CHAPTER 5
AI HUANG GUI FEI"Niangniang, hindi po ba kayo nakatulog ng maayos?" Tanong sa akin ni Mei."Nakatulog ako. Hindi lang talaga maganda ang gising ko." Naiirita kong sagot."Niangniang, kailangan mong ngumiti para dumaan sa iyo ang swerte. Hindi magandang mag-umpisa ng araw na nakabusangot." Sabi nito."Tsaa." Utos ko na ipinasa naman niya sa ibang katulong."Niangniang, ano pong gusto niyong ayos ng buhok?""Ilagay mo sa buhok ko ang phoenix na binigay sa akin ng empress dowager. Gusto kong inisin ang empress." Nakangiting tugon ko.Agad niyang inayos ang buhok ko at inilagay sa ulo ko ang gintong phoenix. Napangiti ako sa ganda nito at sa ganda ko."Niangniang, ang ganda niyo talaga." Puri nito sa akin."Hindi ako papaboran ng emperor kung hindi." Sagot ko at tinignan ang mukha ko sa salamin.Kinuha ko ang pangguhit sa kilay at iginuhit ito ayon sa kilay ko mismo. Hindi naman pangit ang kilay ko, manipis lang. Hmp."Niangniang! Niangniang!" Nagmamadaling tugon sa akin ni Hui Gonggong kaya naman binaba ko ang pangguhit."Kumalma ka. Bakit?" Iritiang tanong ko rito."Niangniang! Si Zhen Chang Zai po, itinaas po ng emperor sa antas na Gui Ren at pinayagan po siyang mahuli sa pagpupulong ngayon!" Sagot nito na nakapagpabigla sa akin.Napatayo ako."Ano?!" Galit kong tugon at malakas na hinampas ang lamesang nasa tabi ko."Niangniang, kumalma po kayo!" Tugon ni Mei at lumuhod, sinusubukang pakalmahin ako.Kinuha ko ang tasa ng tsaa na nasa tabi at malakas itong binato dahilan ng pagkabasag nito. Kahit lumuhod siya ay hindi nito matutumbasan ang selos at galit na nararamdaman ko. Ang Zhen Gui Ren na yun! Inakit niya ang emperor!"Gui Ren?! GUI REN?!" Galit kong tanong."Mukhang may bagong babaeng kinahuhumalingan na ang emperor." Nangangalaiti kong tugon."Niangniang. Bago pa lang po siya. Kaya po siguro gusto pa po siya ng emperor pero sigurado po akong kayo pa rin po ang babalikan nito." Sabi sa akin ni Mei.PAK!Malakas kong sampal sa kaniya dahilan ng pagkatumba niya at pag-iyak. Matapos kong mailabas ang galit ko sa kaniya ay dahan-dahan na akong umupo."Oo. Bago pa lang siya. Kahit gaano pa kaganda ang isang bulaklak ay malalanta rin ito. Babalik rin sa akin ang emperor."At isa pa ay... May anak kami. Talagang babalikan niya ko. Ngayon lang ako maghihirap. Makakaisip rin ako ng paraan."O-opo, Niangniang. Kaya huwag po kayong mag-alala."Lumuluhang tugon ni Mei habang nakahawak sa pisngi niya.Tumingin ako sa salamin at inalis ang phoenix. Pagkaalis ko nito sa buhok ay hinagis ko ito ng malakas dahilan ng pagkabasag ng salamin kung saan ito tumama."Alisin mo tong phoenix na to! Kumuha rin kayo ng ibang salamin! Bilisan niyo kung ayaw niyong masaktan!"---LIHUA HUANG HOU"Ang ganda. Ilagay niyo." Utos ko sa mga katulong ko.Inayos nila ang buhok ko at maayos na dinesenyo ang mga perlas sa buhok ko. Kumim"Mamaya, gusto ko ng ibang kulay sa kuko ko." Sabi ko sa kanila habang tinitignan ang kulay pula kong mga kuko."Opo.""Lu Shan." Tawag ko sa Head Maid ko."Po?" Tanong nito."Tsaa ko." Sagot ko.Agad niyang kinuha ang tsaa mula sa isa pang katulong at iniabot sa akin. Humigop ako ng kaunti at itinabi ito."Huang Hou, may sasabihin daw po si Gang Gonggong sa inyo." Sabi sa akin ni Shan."Papasukin mo siya." Sagot ko.Pinapasok nila si Gang Gonggong na agad akong binati."Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, kamahalan." Tugon nito at lumuhod."Tumayo ka. May sasabihin ka raw?""Salamat po, Huang Hou." Sabi nito at tumayo. "Huang Hou, si Zhen Chang Zai- mali, si Zhen Gui Ren po ay itinaas na po ng emperor at binigyan ng permiso para mahuli sa pagbati sa inyo ngayon."Gui Ren? Unang beses niya pa lang maglingkod pero itinaas na agad siya ng emperor?"Makakaalis ka na." Kalmado kong tugon."Opo." Sagot nito at umalis."H-Huang Hou..." Nag-aalalang pagtawag sa akin ni Shan.Pinahid ko ang luhang pumatak sa mata ko."Sabihin mo sa mga concubine na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya hindi na nila kailangang batiin pa ako." Utos ko."O-Opo, Huang Hou." Sagot ng mga ito at lumabas, iniwan akong mag-isa."Huang Shang, lahat na ginawa ko para sa'yo pero ito ka at ibang babae naman ang kinahuhumalingan mo." Nagdurusa kong tugon.---ZHEN GUI REN"Ang galing niyo po talaga! Kuhang kuha niyo po ang lotus!" Puri sa akin ni Fen habang pinipinta ko ang lotus sa garden.Masama raw kasi ang pakiramdam ng empress kaya walang greetings ngayon. Kaya nagpinta na lang ako kasi wala naman akong magagawa rito. Walang gadgets."Magaling na dati pa si Lady Zhen pero gumagaling siya lalo ngayon." Pagmamalaki sa akin ni Xue."Zhen Gui Ren, nandito po si Baturu Da Ying." Sabi naman sa akin ni Ying Nuzi."Paalisin mo siya." Sagot ko."Lady Zhen, lagi na lang siyang pumupunta dito. Ayaw niyo po ba talaga siyang makita?" Tanong sa akin ni Xue."Kung gusto niya talagang magkaayos kami, hindi siya aalis kapag gusto ko siyang umalis, mananatili siya para makipagbati." Tugon ko."Pero Lady Zhen... Paano kung hindi niya alam na ganun pala ang gusto niyong mangyari?" Tanong naman sa akin ni Fen.Ibinaba ko ang brush na hawak ko at huminga ng malalim."Sige. Papuntahin mo siya dito." Sabi ko kay Ying Nuzi."Opo.""Binabati ko si Zhen Gui Ren." Bati nito sa akin at tumungo."Iwanan niyo muna kami." Sabi ko sa mga katulong ko na agad ding umalis."Tumayo ka." Sabi ko sa kapatid ko."Salamat po, Zhen Gui Ren." Tugon nito at tumayo.Nagpatuloy na ko sa pagpipinta at hindi na siya pinansin pa."Binabati kita, Zhen Gui Ren. Masaya ako para sa'yo." Sabi nito na tila hinihintay kung sasagot ba ko.Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpipinta."Ate Ramielle. Please. Huwag ka na magalit sa'kin." Tugon nito.Tumingin ako sa kaniya dahil kakaiba ang boses niya at nakitang umiiyak na pala siya.Pilit ko mang patigasin ang puso ko, kapatid ko pa rin siya. Hindi ko siya kayang makitang umiiyak kahit pa magkaibigan lang ang koneksyon namin sa mundong ito.Binitawan ko ang brush na hawak ko at tumayo. Agad akong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap."Tahan na, Roxanne." Pagpapatahan ko rito."I-ikaw kasi ate e! Ayaw mo kong kausapin!" Dahilan nito."Kinakausap na kita ngayon kaya tahan na. Ang pangit mo pa naman umiyak." Biro ko sa kaniya."Nang-aasar ka pa!" Naiinis nitong tugon sa akin."Sa loob tayo mag-usap. Ano bang paborito mong pagkain sa mundong ito?" Tanong ko."Dumplings po, ate." Masayang sagot nito."Sige. Magpapaluto ako." Nakangiting tugon ko rito.Naglakad kami papasok sa chamber ko at agad kaminh umupo."Xue, utusan mo si Hai na magluto ng dumplings para kay Ilha Meimei." Utos ko rito."Ano po ang para sa inyo?" Tanong nito sa akin."Fried rice