CHAPTER 28
ZHEN PINNapakabigat ng pakiramdam ko. Wala akong ibang magawa kundi tignan ang walang buhay na katawan ni Ping. Gusto kong umiyak. Gusto kong magalit. Pero parehong hindi ko magawa."N-Niangniang... Anong gagawin natin kay Ping?" Naluluhang tanong sa akin ni Ying Nuzi."Puntahan mo si Doktor Zhou. Tanungin mo siya kung may pamilya si Ping sa labas ng palasyo. Pagkatapos ay ipahatid mo ang katawan niya sa bahay nila at sabihin ang totoong nangyari.""Masusunod po..." Mahina niyang sagot at akmang aalis na."Sandali, Gugu.""Bakit po, Niangniang?""Gusto ko ring sabihin mo na..." Napalunok ako. "Ibibigay ko ang nararapat na hustisya para sa kaniya.""Opo..." Tugon niya at tuluyang umalis.Lumapit ako kay Ping at tinakip sa kaniyang mukha ang kumot na nakabalot sa kaniya."PCHAPTER 29ZHEN PIN"Niangniang."Nagising ang diwa ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata upang makita siya. Bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti at kumikinang na mga mata."Xue," pagtawag ko sa kaniya."Bakit po?"Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang mawala. D'on lang nanumbalik sa akin na wala na siya. Napahawak ako sa dibdib ko nang muli kong maramdaman ang sakit ng pagkawala niya. Nangingilid ang mga luha ko habang hinahanap ko siya sa kabuoan ng kwarto, ngunit wala na talaga siya.Ilang araw na ang nagdaan, pero walang oras na hindi siya pumasok sa isip ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Lagi ko siyang nakikita. Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng sakit na naramdaman ko noon. Sobrang sakit.Pinunasan ko ang mga luha ko nang mapansing gumalaw si Ying Nuzi sa pwesto niya. Mukhang nagising ko yata siya."Niangniang, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya sa'kin.Tumango ako. "Anong oras na?""Oras pa lang po ng Yinshi. Ma
CHAPTER 30ZHEN PIN"Hehehe..."Nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ang pagtawa niya. Gan'on na lang kung paano manglisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Para siyang baliw na natutuwa sa mga nangyayari."Ako nga."Napapikit ako nang marinig ang pag-amin niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin magawang maniwala, pero sa kaniya na nanggaling kaya kailangan ko nang tanggapin.Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang isang batang gaya niya ay magagawa ang ganitong bagay? Nakilala ko siya bilang inosente at masiyahing bata. Mahilig siya sa mga makulay na bagay at matatamis. Gan'on ang pagkakakilala ko sa kaniya.Tinuring ko siyang kaibigan at nakababatang kapatid na babae... Kaya bakit?"Bakit?" tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Bakit mo nagawa 'yon?"Nagtatalo na ang pagk
CHAPTER 31THIRD PERSON"Pagbati, Huang E'niang," bati ng emperor at lumuhod sa empress dowager."Tumayo ka, Huang Di.""Salamat po," sagot nito at umupo sa tabi ng empress dowager."Nabalitaan ko ang nangyari," wika ng empress dowager. "Kamusta si Zhen Pin?"Napabuntong-hininga ang emperor. "Maayos naman siya, at mukhang mas panatag na ang loob niya dahil nahuli na namin ang totoong may kasalanan.""Kung maayos na pala siya, bakit parang hindi ka masyadong masaya at napabuntong-hininga ka pa?""Dahil nga sa hindi naman talaga ang empress ang may totoong kasalanan sa nangyari, gusto niyang alisin ko na ang parusa ko sa kaniya.""Pero ayaw mong gawin 'yon, tama?" Wika ng empress dowager."Sinabi ko sa kaniya na ayaw kong gawin 'yon, dahil nakumpirma nga namin na nag-uumpisa na ang pamilya ng mga
CHAPTER 32ZHEN PIN"Niangniang," bati sa'kin ni Ying Nuzi at yumuko."Tumayo ka. Sabihin mo sa'kin ang balita.""Opo," sagot niya at sumunod. "Nasa ospital na po ng palasyo ang ina ni Li Gui Ren, Niangniang. Nangako po ang mga doktor na gagawin nila ang lahat ng makakaya nila."Ngumiti ako. "Mabuti kung gan'on."Napatingin naman ako kay Yue na tahimik lamang sa gilid. Kahit na malapit ang pangalan nila ni Xue ay talagang napakalayo ng ugali nila, kung siya ang nandito ngayon ay kanina pa siya nagsasalita at inaasar ako.
