“Uhmmm.”
Tunog ng halik ng dalawang taong animo’y nagmamahalan ang maririnig mula sa loob ng tent. Ang bawat haplos ng kamay ni Erwan sa balat ni Veronica ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang katawan. At ang mga bisig nito na yumayakap sa kanya ay sapat na para maibsan ang lamig na dala ng panahon. At ang mga bisig rin nito ang nagpatulog ng mahimbing sa kanya. Kinaumagahan, napabalikwas ng bangon si Veronica ng makapa ng daliri niya ang basang bahagi ng kanyang hinihigaan. Ang kakaibang bagay na nagpagising ng kanyang diwa at ang unti-unti nagpagmulat ng kanyang mga mata. At ang bumungad sa kanyang mga mata ay ang gwapong mukha nito. "Hmmm? Boss?” Biglang nablanko ang kanyang kaisipan ng dalawang segundo at ang nakakabaliw na ala-ala ng nagdaang gabi ang pumasok sa kanyang isipan. Mas nilakihan pa niya ang pag bukas ng kanyang mga mata para makita ang lahat. Para siyang nawawala sa kanyang sarili ng mga oras na 'iyon. At sa kanyang bawat pag galaw ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang buong katawan. She was a virgin when her boss took her last night. Ngunit sa sandaling iyon, ang higit na nagpagulo ng utak niya kaysa sakit na kanyang nararamdaman ay ang eksenang kanyang nakita - Sa isang maluwang na tolda na may magugulong kubrekama, makikitang hubo't hubad si Mr. Campbell, na tanging manipis na kumot lamang ang nakabalot sa kanyang baywang. Magkapatong ang isang pares ng mahahabang binti nito at ang mga maselan na gasgas ay kitang-kita sa kanyang patagilid na likod. Veronica sat there as if struck by lightning, and at this moment she felt that the world had collapsed. "Ang nangyari kagabi ay hindi isang panaginip?" mga tanong na umuukil sa kanyang kaisipan. Isa siyang bagong intern na dalawang buwan pa lamang sa kumpanya at napiling sumama sa isang company team building... Na nakipag siping sa kanyang boss na si Mr. Campbell?! Sumakit ang ulo ni Veronica sa kanyang nagawa at natataranta ng makitang gumagalaw na si Mr. Campbell at tanda na malapit na nga itong magising. Natatakot si Veronica at nawawala sa kanyang sarili. Nagmamadali niyang sinuot ang kanyang damit at mabilisang umalis sa lugar, na hindi namamalayan na naiwan niya ang isang beads sa unan.. Madilim pa sa labas at ang bonfire kagabi ay nawala na, at ang tanging naiwan na lamang nito ay ang abo at ang kulay puti na linya na usok sa hangin. At ang ilang dosenang tent na meron doon ay nanatiling tahimik. Naglakad si Veronica sa damuhan ng walang sapin sa paa at nagmamadaling pumasok sa isang kulay pink at puti na tent. Pagkahiga niya humarap si Amalia at sinalubong ang mga mata ni Veronica. Natakot si Veronica at sandaling tumigil ang kanyang paghinga. Pero sumulyap lang sa kanya si Amalia at pumikit, at kaswal na nagtanong, “Anong ginagawa mo nang ganito kaaga?" namamanghang tanong nito sa kanya. Parang may bara sa lalamunan ni Veronica at umiikot ang kanyang paningin dala ng pagkahilo. "Nagpunta lang ako sa bathroom..." sagot niya. Hindi na ulit nagsalita pa si Amalia. At ilang minuto lang rin ang nakakalipas ng marinig ni Veronica ang hilik nito tanda na tulog na nga ito. Nakahinga na nang maluwag si Veronica ng hindi na muling nagtanong pa ito. Nahiga siya sa kama at sinubukang ipikit ang kanyang mga mata ngunit hindi pa rin naman siya dinadalaw ng antok. At isa pa namamaga at masakit ang kanyang mga mata sa dala ng puyat at pagod. Nagmula sa labas ang tawanan ng mga kasamahan. Iginulong Veronica ang kanyang sarili na parang dumpling sa kubrekama, iniwan lamang ang kanyang ulo ang nakalabas, at ang kanyang mga mata ay nakatuon sa labas. Habang si Amalia naman ay binuksan at binaba ang zipper ng tent; "Veronica, bumangon ka na dyan at pagkatapos nating kumain ng almusal nang makapag hiking na tayo.” Ngunit nanatiling walang imik si Veronica tila hindi narinig ang sinabi