"W-Waah! Sigaw ni Veronica mula sa mahaba niyang pagkakatulog at panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata para makita ang lahat. Nalaman niyang nasa ospital siya at lahat ng nangyari mula umaga at hanggang gabi ay naganap ng isang araw lamang. At ang pag-a-akalang nasa kanyang harapan ang boss na si Erwan ay naglaho na parang bula.
At ang matandang ginang na nasa kabilang kama ay nakangiting nagtanong sa kanya. "Nanaginip ka ba hija? Napansin ko kasing na habang natutulog ka panay hila ng kamay mo sa bedsheet. Ano bang napanaginipan mo?" Noong bata pa lamang si Veronica narinig niya na kapag pinag uusapan ang isang panaginip malabo itong mangyari sa kasalukuyan. Ngayong nagtatanong ang ginang agad niya itong sinagot nang kaswal. "Ang aking, Boss." Tumindig ang ginang, tumango tango at napabuntong hininga ng malalim, "Hmmm! Nakakatakot siguro ang boss mo." Sakabilang banda ng kanilang katahimikan bigla na lamang bumukas ang pintuan sa loob ng ward at nakita nila ang anino na tila matangkad na tao. Bumangon mula sa pagkakahiga si Veronica para sana magtungo sa comfort room. Nang isusuot na sana niya ang kanyang slippers, nakita niya ang paparating at muntik na siyang madulas sa sahig. Nakatayo si Erwan na may dalang thermos na hawak ng isa niyang kamay. At ang isa naman ay isang itim na leather jacket. Nakauot siya ng white shirt na bukas ang collar nito at tinernuhan pa niya ng itim na trousers na bumagay sa kanyang mahabang biyas. Napakaelegante ng suot niya maging ang kanyang pagtindig. Nakaramdam ng kaunting guilty si Veronica ng mga sandaling iyon. Wala siyang magawa kundi hawakan ang bedsheet ng mahigpit gamit ang kanyang mga daliri sa kabilang kama. Ngunit mabilis na gumalaw si Erwan at nagtungo sa katabi niyang kama. Yumuko siya sa ginang tanda ng pag galang rito. "Abuela." Nagulat at nasurpresa si Veronica ng makitang yumakap si Erwan sa ginang. Si Mr. Erwan na makapangyarihan sa kumpanya, ngayon isa siyang masunuring apo sa harapan ng ginang. "Oh! No! Siya ba ang apo ng ginang?" Sa muling pagkakagulat ni Veronica, binuksan ni Mr. Erwan ang thermos at nagsalin ng tubig sa dala dala nito soup para pakainin ang matandang ginang. Hindi pa rin makapaniwala si Veronica sa kanyang nakikita ngunit hindi niya maiwasang mapatingin sa kabaitan ng kanyang boss na hindi siya makapaniwala na may mabuti itong puso taliwas sa ipinapakita nitong malamig na pakikitungo sa lahat. Maka ilang ulit na tinaas ng ginang ang kanyang kamay. "Nakakain na ako ng mansanas, hindi ko na kayang ubusin pa ito." Napalingon si Veronica at nagtama ang mga mata nila ni Erwan. "Hija, hindi ka pa ba kumakain? Hindi ko inasahang magdadala ang apo ko ng pork ribs soup. Gusto mo bang tikman?" tanong ng matandang ginang. Nakatingi lang si Erwan sa kanya at sa mga susunod pang mangyayari. Mabilis na tumanggi si Veronica. " Hindi na po, hindi naman po ako nagugutom." magalang na sagot niya. Ang matandang ginang ay nagligalig. "Hindi naman ako kumagat kahit na isang kagat rito, hindi mo naman siguro ako ipapahiya." "Paano nga ba?" usal niya. "Sa tingin ko nahihiya lamang siya." Mabilis na nagbago ang mukha ng ginang at tinulak ang kanyang apo. "Bilis, puntahan mo ang nakaka awang babae. Kanina pa siya nandito, at wala man lang akong nakitang bumisita sa kanya kahit na isang kamag-anak. Siya nga