CHAPTER 33AUTHOR"Iwanan mo muna ako," rinig kong wika ni Roxanne sa tagapaglingkod niya.Sumilip ako sa pinagtataguan ko at nakitang tumungo ito sa kaniya bago umalis."Alam kong nandiyan ka, Author," wika niya. "Lumabas ka na."Napangiti ako. "Mukhang lumalakas na ang pandama mo," usal ko at lumabas sa pinagtataguan ko.Napataas ang kilay niya nang makita ako. "Mukhang nawiwili ka na sa ganiyang anyo."Natawa ako. "Talagang mawiwili ako dahil ito naman talaga ang totoong anyo ko."Sa lahat ng anyong pinakita ko, ito lang ang totoo. Hindi ako hayop o kung ano man, tao ako. Tao lang ako."Kung gustung-gusto mo pala ang anyong 'yan, bakit kailangan mo pang takpan ng maskara ang mukha mo?" Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong.Mas lalo akong napangiti. "Tiyak kong labis kayong magugulat kapag
CHAPTER 34ZHEN PIN"Zhen Pin Niangniang," bati sa akin ni Zhu Gonggong."Magandang umaga, Zhu Gonggong," bati ko pabalik. "May kailangan po ba kayo?""Nandito lamang po ako para ihatid ang nais ibigay sa inyo ng emperor."Pagkasabi niya n'on ay pumasok ang isa pang eunuch. May dala-dala siyang isang damit na kulay pula na may disenyo na kulay ginto.B"Nais po itong ibigay sa inyo ng emperor," wika niya. "Nais niya rin po na isuot n'yo 'to sa pagdiriwang bukas."Inabot naman ito ni Yue at binigay sa'kin. Kinuha ko ito at tinignan. Isa itong kulay pulang damit na may burda ng gintong dragon sa gitna."Ayos lang ba talaga na suotin ko 'to bukas?" Tanong ko.Bukod kasi sa kulay pula ito ay may dragon pang nakaburda rito. Baka mapahamak lang ako pagka sinuot ko 'to."'Wag kayong mag-alala, Niangnia
CHAPTER 35ZHEN PIN"Pagbati, Huang Hou Niangniang," magalang na bati ni Qiu Gui Ren bago tumungo sa empress."Parang ngayon ka na lang uli nagpakita ng paggalang sa'kin," wika ng empress. "Tama ba 'ko, Qiu Gui Ren?"Ngumiti si Qiu Gui Ren. "Huang Hou, hayaan na lang natin na maging nakaraan ang nakaraan."Ngumisi ang empress. "Maupo ka na.""Salamat po," tugon niya at sumunod.Tahimik lang kaming pinapanuod siyang umupo. Pagkaupo niya ay napatingin siya sa'kin at ngumiti, ngunit imbes na iiwas ko ang tingin ko ay nginitian ko rin siya pabalik."May nais nga pala akong sabihin," wika ng empress."Ano 'yon, Huang Hou?" Tanong ko."Alam ko na ang iba sa inyo ay nakikilala na sila, ngunit hindi pa sila nakikita, kaya gusto ko silang ipakilala ngayon," tugon niya. "Pumasok kayo."Napatin
CHAPTER 36THIRD PERSON"Mu Fei, tignan mo!" Masayang wika ni Prinsipe Zhang Yong at pinakita kay Jiao Gui Ren ang sinulat niyang mga letra.[Mu Fei = Mother-Consort / Mother-Concubine. They cannot be simply referred to as mother because socially, the mother of all imperial sons is the empress.]Nakangiti itong kinuha ni Jiao Gui Ren at tinignan. "Mukhang gumagaling ka na sa pagsusulat. Mas malinaw na ang mga letra kaysa sa dati.""Gusto kong maging masaya si mu fei kaya nag-aaral akong mabuti!"Pinisil niya ang pisngi nito. "Ikaw talaga...""Magsusulat na po uli ako!" Paalam niya at masiglang bumalik sa pagsusulat.Napangiti na lang si Jiao Gui Ren sa pinapakitang kasiglahan ng prinsipe. Kung noon ay hindi nito magawang makapagsalita ay nakakapagsulat na ito ngayon. Parang kailan lang."Napakasigla niyan
