CHAPTER 8
ZHEN GUI REN"Magandang umaga." Nakangiting bati sa akin ng emperor pagka gising ko.Nakita kong nakabihis na agad siya para sa meeting nila kaya naman sinubukan kong gumalaw, ngunit napadaing lang ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan ko, lalo na ang pagkababae ko."Huwag ka munang gumalaw." Tugon nito at inalalayan akong muling humiga."Zhang Fu, kailangan kong batiin ang empress." Sabi ko rito.Umiling ito. "Qi Zi, magpahinga ka muna sa ngayon at patawad kung naging marahas ako.""Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Asawa kita at tungkulin ko rin ang paglingkuran kita." Sagot ko."Kahit mamaya ka na pumunta para batiin ang empress, magpahinga ka muna.""Hindi ka pa ba huli sa meeting niyo? Pumunta ka na. Inuubos mo ang oras mo sa'kin.""Nangako akong ibibigay ko ang lahat sa'yoCHAPTER 9ZHEN GUI REN"Sheng Jiejie, tanggapin niyo po ang regalo ko." Tugon sa akin ni Wei Meimei.Kinuha ni Xue ang regalo at binigay sa akin. Inusisa ko ito at napangiti dahil sa ganda ng yari."Ang ganda!" Puri ni Li Meimei na nakatingin rin sa ginawa ni Wei Meimei."Oo. Maganda. Napakapino ng yari. May talento ka sa pananahi." Puri ko sa kaniya."Maraming salamat po, Zhen Gui Ren! Masaya po akong nagustuhan niyo po ang ginawa kong damit!" Masayang tugon nito.Ang damit na ibinigay niya ay para sa sanggol. Kulay ginto ito at may tatak ng dragon."Paano kapag hindi naging prinsipe ang anak ko?" Tanong ko sa kanila."Muli po akong gagawa ng bagong damit, Sheng Jiejie." Sagot nito."Kahit naman po babae ang maging anak ninyo ay magiging masaya po ang emperor." Sabi naman ni Li Meimei.
Chapter 10AI HUANG GUI FEI"Sinong pinili ng emperor ngayon?" Tanong ko habang nagbuburda."Si Zhen Gui Ren po, Niangniang." Sagot ni Mei."Hindi na nakakagulat.""Niangniang, pinapanigan niyo po ba si Zhen Gui Ren?" Tanong niya.Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kaniya."Paano mo naman nasabi?""Sa tuwing may mga plano laban kay Zhen Gui Ren, hindi ka nakikisali at nanatili ka lang kalmado. Tila panig din sa kaniya ang mga sinasabi niyo." Sagot nito.Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa. Tumayo ako at nagpaikot-ikot sa harap niya."Kung may papanigan man ako, si Tuya Jiejie lang 'yon." Tugon ko. "Gagawa rin ako ng paraan pero hindi pa ngayon.""Bakit po?""Gusto kong naiinis ang empress." Nakangiti kong sagot. "Ang lungkot naman kung mawawala agad ang isa niyang kal
CHAPTER 11ZHEN GUI REN"Ang bigat niya!" Masayang tugon ko habang buhat ang mataba, cute, at black na tutang tibetan mastiff.[The Tibetan Mastiff is a large Tibetan dog breed belonging to the mastiff family. Originating with the nomadic cultures of Tibet, China, Mongolia, India and Nepal, it is used by local tribes of Tibetans and Indians to protect sheep from wolves, leopards, bears, large mustelids, and tigers.]"Ang laki talaga ng lahi nila." Namamanghang tugon ni Xue."Base sa itsura niya ay alam kong magiging malakas at matapang siya sa hinaharap." Sabi naman ni Ying Nuzi."Hindi ka nagkakamali." Sagot ko."Lady Zhen, narito na po si Prince Huiqi." Tugon ni Xing-Su Gonggong."Papasukin niyo siya." Nakangiti kong tugon.Bumwelo ako upang tumayo habang buhat pa rin ang tuta habang hinehele ko siya na
CHAPTER 12ZHEN GUI REN"MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, ZHEN GUI REN." Pagbati sa akin ng iba pang mga concubine."Tumayo kayo." Sagot ko sa mga ito.Gaya ng dati, agad silang sumunod at bumalik sa mga pwesto nila habang inaalalayan ng mga katulong.Tumungo naman ako at bumati. "Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Huang Hou Niangniang, Ai Huang Gui Fei Niangniang.""Tumayo ka." Nakangiting tugon sa akin ni Ai Huang Gui Fei.Ngumiti rin ako sa kaniya at sumagot. "Salamat po, Niangniang."Inalalayan naman ako ni Xue sa pagtayo at sa pag-upo sa pwesto ko."Kamusta ang pagdadalang-tao mo, Zhen Gui Ren?" Tanong sa akin ni Qiu Fei."Niangniang, maayos naman." Sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko."Isang buwan na ang pagdadalang-tao mo. Ilang buwan na lang at may bata na uli sa palasyo."
