Nagtungo muna si Erwan sa office ng doctor ng kanyang abuela para malaman kung ano na nga ba ang resulta ng mga ginawang eksamin dito.
Pagkabalik niya ng ward nakita niyang gising na si Veronica, ngunit nakapulupot pa rin ang katawan nito ng gamit na kumot. Nang marinig niya ang ingay, napalingon siya sa kabilang gilid niya at medyo nangungusap pa ang kanyang mga mata mula sa pagkakatulog ng mahimbing. "Mr. Campbell??" Ang boses niya na malambing sa gitna ng gabi ay tila makakapag palambot ng puso ng bawat tao. Tumango si Erwan kasabay nang sinambit nito. "Salamat, sa pag-aalaga sa abuela ko." Isa ito sa isa niyang dahilan kong bakit siya umalis ng maaga. Hindi talaga mabilis mahulog ang loob ng kanyang abuela sa ibang tao pero, may nakita siya na ugali ni Veronica na nagustuhan nito. "Hindi mo kailangang magpasalamat pa sa akin. Wala naman akong ibang ginawa. Binigyan mo ako ng pork ribs soup na dala mo. Sabi nga nila kapag may ginawang mabuti sayo ang kapwa mo, gantihan mo rin ng kabutihan sa ibang tao. Hindi naman mahirap kainin ang dinala mo kaya nakain agad ng iyong lola. Natuwa si Erwan sa kanya at nagtanong. "Kamusta naman ang lasa?" "Ah." Hindi inasahan ni Veronica na magtatanong ito sa kanya. "Masarap naman siya kaso medyo matabang ng kaunti" sagot niya. Hindi naman nagalit si Erwan at pinakinggan lang ang sinabi nito. "Ang alam ko hindi kasi nakain ng maalat na pagkain ang abuela ko, kaya naman tama lang ang nilagay kong asin." sagot niya. Nasurpresa si Veronica sa kanyang narinig. "Ikaw ang nagluto ng soup?" Bago pa magsalita si Erwan sumingit na ang boses ng kanyang abuela. "Siya ang nagluto non. At hindi lang soup ang kaya niyang lutuin. Nagluluto pa siya ng ibang pagkain, naglalaba at nagpapalit ng mga punding ilaw at maging ang mga iba pang appliances.. At kung may free time ka pwede kang pumunta ng aming bahay para matikman mo pa ang iba niyang putahe." Namangha siya sa kanyang narinig tungkol sa mga kakayahang nagagawa ng kanyang boss. Pansamantalang pinikit nito ang mga mata at tila nahiya sa mga pinagsasabi ng kanyang lola. Sa pagkakataong 'yon. Napangiti siya habang nakatingin sa kanyang boss na malaman na marami palang alam itong gawin. Maraminna siyang malalaking taong nakasalamuha na tinatapakan lamang ang ibang taong nasa baba nila. Pero, hindi katulad ng kanyang boss na sa kabila ng kasungitang ipinapakita nito at sinasabi ay may nakatagong kabaitan rin naman pala. Hindi na nagsalita pa si Erwan at binuksan na lamang ang pagkain para sa kanyang abuela. Tumangi ang kanyang abuela. "Kumain na ako hijo." "Kumaina ka na?" Nagtaka si Erwan sa sinabi nito. Ang alam niya ay masyadong maselan ang kanyang abuela sa pagkain at hindi basta bastang kumakain ng ibang luto sa labas.. Ngumiti ang abuela ni Erwan. "Dumating kanina ang ate ni Veronica at sabay sabay na kaming kumain." sagot nito. Itinabi na ni Erwan ang dalang pagkain. "Ganon ba, sige pupunasan ko na lamang kayo." "Hindi na hijo, ginawa na ni Veronica na punasanan ako at maging ang aking mga paa na binabad sa maligamgam na tubig." sagot nito. Ngumiti na lang si Erwan.. Kinuha na ni Veronica ang kanyang bag. "Boss, Erwan masyado nang gabi. Babalik na lamang ako bukas." ani niya. "Paalam, Lola." aniya. "Paalam, paalam." sagot ng matanda at kumaway na lamang. Nang maka alis na si Veronica. Ngumiti si Erwan at sinabi. "Talagang gusto mo siya?" "Oo, gustong gusto ko siya. ikaw ba gusto mo rin ba siya?" biglang tanong nito. At mas naging prangka pa ito. Pwede ko siyang pakiusapa na i-break niya ang kanyang boyfriend para sayo