nito. Isa itong team building camping na inorganisa ng kumpanya. Para sa isang dosenang empleyado magkasama sama sa isang napakagandang lugar at tanaw ang matatayog na bundok na tatagal ng ilang tatlong araw. At kahapon ang unang araw nila roon. Ang iba ay sumakay sa bangka at ang ilan naman ay sa kotse sumabay para makarating lang roon, at pagkatapos ng maraming activities maghapon naisipan naman nilang uminom pagkagabi. Ayaw sanang uminom ni Veronica ng alak, pero bago pa lamang siya sa kumpanya. At sa kagustuhang makisama at makilala pa ang mga katrabaho nakisali siya at uminom na rin ng kaunti. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sinira ng iilang basong ito ang lahat. Hindi niya alam kung paano siya nakapasok sa maling tent at hindi sinasadyang nakatulog sa kanyang boss na si Erwan Campbell. "Veronica? Veronica?" Ilang beses na tumawag si Amalia, ngunit hindi siya tumugon, kaya tinanggal nito ang sapatos at pumasok. "Veronica, anong nangyayari sa iyo?" “Ayos lang ako. Hwag mo na akong alalahanin pa.” Inabot siya ni Amalia at hinawakan ang kanyang ulo. "Oh, may lagnat ka ba?” tanong nito. Nag-aalala nang sobra si Amalia, kaya bago ito umalis at sumama sa mga katrabaho para maghiking ay kumuha ito ng gamot at pinainom kaagad kay Veronica. Nang wala ng marinig na kahit anong ingay mula sa labas si Veronica ay bumagsak na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Bukod sa hindi maganda ang pakiramdam niya ay masakit sobra ang gitnang katawan niya, tanda na hindi na siya birhen. Hindi siya mapalagay, at naalala na naman niya ang nangyari kagabi. Hindi niya alam kung dahil hindi siya makahinga ng maayos o sa tuwing hihinga siya ay nanatiling niyang naamoy ang body scent nang kanyang boss na si Mr. Erwan Campbell. Na lalong nagpapainit ng kanyang buong katawan. Para siyang sinisilaban sa tindi ng init ng kanyang katawan. Sa Kabilang banda, ang magkakatrabaho naman ay nagtitipon tipon na sa paanan ng bundok. Para sa gagawing aktibidad nila ngayon. Malaki ang papremyong kanilang makukuha kung sila ay mananalo sa aktibidad kaya naman lahat sila ay nagparticipate ng araw na iyon. Nang dumating ang sasakyan ni Erwan Campbell, at ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan ay kanyang nakuha. “Ahh, Ang gwapo talaga ni Mr. Erwan!” “Madalas ko ng nakikita na naka suot ng business suit si Mr. Erwan, pero hindi ko akalain na mas gwapo pa pala siya kapag nakasuot ng casual clothes!” “Sis, nababaliw ka naman dyan.” panunukso ng isa pa nilang katrabaho. “Hahaha, wala lang kasalanan ba ng mga mata ko na nakaka appreciate siya ng magagandang bagay.” sagot nito. Tumindig sa harapan si Erwan Campbell, at angat na angat ang kanyang kakisigan sa lahat ng taong naroon. His dark eyes under the sunglasses swept over everyone, and he asked in a cold voice, “Did everyone sleep well last night?” nakakunot ang noo na tanong niya sa lahat. Ang lahat ay sumagot ng may paggalang sa kanilang boss, “Mabuti po.” Sumimangot si Erwan at tumagilid ang kanyang ulo sabay tingin sa kanyang katiwala na si Mr. Romeo Guerero. Nakakuha naman ng go signal si Mr. Guerero mula sa kanyang boss at seryosong nagsalita. “Sino ang nagkamali pumasok kagabi sa loob ng tent ni Mr. Campbell?” seryosong tanong nito. Ang lahat ay nagkatinginan sa isa’t-isa at umiling ng umiling ang kanilang ulo na tila labis na nagtataka at nagulat sa sinabi ng katiwala ng kanilang boss. Kahapon kasi lahat naman ay abala sa kani kanilang mga gawain at kahit pa ang mga may mataas na posisyon sa kumpanya ay kasama at hindi kayang gawin ang bagay na iyon. Sigurado naman hindi nila ipagpapalit ang kanilang trabaho at ang mataas na katungkulan para magbiro at pumasok roon. Sino kaya ang matapang at malakas ang loob na gagawa ng ganong bagay? Nang makitang walang umamin, mas lalong nagdikit ang mga kilay ni Erwan. Itinaas