CHAPTER 13ZHEN GUI REN"Pagbati po, Lady Zhen." Bati ni Doktor Zhou at nagbigay-galang."Tumayo ka." Tugon ko."Maraming salamat po, Lady Zhen." Sagot niya at tumayo."Alam kong nakapagbigay na ang mga doktor ng gamot sa emperor pero gusto ko sanang magluto ng pagkain na mas makapagpapabuti sa kalagayan niya.""Zhen Gui Ren, kung gusto niyong ipagluto ang emperor, pinakamagandang ipagluto niyo siya ng lugaw. Lugaw na may luya at bawang. Mapapainit nito ang katawan ng emperor at mapapalabas ang pawis, mainam ito para sa mga may lagnat." Nakangiting sagot niya sa akin."Kung pwede ba ay kumuha na kami ngayon ng mga matataas na kalidad ng sangkap?" Tanong ko."Opo. Wala pong problema. Ako na po ang kukuha." Sagot niya at lumabas para kumuha ng mga sangkap."Lady Zhen, mukhang mabait si Doktor Zhou." Sabi ni Xue."Sa tingin ko ay hindi naman siya magiging kaibigan ng aking ama kung hindi." Sagot ko.Napatingin ako sa paligid ng gamutan at nakitang may mga nakabukod na gamot na pawang hin
CHAPTER 14ZHEN GUI REN"Magandang umaga, Jiejie." Masayang bati ni Li Meimei."Maupo ka." Nakangiti kong sagot sa kaniya at sinarado ang kahong hawak ko."Sheng Jiejie, ano 'yan?" Tanong niya sa akin."Regalo ko ito para kay Xue. Kaarawan niya bukas." Sagot ko.[Xue's birthdate: Dec. 04]"Kung ganoon pala ay dapat magregalo rin kaming dalawa ni Wei Jiejie." Tugon niya."Salamat kung ganoon. Nasaan nga pala si Wei Meimei?" Tanong ko."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Nasa palasyo niya at nananahi ng bagong damit. Damit para sa magiging anak niyo.""Dapat pala puntahan natin siya." Sagot ko at akmang tatayo nang pigilan ako ni Li Meimei."Hindi na, Jiejie! Sikreto daw muna ang ginagawa niyang damit. Ipapakita niya na lang daw kapag nanganak ka na." Tugon niya."Sige na ng
CHAPTER 15ZHEN GUI RENKahapon ang kaarawan ni Xue at maayos kong naisagawa ang surpresa para sa kaniya. Binigay ko sa kaniya ang aking regalo at maging ang iba ay nagbigay rin sa kaniya.Ngayon ay suot na niyang regalo kong hairpin na hugis bulaklak at may dekorasyon ng mga asul na bato."Maraming salamat po uli, Lady Zhen." Masayang tugon ni Xue."Dapat lang 'yon para sa'yo. Araw 'yon ng kapanganakan mo.""Kahit na, Lady Zhen. Ang iba ngang tagapaglingkod ay hindi man lamang nalalaman ng amo kung kailan ang kapanganakan nila. Malaking bagay ito." Sagot ni Xue."Oo nga po, Zhen Gui Ren." Pagsang-ayon naman ni Ying Nuzi."Zhen Gui Ren." Pagbati sa akin ni Ping at tumungo."May sulat na?""Opo." Sagot niya at binigay sa akin ang sulat bago tumayo.Agad ko itong binuksan at binasa.'Mahal kong anak,Nag-alala ako nang malaman kong palihim kang nagpaabot ng sulat sa akin. Alam nating pareho na bawal ito ngunit nauuwaan kita.Sa ilang buwan na hindi ka namin kasama, hindi namin maiwasan
CHAPTER 16ZHEN GUI REN"Lady Zhen, ang dami!" Masayang tugon ni Xue habang tinitignan kung gaano kadaming regalo ang binigay sa akin ng emperor."Noon pa man ay talagang gusto na ng emperor si Lady Zhen, at ngayong magkaka-anak na sila hindi na tayo dapat magulat sa dami ng regalong ibibigay niya." Nakangiting tugon rin ni Ying Nuzi.Inalalayan ako ni Xue tumayo upang tignan ang mga regalo sa akin at una kong kinuha ang maliit na kahon. Binuksan ko ito at nakita ang napakaraming perlas."Ang dami!" Gulat na tugon ni Xue."Hindi 'yan biro! Ang ganiyang mga perlas... Ang empress dowager, emperor, at tanging ang empress lang ang nakakakuha ng ganiyan. Napakahalaga niyan!" Hindi makapaniwalang tugon ni Ying Nuzi."Lady Zhen, narito po si Zhu Gonggong." Sabi sa akin ni Xing-Su Gonggong."Papasukin mo siya." Pagpapatuloy ko sa head eunuch ng emperor."Pagbati, Zhen Gui Ren." Tugon niya at yumuko."Tumayo ka, Zhu Gonggong." Masaya kong sagot sa kaniya."Salamat po." Sagot niya at tumayo.Ti