CHAPTER 37
ZHEN PIN"Nakakapagtaka..." mahinang wika ni Baturu Da Ying matapos marinig ang kwento ko.Sinabi ko kasi sa kaniya kung anong nalaman ko kay Zhi Pin at sa emperor tungkol sa empress. Pero pareho lamang kaming naguluhan. Nakakapagtaka lang talaga na parang wala man lang kaming makuhang impormasyon, lalo na at pagkawala ng anak ng empress ang usapan dito. Dapat ay alam 'to ng lahat at may makukuha pa rin kaming impormasyon kahit na kaunti lang, pero wala talaga."Pero base nga sa sinabi mo, nahuli na nila ang may totoong gawa sa nangyari," wika niya. "Pero nang kinausap ko ang empress, mukhang sinisisi niya pa rin si Zhi Pin. Kung nahuli na nga nila ang may gawa, ba't siya pa rin ang sinisisi niya?""'Yan nga rin ang iniisip ko, e.""Pero... matagal na rin 'yon, 'di ba?""Oo? Bakit?""Nakakapagtaka lang naCHAPTER 38THIRD PERSON"Bai Huan, anong balita sa emperor?" Tanong ng empress dowager.Lumapit sa kaniya ang kaniyang tagapaglingkod. "Hanggang ngayon ay abala pa rin ang emperor sa mga pagpupulong. Ngunit nabibigyan niya pa rin ng oras na puntahan si Zhen Pin.""Mabuti naman kung gan'on.""Ngunit, Tai Hou...""Ano 'yon? May nais ka pa bang sabihin?""Pinupuntahan niya rin si Jiao Gui Ren."Napabuntong-hininga ang empress dowager. "'Di ko inaasahan na magiging problema ko siya.""Anong gusto n'yong gawin, Tai Hou?""Hangga't 'di siya makasasagabal sa mga plano ko, hahayaan ko lang siya. Ngunit kung dumating ang punto na kailangan niyang mawala upang umayon sa gusto ko ang lahat, gagawin ko."___Kanina pa nakatayo at nakatanaw si Yue sa harap ng palasyo ni Naran Gui Ren.
CHAPTER 41ZHEN PIN"PAGBATI, HUANG HOU NIANGNIANG!""Maupo kayo," nakangiting tugon ng empress."MARAMING SALAMAT, HUANG HOU NIANGNIANG!"Gaya nga ng sinabi ng empress ay naupo na kami sa kaniya-kaniyang pwesto. Nagkatinginan kaming dalawa. Tumango ako upang sabihin na ituloy na niya ang sasabihin niya."Meimei," pagtawag niya sa'min. "Marami tayong naging problema nitong nakaraan. Nakalimutan na nating aliwin ang mga sarili natin. Kaya napagkasunduan namin ni Zhen Pin na magkakar'on tayo ng salu-salo sa may hardin kasama ang emperor."Halu-halo ang naging reaksyon nila sa sinabi ng empress ngunit mukhang masaya naman ang karamihan sa narinig."May mga bagong tela rin na dumating sa palasyo," muling wika ng empress. "Bilang paghahanda sa salu-salo, magkakar'on tayong lahat ng mga bagong damit na maaari nating suotin sa araw na 'yon.""Zhen Pin," pagtawag niya sa'kin. "Maaari ba kitang asahan sa pagbibigay ng mga damit?"Ngumiti ako. "Walang problema, Niangniang.""Qiu Fei," pagtawag
CHAPTER 39THIRD PERSON"Binabati ko kayo, Huang Shang," bati ng punong eunuch sa emperor. "Sa wakas ay makakapagpahinga na kayo.""Pansamantala lamang na mananahimik ang mga ministro. Paniguradong 'di magtatagal ay muli na naman nila 'kong kukulitin," sagot nito habang binabasa ang mga naiwang dokumento sa mesa."Saan n'yo po nais na magpahinga ngayong gabi?""Sabihin mo kay Zhen Pin na pupuntahan ko siya mamaya."Napayuko ang eunuch. "Huang Shang, patawad ngunit nakalimutan ko pong sabihin...""Ang alin?""May sakit daw po si Zhen Pin," sagot nito. "Hangga't maaari ay 'wag na raw po muna kayong pumunta sa palasyo niya dahil ayaw niya raw po kayong mahawa.""Nagpatingin na ba siya sa doktor?""Opo. Mas maganda raw po kung magpapahinga muna siya."Napaisip ang emperor. "Sige. Si Jiao Gui Ren ang papuntahin mo rito mamaya.""Masusunod po, Huang Shang."___"Huang Shang," pagbati ni Jiao Gui Ren."Talaga bang may sakit si Zhen?"Napakunot ang noo niya. "Pinagdududahan mo ba siya?""Sagu
CHAPTER 40ZHEN PIN"Pagbati, Zhen Pin Niangniang," wika ni Jiao Gui Ren. "Masaya ako at magaling na kayo.""Masaya rin ako na 'di mo 'ko nakakalimutan," tugon ko. "Balita ko pa nga ay sinubukan mo kong puntahan nang may sakit ako. Maraming salamat sa pag-aalala.""Wala po 'yon, Niangniang.""Dahil nandito ka na, sabay na tayong magtungo sa palasyo ng empress," wika ko. "Ngayong magaling na 'ko, dapat na 'kong bumati uli sa kaniya.""Ihahanda ko po ba ang sedan chair, Niangniang?" Tanong ni Yue."'Di na kailangan," sagot ko. "Kagagaling ko lang kaya mas maganda kung maglalakad-lakad ako para lumakas.""Masusunod po."Pasikreto akong sumulyap kay Jiao Gui Ren upang makita ang reaksyon niya. Sa palagay ko naman ay naniniwala siyang nagkasakit talaga ako. Ayoko mang pagdudahan siya, tagapaglingkod pa rin siya ng emperor. Kailangan kong mag-ingat.Nagtungo na kaming dalawa sa palasyo ng empress. Nang pumasok kami sa loob ay agad na tumingin at bumati sa'kin ang iba pang mga concubine. Nap
