"Hello.! Veronica, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" bungad na tanong ni Amalia ng makausap siya at mababakas sa boses nito ang pag-a-alala.
Tumango tango lang si Veronica. "Oo, mas maayos na ako ngayon." "Meron ka pa bang lagnat? May lunch ka ba? Nagugutom ka na ba? Paano kung mag order na lang ako ng pagkain o ano bang gusto mong kainin para ipadala ko sayo." sunod sunod na tanong ni Amalia. Nakita naman niya ang ipinapakitang pag-a-alala nito sa kanya kahit na hindi sila magkamag anak na dalawa. At ang pagpapakita nito ng labis na pag-a-alala ay ikinatuwa niya. Na napakabait nito sa kanya at ayaw niyang maging ungrateful. Sinagot niya ang mga tanong nito ng isa-isa. "Wala na akong lagnat. Nakakain na rin ako at hindi ako nagugutom. Salamat sa pag-a-alala, Amalia sobrang natatouch ako." aniya. "Oh." Natahimik sandali si Amalia. Maya maya lang muli itong umimik. "Kasama mo pa ba si boss?" "Umalis na siya." "Oh! Bumalik si boss dyan para makita ka." tanong nito. "Hindi." Wala ng ibang sinabi pa si Veronica rito. Hindi niya rin ipinaalam na nandito ang lola ng kanilang boss at kung ano man ang masabi niya at makaka apekto sa kanyang trabaho. Nag-iisip si Amalia sandali at natahimik ulit. "Bakit bumalik si boss sa ospital?" usisa nito. "Sa tingin ko naman baka may binisita na kaibigan lang." sagot niya. "May binisita si boss na kaibigan niya sa ospital?" tanong ulit nito. "Hindi ko alam kung ano pa ang ibang detalye." sagot niya. "Oh." Hindi naman na nagtanong pa ito sa kanya at mukhang naniwala naman na sa mga sinabi niya. "Siya nga pala libre ako mamayang gabi, anong gusto mong kainin at dadalhin ko dyan." tanong nito. "Hindi na, hindi naman na ako magtatagal pa rito." sagot niya at ayaw na niyang maka abala pa, kaya tumanggi siya. "Oh, okay. Magpagaling ka na lang muna dyan. Hwag mo ng alalahanin ang trabaho mo. Tutulungan na lang kita rito." sagot pa nito. "Salamat." sagot naman niya. "Walang anuman, magkatrabaho tayo. Hindi na kita aabalahin pa ng makapag pahinga ka na." huling wika nito. "Okay.." Pagkatapos maibaba ang tawag ni Amalia. Nakaupo siya habang nag-iiisip. Hindi niya namalayang lumapit si Jenna sa kanya at nagtanong. "Kailan ka pa naging close sa bagong intern? At kailangan mo pa siyang dalhan ng pagkain?" usisa nito. Tinaas ni Amalia ang kamay. "Naawa lang naman ako sa kanya." sagot nito. "Ano namang nakaka awa sa kanya?" hindi sang-ayon ni Jenna sa sinabi ng kanyang kaibigan. Marami na akong nakitang ganyang tao sa trabaho na ginagamit ang kanyang pagkabata at kahinaan para kaawaan ng lahat, para tulungan sa mga gawain sa trabaho. Nakakatawa kayong lahat alam niyo ba 'yon.." Ngumiti na lamang si Amalia at hindi na sumagot para hindi na rin humaba ang diskusyon nila ng kanyang kaibigan. Nag-iisip pa rin kasi siya kung pupunta siya ng ospital mamayang gabi. --- Mag a-alas singko na ng maubos ang laman ng dextrose ni Veronica. Gusto na niyang umuwi sa dormitoryo kung saan siya ngayon nakatira. Pero,. hindi naman niya gustong iwan ang lola ng kanyang boss na mag-isa rito. At hihintayin na lamang niya na bumalik ang kanyang boss mamaya bago siya umalis. Maya maya lang bumukas ang pintuan ng ward at bumulaga sa kanyang harapan ang kanyang ate na may dalang lunch box. Tumayo si Veronica at bumati sa kanyang ate at nagtanong na rin. "Bakit ka nandito?" Itinabi ng kanyang ate ang dalang payong sa may gilid. Ngumiti ito sa kanya at sumagot. "Nagdala ako ng hapunan. Gutom ka na ba?" Nang buksan niya ito nakita niya ang mga pagkain niyang paborito kaya naman natakaman siyang tikman ito. "Ako na ate, kaya ko na ang sarili ko." sagot niya. Ang bahay nila mula sa ospital ay malayo. kung magbabalik balik ang ate niya rito. At ang isa pa sa pangamba niya baka magalit na naman ang kanyang kuya sa kanya. At pagmulang pa ng away na naman ng mga ito. Naiintindihan naman ng kanyang ate ang kanyang pangamba. "Gagabihin ang kuya mo at may appointment pa siya. Ayoko namang maiwang mag-isa sa bahay habang naghihintay." sagot naman nito. Medyo malakas rin kasonang