Share

Kabanata 8- Kabayaran

Natahimik siya at hindi nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone pero, hindi naman niya nilaro ng matagal at hinawakan na lang niya sa kanyang kamay. Umangat ang kanyang at nakitang nakatayo si Luke sa gilid ng kanyang kama. "Meron ka pa bang kailangan?"

Tumingin si Luke sa kanya. "Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko?" tanong nito.

Kinagat niya ang pang ibabang labi at sumagot pabalik. "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Pwede ba akong magtanong kung may karapatang kang magtanong sa akin?"

Natahimik ng ilang segundo si Luke bago pa ito muling nagsalita. "Sinisisi mo ba ako?" tanong nito.

"Nag-iisip ka ng hindi maganda. At isa pa matagal na tayong hiwalay." sagot ni Veronica sa pinaka mahinang boses.

"Oo, hiwalay na tayo, pero siguro naman may karapatan pa rin akong magtanong sayo, tama ba?"

Hindi pa rin nagsasalita si Veronica.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Luke. "Muntik na kaming maaksidente ni Lyca." aniya.

Nanatili namang hindi pa rin siya umiimik.

Tum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status