EPILOGUE[This is only a work of fiction.]"Emperor Ju-Long or Ju-Long Huang Di was the sixth emperor of Qing dynasty. Born Hongchi, he ruled China after the death of his father, the former emperor. He was the third son of Empress Dowager Lanxiaoyi, the empress of the former emperor."Sinulat ko ang buod ng tinuturo ko sa board upang may sundan ang mga estudyante ko."Some historians say that he only ruled for 9 years. Some say that he ruled for 10 years. Even his age when he died is unknown to them. They don't also know what is the cause of his death.""Ma'am," pagtataas ng kamay ng isa kong estudyante. Tumango ako upang sabihin na pwede niya nang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. "Some historians said that he was poisoned by one of his concubines.""Yes. Because, when they checked his preserved body again, they found some signs of poisons," tugon ko. "What's your name?""My name is Wang Sile, Ma'am," sagot ng lalaki kong estudyante."It seems like you studied in advance, Wang
CHAPTER 50THIRD PERSONIlang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at
CHAPTER 49ZHEN GUI FEI"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya.""Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan."Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod."Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?""Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito.""Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?""'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito.""Mahal mo pa ba siya?""Hindi sa gan'on–""Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba
CHAPTER 48ZHEN GUI FEI"Niangniang," bati sa'kin ni Zhu Gonggong. "Nais po ng emperor na malaman n'yong nasa may bayan na po ang mga rebelde. Ngunit 'di n'yo raw po kailangang mag-alala dahil handa ang palasyo sa magiging pag-atake nila.""Naiintindihan ko, Zhu Gonggong. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa harem.""May isa pa po, Niangniang.""Ano 'yon?""Hangga't 'di pa raw po humuhupa ang rebelyon, 'di raw po maaaring lumabas sa palasyo niya ang empress. Kapag tapos na raw po ang laban, ipapataw na ang mga parusa."Napataas ang kilay ko. "May sakit ang empress. Kahit pilitin ko pa siya, 'di rin siya lalabas. Sabihin mo sa emperor na 'wag siyang mag-alala.""Maraming salamat, Niangniang," tugon ni Zhu Gonggong. "Mauuna na po ako."Pagkalabas ni Zhu Gonggong, lumapit sa'kin si Ying Gugu na may dalang tsaa at panghimagas. Nilapag niya ang mga dala niya sa tabi ko. Kumuha ako ng isa, ngunit imbes na kainin ay tinignan ko lang ang panghimagas na hawak ko."Ayaw n'yo po ba, Niangniang?"
CHAPTER 47ZHEN GUI FEI"Niangniang," wika ni Ying Gugu. "Handa na po ang lahat ng pinahanda n'yo."Lumapit sa'kin si Yue at binigay ang lalagyan na may lamang kandila, panindi, at papel na may nakasulat na Shen Sheng Ling. Napatingin ako sa bintana. Bilog na bilog ang buwan."Magsuot ka nito, Niangniang," muling wika ni Ying Gugu bago ako suotan ng balabal. "Para 'di ka lamigin, Niangniang.""'Di ba talaga kami maaaring sumama, Niangniang?" Tanong naman ni Yue.Ngumiti ako. "Walang mangyayari sa'kin. 'Wag kayong mag-alala.""Sinong tao ba ang pupuntahan n'yo, Niangniang?" Tanong naman ni Ying Gugu. "Matagal na 'ko rito sa palasyo. Baka kilala ko siya.""Sundin n'yo na lang ang utos ko at manatili rito sa palasyo," tugon ko. "Mahalagang bagay 'to. 'Wag n'yong subukan na sumunod."Tumungo sila. "Naiintindihan namin, Niangniang."Umalis na 'ko sa palasyo at nagtungo sa may hardin. Habang naglalakad ay sinisiguro kong walang taong sumusunod o makakakita sa'kin. Mabuti na lang at binigyan