hijo. Kung talagang gusto mo siya, ipagpatuloy mo. Wala namang nagawa si Erwan kundi makinig na lamang. --- Kasalukuyang nakatayo sa labas si Veronica at naghihintay ng may sasakyang darating. Biglaan namang lumakas ang hangin at natalsikan siya ng kaunting patak ng ulan sa kanyang. Sinubukan niyang iharang ang kamay para hindi na siya mabasa pa. Ang amoy ng pabango ng isang lalaki ang kanyang naamoy. Napatingin siya sa taong bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan. "Mr. Campbell." Hinakawan ni Erwan ang braso nito. At hindi siya makapaniwalang napakalambot ng balat niya. Gusto sana niya itong pisilin nang madiin. Kaso lang may napansin siya rito. "Bakit ba namumula ang iyong pisngi sa tuwing nakikita mo ako?" tanong niya rito.. Nang marinig niya ito parang uminit bilang ang kanyang pisngi at nahiya.. "H-Hindi! Hindi." Kasi.... Makalipas ang mahabang sandali. Wala naman na siyang ibang nasabi pa. Hindi naman siya pinigilan ni Erwan, pero tahimik lang itong nakatingin sa kanya. Habang namumula ang kanyang pisngi at parang naeexcite. Mas lumakas pa ang hangin at naamoy na ang kakaibang amoy ng katawan ni Veronica. At mabilis na ipinikit ang kanyang mga mata. Buong lakas niyang hinatak ito palapit sa kanyang bisig. Bago pa mag react si Veronica bumaba ang ulo nito para maamoy ang leeg niya. "Mr. Erwan?" wika nito kasabay nang panlalaki ng kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng init mula sa kanyang leeg, dahil sa buga ng hininga nito at kinikiskis nito ang ilong sa kanyang leeg. Nagulat si Veronica kaya mabilis niyang naitulak ito papalayo at tumakbo sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.. Makalipas ang forty minutes bago siya makarating sa dormitoryo ng eskwelahan. Basang basa na ang buong katawan niya. Habang binubuksan niya ang pintuan gamit ang hawak niyang susi. Nang mapansin niya ang bulto ng isang tao mula sa pinto ng dormitoryo ng eskwelahan. Ang matagkad na pigura nito ay gustong tumulong sa kanya. Nangangatog ang tuhod niya at malapit ng mabuwal at natigilan siya sa pagkilos. Tinapon ni Erwan ang sigarilyo sa likod at mabilis na lumapit sa kanya. Gustuhin man sana niyang tumakbo kaso hindi nakikisama ang kanyang mga paa para gumalaw. Ang tanging magagawa niya lamang ay tanggapin ang alok nito. Garalgal ang kanyang boses habang binabanggit ang pangalan nito. "Sir. Erwan.." Basang basa si Veronica, habang ang ulan ay patuloy sa pag patak patungo sa kanyang buhok at damit. At malapit na rin naman mabasa ang kalsada.Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata at hindi niya alam kong dala ba ng lamig kaya siya nanginginig. "Bakit ka tumatakbo?" Nawala na ang galit sa mukha ni Erwan na hindi mo nakikita habang nagsasalita ito. Hindi niya intensyong matakot ang babae sa kanya. Gusto niya lang alalayan at alagaan ito. Habang nag-iisip kung bakit natatakot ang babae sa kanya sa ospital kay nakakaramdam siya ng kaunting guilty. "Sorry, kung naging mabilis ako. Wala akong gagawin iba sayo. Hindi sinasadyang naamoy ko ang gamit mong pabango. Sabihin mo nga sa akin, na ikaw ang nakasama ko ng gabing 'yon?" His eyes were burning, as if they were filled with flames, as if even though Veronica was soaked at the moment, he could ignite her in an instant. Veronica shook her head and stepped back. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lumapit si Erwan at hinawakan ang braso niya ng mahigpit at hindi siya hinayaang maka alis. Tinitigan siya nito sa mga mata niya at diretsyang nagtanong. "Ikaw ba ang pumasok ng gabi sa
