CHAPTER 43THIRD PERSON"Pagbati, Huang Shang," wika ni Jiao Gui Ren bago lumuhod sa emperor.Sinenyasan naman siya nitong tumayo. Pagkatayo ay agad na binigay ni Jiao Gui Ren ang dala niyang mga pagkain para sa emperor kay Zhu Gonggong. Magpapaalam na sana siya nang biglang magsalita si Zhu Gonggong."Jiao Gui Ren, malapit na magtanghalian ang emperor. Ba't 'di pa po kayo sumabay?" Wika ng eunuch."H-hindi na, Zhu Gonggong-""Sumabay ka na," wika ng emperor habang nagbabasa ng dokumento. "Malapit na 'kong matapos."Napapikit siya. "Masusunod, Huang Shang."Dahil dati siyang tagapaglingkod ay 'di rin siya nagdalawang-isip na tulungang maghain si Zhu Gonggong. Nang matapos ay umupo na siya sa tabi ng emperor."Patay na raw si Jing Chang Zai.""Opo, Huang Shang.""Anong tingin mo sa nangyari?" Makahulugang wika ng emperor.Napatigil si Jiao Gui Ren. "S-sa tingin ko...""Ba't 'di ka makapagsalita?" Tugon ng emperor. "Simple lang naman ang tinatanong ko."Sinenyasan ng emperor ang mga tag
tw: d**ths//bl**dCHAPTER 44THIRD PERSON"Jiao Gui Ren," magmamadaling wika ni Yong Gui Ren habang palapit sa kaniya. "May kailangan kang malaman."Napatayo siya. "May nangyari ba?"Hinawakan ni Yong Gui Ren ang kamay niya. "Nakita ng isa sa mga tagapaglingkod ko kanina sa may hardin na pinagtangkaan ni Qiu Gui Ren ang buhay ni Zhen Pin. Ang sabi, dinala na raw si Qiu Gui Ren para iharap sa emperor."Nagsimula siyang mamutla. "Si Qiu Gui Ren?""Jiao Gui Ren!" Biglang sigaw ni Yong Gui Ren nang bigla siyang matumba. Agad siya nitong tinulungang makaupo. "Kumuha kayo ng tubig! Bilisan n'yo!" Utos niya sa mga tagapaglingkod."H-hindi 'to maaari...""Anong nangyayari, Jiao Gui Ren? Anong problema?""Hindi... hindi..." paulit-ulit niyang wika habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mukha niya.Hinawakan ni Yong Gui Ren ang magkabila niyang balikat. "'Wag kang umiyak. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Anong nangyayari?""Inutos niya sa'kin... kung anong inutos niya sa'kin dati..." lumuluha ni
tw: d**th//s**cideCHAPTER 45ZHEN PIN"Niangniang!" Sigaw ni Ying Gugu. "May sunog raw po sa palasyo ni Qiu Fei!"Napatayo ako. "Kumusta si Qiu Fei at ang prinsesa?""Ligtas si Qiu Fei, Niangniang," tugon nito. "Ngunit iba na raw ang kulay ng prinsesa nang nailabas ito. Dinala raw ang prinsesa sa Yikungong para gamutin.""Pupunta tayo sa Yikungong.""Masusunod, Niangniang," parehong tugon ni Yue at Ying Gugu.Madali kaming nagtungo sa Yikungong. Ngunit nang makarating, 'di na kami hinayaan pang pumasok ng mga tagapaglingkod. Sinabihan kaming maghintay na lang sa magiging balita."Yue," pagtawag ko. "May balita ka na ba kung anong nangyari kay Qiu Gui Ren?""Magtatanong po ako ngayon kung gusto n'yo.""Magmadali ka.""Opo.""Niangniang, kumalma ka lang," wika naman ni Ying Gugu. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Magiging maayos lang ang prinsesa. Magtiwala tayo sa mga doktor. Nasa loob ang emperor, 'di nila siya bibiguin."Tumango ako. "Sana nga, Gugu.""Jiejie!" Rinig kong tawag sa'k