CHAPTER 41ZHEN PIN"PAGBATI, HUANG HOU NIANGNIANG!""Maupo kayo," nakangiting tugon ng empress."MARAMING SALAMAT, HUANG HOU NIANGNIANG!"Gaya nga ng sinabi ng empress ay naupo na kami sa kaniya-kaniyang pwesto. Nagkatinginan kaming dalawa. Tumango ako upang sabihin na ituloy na niya ang sasabihin niya."Meimei," pagtawag niya sa'min. "Marami tayong naging problema nitong nakaraan. Nakalimutan na nating aliwin ang mga sarili natin. Kaya napagkasunduan namin ni Zhen Pin na magkakar'on tayo ng salu-salo sa may hardin kasama ang emperor."Halu-halo ang naging reaksyon nila sa sinabi ng empress ngunit mukhang masaya naman ang karamihan sa narinig."May mga bagong tela rin na dumating sa palasyo," muling wika ng empress. "Bilang paghahanda sa salu-salo, magkakar'on tayong lahat ng mga bagong damit na maaari nating suotin sa araw na 'yon.""Zhen Pin," pagtawag niya sa'kin. "Maaari ba kitang asahan sa pagbibigay ng mga damit?"Ngumiti ako. "Walang problema, Niangniang.""Qiu Fei," pagtawag
tw: s**cide, d**thCHAPTER 42ZHEN PIN"Pagbati, Tai Hou," wika ko at lumuhod."Tumayo ka," nakangiti niyang tugon. "Tulungan mo 'kong mag-ayos.""Salamat, Tai Hou."Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang pangguhit sa kilay na hawak ni Bai Gugu."Kumusta ka? Balita ko ay nagkasakit ka.""Mas mabuti na 'ko, Tai Hou," tugon ko habang ginuguhitan ang kanan niyang kilay."Narinig ko rin ang nangyari sa salu-salo." Natigilan ako. "Totoo ba na nagsuot ng kulay gintong damit si Jing Chang Zai?""Totoo, Tai Hou," tugon ko at tinuloy na ang pagguhit."Totoo rin ba na naparusahan siya ng empress?""Opo.""Ngunit totoo nga ba nagkamali lamang ang mga tagapaglingkod mo na ibigay ang damit na 'yon sa kaniya?"Muntik ko nang mabitawan ang pangguhit. Napaluhod ako. "Tai Hou..." 'Di ko alam ang sasabihin. Mukhang alam na niya ang totoo. Mapapahamak lang ako kapag nagsinungaling ako sa kaniya. Kailangan ko ang tiwala niya."Mukhang alam mo na kung ba't kita pinatawag, Zhen Pin."Sabi ko na nga ba at kaka
CHAPTER 43THIRD PERSON"Pagbati, Huang Shang," wika ni Jiao Gui Ren bago lumuhod sa emperor.Sinenyasan naman siya nitong tumayo. Pagkatayo ay agad na binigay ni Jiao Gui Ren ang dala niyang mga pagkain para sa emperor kay Zhu Gonggong. Magpapaalam na sana siya nang biglang magsalita si Zhu Gonggong."Jiao Gui Ren, malapit na magtanghalian ang emperor. Ba't 'di pa po kayo sumabay?" Wika ng eunuch."H-hindi na, Zhu Gonggong-""Sumabay ka na," wika ng emperor habang nagbabasa ng dokumento. "Malapit na 'kong matapos."Napapikit siya. "Masusunod, Huang Shang."Dahil dati siyang tagapaglingkod ay 'di rin siya nagdalawang-isip na tulungang maghain si Zhu Gonggong. Nang matapos ay umupo na siya sa tabi ng emperor."Patay na raw si Jing Chang Zai.""Opo, Huang Shang.""Anong tingin mo sa nangyari?" Makahulugang wika ng emperor.Napatigil si Jiao Gui Ren. "S-sa tingin ko...""Ba't 'di ka makapagsalita?" Tugon ng emperor. "Simple lang naman ang tinatanong ko."Sinenyasan ng emperor ang mga tag
tw: d**ths//bl**dCHAPTER 44THIRD PERSON"Jiao Gui Ren," magmamadaling wika ni Yong Gui Ren habang palapit sa kaniya. "May kailangan kang malaman."Napatayo siya. "May nangyari ba?"Hinawakan ni Yong Gui Ren ang kamay niya. "Nakita ng isa sa mga tagapaglingkod ko kanina sa may hardin na pinagtangkaan ni Qiu Gui Ren ang buhay ni Zhen Pin. Ang sabi, dinala na raw si Qiu Gui Ren para iharap sa emperor."Nagsimula siyang mamutla. "Si Qiu Gui Ren?""Jiao Gui Ren!" Biglang sigaw ni Yong Gui Ren nang bigla siyang matumba. Agad siya nitong tinulungang makaupo. "Kumuha kayo ng tubig! Bilisan n'yo!" Utos niya sa mga tagapaglingkod."H-hindi 'to maaari...""Anong nangyayari, Jiao Gui Ren? Anong problema?""Hindi... hindi..." paulit-ulit niyang wika habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mukha niya.Hinawakan ni Yong Gui Ren ang magkabila niyang balikat. "'Wag kang umiyak. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Anong nangyayari?""Inutos niya sa'kin... kung anong inutos niya sa'kin dati..." lumuluha ni