niya ang isang kamay, at nakasabit sa kanyang mga daliri ang isang bracelet na gawa sa white jade beads. "Kanino ito?" salubong ang kilay na tanong nito. Ang lahat ay umiling pa rin, na tila nagpapahiwatig na hindi pa nila nakita ang bagay na ito. “Kung sino man sa inyo ang nakakaalam kung sino ang nagmamay-ari ng bracelet na ito, ipaalam niyo kaagad sa akin. Saad ni Mr. Campbell sa malalim nyang boses at muling nag pahabol na salita; “At meron pang makukuhang kasamang bonus..” And added to that… “ Pagkatapos niyang tumigil sa pagsasalita, muli siyang nagsalita at sinabi rin na; “The year-end bonus will be doubled.” Nang natapos itong magsalita. Nagsimula ng magbulong bulungan ang mga tao sa paligid. “Doble!?” “Ang year-end bonus ko last year ay 100,000 at dodoblehin pa? So, ibig sabihin niyan ay magiging 200,000? ‘Di mabuti nga iyon?” “Kaninong bracelet kaya ito?” “Para lang naman siyang ordinaryong bracelet, na walang halaga?” sagot ng iba. “Alam mo ba kung kanino ito, Amalia?” baling na tanong nila rito. “Ah? Biglang nagbalik sa reyalidad si Amalia, “H-Hindi ko alam…” Natahimik na ang lahat.. Nang muling kinuha ni Mr. Guerero ang kanilang atesyon at nagsalita. Siya lang naman ang nag-iisang katiwala ng kanilang boss na si Mr. Erwan Campbell. “Okay, now let’s start counting people here..” Nagsimula ng magtawag ng pangalan ito. Marami ng natawag at lahat naman ay naroon maliban lang sa isa. At ng tawagin nito ang pangalan ni Veronica, ni isa ay walang lakas ng loob na magsalita. Tanging si Amalia lang at sila naman ang magkasama sa tent. Tumayo si Amalia sa pagkakaupo sabay wika, “Nasa loob ng tent si Veronica at siya ay may sakit.” “May sakit?” nagulat ito at tumingin kay Mr. Erwan Campbell. Habang si Mr. Erwan Campbell ay nakaupo sa kulay itim nyang sasakyan at walang pakialam sa kanyang paligid habang pinaglalaruan nito ang mga beads sa kanyang kamay at malalim na nag-iisip. Hindi gustong istorbohin pa ni Mr. Guerero ang kanyang boss. Matapos niyang tawagin ang pangalan nilang lahat. Sinabi niya, “Then let's get going.” Closing the notebook, Mr. Guerero walked to the car, “Mr. Campbell, are you going with us?” Tumingin lamang sandali si Mr. Campbell rit at nagpakita ng kawalang interes sa tanong niya. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon at nakatutok sa mga beads na hawak ng kanyang kamay. Pagkatapos nitong manahimik, sumagot siya na, “I won’t go. You lead the team.” “Okay. Mr. Erwan.” mabilis na tugon ni Mr. Guerero sa sinabi ng kanyang boss. Nakita ni Jenna na nakatingin si Amalia sa dalawang nag-uusap na medyo malayo na sa kanilang pwesto. “Hoy, Amalia, anong tinitingnan mo dyan? Hinila ni Jenna ang kamay nito, “Bilisan mo kaya Amalia at tayo ng umakyat. Merong bonus na makukuha sa mauunang sampu.” wika nito. “Yeah.” Tumango si Amalia, ngunit tumingin sa kanyang likuran at natahimik bigla niya kasing naalala ang kasama sa tent. Habang ang lahat naman ay abala na sa pag-akyat ng bundok para sa malaking halaga na premyo na kanilang makukuha. Nang mapansin niya ang kulay itim na sasakyan na mabilis na pumunta ng campsite. Sandaling tumingin si Amalia kay Mr. Guerero at sinabi rito, “Nag-aalala ako sa kaibigan ko na si Veronica, sir. Guerero hindi na lang ako sasama at magpapaticipate pa. Babalik na lang ako at aalagaan ko na lamang siya.” “Okay.” sagot ni Mr. Guerero. At hindi na rin siya nito pinilit pa.Nakatulog ng kaunti si Veronica at nagising na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng makainom ng tubig. Bumangon siya at dahan dahang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo. Lumabas siya ng tent at nagulat ng bumulaga sa kanya ang dalawang pares na mamahaling sapatos sa kanyang harapan. At bukod pa dyan nakita niya rin ang mahabang biyas na mga binti nito. Ang sikat ng araw ay tumama sa kanya. At kitang kita ni Veronica ang seryosong mukha ni Mr. Erwan Campbell.