar Pin."Tama ka.""Kamusta naman ang prinsipe, Jiao Chang Zai?" Tanong ko rito."Tahimik at masayahing bata ang prinsipe. Wala akong problemang alagaan siya." Sagot nito na may bahid ng saya."Tila yata namamaga ang mata mo, Wei Chang Zai. Umiyak ka ba?" Nakangising tanong naman ni Batkhaan Chang Zai sa kaniya."Namamaga ang mga mata niya dahil sinisipon siya kagabi. Kagagaling lang kanina." Nakangiting sagot ni Min Da Ying."Gan'on ba? Akala ko ay umiiyak siya dahil hindi siya binibisita ng emperor."Kung may iiyakan man siya, hindi 'yon amg emperor, ang kapatid ko. Ayaw ko mang magkar'on sila ng sama ng loob sa akin pero kailangan ko silang paghiwalayin. P
CHAPTER 27ZHEN PIN"Qi Zi, gising na.""Ayoko pa..." Inaantok kong sagot at hinila ang kumot para takpan ang mukha ko."Qi Zi..." Madiin niyang tugon at hinila ang kumot paalis sa'kin.Nagmatigas ako at hinila pabalik ang kumot pero hinila niya rin ito ulit."Bumangon ka na, Qi Zi." Wika ng emperor habang nakikipaghilahan ng kumot sa'kin."Ayaw ko pa!" Sigaw ko.Ngunit dahil sa mas malakas siya sa'kin ay tuluyan ko nang nabitawan ang kumot at nahatak na niya ito. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko siya at padabog na bumangon sa kama. Narinig kong dumaing siya pero hindi ko na lang pinansin. Kaya gan'on na lang ang gulat ko nang hilahin niya ko pabalik sa kama."Ikaw talaga!" Wika niya. "Nagawa mo na nga kong sipain, nagawa mo pa kong pagdabugan. Nais mo na ba talagang mamatay, Zhen Pin?""Edi par
CHAPTER 28ZHEN PINNapakabigat ng pakiramdam ko. Wala akong ibang magawa kundi tignan ang walang buhay na katawan ni Ping. Gusto kong umiyak. Gusto kong magalit. Pero parehong hindi ko magawa."N-Niangniang... Anong gagawin natin kay Ping?" Naluluhang tanong sa akin ni Ying Nuzi."Puntahan mo si Doktor Zhou. Tanungin mo siya kung may pamilya si Ping sa labas ng palasyo. Pagkatapos ay ipahatid mo ang katawan niya sa bahay nila at sabihin ang totoong nangyari.""Masusunod po..." Mahina niyang sagot at akmang aalis na."Sandali, Gugu.""Bakit po, Niangniang?""Gusto ko ring sabihin mo na..." Napalunok ako. "Ibibigay ko ang nararapat na hustisya para sa kaniya.""Opo..." Tugon niya at tuluyang umalis.Lumapit ako kay Ping at tinakip sa kaniyang mukha ang kumot na nakabalot sa kaniya."P
CHAPTER 29ZHEN PIN"Niangniang."Nagising ang diwa ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata upang makita siya. Bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti at kumikinang na mga mata."Xue," pagtawag ko sa kaniya."Bakit po?"Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang mawala. D'on lang nanumbalik sa akin na wala na siya. Napahawak ako sa dibdib ko nang muli kong maramdaman ang sakit ng pagkawala niya. Nangingilid ang mga luha ko habang hinahanap ko siya sa kabuoan ng kwarto, ngunit wala na talaga siya.Ilang araw na ang nagdaan, pero walang oras na hindi siya pumasok sa isip ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Lagi ko siyang nakikita. Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng sakit na naramdaman ko noon. Sobrang sakit.Pinunasan ko ang mga luha ko nang mapansing gumalaw si Ying Nuzi sa pwesto niya. Mukhang nagising ko yata siya."Niangniang, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya sa'kin.Tumango ako. "Anong oras na?""Oras pa lang po ng Yinshi. Ma
CHAPTER 30ZHEN PIN"Hehehe..."Nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ang pagtawa niya. Gan'on na lang kung paano manglisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Para siyang baliw na natutuwa sa mga nangyayari."Ako nga."Napapikit ako nang marinig ang pag-amin niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin magawang maniwala, pero sa kaniya na nanggaling kaya kailangan ko nang tanggapin.Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang isang batang gaya niya ay magagawa ang ganitong bagay? Nakilala ko siya bilang inosente at masiyahing bata. Mahilig siya sa mga makulay na bagay at matatamis. Gan'on ang pagkakakilala ko sa kaniya.Tinuring ko siyang kaibigan at nakababatang kapatid na babae... Kaya bakit?"Bakit?" tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Bakit mo nagawa 'yon?"Nagtatalo na ang pagk