ula kaya nag alala siya para sa kanyang ate. "Ayaw mo bang nandito ako sa ospital, para maalagaan ka?" tanong nito. Tumango tango na lamang si Veronica at kumuha ng dalawang tissue paper para punasan ang nabasang balikat ng kanyang ate. "Tama yan." singit ng lola ni Erwan na malapit nang maiyak sa nakikitang tagpo sa kanilang dalawang mag-ate. Pinunasan nito ang luha niya gamit ang mga palad nito. "Alam mo bang may kapatid rin ako, kaso maaga siyang nawala. At kung sana nabubuhay pa ang kapatid ko, paniguradong nandito rin siya para bisitahin ako." maluha luhang sagot nito. Ang mag-ate ay nalungkot pagkatapos nilang marinig ang kwento ng ginang. "Hwag na po kayong malungkot lola, sa palagay ko kung makikita ka ng kapatid mo na malungkot sa langit mas malulungkot siya." pagpapalubag ng loob ni Veronica rito. "Tama ka." sagot ng lola ni Erwan na ngumiti ng napilitan lang. "Pasensya na kayo, matanda na kasi ako." "Okay lang po 'yon." sagot naman ni Sandara. At kahit matanda na po tayo, kailangan pa ring nating pahalagahan ang mga tao sa buhay natin buhay man o patay na sila. Ang mahalaga ay pangalagaan natin ang mga buhay na nakakasama pa natin. Tumango tango ang lola ni Erwan. "Tama ka."sagot niya. Nilabas ni Sandara ang iba pa niyang dalang pagkain sa hapunan. "Lola, hindi ka pa ba nakain? Gusto ko bang tikman ang niluto ko?" magalang na tanong ng kanyang ate Sandara. Ngumit ang lola ni Erwan. "Okay, nagugutom na nga rin ako." sagot niya. Ang tatlo ay masaya ng kumain sa hapag kainan. --- At Campbell's building Pagkatapos nang trabaho ni Amalia at ang huling kanyang tinitipa ay sinave na niya ang mga form baka mawala pa ito. Nang tumingala siya nakita niya si Erwan na naglalakad palabas ng office nito na parang wala sa sarili. Nagmamadaling pinatay ni Amalia ang computer at hinabol ito. Malakas na ang buhos ng ulan sa labas ng maabutan niya si Erwan na nakatayo habang nakasandal sa pintuan at hinihintay ang sasakyan nito. Naglakad siya palapit rito at nagtanong. "Mr. Campbell, pauwi na po ba kayo. Tapos na ang trabaho niyo?" Lumingo si Erwan nang may pagtataka. "Yeah." tipid niyang sagot. Hinawi ni Amalia ang tumatabing na kurtina sabay sambit. "Oh, no. Napasobra ako sa tranaho, nakalimutan kong dalhan ng pagkain si Veronica sa oapital." aniya. Nang marinig ito ni Erwan napalingon ulit siya kay Amalia. "Anong sinabi mo?" "Nangako kasi ako kay Veronica na dadalhan ko siya ng hapunan, kaso masyado akong busy kanina kaya nakalimutan ko." sagot niya. Sobrang lakas ng patak ng ulan at mahirap nang makasakay ng taxi sa mga oras na 'yon. Nagtanong si Erwan. "Pupunta ka pa ba ng ospital?" "Opo." tipid na sagot ni Amalia. At sa pagkakataong 'yon dumating na ang sasakyan ni Erwan dala ng kanyang driver. "Pumasok ka na sa loob, pupunta rin naman ako doon." wika ni Erwan. Walang pag aalinlangang pumasok sa loob ng sasakyan si Amalia. --- Pagpasok nila sa loob. Naabutan nila na nahihimbing na natutulog si Veronica katabi ng lola ni Erwan. Bukas pa ang telivision at ang ingay nito ay sumasabay sa lagaslas ng tubig ng ulan mula sa labas. "Veronica." wika ni Amalia. At napansin niyang kinakawaya siya ng kanyang boss. Hindi na kasi ito pumasok pa sa loob at sinara na lamang ang pintuan sa ward. Lumabas si Amalia ng ward na may halong pagtataka. "Mr. Campbell." "Nahihimbing na siya sa pagtulog, hwag mo na lang siya munang gisingin." Nagulat si Amalia sa sinabi ng kanyang boss. Sa isang araw lang nagkaroon ng pag aalaga ito lay Veronica. Nalaman na kaya nito ang sekreto niya. Samakatuwid parang may mali sa nangyayari. Kung alam na nga ni Mr. Campbell ibig sabihin dapat na humingi ng sorry si Veronica sa kanyang nagawa. Pero, kung alam na nga niya bakit pa niya ako ihahatid sa ospital. Sa tingin ko dapat ko pang alamin ang lahat. Kinuha ni Erwan ang dala niyang box na may lamang pagkain. "Pwede ka nang umiwi at ako na lang ang mag-aabot nito kay Veronica." wika nito. Walang nagawa si Amalia kundi tumago. "Salamat sa lahat." sagot niya..Nagtungo muna si Erwan sa office ng doctor ng kanyang