Natahimik siya at hindi nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone pero, hindi naman niya nilaro ng matagal at hinawakan na lang niya sa kanyang kamay. Umangat ang kanyang at nakitang nakatayo si Luke sa gilid ng kanyang kama. "Meron ka pa bang kailangan?" Tumingin si Luke sa kanya. "Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko?" tanong nito. Kinagat niya ang pang ibabang labi at sumagot pabalik. "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Pwede ba akong magtanong kung may karapatang kang magtanong sa akin?" Natahimik ng ilang segundo si Luke bago pa ito muling nagsalita. "Sinisisi mo ba ako?" tanong nito. "Nag-iisip ka ng hindi maganda. At isa pa matagal na tayong hiwalay." sagot ni Veronica sa pinaka mahinang boses. "Oo, hiwalay na tayo, pero siguro naman may karapatan pa rin akong magtanong sayo, tama ba?" Hindi pa rin nagsasalita si Veronica. Nagpatuloy sa pagsasalita si Luke. "Muntik na kaming maaksidente ni Lyca." aniya. Nanatili namang hindi pa rin siya umiimik. Tum
“Uhmmm.”Tunog ng halik ng dalawang taong animo’y nagmamahalan ang maririnig mula sa loob ng tent. Ang bawat haplos ng kamay ni Erwan sa balat ni Veronica ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang katawan. At ang mga bisig nito na yumayakap sa kanya ay sapat na para maibsan ang lamig na dala ng panahon. At ang mga bisig rin nito ang nagpatulog ng mahimbing sa kanya.Kinaumagahan, napabalikwas ng bangon si Veronica ng makapa ng daliri niya ang basang bahagi ng kanyang hinihigaan. Ang kakaibang bagay na nagpagising ng kanyang diwa at ang unti-unti nagpagmulat ng kanyang mga mata. At ang bumungad sa kanyang mga mata ay ang gwapong mukha nito."Hmmm? Boss?” Biglang nablanko ang kanyang kaisipan ng dalawang segundo at ang nakakabaliw na ala-ala ng nagdaang gabi ang pumasok sa kanyang isipan. Mas nilakihan pa niya ang pag bukas ng kanyang mga mata para makita ang lahat. Para siyang nawawala sa kanyang sarili ng mga oras na 'iyon. At sa kanyang bawat pag galaw ay nakaramdam siya ng hindi ma
Nakatulog ng kaunti si Veronica at nagising na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng makainom ng tubig. Bumangon siya at dahan dahang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo. Lumabas siya ng tent at nagulat ng bumulaga sa kanya ang dalawang pares na mamahaling sapatos sa kanyang harapan. At bukod pa dyan nakita niya rin ang mahabang biyas na mga binti nito. Ang sikat ng araw ay tumama sa kanya. At kitang kita ni Veronica ang seryosong mukha ni Mr. Erwan Campbell.“Er! Er! Er!.. “Mr. Erwan?” Hindi ba siya sumama sa pag akyat ng bundok?”Lumapit si Erwan rito at nakita ang namula niyang pisngi ng dahil sa mataas niyang lagnat, at seryoso itong nagsalita, “I have a question to ask you?”Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya. Dinilaan niya ang tuyo niyang labi gamit ang kanyang dila, at ang kanyang puso ay parang tunog ng isang drum na tinatambol sa sobrang bilis nitong kumabog..“A-Ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya rito.“Did you see anyone enter my te