lang." Sagot ko."Masusunod po." Sagot naman nito sa akin."Sheng Jiejie, sorry kasi naging mahina ako." Sabi nito sa akin."Hayaan mo na. Nangyari na ang nangyari. Basta ba huwag mong hahayaan na mangyari uli yun." Sabi ko rito."Sheng Jiejie, may gusto akong itanong sa'yo.""Sabihin mo.""Diba maitataas lang ang ranggo mo kapag ano? Ibig sabihin, ikaw at ang emperor ay...?" Tanong nito."Ano? H-" Pagtanggi ko sana ngunit narinig ko ang nakakapanindig-balahibong boses ng author."HUWAG! HUWAG MONG SABIHIN!" Tugon niya."Huh? Author? Bakit?" Tanong ko sa isip ko."Basta. Huwag mong sasabihin kahit anong mangyari!""Sheng Jiejie, ano?" Muling tanong ni Ilha Meimei na nakapagpabalik sa'kin sa realidad."Ah o-oo." Nauutal kong sagot.Bakit? Bakit ako nagsinungaling sa kapatid ko at sinusunod ang utos ng author?"Talaga? Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong nito."Huwag mo na ko tanungin tungkol doon. Nakakahiya." Palusot ko para tigilan na ko nito."Hala! Di talaga ako makapaniwala!" Gulat nitong tugon."NANDITO ANG EMPEROR!" Rinig naming anunsyo mula sa labas.Sa gulat ko ay matik na tumayo ako at tumungo upang magbigay ng galang sa emperador. Ganoon rin ang kapatid ko."MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, HUANG SHANG." Sabay naming bati ng kapatid ko pagkapasok ng emperor.Dumiretso sa akin ang emperor at inalalayan akong tumayo."Salamat po." Tugon ko rito."Tumayo ka." Utos nito kay Ilha Meimei habang nasa akin pa rin ang tingin."Opo." Sagot nito at tumayo."Huang Shang, bakit ka nandito?" Tanong ko."Iwan mo kami." Utos nito na agad sinunod ng kapatid ko."Huang Shang, bakit kailangan mong paalisin si Ilha Meimei?" Tanong ko rito."Huang Shang? Akala ko ba ay kapag tayong dalawa lang ay Zhang Fu ang tawag mo sa akin?" Wari ay nagtatampong tugon nito."Huwag mo baguhin ang usapan. Bakit kailangan mo paalisin si Ilha Meimei?" Tanong ko rito."Meimei? Malapit kayo sa isa't-isa?" Tanong ng emperor."Oo." Diretso kong sagot."Qi Zi, mag-iingat ka sa harem." Paalala nito sa akin.Anong ibig niyang sabihin? Kailangan kong mag-ingat sa sarili kong kapatid? Bakit lahat sila ay pinag-iingat ako kay Ilha Meimei? Sa bagay, hindi naman niya alam na magkapatid talaga kami."Sige, Huang Shang." Nakangiting sagot ko rito para pagaanin ang loob niya.Pero nakabusangot pa rin ito"Zhang Fu." Tugon naman nito. Tinatama ang ang pagtawag ko sa kaniya."ZHANG FU." Pagdiin ko na nagpangiti rito.Gusto niya lang naman pala tawaging asawa ko ayaw pang sabihin agad."Bakit ka nga pala pumunta dito?" Tanong ko bigla."Zhu Gonggong." Pagtawag nito sa head eunuch.Pumasok si Zhu Gonggong kasama ang iba pang mga eunuch na may dalang mga kahon."Magiging busy ako sa mga susunod na araw kaya hindi kita mapupuntahan. Gusto kong ibigay sa'yo to para may maiwan ako sa'yong mga regalo para di ka magtampo." Sabi ng emperor sa akin."Huang Shang, hindi mo naman kailangang bigyan ako ng mga regalo. Naiintindihan ko naman." Sagot ko."Tanggapin mo na lang."Isa-isa nilang inilapag sa sahig ang mga kahon at isa-isa ring binuksan. Halos mapa-nganga ako sa dami ng regalo na binigay niya sa akin."Sigurado kang akin lang to?" Tanong ko.Nakangiting tumango ito."Talaga?" Hindi makapaniwalang tugon ko.Tinignan ko ang unang kahon at maingat na kinuha ang gong fan sa loob.