CHAPTER 27
ZHEN PIN"Qi Zi, gising na.""Ayoko pa..." Inaantok kong sagot at hinila ang kumot para takpan ang mukha ko."Qi Zi..." Madiin niyang tugon at hinila ang kumot paalis sa'kin.Nagmatigas ako at hinila pabalik ang kumot pero hinila niya rin ito ulit."Bumangon ka na, Qi Zi." Wika ng emperor habang nakikipaghilahan ng kumot sa'kin."Ayaw ko pa!" Sigaw ko.Ngunit dahil sa mas malakas siya sa'kin ay tuluyan ko nang nabitawan ang kumot at nahatak na niya ito. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko siya at padabog na bumangon sa kama. Narinig kong dumaing siya pero hindi ko na lang pinansin. Kaya gan'on na lang ang gulat ko nang hilahin niya ko pabalik sa kama."Ikaw talaga!" Wika niya. "Nagawa mo na nga kong sipain, nagawa mo pa kong pagdabugan. Nais mo na ba talagang mamatay, Zhen Pin?""Edi parCHAPTER 28ZHEN PINNapakabigat ng pakiramdam ko. Wala akong ibang magawa kundi tignan ang walang buhay na katawan ni Ping. Gusto kong umiyak. Gusto kong magalit. Pero parehong hindi ko magawa."N-Niangniang... Anong gagawin natin kay Ping?" Naluluhang tanong sa akin ni Ying Nuzi."Puntahan mo si Doktor Zhou. Tanungin mo siya kung may pamilya si Ping sa labas ng palasyo. Pagkatapos ay ipahatid mo ang katawan niya sa bahay nila at sabihin ang totoong nangyari.""Masusunod po..." Mahina niyang sagot at akmang aalis na."Sandali, Gugu.""Bakit po, Niangniang?""Gusto ko ring sabihin mo na..." Napalunok ako. "Ibibigay ko ang nararapat na hustisya para sa kaniya.""Opo..." Tugon niya at tuluyang umalis.Lumapit ako kay Ping at tinakip sa kaniyang mukha ang kumot na nakabalot sa kaniya."P
CHAPTER 29ZHEN PIN"Niangniang."Nagising ang diwa ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata upang makita siya. Bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti at kumikinang na mga mata."Xue," pagtawag ko sa kaniya."Bakit po?"Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang mawala. D'on lang nanumbalik sa akin na wala na siya. Napahawak ako sa dibdib ko nang muli kong maramdaman ang sakit ng pagkawala niya. Nangingilid ang mga luha ko habang hinahanap ko siya sa kabuoan ng kwarto, ngunit wala na talaga siya.Ilang araw na ang nagdaan, pero walang oras na hindi siya pumasok sa isip ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Lagi ko siyang nakikita. Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng sakit na naramdaman ko noon. Sobrang sakit.Pinunasan ko ang mga luha ko nang mapansing gumalaw si Ying Nuzi sa pwesto niya. Mukhang nagising ko yata siya."Niangniang, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya sa'kin.Tumango ako. "Anong oras na?""Oras pa lang po ng Yinshi. Ma
CHAPTER 30ZHEN PIN"Hehehe..."Nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ang pagtawa niya. Gan'on na lang kung paano manglisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Para siyang baliw na natutuwa sa mga nangyayari."Ako nga."Napapikit ako nang marinig ang pag-amin niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin magawang maniwala, pero sa kaniya na nanggaling kaya kailangan ko nang tanggapin.Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang isang batang gaya niya ay magagawa ang ganitong bagay? Nakilala ko siya bilang inosente at masiyahing bata. Mahilig siya sa mga makulay na bagay at matatamis. Gan'on ang pagkakakilala ko sa kaniya.Tinuring ko siyang kaibigan at nakababatang kapatid na babae... Kaya bakit?"Bakit?" tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Bakit mo nagawa 'yon?"Nagtatalo na ang pagk
CHAPTER 31THIRD PERSON"Pagbati, Huang E'niang," bati ng emperor at lumuhod sa empress dowager."Tumayo ka, Huang Di.""Salamat po," sagot nito at umupo sa tabi ng empress dowager."Nabalitaan ko ang nangyari," wika ng empress dowager. "Kamusta si Zhen Pin?"Napabuntong-hininga ang emperor. "Maayos naman siya, at mukhang mas panatag na ang loob niya dahil nahuli na namin ang totoong may kasalanan.""Kung maayos na pala siya, bakit parang hindi ka masyadong masaya at napabuntong-hininga ka pa?""Dahil nga sa hindi naman talaga ang empress ang may totoong kasalanan sa nangyari, gusto niyang alisin ko na ang parusa ko sa kaniya.""Pero ayaw mong gawin 'yon, tama?" Wika ng empress dowager."Sinabi ko sa kaniya na ayaw kong gawin 'yon, dahil nakumpirma nga namin na nag-uumpisa na ang pamilya ng mga
CHAPTER 32ZHEN PIN"Niangniang," bati sa'kin ni Ying Nuzi at yumuko."Tumayo ka. Sabihin mo sa'kin ang balita.""Opo," sagot niya at sumunod. "Nasa ospital na po ng palasyo ang ina ni Li Gui Ren, Niangniang. Nangako po ang mga doktor na gagawin nila ang lahat ng makakaya nila."Ngumiti ako. "Mabuti kung gan'on."Napatingin naman ako kay Yue na tahimik lamang sa gilid. Kahit na malapit ang pangalan nila ni Xue ay talagang napakalayo ng ugali nila, kung siya ang nandito ngayon ay kanina pa siya nagsasalita at inaasar ako.