pala kanina narinig ko na nanaginip siya at halatang takot na takot. Ang sabi niya napanaginipan niya ang boss niya. Sa tingin ko masama ang ugali ng kanyang boss.." dagdag pa ng ginang. Sinubukang pigilan ni Veronica ang pagkukwento ng matanda kaso hindi na niya ito napigilan at nasabi na ang lahat lahat. Tumaas ang kilay ni Erwan at tumingin kay Veronica. "Really? What did you do wrong, that makes you so afraid of your boss?" Natahimik si Veronica at walang naapuhap na sagot. Sa palagay niya hindi siya makakapag paliwanag kahit na marami pang beses. Habang nakatingin pa rin si Erwan sa kanya at gustong makita ang reaksyon ng kanyang mukha. "P-Pupunta lang ako ng comfort room. Mag-usap lang kayong dalawa." aniya. Ayon lang ang tanging paraan niya na magtago muna sa comfort room para maiwasan ang iba pang itatanong nito. Mabilis na pinalo ng matanda ang likod ni Erwan "Tingnan mo ang ginawa mo, natakot tuloy ang babae." sermon niya sa kanyang apo. Ngumiti na lamang si Erwan. "Mukha ba akong nakakatakot, abuela?" tanong niya rito. Alam naman niyang strict siya sa trabaho pero, dahilan na ba 'yon para matakot si Veronica sa kanya. "Hmmm." Napasinghap ang matanda at tumingin sa kanyang apo. "Hindi naman siya mukhang takot. Pero, palagi siyang tahimik at mag-isa. Sa palagay ko mabait siyang bata, at alam niya kung hanggang saan lang siya pwedeng magsalita. Gustong gusto ko siya at bagay kayo hijo." pagtatapos ng sinambit ng kanyang abuela.. "Tama na." Pagpapatigil ni Erwan sa panunukso ng kanyang abuela at sumasakit na rin ang kanyang ulo. "Meron na siyang boyfriend abuela, kaya hindi magandang pag-usapan ang mga ganyang bagay." saway niya rito. Hindi makapaniwala ang ginang sa sinabi ng kanyang apo. " Weh? May boyfriend siya? Paano mo namang nalaman??" "Dahil isa siya sa empleyado ko.." tipid na sagot niya at sana lang tumigil na ito kakapanukso sa kanya. "Ah.." -- Nang lumabas ng comfort room si Veronica, si Erwan na lang ang nakita niyang mag-isa sa loob ng ward. Pagbalik niya nakatingin lamang ito sa kanya. Hawak niya ang IV bottle na nakatusok ang karayom sa kanyang kamay. Sinubukan niyang itaas ito kaso hindi niya maabot kahit tumingkayad pa siya. Napansin ni Erwan na nahihirapan na ito kaya tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. "Akin na nga yan, ako na ang magsasabit." wika nito. Kasabay nang pagkuha nito sa kamay niya at langhap na langhap niya ngayon ang mabangong amoy nito na nunuot sa kanyang ilong. "Salamat, Mr. Campbell." wika niya. Yumuko siya para hindi magtama ang kanilang mga paningin. Pagkatapos naupo siya sa kama habang bitbit naman ni Erwan ang isang lalagyanan na may lamang soup sa loob at nilagay sa ibabaw ng table malapit sa kanyang kama. "Para sayo." wika nito. Nagulat si Veronica sa ginawa nito sa kanya at bigla na lamang namula ang kanyang pisngi. Natutuwang malaman ni Erwan na ang babae ay palaging nahihiya sa kanya kapag siya ay nasa malapit. Kakaiba siya sa mga kababaihang nagkakadarapa sa kanya. Lalo na kapag nahihiya ito nakikita ang pamumula ng mga pisngi nito. Para hindi siya pag isipan nito sinabi na lang niya. "Ipinabibigay ni abuela." aniya. "Okay, magpapasalamat na lang ako ng personal sa lola mo mamaya." tipid nyang sagot. Tumindig ng tayo si Erwan sa kanyang harapan. "Alam mo ba may gusto akong itanong sayo." "Itatanong?" Lumiit ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang bracelet na may perlas na hawak ni Erwan. Tila sinusuri ni Erwan ang kanyang reaksyon. "Nakita mo ba ito?" Nagbalik sa reyalidad si Veronica. "H-Hindi ko pa yan nakikita." sagot niya na kinakabahan. Mababakas sa mukha ni Erwan ang pagkadismaya sa isinagot nito. "Sigurado ka bang hindi mo pa ito nakita?" ulit na tanong nito sa kanya. "Oo." Halatang nenerbyos si Veronica at pinaglalaruan niya ang mga daliri niya. "H-Hindi ko pa talaga nakita yan." ulit niya. "Okay." sagot ni Erwan sabay tago nito. Kinabahan si Veronica at panay kabog ng puso niya. Hindi siya makapaniwalang sa dami ng kanyang maiiwan ay mahalagang bagay pa. Noong bata pa lamang siya at sakitin. Umakyat pa ng bundok ang kanyang ate para lang hingiin ito sa itaas ng temple. Sa tagal na panahon niya itong itinago sa loob ng kanyang manggas. Pwera na lang sa mga taong nakakakilala sa kanya at wala ng nakakaalam pang iba na meron siyang ganyan. Wala siyang ibang kaibigan sa kumpanya at madalas pa siyang mag-isa, kaya wala naman siyang dapat ipangamba na malaman ng kanyang boss na siya ang may-ari. Ang ikinakatakot niya paano niya makukuha ulit ang bracelet na 'yon. Kinahapunan, naka ilang text messages si Amalia para magtanong kung ano na nga ba ang kanyang ginagawa. Sumagot naman ng mabuti si Vernica sa dami ng messages nitong hindi nareply-an at humingi na rin ng pasensya. Hindi naman sila masyadong close ni Amalia na dalawa kaya pagkatapos nilang mag sagutan ng dalawa o tatlong beses itinigil na rin niya ang pakikipag chat rito. Ngunit nagreply pa naman ito at nagtanong. "Nar'yan pa ba sa ospital ang boss natin?" Bilang isang assistant team ng kanyang boss, hindi niya sigurado kung sasagutin pa niya ang tanong nito. "Baka nandyan na." Ilang sandali lang naririnig na niyang nagriring ang kanyang cellphone at tumatawag na si Amalia.."Hello.! Veronica, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" bungad na tanong ni Amalia ng makausap siya at mababakas sa boses nito ang pag-a-alala. Tumango tango lang si Veronica. "Oo, mas maayos na ako ngayon." "Meron ka pa bang lagnat? May lunch ka ba? Nagugutom ka na ba? Paano kung mag order na lang ako ng pagkain o ano bang gusto mong kainin para ipadala ko sayo." sunod sunod na tanong ni Amalia. Nakita naman niya ang ipinapakitang pag-a-alala nito sa kanya kahit na hindi sila magkamag anak na dalawa. At ang pagpapakita nito ng labis na pag-a-alala ay ikinatuwa niya. Na napakabait nito sa kanya at ayaw niyang maging ungrateful. Sinagot niya ang mga tanong nito ng isa-isa. "Wala na akong lagnat. Nakakain na rin ako at hindi ako nagugutom. Salamat sa pag-a-alala, Amalia sobrang natatouch ako." aniya. "Oh." Natahimik sandali si Amalia. Maya maya lang muli itong umimik. "Kasama mo pa ba si boss?" "Umalis na siya." "Oh! Bumalik si boss dyan para makita ka." tanong nito. "H