[Gong Fans are usually peach-shaped, with a width of 20-centimeters, a moso bamboo edge, a handle made of ox-bone or jade, and patterns of flowers on the fan surface.]Mayroon itong jade na hawakan at hugis bilog ito. Meron itong palawit na ginto at gawa rin ang frame nito sa ginto na may disenyong nakaukit na mga bulaklak. Ang pamaypay naman mismo ay gawa sa purong silk at ang mga sinulid na ginamit upang burdahin ang disenyo nito ay mula sa balahibo ng peacock. Ang disenyo ay mag-asawa crane na kapwa nakataas ang isang paa at magkalapit na tila ay binubuo ang hugis puso.[In China, the crane is legendary for being the prince of all feathered creature on earth. Being the symbol of longetivity and peace, the crane is the most favored bird symbol (next to the phoenix).]"Halatang pinag-isipan ito." Puri ko sa pagkakagawa rito."Zhen Gui Ren, nagpatawag ng 50 na tao na magagaling sa pagdidisenyo at paggawa ang kamahalan para lang mapag-isipan ang disenyo at kung paano gagawin ang bagay na ito." Nakangiting tugon ni Zhu Gonggong."Talaga?""Opo. Kaya naniniwala po akong gusto talaga kayo ng kamahalan." Ani mo ay kinikilig nitong tugon.Napatingin ako sa emperor na ngayon ay sobrang pula na."Hindi mo na kailangang sabihin 'yan. Maliit na bagay. Tignan mo na ang susunod." Pagbabago nito ng usapan.Pero imbes na kulitin pa siya ay ngumiti na lang ako at tinignan na ang kasunod na regalo."Ang ganda." Tugon ko at kinuha ito para makita ng maayos.Pares ito ng hairpin na may disenyong asul na paru-paro. Bukod sa paru-paro ay napapalamutian rin ito ng mga magagandang bato at mga palawit na perlas. Ang alam ko ay dangle ang tawag sa mga ganitong accessories dahil may mga bato o ano pa man na nakakabit sa ipit at nagda-dangle ito kapag gumagalaw ang may suot."Ang mahal nito." Tugon ko."Walang mahal basta para sa'yo." Sagot nito.Luh? Tae, bakit parang kinilig ako? Narinig pala nito sinabi ko, my gash."H-Huang Shang, ang mga mamamayan pa rin ang priority mo." Nauutal kong sagot rito.Kasunod na kahon naman ang tinignan ko at nakita ang isang set ng mga cream ng pampaganda."Huang Shang, bakit kailangan mo kong regaluhan ng ganito? Pumapangit na ba ko?" Nakangusong tugon ko rito.Bakit parang nagpapa-cute naman ako sa kaniya? Jusko!Pinitik nito ang noo ko na nakapagpadaing sa akin."Sabi sa akin ng aking ina, isa sa mga pinakamahalagang bahagi sa buhay ng mga babae ang mukha at ang katawan. Kapag maganda rin ang asawa ng isang lalaki ay nangahuhulugang naiingatan siya nito. Sinusunod ko lang ang payo ng aking ina at gusto kong maging maganda ang tingin sa akin. Wala 'yang ibig sabihin sa'yo." Dahilan nito."Ibig sabihin ay hindi ka nag-aalala kahit pumangit ako?" Tanong ko rito."/The papaya flower is most beautiful when its fruit is empty/. Ang nagustuhan ko sa'yo ay kung ano ka, hindi ang ganda mo." Sagot naman ng emperor./Beauty does not guarantee good character./"Pero Huang Shang, maganda naman ako diba?" Tanong ko."Oo naman." Walang pagdududang sagot nito.Napangiti ako dahil sa naging tugon niya.Tinignan ko na ang kasunod na regalo at pares pala ito ng mga perlas na hikaw. Kumikinang ito sa liwanag. Iiwasan kong isuot to para hindi ako mapagbuntunan."Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ng emperor sa akin.Halata ba talaga sa mukha kong may iba akong naiisip?"Gusto ko. Lalo na galing sa'yo. Iingatan ko at iiwasang suotin para hindi maluma agad." Sagot ko."Kaya ko nga binigay para suotin mo.""Kahit na."Ang kasunod na kahon naman ay puno ng tableware na made of silver. Gumagamit ng silver dahil nangingitim ito kapag may lason na madidikit rito."Hindi ko naman kailangan nito." Sabi ko."Dapat lagi kang ligtas. Kailangan maabutan pa kita sa pagbisita sa harem.""Huang Shang." Pagtawag ko rito."Zhen Gui Ren." Hindi nagpapatalo nitong tugon.Hindi na ko sumagot pa at tinignan na lang ang kasunod na kahon. Puno ito ng mga silk na tela at mga sinulid."Huang Shang, igagawa kita ng robe gamit to." Masayang tugon ko sa emperor."Gamitin mo yan para sayo.""Hindi. Pasasalamatan kita gamit to."Tinignan ko naman ang sunod na kahon na talagang nakapagpatalon sa akin sa tuwa. Puno ito ng mga gamit sa pag-aaral. Papel, brush, at kahit ang tinta at oil ay nasa loob nito."Huang Shang, maraming salamat!" Masayang tugon ko at tumungo sa emperor.Inalalayan niya kong tumayo at iniharap ako sa mga kahon. Nabuksan na pala lahat."Nabuksan mo na lahat pero hindi pa tapos ang mga regalo ko." Nakangiting tugon ng emperor.Tinignan ng emperor si Zhu Gonggong. Pumalakpak ito at pumasok ang isang eunuch na may dalang gintong hawla na may asul na ibon sa loob."Ito ba ang blue bird?" Tanong ko habang tinuturo ang maliit na ibon.[The bluebird is a symbol of happiness in many cultures around the world, including in Russia, where it represents hope, and in China's Shang Dynasty, where it's a messenger of knowledge and enlightenment.]"Matalino ka talaga." Puri sa akin ng emperor."Salamat, Huang Shang.""Itong ibon na to ay may pangalang Hui (Clever). Sinanay siya para magbigay ng mensahe. Gamitin mo si Hui kapag kailangan mo ang tulong ko." Sabi ng emperor."Huang Shang, gaano ka ba katagal mawawala? Parang ang tagal e." Tanong ko."May digmaan ngayon sa hilaga at may tagtuyot naman sa timog. May baha sa silangan at may peste naman sa kanluran. Sa lawak ng ating imperyo ay talagang normal na magkaroon tayo ng ganitong problema. Pero lumalala na ang tagtuyot sa timog, mabuti na lang at nariyan si General Qiu para tulungan ako sa digmaan sa hilaga. Nasosolusyunan na rin ang mga problema sa kanluran at silangan." Paliwanag ng emperor."Si General Qiu ba ang kapatid ni Ai Huang Gui Fei Niangniang?""Oo. Sa tulong niya ay kailangan ko itong ibalik kay Huang Gui Fei. Kaya kahit makabalik na ko ay kailangan kong tutukan siya." Paliwanag ng emperor."Walang problema sa'kin. Asawa mo rin siya." Nakangiting tugon ko.Nakangiti ako pero nararamdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Nagseselos ba ko?"Salamat sa pag-intindi, Zhen." Tugon nito at hinalikan ang noo."Zhu Gonggong, mauna na tayo." Sabi nito at umalis na sa palasyo ko kasama ang mga tagapaglingkod niya.Pagkaalis niya ay agad na nagsipasukan ang mga tagapaglingkod ko at binati ako dahil sa mga regalo sa akin ng emperor."Ying Nuzi, nariyan pa ba si Baturu Da Ying?" Tanong ko sa head maid ko."Umalis po siyang nakakunot ang noo kanina pagkapasok ng emperor, Zhen Gui Ren." Sagot nito.Nakakunot ang noo?"Lady Zhen, anong gagawin natin sa mga to?" Tanong sa akin ni Xue."Si Hui, ang ibon, ilagay mo sa kwarto ko." Utos ko rito na agad nitong sinunod."Fen, ihanda mo naman ang mga tela at sinulid. Gagawa ako ng sleeping robe para sa emperor