CHAPTER 31
THIRD PERSON"Pagbati, Huang E'niang," bati ng emperor at lumuhod sa empress dowager."Tumayo ka, Huang Di.""Salamat po," sagot nito at umupo sa tabi ng empress dowager."Nabalitaan ko ang nangyari," wika ng empress dowager. "Kamusta si Zhen Pin?"Napabuntong-hininga ang emperor. "Maayos naman siya, at mukhang mas panatag na ang loob niya dahil nahuli na namin ang totoong may kasalanan.""Kung maayos na pala siya, bakit parang hindi ka masyadong masaya at napabuntong-hininga ka pa?""Dahil nga sa hindi naman talaga ang empress ang may totoong kasalanan sa nangyari, gusto niyang alisin ko na ang parusa ko sa kaniya.""Pero ayaw mong gawin 'yon, tama?" Wika ng empress dowager."Sinabi ko sa kaniya na ayaw kong gawin 'yon, dahil nakumpirma nga namin na nag-uumpisa na ang pamilya ng mgaCHAPTER 32ZHEN PIN"Niangniang," bati sa'kin ni Ying Nuzi at yumuko."Tumayo ka. Sabihin mo sa'kin ang balita.""Opo," sagot niya at sumunod. "Nasa ospital na po ng palasyo ang ina ni Li Gui Ren, Niangniang. Nangako po ang mga doktor na gagawin nila ang lahat ng makakaya nila."Ngumiti ako. "Mabuti kung gan'on."Napatingin naman ako kay Yue na tahimik lamang sa gilid. Kahit na malapit ang pangalan nila ni Xue ay talagang napakalayo ng ugali nila, kung siya ang nandito ngayon ay kanina pa siya nagsasalita at inaasar ako.
CHAPTER 33AUTHOR"Iwanan mo muna ako," rinig kong wika ni Roxanne sa tagapaglingkod niya.Sumilip ako sa pinagtataguan ko at nakitang tumungo ito sa kaniya bago umalis."Alam kong nandiyan ka, Author," wika niya. "Lumabas ka na."Napangiti ako. "Mukhang lumalakas na ang pandama mo," usal ko at lumabas sa pinagtataguan ko.Napataas ang kilay niya nang makita ako. "Mukhang nawiwili ka na sa ganiyang anyo."Natawa ako. "Talagang mawiwili ako dahil ito naman talaga ang totoong anyo ko."Sa lahat ng anyong pinakita ko, ito lang ang totoo. Hindi ako hayop o kung ano man, tao ako. Tao lang ako."Kung gustung-gusto mo pala ang anyong 'yan, bakit kailangan mo pang takpan ng maskara ang mukha mo?" Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong.Mas lalo akong napangiti. "Tiyak kong labis kayong magugulat kapag
CHAPTER 34ZHEN PIN"Zhen Pin Niangniang," bati sa akin ni Zhu Gonggong."Magandang umaga, Zhu Gonggong," bati ko pabalik. "May kailangan po ba kayo?""Nandito lamang po ako para ihatid ang nais ibigay sa inyo ng emperor."Pagkasabi niya n'on ay pumasok ang isa pang eunuch. May dala-dala siyang isang damit na kulay pula na may disenyo na kulay ginto.B"Nais po itong ibigay sa inyo ng emperor," wika niya. "Nais niya rin po na isuot n'yo 'to sa pagdiriwang bukas."Inabot naman ito ni Yue at binigay sa'kin. Kinuha ko ito at tinignan. Isa itong kulay pulang damit na may burda ng gintong dragon sa gitna."Ayos lang ba talaga na suotin ko 'to bukas?" Tanong ko.Bukod kasi sa kulay pula ito ay may dragon pang nakaburda rito. Baka mapahamak lang ako pagka sinuot ko 'to."'Wag kayong mag-alala, Niangnia
CHAPTER 35ZHEN PIN"Pagbati, Huang Hou Niangniang," magalang na bati ni Qiu Gui Ren bago tumungo sa empress."Parang ngayon ka na lang uli nagpakita ng paggalang sa'kin," wika ng empress. "Tama ba 'ko, Qiu Gui Ren?"Ngumiti si Qiu Gui Ren. "Huang Hou, hayaan na lang natin na maging nakaraan ang nakaraan."Ngumisi ang empress. "Maupo ka na.""Salamat po," tugon niya at sumunod.Tahimik lang kaming pinapanuod siyang umupo. Pagkaupo niya ay napatingin siya sa'kin at ngumiti, ngunit imbes na iiwas ko ang tingin ko ay nginitian ko rin siya pabalik."May nais nga pala akong sabihin," wika ng empress."Ano 'yon, Huang Hou?" Tanong ko."Alam ko na ang iba sa inyo ay nakikilala na sila, ngunit hindi pa sila nakikita, kaya gusto ko silang ipakilala ngayon," tugon niya. "Pumasok kayo."Napatin