Nagtungo muna si Erwan sa office ng doctor ng kanyang abuela para malaman kung ano na nga ba ang resulta ng mga ginawang eksamin dito. Pagkabalik niya ng ward nakita niyang gising na si Veronica, ngunit nakapulupot pa rin ang katawan nito ng gamit na kumot. Nang marinig niya ang ingay, napalingon siya sa kabilang gilid niya at medyo nangungusap pa ang kanyang mga mata mula sa pagkakatulog ng mahimbing. "Mr. Campbell??" Ang boses niya na malambing sa gitna ng gabi ay tila makakapag palambot ng puso ng bawat tao. Tumango si Erwan kasabay nang sinambit nito. "Salamat, sa pag-aalaga sa abuela ko." Isa ito sa isa niyang dahilan kong bakit siya umalis ng maaga. Hindi talaga mabilis mahulog ang loob ng kanyang abuela sa ibang tao pero, may nakita siya na ugali ni Veronica na nagustuhan nito. "Hindi mo kailangang magpasalamat pa sa akin. Wala naman akong ibang ginawa. Binigyan mo ako ng pork ribs soup na dala mo. Sabi nga nila kapag may ginawang mabuti sayo ang kapwa mo, gantihan mo
Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata at hindi niya alam kong dala ba ng lamig kaya siya nanginginig. "Bakit ka tumatakbo?" Nawala na ang galit sa mukha ni Erwan na hindi mo nakikita habang nagsasalita ito. Hindi niya intensyong matakot ang babae sa kanya. Gusto niya lang alalayan at alagaan ito. Habang nag-iisip kung bakit natatakot ang babae sa kanya sa ospital kay nakakaramdam siya ng kaunting guilty. "Sorry, kung naging mabilis ako. Wala akong gagawin iba sayo. Hindi sinasadyang naamoy ko ang gamit mong pabango. Sabihin mo nga sa akin, na ikaw ang nakasama ko ng gabing 'yon?" His eyes were burning, as if they were filled with flames, as if even though Veronica was soaked at the moment, he could ignite her in an instant. Veronica shook her head and stepped back. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lumapit si Erwan at hinawakan ang braso niya ng mahigpit at hindi siya hinayaang maka alis. Tinitigan siya nito sa mga mata niya at diretsyang nagtanong. "Ikaw ba ang pumasok ng gabi sa
Natahimik siya at hindi nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone pero, hindi naman niya nilaro ng matagal at hinawakan na lang niya sa kanyang kamay. Umangat ang kanyang at nakitang nakatayo si Luke sa gilid ng kanyang kama. "Meron ka pa bang kailangan?" Tumingin si Luke sa kanya. "Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko?" tanong nito. Kinagat niya ang pang ibabang labi at sumagot pabalik. "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Pwede ba akong magtanong kung may karapatang kang magtanong sa akin?" Natahimik ng ilang segundo si Luke bago pa ito muling nagsalita. "Sinisisi mo ba ako?" tanong nito. "Nag-iisip ka ng hindi maganda. At isa pa matagal na tayong hiwalay." sagot ni Veronica sa pinaka mahinang boses. "Oo, hiwalay na tayo, pero siguro naman may karapatan pa rin akong magtanong sayo, tama ba?" Hindi pa rin nagsasalita si Veronica. Nagpatuloy sa pagsasalita si Luke. "Muntik na kaming maaksidente ni Lyca." aniya. Nanatili namang hindi pa rin siya umiimik. Tum
“Uhmmm.”Tunog ng halik ng dalawang taong animo’y nagmamahalan ang maririnig mula sa loob ng tent. Ang bawat haplos ng kamay ni Erwan sa balat ni Veronica ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang katawan. At ang mga bisig nito na yumayakap sa kanya ay sapat na para maibsan ang lamig na dala ng panahon. At ang mga bisig rin nito ang nagpatulog ng mahimbing sa kanya.Kinaumagahan, napabalikwas ng bangon si Veronica ng makapa ng daliri niya ang basang bahagi ng kanyang hinihigaan. Ang kakaibang bagay na nagpagising ng kanyang diwa at ang unti-unti nagpagmulat ng kanyang mga mata. At ang bumungad sa kanyang mga mata ay ang gwapong mukha nito."Hmmm? Boss?” Biglang nablanko ang kanyang kaisipan ng dalawang segundo at ang nakakabaliw na ala-ala ng nagdaang gabi ang pumasok sa kanyang isipan. Mas nilakihan pa niya ang pag bukas ng kanyang mga mata para makita ang lahat. Para siyang nawawala sa kanyang sarili ng mga oras na 'iyon. At sa kanyang bawat pag galaw ay nakaramdam siya ng hindi ma