Pagkatapos makainom ng gamot at madextrose medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Gayunpaman sinabi ng doctor na nagkaroon ng bacteria at infection at inflammation sa kanyang katawan. Kahit na bumaba na ang kanyang lagnat kailangan pa rin niyang manatili sa ospital ng dalawang araw. At kailangan niyang uminom ng mga gamot.Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Sandara ang pintuan para bumukas ito, “Veronica, okay ka lang ba?” Nang makita ni Veronica ang nakakatandang kapatid, medyo dumilat ang mga mata niya. “ Okay, lang ako ate.” sagot niya sa bagong dating na ate.“Okay lang? Paano kung malala pala yan? Tumingin si Sandara sa nakababatang kapatid at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala rito. Ang dalawa ay namatayan ng magulang ng mga bata pa lamang sila. Mas matanda ng pitong taon si Sandara kay Veronica. Siya ang nag-alaga sa kapatid sa mahabang panahon. Magkapatid lamang sila sa ina, pero sila’ ay may higit na malalim pang ugnayan sa isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.Ayaw
Bago ang lahat, hindi makapaniwala si Veronica na magagawa siyang lolokohin ng kanyang boyfriend at ang masakit oa rito ay sa bestfriend pa niya na matagal na niyang kilala.Akala niya hindi na nangyayari ang mga ganitong pangyayari na nababasa niya lamang sa mga sinusulat ng isang magaling na manunulat. Hindi siya makapaniwala, kundi lang nangyari sa kanyang sariling buhay at naintindihan niya ang phrase na nabasa niya noon; “Art comes from life.”Tandang tanda pa nga niya ng araw na iyon na nagulat siya ng buksan ang pintuan ng school dormitory ng oras na iyon. At nang makita niya sina Luke at Lyca nang nakapulupot pa isa’t-isa. At halatang may ginawang hindi kaaya aya sa kanyang paningin.Ang kanyang matalik na kaibigan, at ang isa ay ang taong pinapahalagahan niya bukod sa kanyang ate. Pero, siya rin pala ang dahilan kung bakit siya masasaktan ng sobra sobra.“Carter?” Natahimik si Lyca nang sandali. Pero, pinasok niya ang kanyang maleta sa loob. Hindi niya gustong batiin pa ang
"W-Waah! Sigaw ni Veronica mula sa mahaba niyang pagkakatulog at panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata para makita ang lahat. Nalaman niyang nasa ospital siya at lahat ng nangyari mula umaga at hanggang gabi ay naganap ng isang araw lamang. At ang pag-a-akalang nasa kanyang harapan ang boss na si Erwan ay naglaho na parang bula. At ang matandang ginang na nasa kabilang kama ay nakangiting nagtanong sa kanya. "Nanaginip ka ba hija? Napansin ko kasing na habang natutulog ka panay hila ng kamay mo sa bedsheet. Ano bang napanaginipan mo?" Noong bata pa lamang si Veronica narinig niya na kapag pinag uusapan ang isang panaginip malabo itong mangyari sa kasalukuyan. Ngayong nagtatanong ang ginang agad niya itong sinagot nang kaswal. "Ang aking, Boss." Tumindig ang ginang, tumango tango at napabuntong hininga ng malalim, "Hmmm! Nakakatakot siguro ang boss mo." Sakabilang banda ng kanilang katahimikan bigla na lamang bumukas ang pintuan sa loob ng ward at nakita nila ang anino
"Hello.! Veronica, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" bungad na tanong ni Amalia ng makausap siya at mababakas sa boses nito ang pag-a-alala. Tumango tango lang si Veronica. "Oo, mas maayos na ako ngayon." "Meron ka pa bang lagnat? May lunch ka ba? Nagugutom ka na ba? Paano kung mag order na lang ako ng pagkain o ano bang gusto mong kainin para ipadala ko sayo." sunod sunod na tanong ni Amalia. Nakita naman niya ang ipinapakitang pag-a-alala nito sa kanya kahit na hindi sila magkamag anak na dalawa. At ang pagpapakita nito ng labis na pag-a-alala ay ikinatuwa niya. Na napakabait nito sa kanya at ayaw niyang maging ungrateful. Sinagot niya ang mga tanong nito ng isa-isa. "Wala na akong lagnat. Nakakain na rin ako at hindi ako nagugutom. Salamat sa pag-a-alala, Amalia sobrang natatouch ako." aniya. "Oh." Natahimik sandali si Amalia. Maya maya lang muli itong umimik. "Kasama mo pa ba si boss?" "Umalis na siya." "Oh! Bumalik si boss dyan para makita ka." tanong nito. "H