mamaya." Utos ko sa isa ko pang katulong."Xiao-Daquan, itabi muna itong mga gamit sa pag-aaral.""Hai, ikaw na ang bahalang magtabi sa mga alahas at mga pampaganda.""Xiao-Dong, ikaw naman sa mga tableware. Simula mamaya ay gagamitin ko na sila.""Xiao-Cong, gagamitin ko na ang pamaypay. Gamitin mo 'yan mamaya habang nagtatahi ako." Utos ko rito."Opo." Sagot nito at kinuha ang pamaypay."Ying Nuzi, ikaw na ang bahalang magtala sa mga gamit na binigay ng emperor.""Zhen Gui Ren, mamaya ay dadating na ang mga bagong katulong. Anong gagawin ko?" Tanong naman ni Xing-Su Gonggong.Oo nga pala. Naging Gui Ren na ko kaya naman madadagdagan na rin ang mga katulong ko."Alamin mo kung saan silang departamento o palasyo galing. Alamin mo rin ang buhay nila noon. Sa huli, iharap mo sila sa akin mamaya." Sagot ko rito."Opo." Sagot nito at umalis na upang maghanap ng impormasyon.Lumabas muna ako sa main chamber dahil busy pa sila sa pag-aayos. Napatingin ako sa langit at napaisip. Mukhang nadadala na ko sa nangyayari sa story. Nakakalimutan kong kailangan ko pala itong tapusin para makauwi sa totoong mundo.Pero isa pang gumugulo sa aking isipan ay ang aking kapatid. Ang emperor, nag-aaalala siyang may gawin ito sa akin. Binalaan rin ako ng author laban dito. May part sa akin na kinakabahan dahil sa reaksyon nila pero gusto kong pagkatiwalaan si Roxanne. Kapatid ko siya at hindi yun magbabago.Hindi magbabago ang pakikitungo ko sa kapatid ko kahit na baguhin pa ko ng mundong to. Alam kong mas naging matapang ako pero hindi ko kailanman kakalimutan ang totoong ako at bakit ako nandito. Ako pa rin to.Sa gitna ng pag-iisip ko ay tila pumasok sa aking isipan ang emperor. Talagang napakabait niya. Ayoko mang isipin pero tila may iba na kong nararamdaman. Sandali pa lang kaming nagkakakilala at hindi magandang bagay sa akin ang mahulog sa kaniya lalo na at isa lang siyang character sa story na to at ang dami kong kaagaw sa kaniya. Pipilitin ko ang sarili tuluyang huwag mahulog sa kaniya, kung ayaw kong mawalan ako ng buhay sa mundong ito.---"MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, ZHEN GUI REN." Bati sa akin ng mga bagong katulong.Tatlong maid at tatlong eunuch."Bago kayo magpakilala sa akin, gusto kong sabihin na umaasa akong ang mga tagapaglingkod ko ay mga matatalino at madiskarte. Subukan niyong traydurin ako at makikita niyo ang ayaw niyong makita. Maliwanag ba?!" Matapang kong tugon."OPO, ZHEN GUI REN!"CHAPTER 6ZHEN GUI REN"Ako po si Jingyi, mula po ako sa departamento ng patahian." Pagpapakilala ng isa sa mga bagong maid."Ako naman po si Juan, mula po ako sa kusina.""Ako po si Kun. Mula po ako sa departamentong nangangalaga sa Imperial Garden."Kasunod ay nagpakilala naman ang mga eunuch."Zhen Gui Ren, ako naman po si Xiao-Bo. Mula po ako sa departamento na nangangalaga sa Imperial Armory." Pagpapakilala ng isa sa kanila."Ako po si Xiao-Chang. Mula rin po sa Imperial Armory.""Ako po si Xiao-Deshi. Mula naman po ako sa Imperial Stable." Pagpapakilala ng huli.So... Walang kahit na isa sa kanila ang mula sa ibang palasyo? Magaling talagang mamili ang emperor para sa akin."Gaya ng sinabi ko, huwag na huwag niyo kong susubukan. Kung mayroon man kayong naging amo noon ay noon na 'yon, ako na ngayon kaya naman ako na ang susundin niyo. Paglingkuran niyo ko ng maayos at gagant