Nakatulog ng kaunti si Veronica at nagising na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng makainom ng tubig. Bumangon siya at dahan dahang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo. Lumabas siya ng tent at nagulat ng bumulaga sa kanya ang dalawang pares na mamahaling sapatos sa kanyang harapan. At bukod pa dyan nakita niya rin ang mahabang biyas na mga binti nito. Ang sikat ng araw ay tumama sa kanya. At kitang kita ni Veronica ang seryosong mukha ni Mr. Erwan Campbell.“Er! Er! Er!.. “Mr. Erwan?” Hindi ba siya sumama sa pag akyat ng bundok?”Lumapit si Erwan rito at nakita ang namula niyang pisngi ng dahil sa mataas niyang lagnat, at seryoso itong nagsalita, “I have a question to ask you?”Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya. Dinilaan niya ang tuyo niyang labi gamit ang kanyang dila, at ang kanyang puso ay parang tunog ng isang drum na tinatambol sa sobrang bilis nitong kumabog..“A-Ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya rito.“Did you see anyone enter my te
Pagkatapos makainom ng gamot at madextrose medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Gayunpaman sinabi ng doctor na nagkaroon ng bacteria at infection at inflammation sa kanyang katawan. Kahit na bumaba na ang kanyang lagnat kailangan pa rin niyang manatili sa ospital ng dalawang araw. At kailangan niyang uminom ng mga gamot.Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Sandara ang pintuan para bumukas ito, “Veronica, okay ka lang ba?” Nang makita ni Veronica ang nakakatandang kapatid, medyo dumilat ang mga mata niya. “ Okay, lang ako ate.” sagot niya sa bagong dating na ate.“Okay lang? Paano kung malala pala yan? Tumingin si Sandara sa nakababatang kapatid at bakas sa mukha ang labis na pag-aalala rito. Ang dalawa ay namatayan ng magulang ng mga bata pa lamang sila. Mas matanda ng pitong taon si Sandara kay Veronica. Siya ang nag-alaga sa kapatid sa mahabang panahon. Magkapatid lamang sila sa ina, pero sila’ ay may higit na malalim pang ugnayan sa isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.Ayaw
Bago ang lahat, hindi makapaniwala si Veronica na magagawa siyang lolokohin ng kanyang boyfriend at ang masakit oa rito ay sa bestfriend pa niya na matagal na niyang kilala.Akala niya hindi na nangyayari ang mga ganitong pangyayari na nababasa niya lamang sa mga sinusulat ng isang magaling na manunulat. Hindi siya makapaniwala, kundi lang nangyari sa kanyang sariling buhay at naintindihan niya ang phrase na nabasa niya noon; “Art comes from life.”Tandang tanda pa nga niya ng araw na iyon na nagulat siya ng buksan ang pintuan ng school dormitory ng oras na iyon. At nang makita niya sina Luke at Lyca nang nakapulupot pa isa’t-isa. At halatang may ginawang hindi kaaya aya sa kanyang paningin.Ang kanyang matalik na kaibigan, at ang isa ay ang taong pinapahalagahan niya bukod sa kanyang ate. Pero, siya rin pala ang dahilan kung bakit siya masasaktan ng sobra sobra.“Carter?” Natahimik si Lyca nang sandali. Pero, pinasok niya ang kanyang maleta sa loob. Hindi niya gustong batiin pa ang