CHAPTER 46ZHEN PIN"Wala pa rin ba?" Naiinip na tanong ni Batkhaan Chang Zai habang hinihintay namin na papasukin kami ng empress para batiin siya. Ngunit ilang minuto na, wala pa rin."Maghintay lang tayo, Meimei," wika naman ni Zhi Pin.Wala namang nagawa si Batkhaan Chang Zai kundi ang bumuntong-hininga."Jiejie," tawag naman sa'kin ni Wei Meimei. "May alam ka ba kung ba't 'di pa rin tayo pinapapasok ng empress?""Wala rin akong alam, Meimei."Lahat kami ay napatingin nang makitang lumabas si Lu Momo.Tumungo siya sa'min. "Paumanhin sa abala ngunit 'di n'yo na kailangan pang bumati sa empress ngayon. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo. Simula rin ngayon, kanselado na rin ang pagbati sa empress tuwing umaga. 'Di n'yo na kailangan pang pumunta. Si Zhen Pin lang din ang maaaring maiwan ngayon upang makapag-usap sila ng empress.""Maaari ba naming malaman kung bakit, Lu Shan?" Tanong ni Zhi Pin."May sakit ang empress ngayon at pinayuhan siya ng mga doktor na 'wag munang p
CHAPTER 47ZHEN GUI FEI"Niangniang," wika ni Ying Gugu. "Handa na po ang lahat ng pinahanda n'yo."Lumapit sa'kin si Yue at binigay ang lalagyan na may lamang kandila, panindi, at papel na may nakasulat na Shen Sheng Ling. Napatingin ako sa bintana. Bilog na bilog ang buwan."Magsuot ka nito, Niangniang," muling wika ni Ying Gugu bago ako suotan ng balabal. "Para 'di ka lamigin, Niangniang.""'Di ba talaga kami maaaring sumama, Niangniang?" Tanong naman ni Yue.Ngumiti ako. "Walang mangyayari sa'kin. 'Wag kayong mag-alala.""Sinong tao ba ang pupuntahan n'yo, Niangniang?" Tanong naman ni Ying Gugu. "Matagal na 'ko rito sa palasyo. Baka kilala ko siya.""Sundin n'yo na lang ang utos ko at manatili rito sa palasyo," tugon ko. "Mahalagang bagay 'to. 'Wag n'yong subukan na sumunod."Tumungo sila. "Naiintindihan namin, Niangniang."Umalis na 'ko sa palasyo at nagtungo sa may hardin. Habang naglalakad ay sinisiguro kong walang taong sumusunod o makakakita sa'kin. Mabuti na lang at binigyan
CHAPTER 48ZHEN GUI FEI"Niangniang," bati sa'kin ni Zhu Gonggong. "Nais po ng emperor na malaman n'yong nasa may bayan na po ang mga rebelde. Ngunit 'di n'yo raw po kailangang mag-alala dahil handa ang palasyo sa magiging pag-atake nila.""Naiintindihan ko, Zhu Gonggong. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa harem.""May isa pa po, Niangniang.""Ano 'yon?""Hangga't 'di pa raw po humuhupa ang rebelyon, 'di raw po maaaring lumabas sa palasyo niya ang empress. Kapag tapos na raw po ang laban, ipapataw na ang mga parusa."Napataas ang kilay ko. "May sakit ang empress. Kahit pilitin ko pa siya, 'di rin siya lalabas. Sabihin mo sa emperor na 'wag siyang mag-alala.""Maraming salamat, Niangniang," tugon ni Zhu Gonggong. "Mauuna na po ako."Pagkalabas ni Zhu Gonggong, lumapit sa'kin si Ying Gugu na may dalang tsaa at panghimagas. Nilapag niya ang mga dala niya sa tabi ko. Kumuha ako ng isa, ngunit imbes na kainin ay tinignan ko lang ang panghimagas na hawak ko."Ayaw n'yo po ba, Niangniang?"
CHAPTER 49ZHEN GUI FEI"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya.""Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan."Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod."Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?""Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito.""Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?""'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito.""Mahal mo pa ba siya?""Hindi sa gan'on–""Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba
CHAPTER 50THIRD PERSONIlang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at