CHAPTER 46ZHEN PIN"Wala pa rin ba?" Naiinip na tanong ni Batkhaan Chang Zai habang hinihintay namin na papasukin kami ng empress para batiin siya. Ngunit ilang minuto na, wala pa rin."Maghintay lang tayo, Meimei," wika naman ni Zhi Pin.Wala namang nagawa si Batkhaan Chang Zai kundi ang bumuntong-hininga."Jiejie," tawag naman sa'kin ni Wei Meimei. "May alam ka ba kung ba't 'di pa rin tayo pinapapasok ng empress?""Wala rin akong alam, Meimei."Lahat kami ay napatingin nang makitang lumabas si Lu Momo.Tumungo siya sa'min. "Paumanhin sa abala ngunit 'di n'yo na kailangan pang bumati sa empress ngayon. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo. Simula rin ngayon, kanselado na rin ang pagbati sa empress tuwing umaga. 'Di n'yo na kailangan pang pumunta. Si Zhen Pin lang din ang maaaring maiwan ngayon upang makapag-usap sila ng empress.""Maaari ba naming malaman kung bakit, Lu Shan?" Tanong ni Zhi Pin."May sakit ang empress ngayon at pinayuhan siya ng mga doktor na 'wag munang p
tw: d**th//s**cideCHAPTER 45ZHEN PIN"Niangniang!" Sigaw ni Ying Gugu. "May sunog raw po sa palasyo ni Qiu Fei!"Napatayo ako. "Kumusta si Qiu Fei at ang prinsesa?""Ligtas si Qiu Fei, Niangniang," tugon nito. "Ngunit iba na raw ang kulay ng prinsesa nang nailabas ito. Dinala raw ang prinsesa sa Yikungong para gamutin.""Pupunta tayo sa Yikungong.""Masusunod, Niangniang," parehong tugon ni Yue at Ying Gugu.Madali kaming nagtungo sa Yikungong. Ngunit nang makarating, 'di na kami hinayaan pang pumasok ng mga tagapaglingkod. Sinabihan kaming maghintay na lang sa magiging balita."Yue," pagtawag ko. "May balita ka na ba kung anong nangyari kay Qiu Gui Ren?""Magtatanong po ako ngayon kung gusto n'yo.""Magmadali ka.""Opo.""Niangniang, kumalma ka lang," wika naman ni Ying Gugu. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Magiging maayos lang ang prinsesa. Magtiwala tayo sa mga doktor. Nasa loob ang emperor, 'di nila siya bibiguin."Tumango ako. "Sana nga, Gugu.""Jiejie!" Rinig kong tawag sa'k
tw: d**ths//bl**dCHAPTER 44THIRD PERSON"Jiao Gui Ren," magmamadaling wika ni Yong Gui Ren habang palapit sa kaniya. "May kailangan kang malaman."Napatayo siya. "May nangyari ba?"Hinawakan ni Yong Gui Ren ang kamay niya. "Nakita ng isa sa mga tagapaglingkod ko kanina sa may hardin na pinagtangkaan ni Qiu Gui Ren ang buhay ni Zhen Pin. Ang sabi, dinala na raw si Qiu Gui Ren para iharap sa emperor."Nagsimula siyang mamutla. "Si Qiu Gui Ren?""Jiao Gui Ren!" Biglang sigaw ni Yong Gui Ren nang bigla siyang matumba. Agad siya nitong tinulungang makaupo. "Kumuha kayo ng tubig! Bilisan n'yo!" Utos niya sa mga tagapaglingkod."H-hindi 'to maaari...""Anong nangyayari, Jiao Gui Ren? Anong problema?""Hindi... hindi..." paulit-ulit niyang wika habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mukha niya.Hinawakan ni Yong Gui Ren ang magkabila niyang balikat. "'Wag kang umiyak. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Anong nangyayari?""Inutos niya sa'kin... kung anong inutos niya sa'kin dati..." lumuluha ni
CHAPTER 43THIRD PERSON"Pagbati, Huang Shang," wika ni Jiao Gui Ren bago lumuhod sa emperor.Sinenyasan naman siya nitong tumayo. Pagkatayo ay agad na binigay ni Jiao Gui Ren ang dala niyang mga pagkain para sa emperor kay Zhu Gonggong. Magpapaalam na sana siya nang biglang magsalita si Zhu Gonggong."Jiao Gui Ren, malapit na magtanghalian ang emperor. Ba't 'di pa po kayo sumabay?" Wika ng eunuch."H-hindi na, Zhu Gonggong-""Sumabay ka na," wika ng emperor habang nagbabasa ng dokumento. "Malapit na 'kong matapos."Napapikit siya. "Masusunod, Huang Shang."Dahil dati siyang tagapaglingkod ay 'di rin siya nagdalawang-isip na tulungang maghain si Zhu Gonggong. Nang matapos ay umupo na siya sa tabi ng emperor."Patay na raw si Jing Chang Zai.""Opo, Huang Shang.""Anong tingin mo sa nangyari?" Makahulugang wika ng emperor.Napatigil si Jiao Gui Ren. "S-sa tingin ko...""Ba't 'di ka makapagsalita?" Tugon ng emperor. "Simple lang naman ang tinatanong ko."Sinenyasan ng emperor ang mga tag