“Er! Er! Er!.. “Mr. Erwan?” Hindi ba siya sumama sa pag akyat ng bundok?”Lumapit si Erwan rito at nakita ang namula niyang pisngi ng dahil sa mataas niyang lagnat, at seryoso itong nagsalita, “I have a question to ask you?”Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya. Dinilaan niya ang tuyo niyang labi gamit ang kanyang dila, at ang kanyang puso ay parang tunog ng isang drum na tinatambol sa sobrang bilis nitong kumabog..“A-Ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya rito.“Did you see anyone enter my te
Pagkatapos makainom ng gamot at madextrose medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Gayunpaman sinabi ng doctor na nagkaroon ng bacteria at infection at inflammation sa kanyang katawan. Kahit na bumaba na ang kanyang lagnat kailangan pa rin niyang manatili sa ospital ng dalawang araw. At kailangan niyang uminom ng mga gamot.Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Sandara ang pintuan para bumukas ito, “Veronica, okay ka lang ba?” Nang makita ni Veronica ang nakakatandang kapatid, medyo dumilat ang mga mata niya. “ Okay, lang ako ate.” sagot niya sa bagong dating na ate.“Okay lang? Paano kung malala pala yan? Tumingin si Sandara sa nakababatang kapatid at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala rito. Ang dalawa ay namatayan ng magulang ng mga bata pa lamang sila. Mas matanda ng pitong taon si Sandara kay Veronica. Siya ang nag-alaga sa kapatid sa mahabang panahon. Magkapatid lamang sila sa ina, pero sila’ ay may higit na malalim pang ugnayan sa isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.Ayaw
Bago ang lahat, hindi makapaniwala si Veronica na magagawa siyang lolokohin ng kanyang boyfriend at ang masakit oa rito ay sa bestfriend pa niya na matagal na niyang kilala.Akala niya hindi na nangyayari ang mga ganitong pangyayari na nababasa niya lamang sa mga sinusulat ng isang magaling na manunulat. Hindi siya makapaniwala, kundi lang nangyari sa kanyang sariling buhay at naintindihan niya ang phrase na nabasa niya noon; “Art comes from life.”Tandang tanda pa nga niya ng araw na iyon na nagulat siya ng buksan ang pintuan ng school dormitory ng oras na iyon. At nang makita niya sina Luke at Lyca nang nakapulupot pa isa’t-isa. At halatang may ginawang hindi kaaya aya sa kanyang paningin.Ang kanyang matalik na kaibigan, at ang isa ay ang taong pinapahalagahan niya bukod sa kanyang ate. Pero, siya rin pala ang dahilan kung bakit siya masasaktan ng sobra sobra.“Carter?” Natahimik si Lyca nang sandali. Pero, pinasok niya ang kanyang maleta sa loob. Hindi niya gustong batiin pa ang
"W-Waah! Sigaw ni Veronica mula sa mahaba niyang pagkakatulog at panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata para makita ang lahat. Nalaman niyang nasa ospital siya at lahat ng nangyari mula umaga at hanggang gabi ay naganap ng isang araw lamang. At ang pag-a-akalang nasa kanyang harapan ang boss na si Erwan ay naglaho na parang bula. At ang matandang ginang na nasa kabilang kama ay nakangiting nagtanong sa kanya. "Nanaginip ka ba hija? Napansin ko kasing na habang natutulog ka panay hila ng kamay mo sa bedsheet. Ano bang napanaginipan mo?" Noong bata pa lamang si Veronica narinig niya na kapag pinag uusapan ang isang panaginip malabo itong mangyari sa kasalukuyan. Ngayong nagtatanong ang ginang agad niya itong sinagot nang kaswal. "Ang aking, Boss." Tumindig ang ginang, tumango tango at napabuntong hininga ng malalim, "Hmmm! Nakakatakot siguro ang boss mo." Sakabilang banda ng kanilang katahimikan bigla na lamang bumukas ang pintuan sa loob ng ward at nakita nila ang anino