CHAPTER 33AUTHOR"Iwanan mo muna ako," rinig kong wika ni Roxanne sa tagapaglingkod niya.Sumilip ako sa pinagtataguan ko at nakitang tumungo ito sa kaniya bago umalis."Alam kong nandiyan ka, Author," wika niya. "Lumabas ka na."Napangiti ako. "Mukhang lumalakas na ang pandama mo," usal ko at lumabas sa pinagtataguan ko.Napataas ang kilay niya nang makita ako. "Mukhang nawiwili ka na sa ganiyang anyo."Natawa ako. "Talagang mawiwili ako dahil ito naman talaga ang totoong anyo ko."Sa lahat ng anyong pinakita ko, ito lang ang totoo. Hindi ako hayop o kung ano man, tao ako. Tao lang ako."Kung gustung-gusto mo pala ang anyong 'yan, bakit kailangan mo pang takpan ng maskara ang mukha mo?" Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong.Mas lalo akong napangiti. "Tiyak kong labis kayong magugulat kapag
CHAPTER 34ZHEN PIN"Zhen Pin Niangniang," bati sa akin ni Zhu Gonggong."Magandang umaga, Zhu Gonggong," bati ko pabalik. "May kailangan po ba kayo?""Nandito lamang po ako para ihatid ang nais ibigay sa inyo ng emperor."Pagkasabi niya n'on ay pumasok ang isa pang eunuch. May dala-dala siyang isang damit na kulay pula na may disenyo na kulay ginto.B"Nais po itong ibigay sa inyo ng emperor," wika niya. "Nais niya rin po na isuot n'yo 'to sa pagdiriwang bukas."Inabot naman ito ni Yue at binigay sa'kin. Kinuha ko ito at tinignan. Isa itong kulay pulang damit na may burda ng gintong dragon sa gitna."Ayos lang ba talaga na suotin ko 'to bukas?" Tanong ko.Bukod kasi sa kulay pula ito ay may dragon pang nakaburda rito. Baka mapahamak lang ako pagka sinuot ko 'to."'Wag kayong mag-alala, Niangnia
CHAPTER 35ZHEN PIN"Pagbati, Huang Hou Niangniang," magalang na bati ni Qiu Gui Ren bago tumungo sa empress."Parang ngayon ka na lang uli nagpakita ng paggalang sa'kin," wika ng empress. "Tama ba 'ko, Qiu Gui Ren?"Ngumiti si Qiu Gui Ren. "Huang Hou, hayaan na lang natin na maging nakaraan ang nakaraan."Ngumisi ang empress. "Maupo ka na.""Salamat po," tugon niya at sumunod.Tahimik lang kaming pinapanuod siyang umupo. Pagkaupo niya ay napatingin siya sa'kin at ngumiti, ngunit imbes na iiwas ko ang tingin ko ay nginitian ko rin siya pabalik."May nais nga pala akong sabihin," wika ng empress."Ano 'yon, Huang Hou?" Tanong ko."Alam ko na ang iba sa inyo ay nakikilala na sila, ngunit hindi pa sila nakikita, kaya gusto ko silang ipakilala ngayon," tugon niya. "Pumasok kayo."Napatin