abuela para malaman kung ano na nga ba ang resulta ng mga ginawang eksamin dito. Pagkabalik niya ng ward nakita niyang gising na si Veronica, ngunit nakapulupot pa rin ang katawan nito ng gamit na kumot. Nang marinig niya ang ingay, napalingon siya sa kabilang gilid niya at medyo nangungusap pa ang kanyang mga mata mula sa pagkakatulog ng mahimbing. "Mr. Campbell??" Ang boses niya na malambing sa gitna ng gabi ay tila makakapag palambot ng puso ng bawat tao. Tumango si Erwan kasabay nang sinambit nito. "Salamat, sa pag-aalaga sa abuela ko." Isa ito sa isa niyang dahilan kong bakit siya umalis ng maaga. Hindi talaga mabilis mahulog ang loob ng kanyang abuela sa ibang tao pero, may nakita siya na ugali ni Veronica na nagustuhan nito. "Hindi mo kailangang magpasalamat pa sa akin. Wala naman akong ibang ginawa. Binigyan mo ako ng pork ribs soup na dala mo. Sabi nga nila kapag may ginawang mabuti sayo ang kapwa mo, gantihan mo
Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata at hindi niya alam kong dala ba ng lamig kaya siya nanginginig. "Bakit ka tumatakbo?" Nawala na ang galit sa mukha ni Erwan na hindi mo nakikita habang nagsasalita ito. Hindi niya intensyong matakot ang babae sa kanya. Gusto niya lang alalayan at alagaan ito. Habang nag-iisip kung bakit natatakot ang babae sa kanya sa ospital kay nakakaramdam siya ng kaunting guilty. "Sorry, kung naging mabilis ako. Wala akong gagawin iba sayo. Hindi sinasadyang naamoy ko ang gamit mong pabango. Sabihin mo nga sa akin, na ikaw ang nakasama ko ng gabing 'yon?" His eyes were burning, as if they were filled with flames, as if even though Veronica was soaked at the moment, he could ignite her in an instant. Veronica shook her head and stepped back. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lumapit si Erwan at hinawakan ang braso niya ng mahigpit at hindi siya hinayaang maka alis. Tinitigan siya nito sa mga mata niya at diretsyang nagtanong. "Ikaw ba ang pumasok ng gabi sa
Natahimik siya at hindi nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone pero, hindi naman niya nilaro ng matagal at hinawakan na lang niya sa kanyang kamay. Umangat ang kanyang at nakitang nakatayo si Luke sa gilid ng kanyang kama. "Meron ka pa bang kailangan?" Tumingin si Luke sa kanya. "Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko?" tanong nito. Kinagat niya ang pang ibabang labi at sumagot pabalik. "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Pwede ba akong magtanong kung may karapatang kang magtanong sa akin?" Natahimik ng ilang segundo si Luke bago pa ito muling nagsalita. "Sinisisi mo ba ako?" tanong nito. "Nag-iisip ka ng hindi maganda. At isa pa matagal na tayong hiwalay." sagot ni Veronica sa pinaka mahinang boses. "Oo, hiwalay na tayo, pero siguro naman may karapatan pa rin akong magtanong sayo, tama ba?" Hindi pa rin nagsasalita si Veronica. Nagpatuloy sa pagsasalita si Luke. "Muntik na kaming maaksidente ni Lyca." aniya. Nanatili namang hindi pa rin siya umiimik. Tum
“Uhmmm.”Tunog ng halik ng dalawang taong animo’y nagmamahalan ang maririnig mula sa loob ng tent. Ang bawat haplos ng kamay ni Erwan sa balat ni Veronica ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang katawan. At ang mga bisig nito na yumayakap sa kanya ay sapat na para maibsan ang lamig na dala ng panahon. At ang mga bisig rin nito ang nagpatulog ng mahimbing sa kanya.Kinaumagahan, napabalikwas ng bangon si Veronica ng makapa ng daliri niya ang basang bahagi ng kanyang hinihigaan. Ang kakaibang bagay na nagpagising ng kanyang diwa at ang unti-unti nagpagmulat ng kanyang mga mata. At ang bumungad sa kanyang mga mata ay ang gwapong mukha nito."Hmmm? Boss?” Biglang nablanko ang kanyang kaisipan ng dalawang segundo at ang nakakabaliw na ala-ala ng nagdaang gabi ang pumasok sa kanyang isipan. Mas nilakihan pa niya ang pag bukas ng kanyang mga mata para makita ang lahat. Para siyang nawawala sa kanyang sarili ng mga oras na 'iyon. At sa kanyang bawat pag galaw ay nakaramdam siya ng hindi ma