"Hello.! Veronica, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" bungad na tanong ni Amalia ng makausap siya at mababakas sa boses nito ang pag-a-alala. Tumango tango lang si Veronica. "Oo, mas maayos na ako ngayon." "Meron ka pa bang lagnat? May lunch ka ba? Nagugutom ka na ba? Paano kung mag order na lang ako ng pagkain o ano bang gusto mong kainin para ipadala ko sayo." sunod sunod na tanong ni Amalia. Nakita naman niya ang ipinapakitang pag-a-alala nito sa kanya kahit na hindi sila magkamag anak na dalawa. At ang pagpapakita nito ng labis na pag-a-alala ay ikinatuwa niya. Na napakabait nito sa kanya at ayaw niyang maging ungrateful. Sinagot niya ang mga tanong nito ng isa-isa. "Wala na akong lagnat. Nakakain na rin ako at hindi ako nagugutom. Salamat sa pag-a-alala, Amalia sobrang natatouch ako." aniya. "Oh." Natahimik sandali si Amalia. Maya maya lang muli itong umimik. "Kasama mo pa ba si boss?" "Umalis na siya." "Oh! Bumalik si boss dyan para makita ka." tanong nito. "H
Nagtungo muna si Erwan sa office ng doctor ng kanyang abuela para malaman kung ano na nga ba ang resulta ng mga ginawang eksamin dito. Pagkabalik niya ng ward nakita niyang gising na si Veronica, ngunit nakapulupot pa rin ang katawan nito ng gamit na kumot. Nang marinig niya ang ingay, napalingon siya sa kabilang gilid niya at medyo nangungusap pa ang kanyang mga mata mula sa pagkakatulog ng mahimbing. "Mr. Campbell??" Ang boses niya na malambing sa gitna ng gabi ay tila makakapag palambot ng puso ng bawat tao. Tumango si Erwan kasabay nang sinambit nito. "Salamat, sa pag-aalaga sa abuela ko." Isa ito sa isa niyang dahilan kong bakit siya umalis ng maaga. Hindi talaga mabilis mahulog ang loob ng kanyang abuela sa ibang tao pero, may nakita siya na ugali ni Veronica na nagustuhan nito. "Hindi mo kailangang magpasalamat pa sa akin. Wala naman akong ibang ginawa. Binigyan mo ako ng pork ribs soup na dala mo. Sabi nga nila kapag may ginawang mabuti sayo ang kapwa mo, gantihan mo
Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata at hindi niya alam kong dala ba ng lamig kaya siya nanginginig. "Bakit ka tumatakbo?" Nawala na ang galit sa mukha ni Erwan na hindi mo nakikita habang nagsasalita ito. Hindi niya intensyong matakot ang babae sa kanya. Gusto niya lang alalayan at alagaan ito. Habang nag-iisip kung bakit natatakot ang babae sa kanya sa ospital kay nakakaramdam siya ng kaunting guilty. "Sorry, kung naging mabilis ako. Wala akong gagawin iba sayo. Hindi sinasadyang naamoy ko ang gamit mong pabango. Sabihin mo nga sa akin, na ikaw ang nakasama ko ng gabing 'yon?" His eyes were burning, as if they were filled with flames, as if even though Veronica was soaked at the moment, he could ignite her in an instant. Veronica shook her head and stepped back. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lumapit si Erwan at hinawakan ang braso niya ng mahigpit at hindi siya hinayaang maka alis. Tinitigan siya nito sa mga mata niya at diretsyang nagtanong. "Ikaw ba ang pumasok ng gabi sa
Natahimik siya at hindi nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone pero, hindi naman niya nilaro ng matagal at hinawakan na lang niya sa kanyang kamay. Umangat ang kanyang at nakitang nakatayo si Luke sa gilid ng kanyang kama. "Meron ka pa bang kailangan?" Tumingin si Luke sa kanya. "Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko?" tanong nito. Kinagat niya ang pang ibabang labi at sumagot pabalik. "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Pwede ba akong magtanong kung may karapatang kang magtanong sa akin?" Natahimik ng ilang segundo si Luke bago pa ito muling nagsalita. "Sinisisi mo ba ako?" tanong nito. "Nag-iisip ka ng hindi maganda. At isa pa matagal na tayong hiwalay." sagot ni Veronica sa pinaka mahinang boses. "Oo, hiwalay na tayo, pero siguro naman may karapatan pa rin akong magtanong sayo, tama ba?" Hindi pa rin nagsasalita si Veronica. Nagpatuloy sa pagsasalita si Luke. "Muntik na kaming maaksidente ni Lyca." aniya. Nanatili namang hindi pa rin siya umiimik. Tum