CHAPTER 6.5ZHEN GUI REN"MAGBIGAY NG GALANG SA MAHAL NA EMPEROR!" Anunsyo ng isang eunuch.Sabay-sabay kaming lumuhod upang magbigay-galang.Ilang minuto o oras na rin kaming nakatayo rito at naghihintay ng resulta. Sana talaga walang masamang nangyari.Nilapitan ako ng emperor at inalalayan tumayo. Alam kong sa ginawang yun ng emperor ay hindi lang ang mga mata ng empress at imperial noble consort ang nakatingin sa akin, pati na rin ng iba pang concubine."Salamat po, Huang Shang." Magalang kong tugon."Magsitayo na kayo." Utos naman siya sa iba."SALAMAT PO, HUANG SHANG." Tugon naman ng iba."Kamusta? Anong balita?" Kalmado nitong tanong sa akin."Huang Shang, kanina ay sumakit ang tiyan at dinugo si Xiaodan Pin Niangniang. Nagpapunta na sila ng doktor na ngayon ay tumitingin sa kaniya. Huwag kang mag-alala, kamahalan." Sagot ko."Hanggang ngayon ay wala
CHAPTER 7ZHEN GUI REN"Lady Zhen, maglagay po kayo nito." Sabi sa akin ni Xue at ipinatong sa akin ang pangginaw.Geez! Ang ginaw!Ganito pala yung winter. Dati gusto ko pa, ngayon hindi na. Kung hindi lang sanay ang katawanng to sa ginaw ay malamang nag-nosebleed na ko.Isinuot ko ang pangginaw na ipinatong sa akin ni Xue. Gamit ang magkabilang-kamay ay hinawakan ko ang hand warmer para agad akong mainitan. Ito ay ibinigay sa akin mismo ng emperor. Hugis lotus ito at ginawa gamit ang cloisonné.[The Qing Palace hand warmer was specifically designed for the imperial court. It was the best of its kind, and could only be used by the royal family. The majority of the hand warmers were gold-gilt or cloisonné enameled. The cloisonné technique utilized fine and delicate copper threads welded to the outlines of the designs
CHAPTER 8ZHEN GUI REN"Magandang umaga." Nakangiting bati sa akin ng emperor pagka gising ko.Nakita kong nakabihis na agad siya para sa meeting nila kaya naman sinubukan kong gumalaw, ngunit napadaing lang ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan ko, lalo na ang pagkababae ko."Huwag ka munang gumalaw." Tugon nito at inalalayan akong muling humiga."Zhang Fu, kailangan kong batiin ang empress." Sabi ko rito.Umiling ito. "Qi Zi, magpahinga ka muna sa ngayon at patawad kung naging marahas ako.""Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Asawa kita at tungkulin ko rin ang paglingkuran kita." Sagot ko."Kahit mamaya ka na pumunta para batiin ang empress, magpahinga ka muna.""Hindi ka pa ba huli sa meeting niyo? Pumunta ka na. Inuubos mo ang oras mo sa'kin.""Nangako akong ibibigay ko ang lahat sa'yo
CHAPTER 9ZHEN GUI REN"Sheng Jiejie, tanggapin niyo po ang regalo ko." Tugon sa akin ni Wei Meimei.Kinuha ni Xue ang regalo at binigay sa akin. Inusisa ko ito at napangiti dahil sa ganda ng yari."Ang ganda!" Puri ni Li Meimei na nakatingin rin sa ginawa ni Wei Meimei."Oo. Maganda. Napakapino ng yari. May talento ka sa pananahi." Puri ko sa kaniya."Maraming salamat po, Zhen Gui Ren! Masaya po akong nagustuhan niyo po ang ginawa kong damit!" Masayang tugon nito.Ang damit na ibinigay niya ay para sa sanggol. Kulay ginto ito at may tatak ng dragon."Paano kapag hindi naging prinsipe ang anak ko?" Tanong ko sa kanila."Muli po akong gagawa ng bagong damit, Sheng Jiejie." Sagot nito."Kahit naman po babae ang maging anak ninyo ay magiging masaya po ang emperor." Sabi naman ni Li Meimei.