CHAPTER 36THIRD PERSON"Mu Fei, tignan mo!" Masayang wika ni Prinsipe Zhang Yong at pinakita kay Jiao Gui Ren ang sinulat niyang mga letra.[Mu Fei = Mother-Consort / Mother-Concubine. They cannot be simply referred to as mother because socially, the mother of all imperial sons is the empress.]Nakangiti itong kinuha ni Jiao Gui Ren at tinignan. "Mukhang gumagaling ka na sa pagsusulat. Mas malinaw na ang mga letra kaysa sa dati.""Gusto kong maging masaya si mu fei kaya nag-aaral akong mabuti!"Pinisil niya ang pisngi nito. "Ikaw talaga...""Magsusulat na po uli ako!" Paalam niya at masiglang bumalik sa pagsusulat.Napangiti na lang si Jiao Gui Ren sa pinapakitang kasiglahan ng prinsipe. Kung noon ay hindi nito magawang makapagsalita ay nakakapagsulat na ito ngayon. Parang kailan lang."Napakasigla niyan
CHAPTER 37ZHEN PIN"Nakakapagtaka..." mahinang wika ni Baturu Da Ying matapos marinig ang kwento ko.Sinabi ko kasi sa kaniya kung anong nalaman ko kay Zhi Pin at sa emperor tungkol sa empress. Pero pareho lamang kaming naguluhan. Nakakapagtaka lang talaga na parang wala man lang kaming makuhang impormasyon, lalo na at pagkawala ng anak ng empress ang usapan dito. Dapat ay alam 'to ng lahat at may makukuha pa rin kaming impormasyon kahit na kaunti lang, pero wala talaga."Pero base nga sa sinabi mo, nahuli na nila ang may totoong gawa sa nangyari," wika niya. "Pero nang kinausap ko ang empress, mukhang sinisisi niya pa rin si Zhi Pin. Kung nahuli na nga nila ang may gawa, ba't siya pa rin ang sinisisi niya?""'Yan nga rin ang iniisip ko, e.""Pero... matagal na rin 'yon, 'di ba?""Oo? Bakit?""Nakakapagtaka lang na
CHAPTER 38THIRD PERSON"Bai Huan, anong balita sa emperor?" Tanong ng empress dowager.Lumapit sa kaniya ang kaniyang tagapaglingkod. "Hanggang ngayon ay abala pa rin ang emperor sa mga pagpupulong. Ngunit nabibigyan niya pa rin ng oras na puntahan si Zhen Pin.""Mabuti naman kung gan'on.""Ngunit, Tai Hou...""Ano 'yon? May nais ka pa bang sabihin?""Pinupuntahan niya rin si Jiao Gui Ren."Napabuntong-hininga ang empress dowager. "'Di ko inaasahan na magiging problema ko siya.""Anong gusto n'yong gawin, Tai Hou?""Hangga't 'di siya makasasagabal sa mga plano ko, hahayaan ko lang siya. Ngunit kung dumating ang punto na kailangan niyang mawala upang umayon sa gusto ko ang lahat, gagawin ko."___Kanina pa nakatayo at nakatanaw si Yue sa harap ng palasyo ni Naran Gui Ren.
CHAPTER 41ZHEN PIN"PAGBATI, HUANG HOU NIANGNIANG!""Maupo kayo," nakangiting tugon ng empress."MARAMING SALAMAT, HUANG HOU NIANGNIANG!"Gaya nga ng sinabi ng empress ay naupo na kami sa kaniya-kaniyang pwesto. Nagkatinginan kaming dalawa. Tumango ako upang sabihin na ituloy na niya ang sasabihin niya."Meimei," pagtawag niya sa'min. "Marami tayong naging problema nitong nakaraan. Nakalimutan na nating aliwin ang mga sarili natin. Kaya napagkasunduan namin ni Zhen Pin na magkakar'on tayo ng salu-salo sa may hardin kasama ang emperor."Halu-halo ang naging reaksyon nila sa sinabi ng empress ngunit mukhang masaya naman ang karamihan sa narinig."May mga bagong tela rin na dumating sa palasyo," muling wika ng empress. "Bilang paghahanda sa salu-salo, magkakar'on tayong lahat ng mga bagong damit na maaari nating suotin sa araw na 'yon.""Zhen Pin," pagtawag niya sa'kin. "Maaari ba kitang asahan sa pagbibigay ng mga damit?"Ngumiti ako. "Walang problema, Niangniang.""Qiu Fei," pagtawag