Nakatulog ng kaunti si Veronica at nagising na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng makainom ng tubig. Bumangon siya at dahan dahang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo. Lumabas siya ng tent at nagulat ng bumulaga sa kanya ang dalawang pares na mamahaling sapatos sa kanyang harapan. At bukod pa dyan nakita niya rin ang mahabang biyas na mga binti nito. Ang sikat ng araw ay tumama sa kanya. At kitang kita ni Veronica ang seryosong mukha ni Mr. Erwan Campbell.“Er! Er! Er!.. “Mr. Erwan?” Hindi ba siya sumama sa pag akyat ng bundok?”Lumapit si Erwan rito at nakita ang namula niyang pisngi ng dahil sa mataas niyang lagnat, at seryoso itong nagsalita, “I have a question to ask you?”Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya. Dinilaan niya ang tuyo niyang labi gamit ang kanyang dila, at ang kanyang puso ay parang tunog ng isang drum na tinatambol sa sobrang bilis nitong kumabog..“A-Ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya rito.“Did you see anyone enter my te
Pagkatapos makainom ng gamot at madextrose medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Gayunpaman sinabi ng doctor na nagkaroon ng bacteria at infection at inflammation sa kanyang katawan. Kahit na bumaba na ang kanyang lagnat kailangan pa rin niyang manatili sa ospital ng dalawang araw. At kailangan niyang uminom ng mga gamot.Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Sandara ang pintuan para bumukas ito, “Veronica, okay ka lang ba?” Nang makita ni Veronica ang nakakatandang kapatid, medyo dumilat ang mga mata niya. “ Okay, lang ako ate.” sagot niya sa bagong dating na ate.“Okay lang? Paano kung malala pala yan? Tumingin si Sandara sa nakababatang kapatid at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala rito. Ang dalawa ay namatayan ng magulang ng mga bata pa lamang sila. Mas matanda ng pitong taon si Sandara kay Veronica. Siya ang nag-alaga sa kapatid sa mahabang panahon. Magkapatid lamang sila sa ina, pero sila’ ay may higit na malalim pang ugnayan sa isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.Ayaw
Bago ang lahat, hindi makapaniwala si Veronica na magagawa siyang lolokohin ng kanyang boyfriend at ang masakit oa rito ay sa bestfriend pa niya na matagal na niyang kilala.Akala niya hindi na nangyayari ang mga ganitong pangyayari na nababasa niya lamang sa mga sinusulat ng isang magaling na manunulat. Hindi siya makapaniwala, kundi lang nangyari sa kanyang sariling buhay at naintindihan niya ang phrase na nabasa niya noon; “Art comes from life.”Tandang tanda pa nga niya ng araw na iyon na nagulat siya ng buksan ang pintuan ng school dormitory ng oras na iyon. At nang makita niya sina Luke at Lyca nang nakapulupot pa isa’t-isa. At halatang may ginawang hindi kaaya aya sa kanyang paningin.Ang kanyang matalik na kaibigan, at ang isa ay ang taong pinapahalagahan niya bukod sa kanyang ate. Pero, siya rin pala ang dahilan kung bakit siya masasaktan ng sobra sobra.“Carter?” Natahimik si Lyca nang sandali. Pero, pinasok niya ang kanyang maleta sa loob. Hindi niya gustong batiin pa ang
"W-Waah! Sigaw ni Veronica mula sa mahaba niyang pagkakatulog at panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata para makita ang lahat. Nalaman niyang nasa ospital siya at lahat ng nangyari mula umaga at hanggang gabi ay naganap ng isang araw lamang. At ang pag-a-akalang nasa kanyang harapan ang boss na si Erwan ay naglaho na parang bula. At ang matandang ginang na nasa kabilang kama ay nakangiting nagtanong sa kanya. "Nanaginip ka ba hija? Napansin ko kasing na habang natutulog ka panay hila ng kamay mo sa bedsheet. Ano bang napanaginipan mo?" Noong bata pa lamang si Veronica narinig niya na kapag pinag uusapan ang isang panaginip malabo itong mangyari sa kasalukuyan. Ngayong nagtatanong ang ginang agad niya itong sinagot nang kaswal. "Ang aking, Boss." Tumindig ang ginang, tumango tango at napabuntong hininga ng malalim, "Hmmm! Nakakatakot siguro ang boss mo." Sakabilang banda ng kanilang katahimikan bigla na lamang bumukas ang pintuan sa loob ng ward at nakita nila ang anino