Chapter 10AI HUANG GUI FEI"Sinong pinili ng emperor ngayon?" Tanong ko habang nagbuburda."Si Zhen Gui Ren po, Niangniang." Sagot ni Mei."Hindi na nakakagulat.""Niangniang, pinapanigan niyo po ba si Zhen Gui Ren?" Tanong niya.Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kaniya."Paano mo naman nasabi?""Sa tuwing may mga plano laban kay Zhen Gui Ren, hindi ka nakikisali at nanatili ka lang kalmado. Tila panig din sa kaniya ang mga sinasabi niyo." Sagot nito.Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa. Tumayo ako at nagpaikot-ikot sa harap niya."Kung may papanigan man ako, si Tuya Jiejie lang 'yon." Tugon ko. "Gagawa rin ako ng paraan pero hindi pa ngayon.""Bakit po?""Gusto kong naiinis ang empress." Nakangiti kong sagot. "Ang lungkot naman kung mawawala agad ang isa niyang kal
CHAPTER 11ZHEN GUI REN"Ang bigat niya!" Masayang tugon ko habang buhat ang mataba, cute, at black na tutang tibetan mastiff.[The Tibetan Mastiff is a large Tibetan dog breed belonging to the mastiff family. Originating with the nomadic cultures of Tibet, China, Mongolia, India and Nepal, it is used by local tribes of Tibetans and Indians to protect sheep from wolves, leopards, bears, large mustelids, and tigers.]"Ang laki talaga ng lahi nila." Namamanghang tugon ni Xue."Base sa itsura niya ay alam kong magiging malakas at matapang siya sa hinaharap." Sabi naman ni Ying Nuzi."Hindi ka nagkakamali." Sagot ko."Lady Zhen, narito na po si Prince Huiqi." Tugon ni Xing-Su Gonggong."Papasukin niyo siya." Nakangiti kong tugon.Bumwelo ako upang tumayo habang buhat pa rin ang tuta habang hinehele ko siya na
CHAPTER 12ZHEN GUI REN"MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, ZHEN GUI REN." Pagbati sa akin ng iba pang mga concubine."Tumayo kayo." Sagot ko sa mga ito.Gaya ng dati, agad silang sumunod at bumalik sa mga pwesto nila habang inaalalayan ng mga katulong.Tumungo naman ako at bumati. "Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Huang Hou Niangniang, Ai Huang Gui Fei Niangniang.""Tumayo ka." Nakangiting tugon sa akin ni Ai Huang Gui Fei.Ngumiti rin ako sa kaniya at sumagot. "Salamat po, Niangniang."Inalalayan naman ako ni Xue sa pagtayo at sa pag-upo sa pwesto ko."Kamusta ang pagdadalang-tao mo, Zhen Gui Ren?" Tanong sa akin ni Qiu Fei."Niangniang, maayos naman." Sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko."Isang buwan na ang pagdadalang-tao mo. Ilang buwan na lang at may bata na uli sa palasyo."